Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Zacarias 5-8

Ang lumilipad na balumbon; isang babae, at isang efa.

Nang magkagayo'y itinanaw ko uli ang aking mga mata, at aking nakita, at, narito, isang lumilipad na (A)balumbon.

At sinabi niya sa akin, Ano ang iyong nakikita? At ako'y sumagot, Aking nakikita'y isang lumilipad na balumbon; ang haba niyaon ay dalawang pung siko, at ang luwang niyaon ay sangpung siko.

Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Ito ang (B)sumpa na lumalabas sa ibabaw ng buong lupain: sapagka't ang bawa't nagnanakaw ay mahihiwalay sa isang dako ayon doon; at bawa't manunumpa ay mahihiwalay sa kabilang dako ayon doon.

Aking ilalabas yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at papasok sa bahay ng magnanakaw, at sa bahay niyaong nanunumpa ng kasinungalingan sa pangalan ko; at (C)tatahan sa gitna ng bahay niya, at (D)pupugnawin sangpu ng mga kahoy niyaon at mga bato niyaon.

Nang magkagayo'y (E)ang anghel na nakikipagusap sa akin ay lumabas, at nagsabi sa akin, itanaw mo ngayon ang iyong mga mata, at tingnan mo kung ano ito na lumalabas.

At aking sinabi, Ano yaon? At kaniyang sinabi, Ito ang (F)efa na lumalabas. Sinabi niya bukod dito, Ito ang kawangis nila sa buong lupain.

(At, narito, itinaas ang isang talentong tingga); at ito'y isang babae na nauupo sa gitna ng efa.

At kaniyang sinabi, Ito ang kasamaan; at kaniyang inihagis sa loob ng gitna ng efa: at kaniyang inihagis ang panimbang na tingga sa bunganga niyaon.

Nang magkagayo'y itinanaw ko ang aking mga mata, at aking nakita at, narito, lumabas ang dalawang babae, at may dalang hangin sa kanilang mga pakpak; sila nga'y may mga pakpak na gaya ng mga pakpak ng tagak: at kanilang itinaas ang efa sa pagitan ng lupa at ng langit.

10 Nang magkagayo'y sinabi ko sa anghel na nakikipagusap sa akin, Saan dinadala ng mga ito ang efa?

11 At sinabi niya sa akin, Upang ipagtayo siya ng bahay sa (G)lupain ng Shinar: at pagka nahanda na, siya'y malalagay roon sa kaniyang sariling dako.

Ang pangitain ng mga karo at mga kabayo.

At itinanaw ko uli ang aking mga mata, at aking nakita at, narito, lumabas ang apat na karo mula sa pagitan ng dalawang bundok; at ang mga bundok ay mga bundok na tanso.

Sa unang karo ay may mga (H)kabayong mapula; at sa ikalawang karo ay mga kabayong maitim;

At sa ikatlong karo ay may mga kabayong maputi; at sa ikapat na karo ay mga kabayong kulay abo.

Nang magkagayo'y ako'y sumagot at sinabi ko sa anghel na nakikipagusap sa akin, Ano ang mga ito, panginoon ko?

At ang anghel ay sumagot at nagsabi sa akin, (I)Ito ang apat na hangin sa himpapawid, na lumalabas na pinakasugo mula sa harapan ng Panginoon ng buong lupa.

Ang karo na kinasisingkawan ng mga kabayong maitim ay lumalabas sa dakong lupaing (J)hilagaan; at ang sa mga maputi ay lumabas na kasunod ng mga yaon; at ang mga kulay abo ay nagsilabas sa dakong lupaing timugan.

At ang mga malakas ay nagsilabas, at nangagpumilit na (K)yumaon upang malibot ang lupa: at kaniyang sinabi, Kayo'y magsiyaon at magparoo't parito sa buong lupa. Sa gayo'y sila'y nangagparoo't parito sa buong lupa.

Nang magkagayo'y hiniyawan niya ako, at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Narito, silang nagsiparito sa dakong lupaing hilagaan ay nagpatahimik sa aking (L)diwa sa lupaing hilagaan.

Si Josue ay kumakatawan sa saserdote na hari.

At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

10 Kumuha ka sa nangabihag, kay Heldai, kay Tobias, at kay Jedaia; at yumaon ka sa araw ding yaon, at pumasok ka sa bahay ni Josias na anak ni Sefanias, na nagsibalik mula sa Babilonia;

11 Oo, kumuha ka sa kanila ng pilak at ginto, at gawin mong mga (M)putong, at mga iputong mo sa ulo ni (N)Josue na anak ni Josadac, na pangulong saserdote.

12 At salitain mo sa kaniya, na sabihin, Ganito ang salita ng Panginoon ng mga hukbo, na nagsasabi, Narito, ang lalake na ang pangala'y (O)Sanga: at siya'y sisibol (P)sa kaniyang dako; at itatayo niya ang templo ng Panginoon;

13 Sa makatuwid baga'y (Q)kaniyang itatayo ang templo ng Panginoon; at siya'y (R)magtataglay ng kaluwalhatian, at mauupo at magpupuno sa kaniyang luklukan; at siya'y (S)magiging saserdote sa kaniyang luklukan: at ang payo ng kapayapaan ay mapapasa pagitan nila kapuwa.

14 At ang mga putong ay magiging pinakaalaala sa templo ng Panginoon kay Helem, at kay Tobias, at kay Jedaia, at kay Hen na anak ni Sefanias.

15 At (T)silang nangasa malayo ay (U)magsisiparito at mangagtatayo sa loob ng templo ng Panginoon, at inyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa inyo. At ito'y mangyayari kung inyong tatalimahing masikap ang tinig ng Panginoon ninyong Dios.

Ang di pagsunod ang dahilan ng pagkabihag.

At nangyari, (V)nang ikaapat na taon ng haring si Dario, na ang salita ng Panginoon ay dumating kay Zacarias nang ikaapat na araw ng ikasiyam na buwan, sa makatuwid baga'y sa (W)Chislev.

Sinugo nga ng mga taga Beth-el si Sareser at si Regem-melech, at ang kanilang mga lalake, upang hilingin ang lingap ng Panginoon,

At upang magsalita sa (X)mga saserdote ng bahay ng Panginoon ng mga hukbo, at sa (Y)mga propeta, na sabihin, Iiyak baga ako (Z)sa ikalimang buwan, na ako'y hihiwalay, gaya ng aking ginawa nitong maraming taon?

Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon ng mga hukbo sa akin, na nagsasabi,

Salitain mo sa lahat ng tao ng lupain at sa mga saserdote, na iyong sabihin, Nang kayo'y magayuno, (AA)at tumangis ng ikalima at (AB)ikapitong buwan, (AC)nito ngang pitong pung taon, kayo baga'y nagayunong lubos sa akin, para sa akin?

At pagka kayo'y nagsisikain, at pagka kayo'y nagsisiinom, di baga kayo'y nagsisikain sa ganang inyong sarili at nagsisiinom, sa ganang inyong sarili?

Di baga ninyo dapat dinggin ang mga salita na isinigaw ng Panginoon sa pamamagitan ng mga unang propeta, nang ang Jerusalem ay tinatahanan at nasa kaginhawahan, at ang mga bayan niyaon na nangasa palibot niya, at (AD)ang Timugan, at ang mababang lupain ay tinatahanan?

At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Zacarias na nagsasabi,

Ganito ang sinalita ng Panginoon ng mga hukbo, na nagsasabi, (AE)Mangaglapat kayo ng tunay na kahatulan, at magpakita ng kaawaan at ng kahabagan ang bawa't isa sa kaniyang kapatid,

10 At huwag ninyong pighatiin ang babaing bao, (AF)ni ang ulila man, ang taga ibang lupa, ni ang dukha man; at sinoman sa inyo ay huwag magisip ng kasamaan sa inyong puso laban sa kaniyang kapatid.

11 Nguni't kanilang tinanggihang dinggin, at kanilang iniurong ang balikat, at (AG)nagtakip ng pakinig, upang huwag nilang marinig.

12 Oo, kanilang ginawa na parang batong diamante ang kanilang puso upang huwag magsidinig ng kautusan, at ng mga salita na ipinasugo ng Panginoon ng mga hukbo sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu, ng mga unang propeta: kaya't dumating ang malaking poot na mula sa Panginoon ng mga hukbo.

13 At nangyari, na kung paanong siya'y sumigaw, at hindi nila dininig, ay gayon sila sisigaw, at hindi ko didinggin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo;

14 Kundi aking pangangalatin sila sa pamamagitan ng ipoipo sa gitna ng lahat na bansa na hindi nila nakilala. Ganito nasira ang lupain pagkatapos nila, na anopa't (AH)walang tao na nagdadaan o nagbabalik: sapagka't kanilang inihandusay na sira ang kaayaayang lupain.

Ang katotohanan at katuwiran ay ipinayo.

At ang salita ng Panginoon ng mga hukbo ay dumating sa akin, na nagsasabi,

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (AI)Ako'y may paninibugho sa Sion ng malaking paninibugho, at ako'y may paninibugho sa kaniya ng malaking poot.

Ganito ang sabi ng Panginoon, (AJ)Ako'y nagbalik sa Sion, at tatahan ako sa gitna ng Jerusalem: at ang Jerusalem (AK)ay tatawagin, Bayan ng katotohanan; at ang bundok ng Panginoon ng mga hukbo, Ang banal na bundok.

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (AL)Tatahanan pa ng mga matandang lalake at babae ang mga lansangan ng Jerusalem, bawa't tao na may kaniyang tungkod sa kaniyang kamay dahil sa totoong katandaan.

At ang mga lansangan ng bayan ay mapupuno ng mga batang lalake at babae na naglalaro sa mga lansangan niyaon.

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kung maging kagilagilalas sa mga mata ng (AM)nalabi sa bayang ito sa mga araw na yaon, magiging kagilagilalas din naman baga sa aking mga mata? sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking ililigtas ang aking bayan (AN)sa lupaing silanganan at sa lupaing kalunuran;

At aking dadalhin sila, at sila'y magsisitahan sa gitna ng Jerusalem; (AO)at sila'y magiging aking bayan, at ako'y magiging kanilang Dios, sa katotohanan at sa katuwiran.

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (AP)Inyong palakasin ang inyong mga kamay, ninyong nangakakarinig sa mga araw na ito ng mga salitang ito sa bibig ng (AQ)mga propeta, mula nang araw na ilagay ang tatagang-baon sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo, sa templo, upang matayo.

10 Sapagka't bago dumating ang mga araw na yaon ay walang upa sa tao, ni anomang upa sa hayop; at wala ring anomang kapayapaan doon sa lumalabas o pumapasok dahil sa kaaway: sapagka't aking inilagay ang lahat na tao na bawa't isa'y laban sa kaniyang kapuwa.

11 Nguni't ngayo'y sa nalabi sa bayang ito ay hindi ako magiging gaya ng mga unang araw, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

12 Sapagka't magkakaroon ng binhi ng kapayapaan; ang puno ng ubas ay magbubunga, at ang lupa'y mapapakinabangan, at ibibigay ng langit ang kaniyang hamog; at aking ipamamana sa nalabi sa bayang ito ang lahat na bagay na ito.

13 At mangyayari, na kung paanong kayo'y (AR)naging isang sumpa sa gitna ng mga bansa, Oh sangbahayan ni Juda, at sangbahayan ni Israel, gayon ko kayo ililigtas, at kayo'y (AS)magiging isang kapalaran. Huwag kayong mangatakot, kundi inyong palakasin ang inyong mga kamay.

14 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (AT)Kung paanong inisip kong gawan kayo ng masama, nang mungkahiin ako ng inyong mga magulang sa poot, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at hindi ako nagsisi;

15 Gayon ko uli inisip sa mga araw na ito na gawan ng mabuti ang Jerusalem at ang sangbahayan ni Juda: huwag kayong mangatakot.

16 Ito ang mga bagay na inyong gagawin, (AU)Magsalita ang bawa't isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa; humatol kayo ng katotohanan at kapayapaan sa inyong mga pintuang-bayan;

17 At huwag magisip ang sinoman sa inyo ng kasamaan sa inyong puso laban sa kaniyang kapuwa; at huwag ninyong ibigin ang sinungaling na sumpa: sapagka't ang lahat ng ito ay mga bagay na aking kinapopootan, sabi ng Panginoon.

18 At ang salita ng Panginoon ng mga hukbo ay dumating sa akin, na nagsasabi,

19 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang ayuno (AV)sa ikaapat na buwan, at ang ayuno sa (AW)ikalima, at ang ayuno sa ikapito, at ang ayuno sa (AX)ikasangpu, ay magiging sa sangbahayan, ni Juda'y kagalakan at kaligayahan, at mga masayang kapistahan; kaya't inyong ibigin ang katotohanan at kapayapaan.

20 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Mangyayari pa, na darating ang mga bansa, at ang nagsisitahan sa maraming bayan;

21 At ang nagsisitahan sa isang bayan ay paroroon sa isa, na magsasabi, Magsiparoon tayong madali, na ating hilingin ang lingap ng Panginoon, at hanapin ang Panginoon ng mga hukbo; ako man ay paroroon.

22 Oo, maraming bansa at mga matibay na bansa ay (AY)magsisiparoon upang hanapin ang Panginoon ng mga hukbo sa Jerusalem, at hilingin ang lingap ng Panginoon.

23 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Sa mga araw na yao'y mangyayari, na (AZ)sangpung lalake (BA)sa lahat ng wika sa mga bansa ay magtatanganan, sila nga'y magsisitangan sa laylayan niya na Judio, na mangagsasabi, Kami ay magsisiyaong kasama mo, sapagka't aming narinig na ang Dios ay kasama mo.

Apocalipsis 19

19 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay (A)narinig ko ang gaya ng isang malaking tinig ng isang makapal na karamihan sa langit, na nagsasabi,

Aleluya; (B)Kaligtasan, at (C)kaluwalhatian, at kapangyarihan, ay nauukol sa ating Dios:
Sapagka't tunay at matuwid ang (D)kaniyang mga paghatol; sapagka't hinatulan niya (E)ang bantog na patutot, na siyang nagpasama sa lupa ng kaniyang pakikiapid, at (F)iginanti niya ang dugo ng kaniyang mga alipin sa pamamagitan ng kaniyang kamay.

At sila'y muling nangagsabi, Aleluya. (G)At ang usok niya ay napaiilanglang magpakailan kailan man.

At nangagpatirapa ang dalawangpu't apat na matatanda (H)at ang apat na nilalang na buhay, at nangagsisamba sa Dios na nakaupo sa luklukan, na nangagsasabi, (I)Siya nawa; Aleluya.

At lumabas ang isang tinig sa luklukan, na nagsasabi,

(J)Purihin ninyo ang ating Dios, ninyong lahat na mga lingkod niya, ninyong lahat na mga natatakot sa kaniya, maliliit at malalaki.

At narinig ko ang (K)gaya ng isang tinig ng isang makapal na karamihan, at (L)gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nagsasabi,

Aleluya: sapagka't naghahari ang Panginoong ating Dios na Makapangyarihan sa lahat.
Tayo'y mangagalak at tayo'y mangagsayang mainam, at siya'y ating luwalhatiin; (M)sapagka't dumating ang pagkakasal ng Cordero, at ang (N)kaniyang asawa ay nahahanda na.
At (O)sa kaniya'y ipinagkaloob na (P)damtan ang kaniyang sarili ng mahalagang lino, makintab at tunay; sapagka't ang mahalagang lino ay siyang mga matuwid na gawa ng mga banal.

At sinasabi niya sa akin, Isulat mo, (Q)Mapapalad ang mga inanyayahan sa paghapon sa kasalan ng Cordero. At sinasabi niya sa akin, (R)Ang mga ito'y siyang tunay na mga salita ng Dios.

10 At (S)ako'y nagpatirapa sa kaniyang paanan upang siya'y aking sambahin. At sinasabi niya sa akin, (T)Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid (U)na mayroong patotoo ni Jesus: sumamba ka sa Dios: sapagka't (V)ang patotoo ni Jesus ay siyang (W)espiritu ng hula.

11 At nakita kong bukas ang (X)langit; at narito, ang isang (Y)kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay tinatawag na (Z)Tapat at (AA)Totoo; (AB)at sa katuwiran siya'y humahatol at nakikipagbaka.

12 At ang (AC)kaniyang mga mata ay ningas ng apoy, (AD)at sa kaniyang ulo ay maraming diadema; at siya'y (AE)may isang pangalang nakasulat, na sinoman ay di nakaaalam kundi siya rin.

13 At siya'y nararamtan (AF)ng damit na winisikan ng dugo: at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na (AG)Ang Verbo ng Dios.

14 At ang mga hukbong (AH)nasa langit ay sumusunod sa kaniya na mga nakasakay sa mga kabayong puti, at nangararamtan ng mahalagang (AI)linong maputi at dalisay.

15 At (AJ)sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas, upang sa pamamagitan nito'y sugatan niya ang mga bansa: at (AK)kaniyang paghaharian ng tungkod na bakal: at niyuyurakan (AL)niya ang pisaan ng ubas ng kabangisan ng kagalitan ng Dios na Makapangyarihan sa lahat.

16 At siya'y mayroong isang pangalang nakasulat sa kaniyang damit at sa kaniyang hita, (AM) Hari ng mga Hari at Panginoon ng mga Panginoon.

17 At nakita kong nakatayo ang isang anghel sa araw; na siya'y sumisigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi sa lahat ng mga ibong lumilipad sa gitna ng himpapawid, (AN)Halikayo at mangagkatipon (AO)sa dakilang hapunan ng Dios;

18 Upang kayo'y (AP)makakain ng laman ng mga hari, at ng laman ng mga (AQ)pangulong kapitan, at ng laman ng mga taong makapangyarihan, at ng laman ng mga kabayo at ng mga nakasakay dito, at ng laman ng lahat ng mga taong laya at mga alipin man, at maliliit at malalaki.

19 At nakita ko (AR)ang hayop, at ang mga hari sa lupa, at ang kanilang mga hukbo, na nangagkakatipon (AS)upang makipagbaka laban doon sa nakasakay sa kabayo, at laban sa kaniyang hukbo.

20 At sinunggaban ang hayop, (AT)at kasama niya ang bulaang propeta na gumawa ng mga tanda (AU)sa harapan nito, na siyang (AV)ipinangdaya sa mga nagsitanggap ng tanda ng hayop at sa mga sumamba sa larawan nito: ang dalawang ito (AW)ay inihagis na buhay sa dagatdagatang apoy na nagliliyab sa asupre:

21 At ang mga iba ay pinatay sa tabak na lumalabas sa bibig (AX)niyaong nakasakay sa kabayo, at (AY)ang lahat ng mga ibon ay nangabusog ng mga laman nila.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978