Old/New Testament
Ang pangitain ni Daniel na lalaking tupa, lalaking kambing, at maliit na sungay na dumakila.
8 Nang ikatlong taon ng paghahari ng haring (A)Belsasar, ang isang pangitain ay napakita sa akin, sa aking si Daniel, pagkatapos noong (B)napakita sa akin nang una.
2 At ako'y may nakita sa pangitain: nangyari nga, na nang aking makita, nasa (C)Susan ako na palacio, na nasa lalawigan ng Elam; at ako'y may nakita sa pangitain, at ako'y nasa tabi ng ilog Ulai.
3 Nang magkagayo'y itiningin ko ang aking mga mata, at ako'y may nakita, at narito, tumayo sa harap ng ilog ang isang lalaking tupa na may dalawang sungay: at ang dalawang sungay ay mataas; nguni't ang isa'y lalong mataas kay sa isa, at ang lalong mataas ay tumaas na huli.
4 Aking nakita ang lalaking tupa na nanunudlong (D)sa dakong kalunuran, at sa dakong hilagaan, at sa dakong timugan; at walang hayop na makatayo sa harap niya, ni wala sinoman na makapagligtas mula sa kaniyang kamay; (E)kundi kaniyang ginawa ang ayon sa kaniyang kalooban, at nagmalaking mainam.
5 At habang aking ginugunita, narito, isang kambing na lalake ay nagmula sa kalunuran sa ibabaw ng buong lupa, at hindi sumayad sa lupa: at ang lalaking kambing ay may nakagitaw na sungay sa pagitan ng kaniyang mga mata.
6 At siya'y naparoon sa lalaking tupa na may dalawang sungay na aking nakitang nakatayo sa harap ng ilog, at tinakbo niya siya sa kabangisan ng kaniyang kapangyarihan.
7 At aking nakitang siya'y lumapit sa lalaking tupa, at (F)siya'y nakilos ng pagkagalit laban sa kaniya, at sinaktan ang tupa, at binali ang kaniyang dalawang sungay: at ang lalaking tupa ay walang kapangyarihang makatayo sa harap niya; kundi kaniyang ibinuwal sa lupa, at kaniyang niyapakan siya; at walang makapagligtas sa lalaking tupa mula sa kaniyang kamay.
8 At ang lalaking kambing ay nagmalaking mainam: at nang siya'y lumakas, ang malaking sungay ay nabali; at kahalili niyao'y lumitaw ang apat na marangal na sungay, sa dako ng apat na hangin ng langit.
9 At mula sa isa sa mga yaon ay lumitaw ang isang maliit na (G)sungay na dumakilang totoo, sa dakong timugan, at sa dakong silanganan, at sa dakong maluwalhating lupain.
10 At lumaking mainam, hanggang sa hukbo sa langit; at ang ilan sa hukbo at sa mga bituin ay iniwaksi sa lupa, at mga niyapakan yaon.
11 Oo, nagmalaki, hanggang sa prinsipe ng hukbo; at inalis niya sa kaniya (H)ang palaging handog na susunugin, at ang dako ng kaniyang santuario ay ibinagsak.
12 At ang hukbo ay nabigay sa kaniya na kasama (I)ng palaging handog na susunugin dahil sa pagsalangsang; at kaniyang iniwaksi ang katotohanan sa lupa, at gumawa ng kaniyang maibigan at guminhawa.
13 Nang magkagayo'y narinig ko ang (J)isang banal na nagsalita; at ibang banal ay nagsabi sa isang yaon na nagsalita, Hanggang kailan magtatagal ang pangitain tungkol sa palaging handog na susunugin, at ang pagsalangsang na sumisira, upang magbigay ng santuario at ng hukbo upang mayapakan ng paa?
14 At sinabi niya sa akin, Hanggang sa dalawang libo at tatlong daan na hapon at umaga; kung magkagayo'y malilinis ang santuario.
Ipinaliwanag ni Gabriel ang panaginip ni Daniel.
15 At nangyari, nang ako, sa makatuwid baga'y akong si Daniel, ay makakita ng pangitain, na aking pinagsikapang maunawaan; at, narito, nakatayo sa harap ko ang isang kawangis ng isang tao.
16 At narinig ko ang tinig ng isang tao sa pagitan ng mga pangpang ng (K)Ulai, na tumatawag at nagsasabi, (L)Gabriel, ipaaninaw mo sa taong ito ang pangitain.
17 Sa gayo'y lumapit siya sa kinatatayuan ko; at nang siya'y lumapit, ako'y natakot at napasubasob: nguni't sinabi niya sa akin, Talastasin mo, Oh anak ng tao; sapagka't ang pangitain ay ukol sa panahon ng kawakasan.
18 Samantalang siya nga'y nagsasalita sa akin, ako'y nagupiling sa isang mahimbing na pagkakatulog na padapa; nguni't hinipo niya ako, at itinayo ako.
19 At kaniyang sinabi, Narito, aking ipaaaninaw sa iyo kung ano ang mangyayari sa huling panahon ng pagkagalit; sapagka't ukol sa takdang panahon ng kawakasan.
20 (M)Ang lalaking tupa na iyong nakita, na may dalawang sungay, ang mga yaon ang mga hari sa Media at Persia.
21 (N)At ang may magaspang na balahibo na lalaking kambing ay siyang hari sa Grecia: at ang malaking sungay na nasa pagitan ng kaniyang mga mata ay (O)siyang unang hari.
22 At tungkol sa nabali, sa dakong tinayuan ng apat, ay apat na kaharian ang magsisibangon mula sa bansa, nguni't hindi sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan.
23 At sa huling panahon ng kanilang kaharian, pagka ang mananalangsang ay nagsidating sa kapuspusan, isang hari ay babangon na may mabagsik na pagmumukha, at nakaunawa ng malabong salita.
24 At ang kaniyang kapangyarihan ay magiging dakila, (P)nguni't hindi sa pamamagitan ng kaniyang sariling kapangyarihan; at siya'y lilipol na kamanghamangha, at giginhawa, at gagawa ng kaniyang maibigan; at kaniyang lilipulin ang mga makapangyarihan at ang banal na bayan.
25 At (Q)sa kaniyang paraan ay kaniyang palulusugin ang pagdaraya sa kaniyang kamay; at siya'y magmamalaki ng kaniyang loob, at sa kanilang ikatitiwasay ay papatay ng marami: siya'y tatayo rin laban sa prinsipe ng mga prinsipe; nguni't siya'y mabubuwal (R)hindi ng kamay.
26 At ang pangitain (S)sa mga hapon at mga umaga na nasaysay ay tunay: (T)nguni't ilihim mo ang pangitain; sapagka't ukol sa maraming araw na darating.
27 At akong si Daniel ay nanglupaypay, at nagkasakit na ilang araw; nang magkagayon ako'y nagbangon, at (U)ginawa ko ang mga gawain ng hari: at ako'y natigilan sa pangitain, nguni't walang nakakaunawa.
Ang masusing panalangin ni Daniel dahil sa kaniyang bayan.
9 (V)Nang unang taon (W)ni Dario na anak ni Assuero, sa lahi ng mga taga Media, na ginawang hari sa kaharian ng mga taga Caldea;
2 Nang unang taon ng kaniyang paghahari akong si Daniel ay nakaunawa sa pamamagitan ng mga aklat, ng bilang ng mga taon, na sinalita ng Panginoon kay Jeremias na (X)propeta, dahil sa pagkaganap ng pagkasira ng Jerusalem, pitong pung taon.
3 At aking itiningin ang aking mukha (Y)sa Panginoong Dios upang humanap sa pamamagitan ng panalangin at ng mga samo, ng pagaayuno, at pananamit ng magaspang, at ng mga abo.
4 (Z)At ako'y nanalangin sa Panginoon kong Dios, at ako'y nagpahayag ng kasalanan, at nagsabi, Oh Panginoon, Dios na dakila at kakilakilabot, na nagiingat ng tipan at kaawaan sa nagsisiibig sa iyo at nangagiingat ng iyong mga utos,
5 Kami ay nangagkasala, at nangagasal ng kasuwalian, at nagsigawang may kasamaan, at nanganghimagsik, sa makatuwid baga'y nagsitalikod sa iyong mga utos at sa iyong mga kahatulan;
6 Na hindi man kami nangakinig (AA)sa iyong mga lingkod na mga propeta, na nangagsalita sa iyong pangalan sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe, at sa aming mga magulang, at sa buong bayan ng lupain.
7 Oh Panginoon, katuwira'y ukol sa iyo, nguni't sa amin ay pagkagulo ng mukha gaya sa araw na ito; sa mga tao ng Juda, at sa mga nananahan sa Jerusalem, at sa buong Israel, (AB)na malapit, at malayo, sa lahat na lupain na iyong pinagtabuyan dahil sa kanilang pagsalangsang na kanilang isinalangsang laban sa iyo.
8 Oh Panginoon, sa amin nauukol ang pagkagulo ng mukha, sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe, at sa aming mga magulang, sapagka't kami ay nangagkasala laban sa iyo.
9 Sa Panginoon naming Dios (AC)ukol ang kaawaan at kapatawaran; sapagka't kami ay nanganghimagsik laban sa kaniya;
10 Ni hindi man namin tinalima ang tinig ng Panginoon naming Dios, upang lumakad ng ayon sa kaniyang mga kautusan, na kaniyang inilagay sa harap namin sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod na propeta.
11 (AD)Oo, buong Israel ay sumalangsang ng iyong kautusan, sa pagtalikod, upang huwag nilang talimahin ang iyong tinig: kaya't ang sumpa ay nabuhos sa amin, at ang sumpa na nakasulat (AE)sa kautusan ni Moises na (AF)lingkod ng Dios; sapagka't kami ay nangagkasala laban sa kaniya.
12 At kaniyang pinagtibay ang kaniyang mga salita, na kaniyang sinalita laban sa amin, at laban sa aming mga (AG)hukom na nagsihatol sa amin, (AH)sa pagbabagsak sa amin ng malaking kasamaan; sapagka't sa silong ng buong langit ay hindi ginawa ang gaya ng ginawa sa Jerusalem.
13 Kung ano ang nasusulat sa kautusan ni Moises, lahat ng kasamaang ito'y nagsidating sa amin: gayon ma'y hindi namin idinalangin ang biyaya ng Panginoon naming Dios, upang aming talikuran ang aming mga kasamaan, at gunitain ang iyong katotohanan.
14 (AI)Kaya't iniingatan ng Panginoon ang kasamaan, at ibinagsak sa amin; sapagka't ang Panginoon naming Dios ay matuwid sa lahat ng kaniyang mga gawa na kaniyang ginagawa, at hindi namin dininig ang kaniyang tinig.
15 At ngayon, Oh Panginoon naming Dios, na naglabas ng iyong bayan mula sa lupain ng Egipto sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay, at ikaw ay nabantog gaya sa araw na ito; kami ay nangagkasala, kami ay nagsigawa na may kasamaan.
16 Oh Panginoon, (AJ)ayon sa iyong buong katuwiran, isinasamo ko sa iyo, na ang iyong galit at kapusukan ay mahiwalay sa iyong bayang Jerusalem, na (AK)iyong banal na bundok; sapagka't dahil sa aming mga kasalanan, at dahil sa mga kasamaan ng aming mga magulang, ang (AL)Jerusalem at ang iyong bayan ay naging kakutyaan sa lahat na nangasa palibot namin.
17 Kaya nga, Oh aming Dios, iyong dinggin ang panalangin ng iyong lingkod, at ang kaniyang mga samo, (AM)at paliwanagin mo ang iyong mukha sa iyong santuario na sira, alangalang sa Panginoon.
18 Oh Dios ko, ikiling mo ang iyong tainga, at iyong dinggin; idilat mo ang iyong mga mata, at masdan mo ang aming mga kasiraan, at ang bayan na tinatawag sa iyong pangalan: sapagka't hindi namin inihaharap ang aming mga samo sa harap mo dahil sa aming mga katuwiran, kundi dahil sa iyong dakilang mga kaawaan.
19 Oh Panginoon, dinggin mo; Oh Panginoon, patawarin mo; Oh Panginoon, iyong pakinggan at gawin; (AN)huwag mong ipagpaliban, (AO)alangalang sa iyong sarili, Oh Dios ko, sapagka't ang iyong bayan at ang iyong mga tao ay tinatawag sa iyong pangalan.
Ang pitong pung sanglinggo at ang prinsipe na pinahiran.
20 At samantalang ako'y nagsasalita, at nananalangin, at nagpapahayag ng aking kasalanan at ng kasalanan ng aking bayang Israel, at naghaharap ng aking samo sa harap ng Panginoon kong Dios dahil sa banal na bundok ng aking Dios;
21 Oo, samantalang ako'y nagsasalita sa panalangin, ang lalaking si (AP)Gabriel, na aking nakita sa pangitain nang una, na pinalipad ng maliksi, hinipo (AQ)ako (AR)sa panahon ng pagaalay sa hapon.
22 At kaniya akong tinuruan, at nakipagsalitaan sa akin, at nagsabi, Oh Daniel, ako'y lumabas ngayon upang bigyan ka ng karunungan at kaunawaan.
23 Sa pasimula ng iyong mga samo ay lumabas ang utos, at ako'y naparito upang saysayin sa iyo; (AS)sapagka't ikaw ay totoong minahal: kaya't gunitain mo ang bagay, at unawain mo ang pangitain.
24 (AT)Pitong pung sanglinggo ang ipinasiya sa iyong mga tao at sa iyong banal na bayan, upang tapusin ang pagsalangsang, at upang wakasan ang pagkakasala, at upang linisin sa kasamaan, (AU)at upang dalhan ng walang hanggang katuwiran, at upang tatakan ang pangitain at ang panghuhula, at upang pahiran ang (AV)kabanalbanalan.
25 Iyo ngang talastasin at bulayin, na mula sa paglabas ng utos na isauli at itayo ang Jerusalem (AW)sa pinahiran na prinsipe, magiging pitong sanglinggo, at anim na pu't dalawang sanglinggo: ito'y matatayo uli, na may lansangan at kuta, sa makatuwid baga'y (AX)sa mga panahong mabagabag.
26 At pagkatapos ng anim na pu't dalawang sanglinggo, (AY)mahihiwalay ang pinahiran, (AZ)at mawawalaan ng anoman: at gigibain ang bayan at ang santuario ng mga tao ng prinsipeng darating; at ang wakas niyaon ay sa pamamagitan ng baha, at hanggang sa wakas ay magkakaroon ng digma; mga pagkasira ay ipinasiya na.
27 At pagtitibayin niya ang tipan sa marami sa isang sanglinggo: at sa kalahati ng sanglinggo ay kaniyang ipatitigil ang hain at ang alay; at sa pakpak ng mga kasuklamsuklam ay paroroon (BA)ang isang maninira; at hanggang sa wakas, at pagkapasiya ay mabubuhos (BB)ang poot sa maninira.
Si Daniel ay natakot dahil sa isang lalake na napanaginip.
10 Nang ikatlong taon ni Ciro na hari sa Persia ay nahayag ang isang bagay kay Daniel, na ang pangala'y (BC)Beltsasar; at ang bagay ay tunay, sa makatuwid baga'y isang malaking pakikipagbaka; at kaniyang naunawa ang bagay at nagkaroon ng unawa tungkol sa pangitain.
2 Nang mga araw na yao'y akong si Daniel ay nanangis na tatlong buong sanglinggo.
3 Hindi ako kumain ng masarap na tinapay, ni pumasok man ang karne ni alak man sa aking bibig, (BD)ni naglangis man ako, hanggang sa natapos ang tatlong buong sanglinggo.
4 At nang ikadalawang pu't apat na araw ng unang buwan, palibhasa'y ako'y nasa tabi ng malaking ilog, na siyang (BE)Hiddekel.
5 Aking itiningin ang aking mga mata, at tumanaw, at narito, ang isang lalake na (BF)nakapanamit ng kayong lino, na ang mga balakang ay binigkisan ng taganas na (BG)ginto sa Uphas:
6 Ang kaniyang katawan naman ay (BH)gaya ng berilo, at ang kaniyang mukha ay (BI)gaya ng anyo ng kidlat, at ang kaniyang mga mata ay gaya ng mga liwanag ng apoy, at ang kaniyang mga kamay at kaniyang mga paa, ay gaya ng kulay ng pinakintab na tanso, (BJ)at ang tinig ng kaniyang mga salita ay gaya ng tinig ng isang karamihan.
7 At akong si Daniel ang nakakitang magisa ng pangitaing yaon; sapagka't ang mga lalake na kasama ko ay hindi nangakakita ng pangitain; kundi sumakanila ang isang di kawasang panginginig, at sila'y nagsitakas upang magsikubli.
8 Sa gayo'y iniwan akong magisa, at nakakita nitong dakilang pangitain, at nawalan ako ng lakas; sapagka't ang aking kagandahan ay umuwi sa kasiraan at walang nanatiling lakas sa akin.
9 Gayon ma'y narinig ko ang tinig ng kaniyang mga salita; (BK)at nang aking marinig ang tinig ng kaniyang mga salita, ako nga'y nagupiling sa isang mahimbing na pagkakatulog, na ang aking mukha ay pasubsob.
Inaliw siya ng lalake.
10 At, narito, isang kamay ay humipo sa akin, na nagtayo sa akin sa aking mga tuhod at sa mga palad ng aking mga kamay.
11 At sinabi niya sa akin, Oh Daniel, ikaw na lalaking minamahal na mainam, unawain mo ang mga salita na aking sinasalita sa iyo, at tumayo kang matuwid; sapagka't sa iyo'y sinugo ako ngayon. At ng kaniyang masalita ang salitang ito sa akin, ako'y tumayo na nanginginig.
12 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, (BL)Huwag kang matakot, Daniel; sapagka't mula nang unang araw na iyong ilagak ang iyong puso na makaunawa, at magpakababa sa harap ng iyong Dios, ang iyong mga salita ay (BM)dininig: at ako'y naparito alangalang sa iyong mga salita.
13 Nguni't ang prinsipe ng kaharian ng Persia ay nakipagpunyagi sa akin na dalawang pu't isang araw; nguni't, narito, si (BN)Miguel ay isa sa mga punong prinsipe, dumating upang tulungan ako: at ako'y natira doon na kasama ng mga hari sa Persia.
14 Ngayo'y naparito ako upang ipatalastas sa iyo kung ano ang mangyayari sa iyong bayan sa mga (BO)huling araw; (BP)sapagka't ang pangitain ay ukol sa maraming mga araw pa.
15 At nang kaniyang masalita sa akin ang ayon sa mga salitang ito, ay aking itinungo ang aking mukha sa lupa, at ako'y napipi.
16 At, narito, isang (BQ)gaya ng kahawig ng mga anak ng mga tao ay (BR)humipo ng aking mga labi: nang magkagayo'y ibinuka ko ang aking bibig, at ako'y nagsalita, at nagsabi sa kaniya na tumayo sa harap ko, Oh panginoon ko, dahil sa pangitain ay nagbalik sa akin ang aking mga kapanglawan, at hindi nananatili sa akin ang lakas.
17 Sapagka't paanong makikipagusap ang lingkod nitong aking panginoon sa panginoon kong ito? sapagka't tungkol sa akin, ay biglang nawalan ako ng lakas, ni may naiwan mang hininga sa akin.
18 Nang magkagayo'y hinipo uli ako roon ng isa na kamukha ng tao, at kaniyang pinalakas ako.
19 At kaniyang sinabi, (BS)Oh taong minamahal na mainam, huwag kang matakot: kapayapaan ang sumaiyo, (BT)magpakalakas ka, oo, magpakalakas ka. At nang siya'y magsalita sa akin, ako'y lumakas, at nagsabi, Magsalita ang aking panginoon; sapagka't iyong pinalakas ako.
20 Nang magkagayo'y sinabi niya, Talastas mo baga kung bakit ako'y naparito sa iyo? at ngayo'y babalik ako upang makipaglaban sa (BU)prinsipe sa Persia: at pagka ako'y lumabas, narito, ang prinsipe sa (BV)Grecia ay darating.
21 Nguni't aking sasaysayin sa iyo ang nakasulat sa kasulatan ng (BW)katotohanan: at walang sinomang tutulong sa akin laban sa mga ito, kundi si (BX)Miguel na inyong prinsipe.
1 (A)Ang matanda, kay Gayo na minamahal, na aking iniibig sa katotohanan.
2 Minamahal, aking idinadalangin na sa lahat ng mga bagay ay guminhawa ka at bumuti ang iyong katawan, na gaya ng pagginhawa ng iyong kaluluwa.
3 Sapagka't ako'y totoong (B)nagalak nang magsidating ang mga kapatid at mangagpatotoo sa iyong katotohanan, ayon sa paglakad mo sa katotohanan.
4 Wala nang dakilang kagalakan sa ganang akin na gaya nito, na marinig na ang (C)aking mga anak ay nagsisilakad sa katotohanan.
5 Minamahal, ginagawa mo ang tapat na gawa sa lahat ng iyong ginagawa doon sa (D)mga kapatid at sa mga taga ibang lupa;
6 Na siyang nangagpapatotoo ng iyong pagibig sa harapan ng iglesia: na iyong gagawan ng magaling kung iyong tutulungan sila ng nararapat sa Dios, sa kanilang paglalakbay:
7 Sapagka't dahil sa Pangalan, ay nangagsiyaon sila na (E)walang kinuhang anoman sa mga Gentil.
8 Nararapat nga nating tanggaping mabuti ang mga gayon, upang tayo'y maging kasama sa paggawa sa katotohanan.
9 Ako'y sumulat ng ilang bagay sa iglesia: datapuwa't si Diotrefes na nagiibig magkaroon ng kataasan sa kanila, ay hindi kami tinatanggap.
10 Kaya't kung pumariyan ako, ay ipaaalaala ko ang mga gawang kaniyang ginagawa, na (F)nagsasalita ng masasamang salita laban sa amin: at hindi nasisiyahan sa ganito, ni hindi man niya tinatanggap ang mga kapatid, at silang mga ibig tumanggap ay pinagbabawalan niya at pinalalayas sila (G)sa iglesia.
11 Minamahal, (H)huwag mong tularan ang masama, kundi ang mabuti. (I)Ang gumagawa ng mabuti ay sa Dios: ang gumagawa ng masama ay (J)hindi nakakita sa Dios.
12 Si Demetrio ay (K)pinatototohanan ng lahat, at ng katotohanan: oo, kami man ay nagpapatotoo rin; at nalalaman mo na ang aming patotoo ay (L)tunay.
13 Maraming mga bagay ang isusulat ko sana sa iyo, (M)datapuwa't hindi ko ibig isulat sa iyo ng tinta at panulat:
14 Datapuwa't inaasahan kong makita kang madali, at tayo'y magkakausap ng mukhaan.
15 Ang kapayapaa'y sumainyo nawa. Binabati ka ng mga kaibigan. Batiin mo ang mga kaibigan sa pangalan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978