Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Chronological

Read the Bible in the chronological order in which its stories and events occurred.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Kawikaan 16-18

Iba't ibang palagay tungkol sa buhay at kaugalian.

16 Ang mga paghahanda ng puso ay ukol sa tao:
Nguni't ang sagot ng dila ay (A)mula sa Panginoon.
(B)Ang lahat ng mga lakad ng tao ay malinis sa harap ng kaniyang sariling mga mata:
Nguni't tinitimbang ng Panginoon ang mga diwa.
(C)Iukol mo sa Panginoon ang iyong mga gawa,
At ang iyong mga panukala ay matatatag.
Ginawa ng Panginoon ang (D)bawa't bagay na ukol sa kaniyang sariling wakas:
Oo, pati (E)ng masama na ukol sa kaarawan ng kasamaan.
Bawa't palalo sa puso ay kasuklamsuklam sa Panginoon:
Bagaman maghawakan sa kamay ay walang pagsalang parurusahan.
(F)Sa pamamagitan ng kaawaan at katotohanan ay nalilinis ang kasamaan:
At sa pamamagitan ng pagkatakot sa Panginoon ay humihiwalay ang mga tao sa kasamaan.
Pagka ang mga lakad ng tao ay nakapagpapalugod sa Panginoon,
Kaniyang tinitiwasay sa kaniya pati ng kaniyang mga kaaway.
(G)Maigi ang kaunti na may katuwiran
Kay sa malalaking pakinabang na walang kaganapan.
(H)Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad:
Nguni't ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang.
10 Banal na hatol ay nasa mga labi ng hari:
At kaniyang bibig ay hindi sasalangsang sa kahatulan.
11 (I)Ang ganap na timbangan at panimbang ay sa Panginoon:
Lahat ng timbang na supot ay kaniyang gawa.
12 Kasuklamsuklam sa mga hari na gumawa ng kasamaan:
Sapagka't ang luklukan ay natatatag (J)sa pamamagitan ng katuwiran.
13 (K)Mga matuwid na labi ay kaluguran ng mga hari;
At kanilang iniibig ang nagsasalita ng matuwid.
14 Ang poot ng hari ay gaya ng mga sugo ng kamatayan:
Nguni't papayapain ng pantas.
15 (L)Nasa liwanag ng mukha ng hari ang buhay;
(M)At ang kaniyang lingap ay parang alapaap ng huling ulan.
16 (N)Pagkaigi nga na magtamo ng karunungan kay sa ginto!
Oo, magtamo ng kaunawaan ay maigi kay sa pumili ng pilak.
17 Ang maluwang na lansangan ng matuwid ay humiwalay sa kasamaan:
Siyang nagiingat ng kaniyang lakad ay nagiingat ng kaniyang kaluluwa.
18 Ang (O)kapalaluan ay nagpapauna sa kapahamakan,
At ang mapagmataas na diwa ay sa pagkabuwal.
19 (P)Maigi ang magkaroon ng mapagpakumbabang loob na kasama ng dukha,
Kay sa bumahagi ng samsam na kasama ng palalo.
20 Siyang nagiingat sa salita ay makakasumpong ng mabuti:
(Q)At ang nananalig sa Panginoon ay mapalad.
21 Ang pantas sa puso ay tatawaging mabait:
At ang katamisan sa mga labi ay nagdaragdag ng katututuhan.
22 Ang kaunawaan ay (R)bukal ng buhay sa nagtatamo:
Nguni't ang saway ng mga mangmang ay siyang kanilang kamangmangan.
23 (S)Ang puso ng pantas ay nagtuturo sa kaniyang bibig,
At nagdaragdag ng katututuhan sa kaniyang mga labi.
24 Mga maligayang salita ay parang (T)pulot-pukyutan,
Matamis sa kaluluwa at kagalingan sa mga buto.
25 (U)May daan na tila matuwid sa tao,
Nguni't ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan.
26 Ang gana ng pagkain ng manggagawang tao ay nakagagaling sa kaniya;
Sapagka't kinasasabikan ng kaniyang bibig.
27 Ang walang kabuluhang tao ay kumakatha ng kahirapan:
At sa kaniyang mga labi ay may (V)masilakbong apoy.
28 Ang magdarayang tao ay nagkakalat ng pagtatalo:
At (W)ang mapaghatid-dumapit ay (X)naghihiwalay ng magkakaibigang matalik.
29 Ang taong marahas ay dumadaya sa kaniyang kapuwa,
At pinapatnubayan niya siya sa daang hindi mabuti.
30 Ikinikindat ang kaniyang mga mata, upang kumatha ng mga magdarayang bagay:
Siyang nangangagat labi ay nagpapangyari sa kasamaan.
31 Ang ulong may uban ay (Y)putong ng kaluwalhatian,
Masusumpungan sa daan ng katuwiran.
32 Siyang makupad sa pagkagalit (Z)ay maigi kay sa makapangyarihan;
At siyang nagpupuno sa kaniyang diwa ay maigi kay sa sumasakop ng isang bayan.
33 Ginagawa (AA)ang pagsasapalaran sa kandungan;
Nguni't ang buong pasiya niyaon ay sa Panginoon.

Iba't ibang palagay tungkol sa buhay at kaugalian.

17 Maigi ang (AB)isang tuyong subo at may katahimikan,
Kay sa bahay na may laging pistahan na may kaalitan.
Ang lingkod na gumagawang may kapantasan ay nagpupuno sa anak na nakahihiya,
At siya'y makakabahagi sa mana ng magkakapatid.
(AC)Ang dalisayan ay sa pilak, at ang hurno ay sa ginto:
Nguni't sinusubok ng Panginoon ang mga puso.
Ang manggagawa ng kasamaan ay nakikinig sa masasamang labi;
At ang sinungaling ay nakikinig sa masamang dila.
(AD)Sinomang tumutuya sa dukha ay dumudusta sa May-lalang sa kaniya:
(AE)At ang natutuwa sa kasakunaan ay walang pagsalang parurusahan.
Ang mga anak ng mga anak ay (AF)putong ng mga matatandang tao;
At ang kaluwalhatian ng mga anak ay ang kanilang mga magulang.
Ang marilag na pananalita ay hindi nagiging mabuti sa mangmang:
Lalo na ang magdarayang mga labi, sa isang pangulo.
Ang suhol ay parang mahalagang bato sa mga mata ng nagtatamo:
Saan man pumihit ay gumiginhawa.
Ang nagtatakip ng pagsalangsang ay humahanap ng pagibig:
Nguni't ang nagdadadaldal tungkol sa anoman ay naghihiwalay ng magkakaibigang matalik.
10 Ang saway ay nanasok na taimtim sa isang naguunawa,
Kay sa isang daang hampas sa mangmang.
11 Ang hinahanap lamang ng masamang tao ay panghihimagsik;
Kaya't isang mabagsik na sugo ay susuguin laban sa kaniya.
12 Masalubong ang tao ng oso na nanakawan ng kaniyang mga anak,
(AG)Maigi kay sa mangmang sa kaniyang kamangmangan.
13 (AH)Sinomang gumaganti ng kasamaan sa mabuti,
Kasamaan ay hindi hihiwalay sa kaniyang bahay.
14 Ang pasimula ng pagkakaalit ay gaya ng pagbuga ng tubig:
(AI)Kaya't iwan ninyo ang pagtatalo, bago maginit sa pagkakaalit.
15 (AJ)Siya na umaaring ganap sa masama, at siya na nagpaparusa sa matuwid,
Kapuwa sila kasuklamsuklam sa Panginoon.
16 Bakit may halaga sa kamay ng mangmang upang ibili ng karunungan,
Gayong wala siyang pagkaunawa?
17 Ang kaibigan ay umiibig (AK)sa lahat ng panahon,
At ang kapatid ay ipinanganak na ukol sa kasakunaan.
18 (AL)Ang taong walang unawa ay nakikikamay,
At nagiging mananagot sa harapan ng kaniyang kapuwa.
19 Ang umiibig sa pagsalangsang ay umiibig sa pagkakaalit:
(AM)Ang nagtataas ng kaniyang pintuan ay humahanap ng kapahamakan.
20 Siyang may magdarayang puso ay hindi nakakasumpong ng mabuti:
At (AN)siyang may suwail na dila ay nahuhulog sa karalitaan.
21 (AO)Ang nanganganak ng mangmang ay sa kaniyang kapanglawan:
At ang ama ng mangmang ay walang kagalakan.
22 (AP)Ang masayang puso ay mabuting kagamutan:
Nguni't ang bagbag na diwa ay tumutuyo ng mga buto.
23 Ang masama ay tumatanggap ng suhol mula sa (AQ)sinapupunan,
(AR)Upang ipahamak ang daan ng kahatulan.
24 Karunungan ay (AS)nasa harap ng mukha ng naguunawa:
Nguni't ang mga mata ng mangmang ay nasa mga wakas ng lupa.
25 (AT)Ang mangmang na anak ay hirap sa kaniyang ama,
At kapaitan sa nanganak sa kaniya.
26 Parusahan naman ang matuwid ay hindi mabuti,
Ni saktan man ang mahal na tao dahil sa kanilang katuwiran.
27 (AU)Siyang nagtitipid ng kaniyang mga salita ay may kaalaman:
At siyang may diwang malamig ay taong naguunawa.
28 (AV)Ang mangmang man, pagka siya'y tumatahimik, ay nabibilang na pantas:
Pagka kaniyang tinitikom ang kaniyang mga labi, ay inaari siyang mabait.

Iba't ibang palagay tungkol sa buhay at kaugalian.

18 Ang humihiwalay ay humahanap ng sarili niyang nasa,
At nakikipagtalo laban sa lahat na magaling na karunungan.
Ang mangmang ay walang kaluguran sa paguunawa,
Kundi maihayag lamang (AW)ang kaniyang puso.
Pagka ang masama ay dumarating, dumarating din naman ang paghamak,
At kasama ng kutya ang pagkaduwahagi.
Ang mga salita ng bibig ng tao ay parang malalim na tubig; Ang bukal ng karunungan ay parang umaagos na batis.
(AX)Igalang ang pagkatao ng masama ay hindi mabuti,
Ni iligaw man ang matuwid sa kahatulan.
Ang mga labi ng mangmang ay nanasok sa pagkakaalit,
At tinatawag ng kaniyang bibig ang mga hampas.
(AY)Ang bibig ng mangmang ay kaniyang kapahamakan,
At ang kaniyang mga labi ay silo ng kaniyang kaluluwa.
Ang mga salita ng mga mapaghatid-dumapit ay parang mga masarap na subo,
At nagsisibaba sa pinakaloob ng tiyan.
Siya mang walang bahala sa kaniyang gawain
Ay (AZ)kapatid siya ng maninira.
10 Ang pangalan ng Panginoon ay matibay na (BA)moog:
Tinatakbuhan ng matuwid at naliligtas.
11 (BB)Ang yaman ng mayamang tao ay ang kaniyang matibay na bayan,
At gaya ng matayog na kuta sa kaniyang sariling isip,
12 (BC)Bago ang pagkapahamak ay pagmamalaki ng puso ng tao,
At bago ang karangalan ang pagpapakumbaba.
13 Ang sumasagot (BD)bago makinig,
Ay kamangmangan at kahihiyan sa kaniya.
14 Aalalayan ng diwa ng tao ang kaniyang sakit;
Nguni't (BE)ang bagbag na diwa sinong nakapagdadala?
15 Ang puso ng mabait ay nagtatamo ng kaalaman;
At ang pakinig ng pantas ay humahanap ng kaalaman.
16 (BF)Ang kaloob ng tao ay nagbubukas ng daan sa kaniya,
At dinadala siya sa harap ng mga dakilang tao.
17 Ang nakikipaglaban ng kaniyang usap na una ay tila ganap;
Nguni't dumarating ang kaniyang kapuwa at sinisiyasat siya.
18 Ang pagsasapalaran ay nagpapatigil ng mga pagtatalo,
At naghihiwalay sa gitna ng mga makapangyarihan.
19 Ang kapatid na nasaktan sa kalooban ay mahirap mabawi kay sa matibay na bayan:
At ang gayong mga pagtatalo ay parang mga halang ng isang kastilyo.
20 Ang tiyan ng tao ay mabubusog (BG)ng bunga ng kaniyang bibig;
Sa bunga ng kaniyang mga labi ay masisiyahan siya.
21 (BH)Kamatayan at buhay ay nasa kapangyarihan ng dila;
At ang nagsisiibig sa kaniya ay magsisikain ng kaniyang bunga.
22 (BI)Sinomang lalaking nakakasumpong ng asawa ay nakasumpong ng mabuting bagay,
At nagtatamo ng lingap ng Panginoon.
23 Ang dukha ay gumagamit ng mga pamanhik:
Nguni't ang mayaman ay sumasagot (BJ)na may kagilasan.
24 Ang nagpaparami ng mga kaibigan ay sa kaniyang sariling kapahamakan:
Nguni't may kaibigan na mahigit kay sa isang kapatid.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978