Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Oseas 5-8

Ang pagsalangsang ng Israel ay tinutulan.

Dingin ninyo ito, Oh ninyong mga saserdote, at inyong pakinggan ninyong sangbahayan ni Israel, at inyong ulinigin, Oh sangbahayan ng hari, sapagka't sa inyo'y nauukol ang kahatulan; sapagka't kayo'y naging isang silo sa (A)Mizpa, at isang panghuli na nalagay sa (B)Tabor.

At ang mga nagsipanghimagsik ay (C)nangagpakapahamak na mainam; nguni't ako'y mananaway sa kanilang lahat.

Ang kilala ang Ephraim, at ang Israel na hindi lingid sa akin; sapagka't ngayon, (D)Oh Ephraim, ikaw ay nagpatutot, ang Israel ay napahamak.

Hindi sila titiisin ng kanilang mga gawain na manumbalik sa kanilang Dios; sapagka't (E)ang pagpapatutot ay nasa loob nila, at hindi nila nakikilala ang Panginoon.

At ang kapalaluan ng Israel (F)ay nagpatotoo sa kaniyang mukha: kaya't ang Israel at ang Ephraim ay mangatitisod sa kanilang kasamaan; ang Juda'y matitisod ding kasama nila.

Sila'y magsisiyaong kasama ng kanilang kawan (G)at ng kanilang bakahan upang hanapin ang Panginoon; nguni't hindi nila masusumpungan siya: Siya'y umurong sa kanila.

Sila'y (H)nagsigawa ng paglililo laban sa Panginoon; sapagka't sila'y naganak ng ibang mga anak: lalamunin nga sila ng bagong buwan sangpu ng kanilang mga parang.

(I)Hipan ninyo ang (J)korneta sa Gabaa, at ang pakakak sa Rama: kayo'y magsitugtog ng hudyat sa (K)Beth-aven; sa likuran mo, Oh Benjamin.

Ang Ephraim ay magiging kasiraan sa kaarawan ng pagsaway: sa gitna ng mga lipi ng Israel ay aking ipanakilala ang tunay na mangyayari.

10 Ang mga prinsipe sa Juda ay gaya ng (L)nagsisibago ng lindero: aking ibubuhos ang aking galit sa kanila na parang tubig.

11 Ang Ephraim ay (M)napighati, siya'y nadikdik sa kahatulan; sapagka't siya'y nasisiyahang lumakad ng ayon sa utos ng tao.

12 Kaya't ako'y sa Ephraim na parang tanga, at sa sangbahayan ni Juda na parang kabulukan.

13 Nang makita ng Ephraim ang kaniyang sakit, at nang makita ni Juda ang kaniyang sugat, naparoon nga ang Ephraim sa Asiria, at nagsugo sa haring Jareb: nguni't hindi niya mapagagaling kayo, ni kaniyang mapapagaling man kayo sa inyong sugat.

14 Sapagka't (N)ako'y magiging parang leon sa Ephraim, at parang isang batang leon sa sangbahayan ni Juda, Ako, sa makatuwid baga'y ako, ay aagaw at aalis; ako'y magaalis, at walang magliligtas.

15 Ako'y yayaon at babalik sa aking dako, hanggang sa kanilang kilalanin ang pagkakasala, at hanapin ang aking mukha: sa kanilang pagdadalamhati ay hahanapin nila akong mainam.

Ang Ephraim at ang Juda ay napapanganib sa panghihimagsik ng Israel.

Magsiparito kayo, at tayo'y manumbalik sa Panginoon; sapagka't (O)siya'y lumapa, at pagagalingin niya tayo; siya'y nanakit, at kaniyang tatapalan tayo.

Pagkatapos ng dalawang araw ay muling (P)bubuhayin niya tayo: sa ikatlong araw ay ibabangon niya tayo, at tayo'y mangabubuhay sa harap niya.

At (Q)ating kilalanin, tayo'y magpatuloy upang makilala ang Panginoon: ang kaniyang paglabas ay tunay na (R)parang umaga; at siya'y paririto sa atin na parang ulan, na (S)parang huling ulan na dumidilig ng lupa.

Oh Ephraim, ano ang gagawin ko sa iyo? Oh Juda, (T)ano ang gagawin ko sa iyo? sapagka't ang inyong kabutihan ay parang ulap sa umaga, (U)at parang hamog na lumalabas na maaga.

Kaya't aking pinutol sila sa pamamagitan ng mga propeta; aking pinatay sila ng mga salita ng aking bibig; at ang iyong mga kahatulan ay parang liwanag na lumalabas.

Sapagka't ako'y nagnanasa ng kaawaan, (V)at hindi hain; at ng pagkakilala sa Dios higit kay sa mga handog na susunugin.

Nguni't sila gaya ni Adan ay sumalangsang sa tipan: doo'y nagsigawa silang may paglililo laban sa akin.

Ang Galaad ay (W)bayang gumagawa ng kasamaan; tigmak sa dugo.

At kung paanong ang mga pulutong ng mga (X)tulisan na nagsisiabang sa isang tao, ay gayon ang (Y)pulutong ng mga saserdote na nagsisipatay sa daan na dakong Sichem; Oo, sila'y gumawa ng kahalayan.

10 Sa sangbahayan ni Israel ay (Z)nakakita ako ng kakilakilabot na bagay: doo'y (AA)nagpatutot ang Ephraim, ang Israel ay napahamak.

11 Sa iyo man, Oh Juda, may takdang paggapas, pagka aking ibabalik ang nangabihag sa aking bayan.

Ang Ephraim at ang Juda ay napapanganib sa paghihimagsik ng Israel.

Nang aking pagagalingin ang Israel, ang kasamaan nga ng Ephraim ay lumitaw, at ang kasamaan ng Samaria; sapagka't sila'y nagsinungaling; at ang magnanakaw ay pumapasok, at ang pulutong ng mga tulisan ay nananamsam sa labas.

At hindi nila ginugunita sa kanilang mga puso na aking inaalaala ang lahat nilang kasamaan: ngayo'y kinukulong sila sa palibot ng kanilang sariling mga gawa; (AB)sila'y nangasa harap ko.

Kanilang pinasasaya ng kanilang kasamaan ang hari, at ng kanilang pagsisinungaling ang mga prinsipe.

Silang lahat ay mga mangangalunya; sila'y parang hurnong iniinit ng magtitinapay; siya'y tumitigil na magsulong ng apoy, mula sa paggawa ng masa hanggang sa umaasim.

Nang kaarawan ng ating hari ang mga prinsipe ay nagpakasakit sa pamamagitan ng tapang ng alak; kaniyang iniuunat ang kaniyang kamay sa mga mangduduwahagi.

Sapagka't kanilang inihanda ang kanilang puso na parang hurno, samantalang sila'y nangagaabang: ang kanilang magtitinapay ay natutulog magdamag; sa kinaumagaha'y nagniningas na parang liyab na apoy.

Silang lahat ay nangagiinit na parang hurno, at nilalamon ang kanilang mga hukom; lahat nilang hari ay nangabuwal: (AC)wala sa kanila na tumawag sa akin.

Ang Ephraim, (AD)nakikisalamuha sa mga bayan; ang Ephraim ay isang tinapay na hindi binalik.

Nilamon ng mga taga ibang lupa ang kaniyang (AE)yaman, at hindi niya nalalaman: oo, mga uban ay nasasabog sa kaniya, at hindi niya nalalaman.

10 At (AF)ang kapalaluan ng Israel ay nagpapatotoo sa kaniyang mukha: (AG)gayon ma'y hindi sila nanumbalik sa Panginoon nilang Dios, ni hinanap man siya nila, dahil sa lahat na ito.

11 At ang Ephraim (AH)ay parang isang mangmang na kalapati, na walang unawa (AI)sila'y nagsitawag sa Egipto, sila'y nagsiparoon sa Asiria.

12 Pagka sila'y magsisiyaon, ay (AJ)aking ilaladlad ang aking lambat sa kanila; akin silang ibabagsak na parang mga ibon sa himpapawid; aking parurusahan sila, gaya ng narinig (AK)sa kanilang kapisanan.

13 Sa aba nila! sapagka't sila'y nagsilayas sa akin; kagibaa'y suma kanila! sapagka't sila'y nagsisalangsang laban sa akin: bagaman sila'y (AL)aking tinubos, gayon ma'y nangagsalita ng kasinungalingan sila laban sa akin.

14 At sila'y hindi nagsidaing (AM)sa akin ng kanilang puso, kundi sila'y nagsiangal sa kanilang mga higaan: sila'y nagpupulong dahil sa trigo at alak; sila'y nanganghimagsik laban sa akin.

15 Bagaman aking tinuruan at pinalakas ang kanilang mga bisig, gayon ma'y nangagisip sila ng kalikuan laban sa akin.

16 Sila'y nanganunumbalik, nguni't hindi (AN)sa kaniya na nasa kaitaasan: sila'y (AO)parang magdarayang busog: ang kanilang mga prinsipe ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak dahil sa poot (AP)ng kanilang dila: ito ang magiging katuyaan sa kanila (AQ)sa lupain ng Egipto.

Ang pagsuway ng Israel sa kautusan.

Ilagay mo ang (AR)pakakak sa iyong bibig. Gaya ng isang (AS)aguila dumarating siya laban sa bahay ng Panginoon, sapagka't (AT)kanilang sinuway ang aking tipan, at nagsisalangsang laban sa aking kautusan.

Sila'y magsisidaing sa akin, (AU)Dios ko, kaming Israel ay nangakakakilala sa iyo.

Itinakuwil ng Israel ang mabuti: hahabulin siya ng kaaway.

Sila'y nangaglagay ng mga hari, (AV)nguni't hindi sa pamamagitan ko; sila'y nangaglagay ng mga prinsipe, at hindi ko nalaman: (AW)sa kanilang pilak at kanilang ginto ay nagsigawa sila ng diosdiosan, upang sila'y mangahiwalay.

Kaniyang inihiwalay ang iyong guya, Oh Samaria; ang aking galit ay nagaalab laban sa kanila: hanggang kailan sila ay magiging mga musmos.

Sapagka't mula sa Israel nanggaling ito; ito'y ginawa ng manggagawa, at ito'y hindi Dios; oo, ang guya ng Samaria ay magkakaputolputol.

Sapagka't sila'y nangagsasabog ng hangin, at sila'y magsisiani ng ipoipo: siya'y walang nakatayong trigo; ang uhay ay hindi maglalaman ng harina; at kung maglaman, ay lalamunin ng mga (AX)taga ibang lupa.

Ang Israel ay nalamon: ngayo'y nasa gitna siya ng mga bansa na (AY)parang sisidlang hindi kinalulugdan.

Sapagka't (AZ)sila'y nagsiahon sa Asiria, na parang isang mailap na (BA)asno na nagiisa: ang Ephraim ay (BB)umupa ng mga mangingibig.

10 Oo, bagaman sila'y umuupa sa gitna ng mga bansa, akin nga silang pipisanin ngayon; at sila'y mangagtitigil na kaunting panahon ng pagpapahid ng langis (BC)sa hari at mga prinsipe.

11 Sapagka't ang Ephraim, ay nagparami ng mga dambana upang magkasala, ang mga dambana ay naging sa kaniyang ipagkakasala.

12 Sinulat ko para sa kaniya (BD)ang sangpung libong bagay ng aking kautusan; kanilang inaring parang katuwang bagay.

13 Tungkol sa mga hain na mga handog sa akin, sila'y nangaghahain ng karne, at kinakain nila; nguni't ang mga yaon ay hindi tinatanggap ng Panginoon; ngayo'y aalalahanin niya ang kanilang kasamaan, at dadalawin ang kanilang mga kasalanan; (BE)sila'y mangababalik sa Egipto.

14 Sapagka't nilimot ng Israel ang May-lalang sa kaniya, at nagtayo ng mga palacio; at nagparami ang Juda ng mga bayang nakukutaan; nguni't magsusugo (BF)ako ng apoy sa kaniyang mga bayan, at susupukin ang mga kuta niyaon.

Apocalipsis 2

Sa (A)anghel ng iglesia sa (B)Efeso ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may hawak ng (C)pitong bituin sa kaniyang kanang kamay, na (D)yaong lumalakad sa gitna ng pitong kandelerong ginto:

Nalalaman ko ang iyong mga gawa, at ang iyong pagpapagal at pagtitiis, at hindi mo matiis ang masasamang tao, at sinubok mo ang mga (E)nagpapanggap na apostol, at sila'y hindi gayon, at nasumpungan mo silang pawang bulaan;

At may pagtitiis ka at nagbata ka dahil sa aking pangalan, at hindi ka napagod.

Nguni't mayroon akong laban sa iyo, na (F)iyong iniwan ang iyong unang pagibig.

Kaya't alalahanin mo kung saan ka nahulog, at magsisi ka at gawin mo ang iyong mga unang gawa; o kung hindi ay (G)paririyan ako sa iyo, at aalisin ko ang (H)iyong kandelero sa kaniyang kinalalagyan, maliban na magsisi ka.

Nguni't ito'y nasa iyo, na iyong kinapopootan ang mga gawa ng (I)mga Nicolaita, na kinapopootan ko naman.

Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay, ay siya kong pakakanin (J)ng punong kahoy ng buhay, na nasa (K)Paraiso ng Dios.

At (L)sa anghel ng iglesia sa (M)Smirna ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng una at ng huli, (N)na namatay, at muling nabuhay:

Nalalaman ko ang iyong kapighatian, at ang iyong (O)kadukhaan (datapuwa't ikaw ay mayaman), at ang pamumusong ng (P)mga nagsasabing sila'y mga Judio, at hindi sila gayon, (Q)kundi isang sinagoga ni Satanas.

10 Huwag mong katakutan ang mga bagay na iyong malapit ng tiisin: narito, malapit ng ilagay ng diablo ang ilan sa inyo sa bilangguan, upang kayo'y masubok; at (R)magkakaroon kayo ng kapighatiang (S)sangpung araw. (T)Magtapat (U)ka hanggang sa kamatayan, at bibigyan kita (V)ng putong ng buhay.

11 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay hindi parurusahan (W)ng ikalawang kamatayan.

12 At (X)sa anghel ng iglesia sa (Y)Pergamo ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi (Z)ng may matalas na tabak na may dalawang talim:

13 Nalalaman ko kung saan ka tumatahan, sa makatuwid baga'y sa kinaroroonan ng luklukan ni Satanas; at iniingatan mong matibay ang aking pangalan, at hindi mo ikinaila ang aking pananampalataya, kahit nang mga araw man ni Antipas na aking saksi, aking taong tapat, na pinatay sa gitna ninyo, na tinatahanan ni Satanas.

14 Datapuwa't mayroon akong ilang bagay na laban sa iyo, sapagka't mayroon ka diyang ilan na nanghahawak sa aral ni (AA)Balaam, na siyang nagturo kay Balac na maglagay ng katisuran sa harapan ng mga anak ni Israel, (AB)upang magsikain ng mga bagay na inihahain sa mga diosdiosan, at (AC)makiapid.

15 Gayon din naman na mayroon kang ilan na nanghahawak sa aral ng (AD)mga Nicolaita.

16 Magsisi ka nga; o kung hindi ay madaling paririyan ako sa iyo, at babakahin ko sila ng tabak ng aking bibig.

17 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay bibigyan ko (AE)ng manang natatago, at siya'y bibigyan ko ng isang batong puti, at sa bato ay may nakasulat na (AF)isang bagong pangalan, na walang nakakaalam kundi yaong tumatanggap.

18 At (AG)sa anghel ng iglesia sa (AH)Tiatira ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Anak ng Dios, (AI)na may mga matang gaya ng ningas ng apoy, at ang kaniyang mga paa ay gaya ng tansong binuli:

19 Nalalaman ko ang iyong mga gawa, at ang iyong pagibig, at pananampalataya at ministerio at pagtitiis, at ang iyong mga huling gawa ay higit kay sa mga una.

20 Datapuwa't (AJ)mayroon akong laban sa iyo, na pinahintulutan mo ang babaing si Jezebel, na nagpapanggap na propetisa; at siya'y nagtuturo at humihikayat sa aking mga lingkod upang makiapid, at (AK)kumain ng mga bagay na inihahain sa mga diosdiosan.

21 At binigyan ko siya ng panahon upang (AL)makapagsisi; at siya'y ayaw magsisi sa kaniyang pakikiapid.

22 Narito, akin siyang iniraratay sa higaan, at ang mga nakikiapid sa kaniya sa malaking kapighatian, maliban na kung sila'y magsisipagsisi sa kaniyang mga gawa.

23 At papatayin ko ng salot ang kaniyang mga anak; at malalaman ng lahat ng mga iglesia na ako'y yaong (AM)sumasaliksik ng mga pagiisip at ng mga puso: at (AN)bibigyan ko ang bawa't isa sa inyo ng ayon sa inyong mga gawa.

24 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, sa mga iba na nasa Tiatira, sa lahat ng walang aral na ito, na hindi nakakaalam ng malalalim na bagay ni Satanas, gaya ng sinasabi nila; (AO)hindi na ako magpapasan sa inyo ng ibang pasan.

25 Gayon ma'y ang nasa inyo'y panghawakan ninyong matibay hanggang sa (AP)ako'y pumariyan.

26 (AQ)At ang magtagumpay, at tumupad ng aking mga gawa hanggang sa katapusan, (AR)ay bibigyan ko ng kapamahalaan sa mga bansa:

27 At sila'y paghaharian niya sa pamamagitan ng isang panghampas na (AS)bakal, gaya ng pagkadurog ng mga sisidlang lupa ng magpapalyok; gaya naman ng tinanggap ko sa aking Ama:

28 At sa kaniya'y ibibigay ko (AT)ang tala sa umaga.

29 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978