Beginning
Mga Salinlahi mula kay Adan(A)
1 Sina Adan, Set, Enos,
2 Kenan, Mahalalel, Jared,
3 Enoc, Matusalem, Lamec,
4 Noe, Sem, Ham, at Jafet.
5 Ang mga anak ni Jafet ay sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Meshec, at Tiras.
6 Ang mga anak ni Gomer ay sina Askenaz, Rifat, at Togarma.
7 Ang mga anak ni Javan ay sina Elisha, Tarsis, Kittim, at Rodanim.[a]
8 Ang mga anak ni Ham ay sina Cus, Mizraim,[b] Put, at Canaan.
9 Ang mga anak ni Cus ay sina Seba, Havila, Sabta, Raama, at Sabteca. Ito ang mga anak ni Raama: sina Seba, at Dedan.
10 Si Cus ang ama ni Nimrod na siyang unang naging makapangyarihan sa daigdig.
11 Si Mizraim[c] ang ama ng Ludim, Anamim, Lehabim, Naftuhim,
12 Patrusim, Casluim (na pinanggalingan ng mga Filisteo), at ng Caftorim.
13 Si Canaan ang ama ni Sidon, na kanyang panganay, at ni Het,
14 at ng mga Jebuseo, mga Amoreo, mga Gergeseo,
15 ng mga Heveo, mga Araceo, mga Sineo,
16 ng mga taga-Arvad, mga Zemareo, at ng mga Hamateo.
17 Ang mga anak ni Sem ay sina Elam, Ashur, Arfaxad, Lud, Aram, Uz, Hul, Geter, at si Meshec.[d]
18 Si Arfaxad ang ama ni Shela, si Shela ang ama ni Eber.
19 At si Eber ay nagkaroon ng dalawang anak na lalaki: ang pangalan ng isa'y Peleg, sapagkat sa kanyang mga araw ay nahati ang lupa; at ang pangalan ng kanyang kapatid ay Joktan.
20 At naging anak ni Joktan sina Almodad, Shelef, Hazar-mavet, Jerah,
21 Hadoram, Uzal, Dicla;
22 Ebal, Abimael, Sheba;
23 Ofir, Havila, at Jobab. Lahat ng ito'y mga anak ni Joktan.
24 Si Sem, Arfaxad, Shela;
25 si Eber, Peleg, Reu;
26 si Serug, Nahor, Terah;
27 si Abram, na siyang Abraham.
28 Ang mga anak ni Abraham ay sina Isaac at Ismael.
29 Ito ang kanilang mga salinlahi: ang panganay ni Ismael, si Nebayot; at si Kedar, Adbeel, at Mibsam,
30 sina Misma, Duma, Massa; Hadad, at Tema,
31 sina Jetur, Nafis, at Kedema. Ito ang mga anak na lalaki ni Ismael.
32 At ang mga anak ni Ketura, na asawang-lingkod ni Abraham: kanyang ipinanganak sina Zimram, Jokshan, Medan, Midian, Isbak, at Shuah. At ang mga anak ni Jokshan ay sina Seba, at Dedan.
33 Ang mga anak na lalaki ni Midian ay sina Efa, Efer, Hanoc, Abida, at Eldaa. Lahat ng ito'y mga anak ni Ketura.
34 At naging anak ni Abraham si Isaac. Ang mga anak ni Isaac ay sina Esau at Israel.
35 Ang mga anak ni Esau ay sina Elifas, Reuel, Jeus, Jalam, at Kora.
36 Ang mga anak ni Elifas ay sina Teman, Omar, Sefi, Gatam, Kenaz, Timna, at Amalek.
37 Ang mga anak ni Reuel ay sina Nahat, Zera, Shammah, at Mizza.
Ang mga Anak ni Seir(B)
38 Ang mga anak ni Seir ay sina Lotan, Sobal, Zibeon, Ana, Dishon, Eser, at Disan.
39 Ang mga anak ni Lotan ay sina Hori at Homam. Si Timna ay kapatid na babae ni Lotan.
40 Ang mga anak ni Sobal ay sina Alian, Manahat, Ebal, Sefi at Onam. Ang mga anak ni Zibeon ay sina Aya at Ana.
41 Ang mga anak ni Ana ay sina Dishon. At ang mga anak ni Dishon ay sina Hamran, Esban, Itran at Cheran.
42 Ang mga anak ni Eser ay sina Bilhan, Zaavan, at Jaakan.[e] Ang mga anak ni Disan ay sina Uz at Aran.
Ang mga Naghari sa Edom(C)
43 Ang mga ito ang mga hari na naghari sa lupain ng Edom bago naghari ang sinumang hari sa mga anak ni Israel: si Bela na anak ni Beor at ang pangalan ng kanyang lunsod ay Dinhaba.
44 Nang mamatay si Bela, si Jobab na anak ni Zera na taga-Bosra ang nagharing kapalit niya.
45 Nang mamatay si Jobab, si Husam sa lupain ng mga Temanita ang nagharing kapalit niya.
46 Nang mamatay si Husam, si Hadad na anak ni Bedad na tumalo kay Midian sa parang ng Moab, ang nagharing kapalit niya. Ang pangalan ng kanyang lunsod ay Avith.
47 Nang mamatay si Hadad, si Samla na taga-Masreca ang nagharing kapalit niya.
48 Nang mamatay si Samla, si Shaul na taga-Rehobot sa tabi ng Ilog[f] ang nagharing kapalit niya.
49 Nang mamatay si Shaul, si Baal-hanan na anak ni Acbor ang nagharing kapalit niya.
50 Nang mamatay si Baal-hanan, si Hadad ang nagharing kapalit niya; at ang pangalan ng kanyang lunsod ay Pai. Ang pangalan ng kanyang asawa ay Mehetabel, na anak na babae ni Matred, na anak na babae ni Mezaab.
51 At namatay si Adad. Ang mga pinuno ng Edom ay sina Timna, Alia,[g] Jetet;
52 Oholibama, Ela, Pinon;
53 Kenaz, Teman, Mibzar;
54 Magdiel, at Iram. Ito ang mga pinuno ng Edom.
Ang mga Anak ni Israel
2 Ito ang mga anak ni Israel: sina Ruben, Simeon, Levi, Juda, Isacar, Zebulon;
2 Dan, Jose, Benjamin, Neftali, Gad at Aser.
3 Ang mga anak ni Juda ay sina Er, Onan, at Shela na ang tatlong ito ay isinilang sa kanya ni Batsua na Cananea. Si Er, na panganay ni Juda, ay masama sa paningin ng Panginoon; at pinatay niya ito.
4 At ipinanganak sa kanya ni Tamar na kanyang manugang na babae si Perez at si Zera. Lima lahat ang anak na lalaki ni Juda.
5 Ang mga anak na lalaki ni Perez ay sina Hesron at Hamul.
6 Ang mga anak na lalaki ni Zera ay sina Zimri, Etan, Heman, Calcol, at Dara;[h] lima silang lahat.
7 Ang(D) mga anak na lalaki ni Carmi ay sina Acar, ang nanggulo sa Israel, na lumabag tungkol sa itinalagang bagay.
8 Ang anak ni Etan ay si Azarias.
9 Ang mga anak naman ni Hesron, na isinilang sa kanya ay sina Jerameel, Ram, at Celubai.
10 Naging anak ni Ram si Aminadab; at naging anak ni Aminadab si Naashon, na pinuno ng mga anak ni Juda;
11 naging anak ni Naashon si Salma, at naging anak ni Salma si Boaz;
12 naging anak ni Boaz si Obed, at naging anak ni Obed si Jesse;
13 naging anak ni Jesse ang kanyang panganay na si Eliab, si Abinadab ang ikalawa, si Shimea ang ikatlo;
14 si Natanael ang ikaapat, si Radai ang ikalima;
15 si Osem ang ikaanim, si David ang ikapito.
16 At ang kanilang mga kapatid na babae ay sina Zeruia at Abigail. Ang mga naging anak ni Zeruia ay sina Abisai, Joab, at Asahel, tatlo.
17 Ipinanganak ni Abigail si Amasa; at ang ama ni Amasa ay si Jeter na Ismaelita.
18 At nagkaanak si Caleb na anak ni Hesron kay Azuba na asawa niya, at kay Jerioth. Ang mga ito ang kanyang mga anak: sina Jeser, Sobad, at Ardon.
19 Nang mamatay si Azuba, nag-asawa si Caleb kay Efrata, na siyang nagsilang kay Hur sa kanya.
20 Naging anak ni Hur si Uri, at naging anak ni Uri si Bezaleel.
21 Pagkatapos ay sumiping si Hesron sa anak na babae ni Makir na ama ni Gilead, na siya niyang naging asawa nang siya'y may animnapung taong gulang; at ipinanganak niya si Segub sa kanya.
22 Naging anak ni Segub si Jair, na nagkaroon ng dalawampu't tatlong lunsod sa lupain ng Gilead.
23 Ngunit sinakop ni Geshur at ni Aram ang mga bayan ni Jair sa kanila, pati ang Kenat, at ang mga nayon niyon, samakatuwid baga'y animnapung lunsod. Lahat ng ito'y mga anak ni Makir na ama ni Gilead.
24 At pagkamatay ni Hesron sa Caleb-efrata ay ipinanganak ni Abias na asawa ni Hesron si Ashur na ama ni Tekoa.
Ang mga Anak nina Juda, Jerameel, Caleb at David
25 Ang mga anak ni Jerameel na panganay ni Hesron ay si Ram, ang panganay, at sina Buna, Orem, Osem, at Ahias.
26 Si Jerameel ay may iba pang asawa na ang pangalan ay Atara; siya ang ina ni Onam.
27 Ang mga anak ni Ram na panganay ni Jerameel ay sina Maas, Jamin, at Eker.
28 Ang mga anak ni Onam ay sina Shammai, at Jada. Ang mga anak ni Shammai ay sina Nadab, at Abisur.
29 Ang pangalan ng asawa ni Abisur ay Abihail; at ipinanganak niya sa kanya sina Aban, at Molid.
30 Ang mga anak ni Nadab ay sina Seled, at Afaim. Ngunit si Seled ay namatay na walang anak.
31 Ang anak[i] ni Afaim ay si Ishi. At ang anak[j] ni Ishi ay si Sesan. Ang anak[k] ni Sesan ay si Alai.
32 Ang mga anak ni Jada, na kapatid ni Shammai ay sina Jeter at Jonathan. Si Jeter ay namatay na walang anak.
33 Ang mga anak ni Jonathan ay sina Pelet, at Zaza. Ito ang mga anak ni Jerameel.
34 Si Sesan ay hindi nagkaanak ng mga lalaki, kundi mga babae. Si Sesan ay may isang alipin na taga-Ehipto, na ang pangalan ay Jarha.
35 At pinapag-asawa ni Sesan ang kanyang anak na babae kay Jarha na kanyang alipin at naging anak nila ni Jarha si Attai.
36 Si Attai ang ama ni Natan, at naging anak ni Natan si Zabad;
37 si Zabad ang ama ni Eflal, at naging anak ni Eflal si Obed.
38 Si Obed ang ama ni Jehu, at naging anak ni Jehu si Azarias.
39 Si Azarias ang ama ni Heles, at naging anak ni Heles si Elesa.
40 Si Elesa ang ama ni Sismai, at naging anak ni Sismai si Shallum.
41 Si Shallum ang ama ni Jekamias, at naging anak ni Jekamias si Elisama.
42 Ang mga anak ni Caleb na kapatid ni Jerameel ay si Mesha na kanyang panganay, na siyang ama ni Zif. Ang kanyang anak ay si Maresha[l] na ama ni Hebron.[m]
43 Ang mga anak ni Hebron ay sina Kora, Tapua, Rekem, at Shema.
44 Si Shema ang ama ni Raham, na ama ni Jokneam; at naging anak ni Rekem si Shammai.
45 Ang anak ni Shammai ay si Maon; at si Maon ay ama ni Bet-zur.
46 At ipinanganak ni Efa, na asawang-lingkod ni Caleb, sina Haran, Mosa, at Gazez; at naging anak ni Haran si Gazez.
47 Ang mga anak ni Joddai ay sina Regem, Jotam, Gesan, Pelet, Efa, at Saaf.
48 Ipinanganak ni Maaca, na asawang-lingkod ni Caleb, sina Sebet, at Tirana.
49 Ipinanganak din niya si Saaf na ama ni Madmana, si Seva na ama ni Macbena, at ang ama ni Gibea; at ang anak na babae ni Caleb ay si Acsa.
50 Ito ang mga naging anak ni Caleb, na anak ni Hur, na panganay ni Efrata: si Sobal na ama ni Kiryat-jearim;
51 si Salma na ama ni Bethlehem, si Haref na ama ni Betgader.
52 At si Sobal na ama ni Kiryat-jearim ay nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki: si Haroe, na kalahati ng mga Menuhot.
53 At ang mga angkan ni Kiryat-jearim: ang mga Itreo, mga Futeo, at ang mga Sumateo, at ang mga Misraiteo; mula sa kanila ang mga Soratita at mga Estaolita.
54 Ang mga anak ni Salma: ang Bethlehem, ang mga Netofatita, ang Atrot-betjoab, at ang kalahati ng mga Manahetita, ang mga Soraita.
55 At ang mga angkan ng mga eskriba na naninirahan sa Jabez: ang mga Tirateo, mga Shimateo, at ang mga Sucateo. Ito ang mga Kineo na nagmula kay Hamat na ama ng sambahayan ni Recab.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001