Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Beginning

Read the Bible from start to finish, from Genesis to Revelation.
Duration: 365 days
Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
1 Cronica 3-5

Ang Angkan ni David

Ito ang mga anak ni David na ipinanganak sa kanya sa Hebron: ang panganay ay si Amnon, kay Ahinoam na Jezreelita; ang ikalawa'y si Daniel, kay Abigail na Carmelita;

ang ikatlo'y si Absalom, na ang ina ay si Maaca na anak na babae ni Talmai, na hari sa Geshur; ang ikaapat ay si Adonias na ang ina ay si Hagit;

ang ikalima'y si Shefatias, kay Abithal; ang ikaanim ay si Itream, kay Egla na asawa niya.

Anim(A) ang ipinanganak sa kanya sa Hebron; at naghari siya doon ng pitong taon at anim na buwan. Sa Jerusalem ay naghari siya ng tatlumpu't tatlong taon.

Ito(B) ang mga ipinanganak sa kanya sa Jerusalem: sina Shimea, Sobab, Natan, at Solomon, apat kay Batsua na anak na babae ni Amiel;

at sina Ibhar, Elisama, Elifelet;

Noga, Nefeg, Jafia;

Elisama, Eliada, at Elifelet, siyam.

Lahat ng ito'y mga anak ni David, bukod pa ang mga anak ng mga asawang-lingkod; at si Tamar ay kanilang kapatid na babae.

10 Ang anak ni Solomon ay si Rehoboam, si Abias na kanyang anak, si Asa na kanyang anak, si Jehoshafat na kanyang anak;

11 si Joram na kanyang anak, si Ahazias na kanyang anak, si Joas na kanyang anak;

12 si Amasias na kanyang anak, si Azarias na kanyang anak, si Jotam na kanyang anak;

13 si Ahaz na kanyang anak, si Hezekias na kanyang anak, si Manases na kanyang anak;

14 si Amon na kanyang anak, si Josias na kanyang anak.

15 Ang mga anak ni Josias: ang panganay ay si Johanan, ang ikalawa'y si Jehoiakim, ang ikatlo'y si Zedekias, ang ikaapat ay si Shallum.

16 Ang mga anak ni Jehoiakim: si Jeconias na kanyang anak, si Zedekias na kanyang anak.

17 Ang mga anak ni Jeconias, na bihag: sina Shealtiel na kanyang anak,

18 Malchiram, Pedaya, Shenassar, Jekamias, Hosama, at Nedabia.

19 Ang mga anak ni Pedaya: sina Zerubabel, at Shimei. Ang mga anak ni Zerubabel ay sina Mesulam, Hananias, at si Shelomit na kanilang kapatid na babae;

20 at sina Hasuba, Ohel, Berequias, Hasadia, at Jusabhesed, lima.

21 Ang mga anak ni Hananias ay sina Pelatias, at Jeshaias; ang mga anak ni Refaias, ang mga anak ni Arnan, ang mga anak ni Obadias, ang mga anak ni Shecanias.

22 Ang anak ni Shecanias ay si Shemaya; at ang mga anak ni Shemaya ay sina Hatus, Igal, Bariaas, Nearias, at Shafat, anim.

23 Ang mga anak ni Nearias ay sina Elioenai, Hizkias, at Azricam, tatlo.

24 Ang mga anak ni Elioenai ay sina Hodavias, Eliasib, Pelaias, Akub, Johanan, Delaias, at Anani, pito.

Ang mga Anak ni Juda

Ang mga anak ni Juda ay sina Perez, Hesron, Carmi, Hur, at Sobal.

At naging anak ni Reaya na anak ni Sobal si Jahat. Naging anak ni Jahat sina Ahumai at Laad. Ito ang mga angkan ng mga Soratita.

Si Etam ang ama ng mga ito: sina Jezreel, Isma, at Idbas, at ang pangalan ng kanilang kapatid na babae ay Haslelponi;

at si Penuel na ama ni Gedor, at si Eser na ama ni Husa. Ito ang mga anak ni Hur, na panganay ng Efrata, na ama ng Bethlehem.

Si Ashur na ama ni Tekoa ay nag-asawa ng dalawa: sina Hela at Naara.

At ipinanganak sa kanya ni Naara sina Ahuzam, Hefer, Themeni, at Ahastari. Ito ang mga anak ni Naara.

Ang mga anak ni Hela ay sina Zeret, Izar at Ethnan.

Naging anak ni Koz sina Anob, at Zobeba; at ang mga angkan ni Aharhel na anak ni Harum.

Si Jabez ay higit na kagalang-galang kaysa kanyang mga kapatid; at tinawag ng kanyang ina ang kanyang pangalan na Jabez,[a] na sinasabi, “Sapagkat ipinanganak ko siya nang may kahirapan.”

10 At si Jabez ay dumalangin sa Diyos ng Israel, na nagsasabi, “O ako nawa'y iyong pagpalain, at palawakin ang aking nasasakupan na ang iyong kamay ay sumaakin, at ingatan mo ako sa kasamaan, upang huwag akong maghirap!” At ipinagkaloob ng Diyos sa kanya ang kanyang hiniling.

11 Naging anak ni Kelub na kapatid ni Sua si Macir, na siyang ama ni Eston.

12 At naging anak ni Eston sina Betrafa, Pasea, Tehina, na ama ni Irnahas. Ito ang mga lalaki ng Reca.

13 At ang mga anak ni Kenaz: sina Otniel at Seraya; at ang anak ni Otniel ay si Hatat.

14 Naging anak ni Meonathi si Ofra; naging anak ni Seraya si Joab, na ama ng Geharasim;[b] sapagkat sila'y mga manggagawa.

15 Ang mga anak ni Caleb na anak ni Jefone ay sina Iru, Ela, at Naham; at ang anak[c] ni Ela ay si Kenaz.

16 Ang mga anak ni Jehalelel ay sina Zif, Zifa, Tirias, at Asarel.

17 Ang mga anak ni Ezra ay sina Jeter, Mered, Efer, at Jalon; at ipinanganak niya sina Miriam, Shammai, at Isba, na ama ni Estemoa.

18 At ipinanganak ng kanyang asawang Judio si Jered, na ama ni Gedor, at si Eber na ama ni Soco, at si Jekutiel na ama ni Zanoa. At ito ang mga anak ni Bethia na anak na babae ni Faraon, na naging asawa ni Mered.

19 Ang mga anak ng asawa ni Hodias, na kapatid na babae ni Naham, ay ang ama ni Keila na Garmita, at ni Estemoa na Maacatita.

20 Ang mga anak ni Simon ay sina Amnon, Rina, Benhanan, at Tilon. At ang mga anak ni Ishi ay sina Zohet, at Benzohet.

21 Ang mga anak ni Shela na anak ni Juda ay sina Er na ama ni Lecha, at si Laada na ama ni Maresha, at ang mga angkan ng sambahayan ng nagsisigawa ng pinong lino sa Bet-asbea;

22 at si Jokim, at ang mga lalaki ng Cozeba, at si Joas, si Saraf, na siyang nagpasuko sa Moab, at si Jasubilehem. Ang mga talaan nga ay luma na.

23 Ang mga ito'y mga magpapalayok at mga taga-Netaim at Gedera. Doo'y naninirahan sila na kasama ng hari para sa kanyang gawain.

Ang mga Anak ni Simeon

24 Ang mga anak ni Simeon ay sina Nemuel, Jamin, Jarib, Zera, Shaul;

25 si Shallum na kanyang anak, si Mibsam na kanyang anak, si Misma na kanyang anak.

26 Ang mga anak ni Misma ay si Hamuel na kanyang anak, si Zacur na kanyang anak, si Shimei na kanyang anak.

27 At si Shimei ay nagkaanak ng labing-anim na lalaki at anim na babae; ngunit ang kanyang mga kapatid ay hindi nagkaanak ng marami, o dumami man ang buong angkan nila na gaya ng mga anak ni Juda.

28 At(C) sila'y nanirahan sa Beer-seba, sa Molada, sa Hazar-shual;

29 sa Bilha, Ezem, Tolad;

30 sa Betuel, Horma, Siclag;

31 sa Bet-marcabot, Hazar-susim, Bet-beri, at sa Saaraim. Ito ang kanilang mga bayan hanggang sa maghari si David.

32 Ang mga nayon ng mga ito ay Etam, Ain, Rimon, Tocen, at Asan; limang bayan.

33 Ang lahat ng kanilang mga nayon ay nasa palibot ng mga bayang iyon, hanggang sa Baal. Ang mga ito ang naging kanilang mga tahanan, at sila'y mayroong talaan ng kanilang lahi.

34 Sina Mesobab, Jamlec, at si Josha na anak ni Amasias;

35 si Joel, at si Jehu na anak ni Josibias, na anak ni Seraya, na anak ni Aziel;

36 sina Elioenai, Jaacoba, Jesohaia, Asaya, Adiel, Jesimiel, at si Benaya;

37 at si Ziza na anak ni Sifi, na anak ni Allon, na anak ni Jedias, na anak ni Simri, na anak ni Shemaya.

38 Ang mga nabanggit na ito sa pangalan ay mga pinuno sa kanilang mga angkan, at ang mga sambahayan ng kanilang mga magulang ay nadagdagan ng marami.

39 Sila'y nagtungo sa pasukan ng Gedor, hanggang sa dakong silangan ng libis, upang ihanap ng pastulan ang kanilang mga kawan.

40 Sila'y nakatagpo roon ng mabuting pastulan. Ang lupain ay maluwang, tahimik, at payapa, sapagkat ang mga unang nanirahan doon ay nagmula kay Ham.

41 Ang mga nakatalang ito sa pangalan ay dumating sa mga araw ni Hezekias na hari ng Juda, at winasak ang kanilang mga tolda, at ang mga Meunim na natagpuan doon, at nilipol na lubos, hanggang sa araw na ito, at sila'y nanirahang kapalit nila; sapagkat may pastulan doon para sa kanilang mga kawan.

42 At ang iba sa kanila, ang limang daang lalaki sa mga anak ni Simeon, ay pumunta sa bundok ng Seir, ang kanilang mga pinuno ay sina Pelatias, Nearias, Refaias, at si Uziel, na mga anak ni Ishi.

43 Kanilang pinuksa ang nalabi sa mga Amalekita na nakatakas, at nanirahan sila roon hanggang sa araw na ito.

Ang mga Anak ni Ruben

Ang(D) mga anak ni Ruben na panganay ni Israel (sapagkat siya ang panganay; ngunit dahil kanyang dinungisan ang higaan ng kanyang ama, ang kanyang karapatan ng pagkapanganay ay ibinigay sa mga anak ni Jose na anak ni Israel; kaya't siya'y hindi nakatala sa talaan ng lahi ayon sa pagkapanganay;

bagaman(E) si Juda'y naging malakas sa gitna ng kanyang mga kapatid, at sa kanya nanggaling ang pinuno ngunit ang karapatan ng pagkapanganay ay ibinigay kay Jose.)

Ang mga anak ni Ruben na panganay ni Israel ay sina Hanoc, Fallu, Hesron, at Carmi.

Ang mga anak ni Joel ay sina Shemaya na kanyang anak, si Gog na kanyang anak, si Shimei na kanyang anak,

si Micaias na kanyang anak, si Reaya na kanyang anak, si Baal na kanyang anak,

si(F) Beerah na kanyang anak, na dinalang-bihag ni Tilgat-pilneser na hari sa Asiria; siya'y pinuno ng mga Rubenita.

At ang kanyang mga kapatid ayon sa kanilang mga angkan nang bilangin sa talaan ng kanilang mga lahi; ang pinuno'y si Jeiel, at si Zacarias,

si Bela na anak ni Azaz, na anak ni Shema, na anak ni Joel, na naninirahan sa Aroer, hanggang sa Nebo at Baal-meon.

Siya ay nanirahan din sa dakong silangan hanggang sa pasukan sa disyerto na mula sa ilog Eufrates, sapagkat ang kanilang mga hayop ay dumami sa lupain ng Gilead.

10 At sa mga araw ni Saul ay nakipagdigma sila sa mga Hagrita, na nahulog sa kanilang kamay. Sila'y nanirahan sa kanilang mga tolda sa buong lupain sa silangan ng Gilead.

Ang mga Anak ni Gad

11 Ang mga anak ni Gad ay nanirahan sa tapat nila sa lupain ng Basan hanggang sa Saleca:

12 si Joel na pinuno, si Shafan ang ikalawa, si Janai, at si Shafat sa Basan.

13 At ang kanilang mga kapatid ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga magulang: sina Micael, Mesulam, Seba, Jorai, Jachan, Zia, at Eber, pito.

14 Ang mga ito ang mga anak ni Abihail na anak ni Huri, na anak ni Jaroa, na anak ni Gilead, na anak ni Micael, na anak ni Jesiai, na anak ni Jaddo, na anak ni Buz;

15 si Ahi na anak ni Abdiel, na anak ni Guni, na pinuno sa mga sambahayan ng kanilang mga magulang.

16 Sila'y nanirahan sa Gilead sa Basan, at sa kanyang mga bayan, at sa lahat ng palibot ng Sharon, na kasinlayo ng kanilang mga hangganan.

17 Ang lahat ng mga ito'y napatala sa pamamagitan ng mga talaan ng lahi sa mga araw ni Jotam na hari ng Juda, at sa mga araw ni Jeroboam na hari ng Israel.

Ang mga Digmaan ng mga Lipi na Nasa Jordan

18 Ang mga anak ni Ruben, ang mga Gadita, at ang kalahating lipi ni Manases ay may matatapang na lalaki na nagdala ng kalasag at tabak, namamana ng palaso, at bihasa sa pakikipagdigma. Sila ay apatnapu't apat na libo, pitong daan at animnapu na handa sa pakikipagdigma.

19 Sila'y nakipagdigma sa mga Hagrita, kina Jetur, Nafis, at Nodab.

20 Nang sila'y makatanggap ng tulong laban sa kanila, ang mga Hagrita at ang lahat sa kasama nila ay ibinigay sa kanilang kamay sapagkat sila'y nanalangin sa Diyos sa pakikipaglaban. At kanyang ipinagkaloob sa kanila ang kanilang hiling sapagkat sila'y nagtiwala sa kanya.

21 Kanilang dinala ang kanilang mga hayop: ang limampung libo sa kanilang mga kamelyo, dalawandaan at limampung libong mga tupa, dalawang libong mga asno, at isandaang libong bihag.

22 Maraming bumagsak at napatay sapagkat ang pakikipaglaban ay sa Diyos. At sila'y nanirahan sa kanilang lugar hanggang sa pagkabihag.

Ang mga Anak ng Kalahating Lipi ni Manases

23 Ang mga anak ng kalahating lipi ni Manases ay nanirahan sa lupain. Sila'y napakarami mula sa Basan hanggang sa Baal-hermon, Senir at sa Bundok ng Hermon.

24 Ang mga ito ang mga puno ng mga sambahayan ng kanilang mga magulang: sina Efer, Ishi, Eliel, Azriel, Jeremias, Hodavias, at Jadiel, matatapang na mandirigma, mga bantog na lalaki, na mga puno sa mga sambahayan ng kanilang mga magulang.

25 Ngunit sila'y sumuway sa Diyos ng kanilang mga ninuno, at bumaling sa mga diyos ng mga bayan ng lupain na nilipol ng Diyos sa harap nila.

26 Kaya't(G) inudyukan ng Diyos ng Israel ang diwa ni Pul na hari ng Asiria at ang diwa ni Tilgat-pilneser na hari ng Asiria, at kanilang dinalang-bihag ang mga Rubenita, ang mga Gadita, at ang kalahati ng lipi ni Manases. Dinala ang mga ito hanggang sa Hala, sa Habor, sa Hara, at sa ilog ng Gozan, hanggang sa araw na ito.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001