Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
Mga Kawikaan 9:1-6

Ang Karunungan at ang Karangalan

Itinayo ng karunungan ang kanyang bahay,
    ang kanyang pitong haligi ay kanyang inilagay.[a]
Mga hayop niya ay kanyang kinatay, ang kanyang alak ay kanyang hinaluan,
    kanya ring inihanda ang kanyang hapag-kainan.
Sinugo niya ang kanyang mga alilang babae upang manawagan,
    mula sa pinakamatataas na dako sa bayan,
“Sinumang walang muwang, pumasok dito!”
    Sa kanya na mahina sa pag-unawa, ay sinasabi niya,
“Halikayo, kumain kayo ng aking tinapay,
    at uminom kayo ng alak na aking hinaluan.
Iwan ninyo ang kawalang muwang at kayo'y mabuhay,
    at kayo'y lumakad na may pang-unawa.”

Mga Awit 34:9-14

O matakot kayo sa Panginoon, kayong kanyang mga banal,
    sapagkat ang mga natatakot sa kanya ay hindi magkukulang!
10 Ang mga batang leon ay nagkukulang at nagugutom;
    ngunit silang humahanap sa Panginoon sa mabuting bagay ay hindi nagsasalat.

11 Halikayo, mga anak, pakinggan ninyo ako,
    ang takot sa Panginoon ay ituturo ko sa inyo.
12 Sinong(A) tao ang nagnanasa ng buhay,
    at naghahangad ng maraming araw, upang magtamasa ng mabuti?
13 Ingatan mo ang iyong dila mula sa masama,
    at ang iyong mga labi sa pagsasalita ng pandaraya.
14 Lumayo ka sa kasamaan, at ang mabuti'y iyong gawin;
    hanapin mo ang kapayapaan at ito'y iyong habulin.

Efeso 5:15-20

15 Kaya't maging maingat kayo sa inyong paglakad, hindi gaya ng mga mangmang, kundi gaya ng marurunong,

16 na(A) sinasamantala ang panahon, sapagkat ang mga araw ay masasama.

17 Kaya't huwag kayong maging mga hangal, kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.

18 Huwag kayong magpakalasing sa alak, na ito ay labis na kahalayan, kundi mapuno kayo ng Espiritu.

19 Kayo'y(B) magsalita sa isa't isa sa mga awit at mga himno at mga awiting espirituwal, na sa inyong mga puso ay nag-aawitan at gumagawa ng himig sa Panginoon,

20 laging nagpapasalamat sa lahat ng mga bagay sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, sa Diyos na ating Ama.

Juan 6:51-58

51 Ako ang tinapay na buháy na bumabang galing sa langit. Kung ang sinuman ay kumain ng tinapay na ito, siya'y mabubuhay magpakailanman, at ang tinapay na aking ibibigay sa ikabubuhay ng sanlibutan ay ang aking laman.”

52 Kaya't ang mga Judio'y nagtalu-talo, na sinasabi, “Paanong maipakakain sa atin ng taong ito ang kanyang laman?”

53 Sinabi nga sa kanila ni Jesus, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, malibang inyong kainin ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, wala kayong buhay sa inyong sarili.

54 Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at siya'y muli kong bubuhayin sa huling araw.

55 Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin.

56 Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin, at ako'y sa kanya.

57 Kung paanong ang buháy na Ama ay nagsugo sa akin at ako'y nabubuhay dahil sa Ama, gayundin ang kumakain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin.

58 Ito ang tinapay na bumabang galing sa langit, hindi gaya ng tinapay na kinain ng inyong mga ninuno at sila'y namatay. Ang kumakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman.”

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001