Beginning
Ang mga Anak ni Isacar
7 Ang mga anak ni Isacar: sina Tola, Pua, Jasub, at Simron, apat.
2 Ang mga anak ni Tola: sina Uzi, Refaias, Jeriel, Jamai, Jibsam, at Samuel, mga puno sa mga sambahayan ng kanilang mga magulang, sa sambahayan ni Tola; matatapang na mandirigma sa kanilang salinlahi: ang kanilang bilang sa mga araw ni David ay dalawampu't dalawang libo at animnaraan.
3 Ang mga anak ni Uzi: si Izrahias, at ang mga anak ni Izrahias: sina Micael, Obadias, Joel, at Ishias, lima. Silang lahat ay mga pinuno.
4 At kasama nila ayon sa kanilang mga lahi, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga magulang, ay mga pulutong ng hukbo sa pakikipagdigma na binubuo ng tatlumpu't anim na libong katao, sapagkat sila'y nagkaroon ng maraming asawa at mga anak.
5 Ang kanilang mga kapatid na kabilang sa lahat ng angkan ni Isacar ay walumpu't pitong libong magigiting na mandirigma na itinala ayon sa talaan ng salinlahi.
Ang mga Anak ni Benjamin
6 Ang tatlong anak ni Benjamin ay sina Bela, Beker, at Jediael.
7 Ang mga anak ni Bela: sina Ezbon, Uzi, Uziel, Jerimot, at Iri, lima; mga puno sa mga sambahayan ng mga magulang; at sila'y binilang ayon sa talaan ng lahi, dalawampu't dalawang libo at tatlumpu't apat na matatapang na mandirigma.
8 Ang mga anak ni Beker: sina Zemira, Joas, Eliezer, Elioenai, Omri, Jerimot, Abias, Anatot, at Alemet. Lahat ng ito'y mga anak ni Beker.
9 Ang kanilang bilang ayon sa talaan ng angkan, ayon sa kanilang lahi, na mga puno sa mga sambahayan ng kanilang mga magulang ay dalawampung libo at dalawandaang matatapang na mandirigma.
10 Ang mga ito ang mga anak ni Jediael: si Bilhan; at ang mga anak ni Bilhan ay sina Jeus, Benjamin, Ehud, Canaana, Zethan, Tarsis, at Ahisahar.
11 Lahat ng ito'y mga anak ni Jediael, ayon sa mga puno ng mga sambahayan ng kanilang mga magulang, labimpitong libo at dalawandaang matatapang na mandirigma at handa upang maglingkod sa digmaan.
12 Sina Supim at Hupim ay mga anak ni Hir, si Husim na anak ni Aher.
Ang mga Anak ni Neftali
13 Ang mga anak ni Neftali: sina Jaziel, Guni, Jeser, at Shallum, na mga anak ni Bilha.
Ang mga Anak ni Manases
14 Ang mga anak ni Manases: si Asriel, na siyang ipinanganak ng kanyang asawang-lingkod na Arameo; ipinanganak niya si Makir na ama ni Gilead.
15 At si Makir ay kumuha ng asawa para kina Hupim at kay Supim. Ang pangalan ng kanilang kapatid na babae ay Maaca. Ang pangalan ng ikalawa ay Zelofehad, at si Zelofehad ay nagkaanak ng mga babae.
16 At si Maaca na asawa ni Makir ay nanganak ng isang lalaki, at tinawag niya ang kanyang pangalan na Peres; at ang pangalan ng kanyang kapatid ay Seres; at ang kanyang mga anak ay sina Ulam at Rekem.
17 Ang anak[a] ni Ulam: si Bedan. Ito ang mga anak ni Gilead na anak ni Makir, na anak ni Manases.
18 At ipinanganak ng kanyang kapatid na babae sina Molec, Ichod, Abiezer, at Mahla.
19 At ang mga anak ni Semida ay sina Ahian, Shekem, Licci, at Aniam.
Ang mga Anak ni Efraim
20 Ang mga anak ni Efraim: si Shutela, at si Bered na kanyang anak, si Tahat na kanyang anak, at si Elada na kanyang anak, at si Tahat na kanyang anak,
21 si Zabad na kanyang anak, si Shutela na kanyang anak, sina Eser at Elad na pinatay ng mga lalaking ipinanganak sa lupain ng Gat, sapagkat sila'y nagsilusong upang nakawin ang kanilang mga hayop.
22 Si Efraim na kanilang ama ay nagluksa nang maraming araw, at ang kanyang mga kapatid ay pumunta upang aliwin siya.
23 Si Efraim[b] ay sumiping sa kanyang asawa; at ito'y naglihi at nagkaanak ng isang lalaki, at tinawag niya ang kanyang pangalan na Beriah, sapagkat ang kasamaan ay dumating sa kanyang bahay.
24 Ang kanyang anak na babae ay si Seera, na siyang nagtayo ng Bet-horon sa ibaba at sa itaas, at ng Uzzenseera.
25 Naging anak niya sina Refa, Resef, at Tela na kanyang anak, at si Tahan na kanyang anak;
26 si Ladan na kanyang anak, si Amihud na kanyang anak, si Elisama na kanyang anak;
27 si Nun na kanyang anak, at si Josue na kanyang anak.
28 Ang kanilang mga ari-arian at mga tahanan ay ang Bethel at ang mga bayan niyon, ang dakong silangan ng Naaran, ang dakong kanluran ng Gezer pati ng mga nayon niyon; ang Shekem at ang mga bayan niyon, hanggang sa Asa at ang mga nayon niyon;
29 at sa mga hangganan ng mga anak ni Manases, ang Bet-shan at ang mga bayan niyon, ang Taanac at ang mga bayan niyon, ang Megido at ang mga bayan niyon, ang Dor at ang mga bayan niyon. Dito nanirahan ang mga anak ni Jose na anak ni Israel.
Ang mga Anak ni Aser
30 Ang mga anak ni Aser: sina Imna, Isva, Isui, Beriah, at Sera na kanilang kapatid na babae.
31 At ang mga anak ni Beriah: sina Eber, at Malkiel na siyang ama ni Birzabit.
32 At naging anak ni Eber: sina Jaflet, Somer, Hotam, at si Shua na kanilang kapatid na babae.
33 At ang mga anak ni Jaflet: sina Pasac, Bimhal, at Asvat. Ang mga ito ang mga anak ni Jaflet.
34 Ang mga anak ni Semer: sina Ahi, Roga, Jehuba, at Aram.
35 At ang mga anak ni Helem na kanyang kapatid: sina Zofa, Imna, Selles, at Amal.
36 Ang mga anak ni Zofa: sina Suah, Harnafer, Sual, Beri, Imra,
37 Bezer, Hod, Shamna, Silsa, Itran, at Bearah.
38 At ang mga anak ni Jeter: sina Jefone, Pispa, at Ara.
39 At ang mga anak ni Ulla: sina Arah, Haniel, at Resia.
40 Ang lahat ng ito ay mga anak ni Aser, mga puno sa mga sambahayan ng mga magulang, mga pili at matatapang na mandirigma, mga puno ng mga pinuno. Ang bilang nila ayon sa talaan ng salinlahi para sa paglilingkod sa digmaan ay dalawampu't anim na libong lalaki.
Ang mga Anak ni Benjamin
8 Si Benjamin ay naging ama ni Bela na kanyang panganay, si Asbel ang ikalawa, at si Ahara ang ikatlo;
2 si Noha ang ikaapat, at si Rafah ang ikalima.
3 Ang mga naging anak ni Bela: sina Adar, Gera, Abihud;
4 Abisua, Naaman, Ahoa,
5 Gera, Sephuphim, at Huram.
6 Ito ang mga anak ni Ehud (ang mga ito ang mga puno sa mga sambahayan ng mga magulang ng mga taga-Geba, at sila'y kanilang dinalang-bihag sa Manahat):
7 sina Naaman, Akias, at Gera, iyon ay si Heglam, nina Uza at Ahihud.
8 Si Saharaim ay nagkaroon ng mga anak sa lupain ng Moab, pagkatapos na kanyang paalisin ang kanyang mga asawa na sina Husim at Baara.
9 Naging anak nila ni Hodes sina Jobab, Sibias, Mesha, Malcham,
10 Jeuz, Sochias, at Mirma. Ang mga ito ang kanyang mga anak na mga puno sa mga sambahayan ng mga magulang.
11 Naging anak niya kay Husim sina Abitub at Elpaal.
12 At ang mga anak ni Elpaal: sina Eber, Misam, at Shemed, na nagtayo ng Ono at ng Lod, pati na ang mga bayan niyon;
13 at sina Beriah at Shema na mga puno sa mga sambahayan ng mga ninuno ng mga taga-Ajalon na nagpalayas sa mga taga-Gat;
14 sina Ahio, Sasac, Jeremot;
15 Zebadias, Arad, Eder;
16 Micael, Ispa, at Joha, na mga anak ni Beriah;
17 sina Zebadias, Mesulam, Hizchi, Eber.
18 At sina Ismerai, Izlia, at Jobab, na mga anak ni Elpaal;
19 sina Jakim, Zicri, Zabdi;
20 Elioenai, Silitai, Eliel;
21 Adaya, Baraias, at Simrath, na mga anak ni Shimei;
22 sina Ispan, Eber, Eliel;
23 Adon, Zicri, Hanan;
24 Hananias, Belam, Antotias;
25 Ifdaias, Peniel, na mga anak ni Sasac;
26 sina Samseri, Seharias, Atalia;
27 Jaarsias, Elias, at Zicri, na mga anak ni Jeroham.
28 Ang mga ito ang mga puno sa mga sambahayan ng mga magulang ayon sa kanilang lahi, na mga pinunong lalaki na nanirahan sa Jerusalem.
29 At sa Gibeon ay nanirahan ang ama ni Gibeon, si Jeiel, na ang pangalan ng asawa ay Maaca;
30 at ang kanyang anak na panganay: si Abdon, pagkatapos ay sina Zur, Kish, Baal, Nadab;
31 Gedor, Ahio, at Zeker.
32 Naging anak ni Miclot si Shimeah. At sila nama'y nanirahang kasama ng kanilang mga kapatid sa Jerusalem, sa tapat ng kanilang mga kapatid.
33 At naging anak ni Ner si Kish; at naging anak ni Kish si Saul; at naging anak ni Saul sina Jonathan, Malkishua, Abinadab, at Esbaal.
34 Ang anak ni Jonathan ay si Merib-baal; at naging anak ni Merib-baal si Micaias.
35 Ang mga anak ni Micaias: sina Piton, Melec, Tarea, at Ahaz.
36 At naging anak ni Ahaz si Jehoada; at naging anak ni Jehoada si Alemet, at si Azmavet, at Zimri; at naging anak ni Zimri si Mosa;
37 at naging anak ni Mosa si Bina; si Rafa na kanyang anak, si Elesa na kanyang anak, si Asel na kanyang anak:
38 si Asel ay nagkaroon ng anim na anak na ang mga pangalan ay: Azricam, Bocru, Ismael, Searias, Obadias, at Hanan. Lahat ng mga ito ay mga anak ni Asel.
39 Ang mga ito ang anak ni Eshek na kanyang kapatid: si Ulam na kanyang panganay, si Jeus na ikalawa, at si Elifelet na ikatlo.
40 Ang mga anak ni Ulam ay matatapang na mandirigma, mga mamamana, at nagkaroon ng maraming anak, at mga apo, na isandaan at limampu. Lahat ng ito'y mula sa mga anak ni Benjamin.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001