Old/New Testament
Ang Panginoon ay muling nagsalita sa bayan.
1 (A)Nang ikawalong buwan, (B)nang ikalawang taon ni Dario, dumating ang salita ng Panginoon kay Zacarias na anak ni Berechias, na anak ni (C)Iddo, na propeta, na nagsasabi,
2 Ang Panginoo'y totoong naghinanakit sa inyong mga magulang.
3 Kaya't sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo. (D)Manumbalik kayo sa akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ako'y manunumbalik sa inyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
4 (E)Huwag kayong maging gaya ng inyong mga magulang, (F)na siyang mga pinagsabihan ng mga unang propeta, na nangagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Manumbalik kayo ngayon na mula sa inyong mga masamang lakad, at sa inyong mga masamang gawain: nguni't hindi nila dininig, o pinakinggan man ako, sabi ng Panginoon.
5 Ang inyong mga magulang, saan nangandoon sila? at ang mga propeta, nangabubuhay baga sila ng magpakailan man?
6 (G)Nguni't ang aking mga salita at ang aking mga palatuntunan, na aking iniutos sa aking mga lingkod na mga propeta, hindi baga nagsiabot sa inyong mga magulang? at sila'y nanumbalik at nangagsabi, (H)Kung paano ang inisip na gawin ng Panginoon ng mga hukbo sa amin, (I)ayon sa aming mga lakad, at ayon sa aming mga gawa, gayon ang ginawa niya sa amin.
Ang mga kabayo na pangitain ni Zacarias.
7 Nang ikadalawang pu't apat na araw ng ikalabing isang buwan, na siyang buwan ng Sebath, nang ikalawang taon ni Dario, dumating ang salita ng Panginoon kay Zacarias, na anak ni Berechias, na anak ni Iddo, na propeta, na nagsasabi,
8 Aking nakita sa gabi, at, narito, ang (J)isang lalaking nakasakay sa isang mapulang kabayo, at siya'y tumayo sa mga puno ng mirto, na nasa pinakamababa; at sa likuran niya'y may mga (K)kabayong mapula, alazan, at maputi.
9 Nang magkagayo'y sinabi, Oh Panginoon ko, ano ang mga ito? At (L)ang anghel na nakikipagusap sa akin ay nagsabi sa akin, Aking ipakikita sa iyo kung ano-ano ang mga ito.
10 At ang lalake na nakatayo sa mga puno ng mirto ay sumagot at nagsabi, Ang mga ito yaong mga sinugo ng Panginoon na magsilibot sa lupa.
11 At sila'y nagsisagot sa anghel ng Panginoon na nakatayo sa mga puno ng mirto, at nagsabi, Aming nilibot ang lupa, at, narito, ang buong lupa ay tahimik, at tiwasay.
12 Nang magkagayo'y ang anghel ng Panginoon ay sumagot at nagsabi, Oh Panginoon ng mga hukbo, (M)hanggang kailan mawawalan ka ng habag sa Jerusalem at sa mga bayan ng Juda, (N)laban sa iyong mga kinagalitan (O)nitong pitong pung taon?
13 At ang Panginoo'y sumagot sa anghel na nakikipagusap sa akin ng mga mabuting salita, (P)ng mga salitang pangaliw.
14 Sa gayo'y ang anghel na nakikipagusap sa akin ay nagsabi sa akin. Ikaw ay humiyaw, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: (Q)Ako'y naninibugho sa Jerusalem at sa Sion ng malaking paninibugho.
15 At ako'y totoong naghihinanakit sa mga bansa na mga tiwasay; (R)sapagka't ako'y naghinanakit ng kaunti, at sila'y nagsitulong ng pagbubungad ng kadalamhatian.
16 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Ako'y nagbalik sa Jerusalem na may taglay na mga pagkahabag; ang aking bahay ay matatayo (S)roon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at (T)isang pising panukat ay mauunat sa ibabaw ng Jerusalem.
17 Humiyaw ka pa uli, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang aking mga bayan ay sasagana dahil sa pagkasulong; at (U)aaliwin pa ng Panginoon ang Sion, at (V)pipiliin pa ang Jerusalem.
18 At aking itinanaw ang aking mga mata, at aking nakita, at, narito, ang (W)apat na sungay.
19 At aking sinabi sa (X)anghel na nakikipagusap sa akin, Ano ang mga ito? At siya'y sumagot sa akin, (Y)Ito ang mga sungay sa nagpangalat sa Juda, sa Israel, at sa Jerusalem.
20 At ipinakita sa akin ng Panginoon ang apat na panday.
21 Nang magkagayo'y sinabi ko, Ano ang ipinaritong gawin ng mga ito? At siya'y nagsalita na nagsabi, Ito ang mga sungay na nagpangalat sa Juda, na anopa't walang lalake na nagtaas ng kaniyang ulo; nguni't ang mga ito'y naparito upang takutin sila, upang ihulog ang mga sungay ng mga bansa, na (Z)nagtaas ng kanilang mga sungay laban sa lupain ng Juda upang pangalatin.
Ang habag na pangako sa Sion.
2 At aking itinanaw ang aking mga mata, at aking nakita at, narito, ang (AA)isang lalake na may panukat na pisi sa kaniyang kamay.
2 Nang magkagayo'y sinabi ko, Saan ka paroroon? At sinabi niya sa akin, (AB)Upang sukatin ang Jerusalem, upang tingnan kung gaano ang luwang, at kung gaano ang haba.
3 At, narito, (AC)ang anghel na nakikipagusap sa akin ay umalis, at ibang anghel ay lumabas na sumalubong sa kaniya,
4 At sinabi sa kaniya, Tumakbo ka, iyong salitain sa binatang ito, na sabihin, Ang Jerusalem ay tatahanan na parang mga nayon na (AD)walang mga kuta, (AE)dahil sa karamihan ng mga tao at hayop doon.
5 Sapagka't ako, sabi ng Panginoon, ay magiging sa kaniya'y isang kutang apoy sa palibot, (AF)at ako'y magiging kaluwalhatian sa gitna niya.
6 Oy, oy, (AG)magsitakas kayo (AH)mula sa lupain ng hilagaan, sabi ng Panginoon; sapagka't kayo'y aking pinangalat na parang apat na hangin sa himpapawid, sabi ng Panginoon.
7 Oy Sion, tumanan ka, ikaw na tumatahan na kasama ng anak na babae ng Babilonia.
8 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Dahil sa kaluwalhatian ay sinugo niya ako sa mga bansa na nanamsam sa inyo; (AI)sapagka't ang humihipo sa inyo, ay humihipo sa itim ng kaniyang mata.
9 Sapagka't narito, aking (AJ)ikukumpas ang aking kamay sa kanila, at sila'y magiging samsam niyaong nangaglilingkod sa kanila; at (AK)inyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ang nagsugo sa akin.
10 (AL)Ikaw ay umawit at magalak, Oh anak na babae ng Sion; sapagka't (AM)narito, ako'y naparirito, at (AN)ako'y tatahan sa gitna mo, sabi ng Panginoon.
11 At maraming bansa ay (AO)magpipisan sa Panginoon (AP)sa araw na yaon, at magiging aking bayan; at ako'y tatahan sa gitna mo, at iyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa iyo.
12 At mamanahin ng Panginoon ang Juda na pinaka bahagi niya sa banal na lupain (AQ)at pipiliin pa ang Jerusalem.
13 Tumahimik ang lahat na tao, (AR)sa harap ng Panginoon; sapagka't siya'y gumising na sa kaniyang banal na tahanan.
Si Josue na saserdote ay isang sanga.
3 At ipinakita niya sa akin (AS)si Josue (AT)na pangulong saserdote na nakatayo sa harap ng anghel ng Panginoon, at si Satanas na nakatayo sa kaniyang kanan upang maging kaniyang kaaway.
2 At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Sawayin ka nawa ng Panginoon, Oh Satanas; oo, ang Panginoon na pumili ng Jerusalem ay sumaway nawa sa iyo: di baga ito'y isang (AU)dupong na naagaw sa apoy?
3 Si Josue nga ay nabibihisan ng maruming (AV)kasuutan, at nakatayo sa harap ng anghel.
4 At siya'y sumagot at nagsalita sa mga yaon na nangakatayo sa harap niya, na nagsabi, (AW)Hubarin ninyo ang mga maruming suot sa kaniya. At sa kaniya'y kaniyang sinabi, Narito, (AX)aking pinaram ang iyong kasamaan, (AY)at aking susuutan ka ng mainam na kasuutan.
5 At aking sinabi, Suutan siya nila ng isang magandang (AZ)mitra sa kaniyang ulo. Sa gayo'y sinuutan siya ng magandang mitra sa kaniyang ulo, at sinuutan siya ng mga kasuutan; at ang anghel ng Panginoon ay nakatayo sa siping.
6 At ang anghel ng Panginoon ay tumutol kay Josue, na nagsabi,
7 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kung ikaw ay lalakad sa aking mga daan, at (BA)kung iyong iingatan ang aking bilin, iyo nga ring hahatulan ang aking bayan, at iyo ring iingatan ang aking mga looban, at bibigyan kita ng kalalagyan sa gitna ng mga ito na nangakaharap.
8 Dinggin mo ngayon, Oh Josue, na pangulong saserdote, dinggin mo, at ng iyong mga kasama na nangakaupo sa harap mo; sapagka't sila'y mga taong (BB)pinaka tanda: sapagka't narito, aking ilalabas ang (BC)aking lingkod (BD)na Sanga.
9 Sapagka't, narito, ang bato na aking inilagay sa harap ni (BE)Josue; sa ibabaw ng isang bato ay may (BF)pitong mata: narito, aking (BG)iuukit ang ukit niyaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at aking aalisin ang kasamaan ng lupaing yaon (BH)sa isang araw.
10 Sa araw na yaon, (BI)sabi ng Panginoon ng mga hukbo, tatawagin ng bawa't isa sa inyo ang kaniyang kapuwa sa lilim ng puno ng ubas, at sa lilim ng puno ng igos.
Ang kandelero at ang kahoy na olibo sa pangitain.
4 At (BJ)ang anghel na nakipagusap sa akin ay bumalik, at ginising ako, na gaya ng tao na nagigising sa kaniyang pagkakatulog.
2 At sinabi niya sa akin, Ano ang iyong nakikita? At aking sinabi, Ako'y tumingin, at, narito, (BK)isang kandelero na taganas na ginto, na may taza sa ibabaw niyaon, (BL)at ang pitong ilawan niyaon sa ibabaw; may pitong tubo sa bawa't isa sa mga ilawan na nasa ibabaw niyaon;
3 At may dalawang puno ng olibo sa siping niyaon, isa sa dakong kanan ng taza, at ang isa'y sa dakong kaliwa niyaon.
4 At ako'y sumagot at nagsalita sa anghel na nakikipagusap sa akin, na aking sinabi, Anong mga bagay ito, panginoon ko?
5 Nang magkagayo'y ang anghel na nakikipagusap sa akin ay sumagot na nagsabi sa akin, Hindi mo baga nalalaman kung ano ang mga ito? At aking sinabi, Hindi, panginoon ko.
6 Nang magkagayo'y siya'y sumagot at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Ito ang salita ng Panginoon kay Zorobabel, na sinasabi, Hindi sa pamamagitan ng (BM)kalakasan, ni ng kapangyarihan, kundi (BN)sa pamamagitan ng aking Espiritu, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
7 Sino ka, (BO)Oh malaking bundok? sa harap ni Zorobabel (BP)ay magiging kapatagan ka; at kaniyang ilalabas (BQ)ang pangulong bato na (BR)may hiyawan, Biyaya, biyaya sa kaniya.
8 Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
9 Ang mga kamay ni Zorobabel ay siyang naglagay ng mga tatagang-baon ng bahay na ito; ang kaniyang mga kamay ay siya ring tatapos; at iyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa inyo.
10 Sapagka't sinong nagsihamak sa araw (BS)ng maliliit na bagay? sapagka't ang pitong ito ay mangagagalak, at makikita nila ang pabatong tingga sa kamay ni Zorobabel; (BT)ang mga ito'y mga mata ng Panginoon, na nangagpaparoo't parito sa buong lupa.
11 Nang magkagayo'y sumagot ako, at nagsabi sa kaniya, Ano itong dalawang puno ng olibo sa dakong kanan kandelero, at sa dakong kaliwa?
12 At ako'y sumagot na ikalawa, at nagsabi sa kaniya: Ano ang dalawang sangang olibong ito na nasa siping ng dalawang gintong padaluyan, na dinadaluyan ng langis na ginintuan?
13 At siya'y sumagot sa akin, at nagsabi, Hindi mo baga nalalaman kung ano ang mga ito? At aking sinabi, Hindi, panginoon ko.
14 Nang magkagayo'y sinabi niya, (BU)Ito ang dalawang anak na pinahiran ng langis, na nakatayo sa siping ng Panginoon ng buong lupa.
18 (A)Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko ang ibang anghel na nananaog mula sa langit, na may dakilang kapamahalaan; (B)at ang lupa ay naliwanagan ng kaniyang kaluwalhatian.
2 At siya'y sumigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi, (C)Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging (D)tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa't espiritung karumaldumal, at kulungan ng (E)bawa't karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon.
3 Sapagka't dahil sa alak ng galit ng kaniyang pakikiapid (F)ay nangaguho ang lahat ng mga bansa; at ang mga hari sa lupa ay nangakiapid sa kaniya, at (G)ang mga mangangalakal sa lupa ay nagsiyaman dahil sa kapangyarihan ng kaniyang kalayawan.
4 At narinig ko ang ibang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, (H)Mangagsilabas kayo sa kaniya, bayan ko, upang huwag kayong mangaramay sa kaniyang mga kasalanan, at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot:
5 Sapagka't ang kaniyang mga (I)kasalanan ay umabot hanggang sa langit at naalaala ng (J)Dios ang kaniyang mga katampalasanan.
6 Ibigay din ninyo ang (K)ayon sa ibinigay niya sa inyo, at ibayuhin ninyo ng ibayo sa kaniyang mga gawa: (L)sa sarong kaniyang pinaghaluan ay ipaghalo ninyo siya ng ibayo.
7 (M)Kung gaano ang pagkakapagmapuri, at pagkapamuhay na malayaw, ay gayon din naman ang ibigay ninyo sa kaniyang pahirap at pagluluksa: sapagka't sinasabi niya sa kaniyang puso, (N)Ako'y nakaupong reina, at hindi ako bao, at hindi ko makikita kailan man ang pagluluksa.
8 Kaya't darating sa isang araw ang mga salot sa kaniya, kamatayan at pagluluksa, at gutom; (O)at siya'y lubos na susunugin sa apoy; (P)sapagka't malakas ang Panginoong Dios na humatol sa kaniya.
9 At (Q)ang mga hari sa lupa, na nangakiapid at nangabuhay na malayaw na kasama niya, ay (R)mangagsisiiyak at mangagsisitaghoy tungkol sa kaniya, (S)pagkakita nila ng usok ng kaniyang pagkasunog,
10 At nangakatayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya, na nangagsasabi, (T)Sa aba, sa aba ng dakilang bayang Babilonia, ng bayang matibay! sapagka't sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo.
11 At (U)ang mga mangangalakal sa lupa ay mangagsisiiyak at mangagluluksa tungkol sa kaniya, sapagka't wala nang bibili pa ng kaniyang kalakal;
12 Ng kalakal na ginto at pilak, at mahalagang bato, at mga perlas, at mainam na lino, at kayong kulay ube, at sutla, at kayong pula; at sarisaring mababangong kahoy, at bawa't kasangkapang garing, at bawa't kasangkapang mahalagang kahoy, at tanso, at bakal, at marmol;
13 At kanela, at especias, at incienso, at ungguento, at kamangyan, at alak, at langis, at mainam na harina, at trigo, at mga baka, at mga tupa; at kalakal na mga kabayo at mga karo, at mga alipin; at (V)mga kaluluwa ng mga tao.
14 At ang mga bungang pinipita mo ay nangapalayo sa iyo, at lahat ng mga bagay na maiinam at mariringal ay nangalipol sa iyo, at hindi na mangasusumpungan pa.
15 Ang mga mangangalakal ng mga bagay na ito, (W)na nangagsiyaman dahil sa kaniya, ay mangagsisitayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya, na nagsisiiyak at nagsisipagluksa;
16 Na nangagsasabi, Sa aba, sa aba, niyaong dakilang bayan, siya na nararamtan ng mahalagang lino at ng kayong kulay ube, at pula, at napapalamutihan ng ginto at ng mahalagang bato at ng perlas!
17 Sapagka't sa loob ng isang oras ay nalipol ang gayong malaking kayamanan. At (X)bawa't pinunong daong, at bawa't naglalayag saan mang dako, at ang mga mangdaragat, at lahat ng nagsisipaghanap-buhay sa dagat, ay nangakatayo sa malayo,
18 At nangagsisisigaw (Y)pagkakita sa usok ng kaniyang pagkasunog, na nangagsasabi, (Z)Anong bayan ang katulad ng dakilang bayan?
19 At sila'y (AA)nangagbubuhos ng alabok sa kanilang mga ulo, at nagsisigawan, na nagiiyakan at nagtataghuyan, na nangagsasabi, Sa aba, sa aba, ang dakilang bayan, na siyang iniyaman ng lahat na may mga daong sa dagat dahil sa kaniyang mga kayamanan! sapagka't sa loob ng isang oras ay nalipol.
20 Magalak ka tungkol sa kaniya, Oh (AB)langit, at kayong mga banal, at kayong mga apostol, at kayong mga propeta; (AC)sapagka't inihatol ng Dios ang inyong hatol sa kaniya.
21 (AD)At dinampot ng isang anghel na malakas ang isang bato, na gaya ng isang malaking gilingang bato, at inihagis sa dagat, na sinasabi, (AE)Gayon sa isang kakilakilabot na pagkahulog, igigiba ang Babilonia, ang dakilang bayan, at hindi na masusumpungan pa.
22 At (AF)ang tinig ng mga manunugtog ng alpa, at ng mga (AG)musiko at ng mga manunugtog ng plauta, at ng mga manunugtog ng pakakak ay hindi na maririnig pa sa iyo; at wala nang manggagawa ng anomang gawa ay masusumpungan pa sa iyo; (AH)at ang ugong ng gilingan ay hindi na maririnig pa sa iyo;
23 At ang ilaw ng ilawan ay hindi na liliwanag pa sa iyo, (AI)at ang tinig ng kasintahang lalake at ng kasintahang babae ay hindi na maririnig pa sa iyo; sapagka't (AJ)ang mga mangangalakal mo ay naging mga pangulo sa lupa; (AK)sapagka't dinaya ng iyong panggagaway ang lahat ng mga bansa.
24 At nasumpungan (AL)sa kaniya ang dugo ng mga propeta, at ng mga banal, at ng lahat ng mga (AM)pinatay sa lupa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978