Add parallel Print Page Options

18 At nagpadala sa kaniya si Hiram ng mga sasakyang dagat sa pamamagitan ng kamay ng kaniyang mga bataan, at mga bataan na bihasa sa dagat; at sila'y nagsiparoon sa Ophir na kasama ng mga bataan ni Salomon, at nagsipagdala mula roon ng (A)apat na raan at limangpung talentong ginto, at dinala sa haring Salomon.

Read full chapter

Mga bayan na ibinigay kay Hiram.

10 At nangyari (A)sa katapusan ng dalawang pung taon, (B)nang si Salomon ay makapagtayo ng dalawang bahay, ng bahay ng Panginoon at ng bahay ng hari

11 (Si Hiram nga na hari sa Tiro ay nagpadala kay Salomon ng mga kahoy na sedro, at mga kahoy na abeto, at ng ginto, ayon sa buo niyang nasa,) na binigyan nga ng haring Salomon si Hiram ng dalawang pung bayan sa lupain ng Galilea.

12 At lumabas si Hiram sa Tiro upang tingnan ang mga bayan na ibinigay ni Salomon sa kaniya; at hindi niya kinalugdan.

13 At kaniyang sinabi, Anong mga bayan itong iyong ipinagbibigay sa akin, kapatid ko? At tinawag niya: lupain ng (C)Cabul, hanggang sa araw na ito.

14 At nagpadala si Hiram sa hari ng isang daan at dalawang pung talentong ginto.

15 At ito ang kadahilanan ng atang (D)na iniatang ng haring Salomon, upang itayo ang bahay ng Panginoon at ang kaniyang bahay, at ang Millo (E)at ang kuta sa Jerusalem at ang Hasor, (F)at ang Megiddo, (G)at ang (H)Gezer.

16 Si Faraong hari sa Egipto ay umahon, at sinakop ang Gezer, at sinunog ng apoy, at pinatay ang mga Cananeo (I)na nagsisitahan sa bayan, at ibinigay na pinakabahagi sa kaniyang anak na babae, na (J)asawa ni Salomon.

17 At itinayo ni Salomon ang Gezer, at ang Beth-horon sa ibaba,

18 At ang Baalath, (K)at ang Tamar sa ilang, sa lupain,

19 At ang lahat na (L)bayan na imbakan na tinatangkilik ni Salomon, at ang mga bayan sa kaniyang mga (M)karo, at ang mga bayan sa kaniyang mga mangangabayo, at yaong pinagnasaang pagtayuan ni Salomon sa kalulugdan niya sa Jerusalem, at sa Libano, at sa lahat ng lupain na kaniyang sakop.

20 Tungkol sa lahat na tao na naiwan, sa mga Amorrheo, mga Hetheo, mga Pherezeo, mga Heveo, at mga Jebuseo, na hindi sa mga anak ni Israel;

21 Sa kanilang mga anak na naiwan pagkamatay nila sa lupain, (N)na hindi nalipol na lubos ng mga anak ni Israel, ay sa kanila (O)nagtindig si Salomon ng pulutong (P)ng alipin, hanggang sa araw na ito.

22 Nguni't hinggil sa mga anak ni Israel ay walang ginawang alipin si Salomon; (Q)kundi sila'y mga lalaking mangdidigma, at kaniyang mga lingkod, at kaniyang mga prinsipe, at kaniyang mga punong kawal, at mga pinuno sa kaniyang mga karo, at sa kaniyang mga mangangabayo.

23 Ito ang mga punong kapatas na nangasa gawain ni Salomon, limangdaan at limangpu, (R)na nagsisipagpuno sa bayan na nagsisigawa sa gawain.

24 Nguni't ang (S)anak na babae ni Faraon ay umahon mula sa bayan ni David sa kaniyang bahay (T)na itinayo ni Salomon na ukol sa kaniya: saka itinayo niya ang (U)Millo.

25 At makaitlo sa (V)isang taon na naghahandog si Salomon ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan sa ibabaw ng dambana na kaniyang itinayo sa Panginoon, na pinagsusunugan niya ng kamangyan sa harap ng Panginoon. Ganoon niya niyari ang bahay.

Sasakyang dagat ni Salomon.

26 At nagpagawa ang haring Salomon ng mga sasakyang dagat sa Ezion-geber (W)na nasa siping ng Elath, sa baybayin ng Dagat na Mapula, sa lupain ng Edom.

27 At sinugo ni Hiram (X)sa mga sasakyan ang kaniyang mga bataan, mga magdadagat na bihasa sa dagat, na kasama ng mga bataan ni Salomon.

28 At sila'y nagsiparoon sa Ophir (Y)at nagsikuha mula roon ng ginto, na apat na raan at dalawang pung talento, (Z)at dinala sa haring Salomon.

Read full chapter