Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Amos 4-6

Ang Israel ay parurusahan dahil sa kaniyang pagpapahirap.

Dinggin ninyo ang salitang ito, Oh mga (A)baka ng Basan, na (B)nangasa bundok ng Samaria, na (C)nagsisipighati sa mga dukha, na nagsisigipit sa mga mapagkailangan, na nangagsasabi sa kanilang mga panginoon, Dalhin ninyo rito, at ating inumin.

Ang Panginoong Dios ay (D)sumumpa sa pamamagitan ng kaniyang kabanalan, na, narito, ang mga kaarawan ay darating sa inyo, na kanilang huhulihin kayo ng mga taga ng bingwit, at (E)ang nalabi sa inyo ay ng mga pamingwit.

At kayo'y magsisilabas sa mga sira, na bawa't isa'y tuloytuloy; at kayo'y mangagpapakatapon sa Harmon, sabi ng Panginoon.

Magsiparoon kayo sa (F)Beth-el, at magsisalangsang kayo; sa (G)Gilgal, at paramihin ninyo ang pagsalangsang; at inyong dalhin ang inyong mga hain tuwing umaga, (H)at ang inyong mga ikasangpung bahagi tuwing tatlong araw;

At (I)kayo'y mangaghandog ng hain ng pasasalamat (J)na may lebadura, at kayo'y mangaghayag ng (K)kusang mga handog at inyong itanyag; sapagka't ito'y nakalulugod sa inyo, Oh ninyong mga anak ni Israel, sabi ng Panginoong Dios.

At binigyan ko naman kayo ng kalinisan ng mga ngipin sa lahat ninyong mga bayan, at kakulangan ng tinapay sa lahat ninyong mga dako; (L)gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.

At (M)akin namang pinigil ang ulan sa inyo, nang tatlong buwan na lamang at pagaani na; at aking pinaulan sa isang bayan, at hindi ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo.

Sa gayo'y dalawa o tatlong bayan ay nagsigala sa isang bayan upang magsiinom ng tubig, at hindi nangapawi ang uhaw: gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.

Aking sinalot kayo ng pagkalanta at ng amag: ang karamihan ng inyong mga halaman, at ng inyong mga ubasan, at ng inyong mga igusan, at ng inyong mga olibohan ay (N)nilipol ng tipaklong: gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.

10 Aking pinarating sa gitna ninyo ang salot (O)na gaya ng sa Egipto: ang inyong mga binata ay pinatay ko ng tabak, (P)at dinala ko ang inyong mga kabayo; at aking pinaalingasaw ang baho ng inyong kampamento hanggang sa inyong mga butas ng ilong; gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.

11 Aking ibinuwal ang iba sa inyo, (Q)gaya nang ibuwal ng Dios ang Sodoma at Gomorra, at kayo'y naging gaya ng (R)dupong na naagaw sa apoy: gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.

12 Kaya't ganito ang gagawin ko sa iyo, Oh Israel; at yamang aking gagawin ito sa iyo, humanda kang salubungin mo ang iyong Dios, Oh Israel.

13 Sapagka't, narito, siyang nagaanyo ng mga bundok, at lumilikha ng hangin, (S)at nagpapahayag sa tao kung ano ang kaniyang pagiisip; na (T)nagpapadilim ng umaga, at yumayapak sa mga mataas na dako ng lupa—ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo ay siya niyang pangalan.

Ang Israel ay sinamo upang hanapin ang Panginoon.

Dinggin ninyo ang salitang ito na aking itinataghoy sa inyo, Oh sangbahayan ni Israel.

Ang dalaga ng Israel ay (U)nabuwal; siya'y hindi na magbabangon pa, (V)siya'y nahagis sa kaniyang lupain; walang magbangon sa kaniya.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ang bayan na lalabas na isang libo, maiiwang isang daan, at ang lalabas na isang daan ay maiiwang sangpu, sa sangbahayan ni Israel.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon sa sangbahayan ni Israel; Hanapin ninyo ako, at kayo'y mangabubuhay;

Nguni't huwag ninyong hanapin ang (W)Beth-el, ni magsipasok man sa Gilgal, at huwag kayong magsidaan sa (X)Beer-seba: sapagka't walang pagsala ang Gilgal ay papasok sa pagkabihag, at ang Beth-el ay mauuwi sa wala.

Inyong hanapin ang Panginoon, at kayo'y mangabubuhay; baka siya'y sumigalbong parang apoy sa sangbahayan ni Jose, at supukin yaon, at sa Beth-el ay walang makapapatay niyaon:

Kayong (Y)nagpapaging ajenjo sa kahatulan, at nagwawaksi ng katuwiran sa lupa.

Inyong hanapin (Z)ang lumikha ng mga Pleyades at ng Orion, (AA)at ang lilim ng kamatayan ay pinapaging umaga, (AB)pinapagdilim ang araw sa pamamagitan ng gabi; yaong tumatawag sa tubig sa dagat, at nagbubugso ng mga yaon sa ibabaw ng lupa (Panginoon ang siya niyang pangalan);

Yaong nagdadala ng biglang kabuwalan sa malakas, na anopa't ang pagkasira ay dumarating sa katibayan.

10 Kanilang kinapopootan (AC)ang nananaway (AD)sa pintuang-bayan, at kanilang kinasusuklaman ang nagsasalita ng matuwid.

11 Palibhasa nga't inyong niyayapakan ang dukha, at inyong hinihingan siya ng trigo: kayo'y (AE)nangagtayo ng mga bahay na batong tinabas, nguni't hindi ninyo tatahanan; kayo'y nangagtanim ng mga maligayang ubasan, nguni't hindi kayo magsisiinom ng alak niyaon.

12 Sapagka't talastas ko kung gaano karami ang inyong mga pagsalangsang, at kung gaano kalaki ang inyong mga kasalanan—kayong nagsisidalamhati sa ganap, na kinukunan ninyo ng suhol, at inyong inililigaw sa kanilang matuwid (AF)ang mapagkailangan sa pintuang-bayan.

13 Kaya't siya na mabait ay tatahimik sa panahong yaon; sapagka't masamang panahon.

14 Magsihanap kayo ng kabutihan, at huwag kasamaan, upang kayo'y mangabuhay; at sa gayo'y ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo, ay sasa inyo, (AG)gaya ng inyong sinasabi.

15 Inyong kapootan ang masama, at ibigin ang mabuti, at kayo'y mangagtatatag ng kahatulan sa pintuang-bayan: marahil ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo ay magiging mapagbiyaya sa (AH)nalabi sa Jose.

16 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo, ng Panginoon: Panaghoy ay sa lahat na daan; at sila'y mangagsasabi sa lahat na lansangan, Sa aba! sa aba! at kanilang tatawagin ang mangbubukid sa pananambitan, at ang lahat na bihasa sa pananaghoy sa pagtaghoy.

17 At sa lahat ng ubasan ay magkakaroon ng panaghoy; sapagka't (AI)ako'y daraan sa gitna mo, sabi ng Panginoon.

Ang kaarawan ng Panginoon.

18 Sa aba ninyo na nangagnanasa ng (AJ)kaarawan ng Panginoon! bakit ninyo ninanasa ang kaarawan ng Panginoon? kadiliman (AK)nga, at hindi kaliwanagan.

19 Gaya ng kung ang tao ay tumatakas sa leon, at isang oso ang sumasalubong sa kaniya; o pumapasok sa bahay at ikinakapit ang kaniyang kamay sa pinid, at isang ahas ang tumutuka sa kaniya.

20 Hindi baga magiging kadiliman ang kaarawan ng Panginoon, at hindi kaliwanagan? na totoong madilim, at walang ningning?

21 (AL)Aking kinapopootan, aking hinahamak ang inyong mga kapistahan, at hindi ako malulugod sa inyong mga takdang kapulungan.

22 Oo, bagaman inyong ihandog sa akin ang inyong mga handog na susunugin at mga handog na harina, (AM)hindi ko tatanggapin; ni akin mang kalulugdan ang mga handog tungkol sa (AN)kapayapaan na inyong mga matabang hayop.

23 Ihiwalay mo sa akin ang ingay ng iyong mga awit; sapagka't hindi ko didinggin ang tinig ng iyong mga biola.

24 Kundi bumugso ang katarungan na parang tubig, at ang katuwiran na parang malakas na agos.

25 Nagdala baga kayo sa akin ng mga (AO)hain, at ng mga handog sa ilang na apat na pung taon, Oh sangbahayan ni Israel?

26 Oo, inyong pinasan ang (AP)tabernakulo ng inyong hari at ang dambana ng inyong mga larawan, ang bituin ng inyong dios, na inyong ginawa para sa inyong sarili.

27 Kaya't kayo'y aking papapasukin sa pagkabihag sa dako roon ng Damasco, sabi ng Panginoon, na ang pangala'y (AQ)Dios ng mga hukbo.

Ang pagmamasagwa at ang di pagbabanal ay parurusahan.

(AR)Sa aba nila na nangagwawalang bahala sa Sion, at nila na mga tiwasay sa bundok ng Samaria, na magigiting na lalake sa mga pangulong bansa, ng mga pinagsasadya ng sangbahayan ni Israel!

Magsidaan kayo sa (AS)Calne, at inyong tingnan; at mula roon ay magsiparoon kayo sa (AT)Hamath na malaki; kung magkagayo'y magsibaba kayo sa Gath ng mga Filisteo: (AU)magaling baga sila kay sa mga kahariang ito? o malaki baga ang kanilang hangganan kay sa inyong hangganan?

Kayong (AV)nangaglalayo ng masamang araw at nangagpapalit ng likmuan ng karahasan;

Na nangahihiga sa mga higaang garing, at nagsisiunat sa kanilang mga hiligan, at nagsisikain ng mga batang tupa na mula sa kawan, at ng mga guya na mula sa gitna ng kulungan;

Na nagsisiawit ng mga pagayongayong awit sa tinig ng biola; na (AW)nagsisikatha sa ganang kanilang sarili ng mga panugtog ng tugtugin, na gaya ni David;

Na nagsisiinom ng alak sa mga mankok, at nagsisipagpahid ng mga mainam na pabango; nguni't hindi nangahahapis sa pagdadalamhati ng Jose.

(AX)Sila nga ngayo'y magsisiyaong bihag na kasama ng unang nagsiyaong bihag, at ang kasayahan nila na nagsisihiga ay mapaparam.

Ang Panginoong Dios ay sumumpa (AY)sa kaniyang sarili, sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo: Aking kinayayamutan (AZ)ang karilagan ng Jacob, at aking kinapopootan ang kaniyang mga palacio; kaya't aking ibibigay ang bayan sangpu ng lahat na nandoon.

At mangyayari, kung may matirang sangpung tao sa isang bahay, na pawang mangamamatay.

10 At pagka itataas siya ng amain, sa makatuwid baga'y ng (BA)sumusunog sa kaniya, upang ilabas ang mga buto sa bahay, at sasabihin doon sa nasa (BB)pinakaloob ng bahagi ng bahay, May kasama ka pa bagang sinoman? at kaniyang sasabihin: Wala; kung magkagayo'y kaniyang sasabihin: Tumahimik ka; sapagka't hindi natin mababanggit ang pangalan ng Panginoon.

11 Sapagka't narito, naguutos ang Panginoon, at ang malaking bahay ay magkakasira, at ang munting bahay ay magkakabutas.

12 Tatakbo baga ang mga kabayo sa malaking bato? magaararo baga roon ang sino man sa pamamagitan ng mga toro? inyo ngang (BC)ginagawang kapaitan ang (BD)katarungan, at ajenjo ang bunga ng katuwiran,

13 Kayong nangagagalak sa isang bagay na walang kabuluhan na nangagsasabi; Di baga kami ay nagtaglay para sa amin ng (BE)mga sungay sa pamamagitan ng aming sariling kalakasan?

14 Sapagka't, narito, aking ititindig laban sa inyo ang isang bansa, Oh sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo; at kanilang pagdadalamhatiin kayo mula (BF)sa pasukan sa Hamath hanggang sa batis ng Araba.

Apocalipsis 7

At pagkatapos nito ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, (A)na pinipigil ang apat na hangin ng lupa, upang huwag humihip ang hangin sa lupa, o sa dagat man, o sa anomang punong kahoy.

At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak (B)ng Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat,

Na nagsasabi, (C)Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios.

At narinig ko ang bilang (D)ng mga natatakan, na (E)isang daan at apat na pu't apat na libo, na natatakan, sa bawa't angkan ng mga anak ni Israel:

Sa angkan ni Juda ay labingdalawang libo ang tinatakan;
Sa angkan ni Ruben ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Gad ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Aser ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Neftali ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Manases ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Simeon ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Levi ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Isacar ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Zabulon ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Jose ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Benjamin ay labingdalawang libo ang tinatakan.

Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, (F)na mula sa bawa't bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng luklukan at sa harapan ng Cordero, na (G)nangadaramtan ng mapuputing damit, at may mga (H)palma sa kanilang mga kamay;

10 At nagsisigawan ng tinig na malakas, na nangagsasabi,

(I)Ang pagliligtas ay sumaaming Dios (J)na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero.

11 At ang lahat ng mga anghel ay nangakatayo sa palibot ng luklukan, at ng matatanda at ng apat na nilalang na buhay; at sila'y nangagpatirapa sa harapan ng luklukan, at nangagsisamba sa Dios,

12 Na nangagsasabi,

(K)Siya nawa: Pagpapala at kaluwalhatian, at karunungan, at pagpapasalamat, at karangalan, at kapangyarihan, at kalakasan, nawa ang sumaaming Dios magpakailan kailan man. Siya nawa.

13 At sumagot ang isa sa matatanda na, nagsasabi sa akin, Ang mga ito na nangadaramtan ng mapuputing damit, ay sino-sino at saan nagsipanggaling?

14 At sinabi ko sa kaniya, Panginoon ko, Ikaw ang nakakaalam. At sinabi niya sa akin, Ang mga ito'y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at (L)nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero.

15 Kaya't sila'y nasa harapan ng luklukan ng Dios; at nangaglilingkod sa kaniya araw at gabi sa kaniyang templo: at siyang nakaupo sa luklukan, ay (M)lulukuban sila ng kaniyang tabernakulo.

16 Sila'y hindi na magugutom pa, (N)ni mauuhaw pa man; ni hindi na sila tatamaan ng araw, o ng anomang init:

17 Sapagka't ang Cordero na nasa gitna ng luklukan (O)ay siyang magiging pastor nila, at sila'y papatnugutan sa mga bukal ng tubig ng buhay: at (P)papahirin ng Dios ang bawa't luha ng kanilang mga mata.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978