Old/New Testament
Ang pagmamataas ng Edom ay pabababain.
1 Ang pangitain ni Obadias.
Ganito ang sabi ng Panginoong Dios (A)tungkol sa Edom, Kami ay (B)nakarinig ng mga balita na mula sa Panginoon, at isang sugo ay sinugo sa mga bansa, na nagsasabi, Magsibangon kayo, at tayo'y mangagtindig laban sa kaniya sa pakikipagbaka.
2 Narito, ginawa kitang maliit sa mga bansa: ikaw ay lubhang hinamak.
3 Dinaya ka ng kapalaluan ng iyong puso, Oh ikaw na tumatahan sa mga bitak ng bato, na ang tahanan ay matayog; na nagsasabi sa kaniyang puso, Sinong magbababa sa akin sa lupa?
4 Bagaman ikaw ay pailanglang sa itaas na parang aguila, at (C)bagaman ang iyong pugad ay malagay sa gitna ng mga bituin, aking ibababa ka mula roon, sabi ng Panginoon.
5 Kung ang mga magnanakaw ay nagsiparoon sa iyo, (D)kung mga mangloloob sa gabi (paano kang nahiwalay!) di baga sila sana'y nangagnakaw hanggang sa sila'y nangagkaroon ng sapat? kung mga mamimitas ng ubas ay nagsiparoon sa iyo, (E)di baga sila sana'y nangagiwan ng laglag na ubas?
6 Paano nasiyasat ang mga bagay ng Esau! paano nasumpungan ang kaniyang mga kayamanang natago!
7 Lahat na lalake na iyong kaalam ay dinala ka sa iyong lakad, hanggang sa hangganan: ang mga lalake na nangasa kapayapaan sa iyo ay dinaya ka, at nanaig laban sa iyo; silang nagsisikain ng iyong tinapay ay naglagay ng silo sa ilalim mo: (F)walang paguunawa sa kaniya.
8 Di ko baga lilipulin (G)sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, ang mga pantas na tao sa Edom, at papawiin ang unawa sa bundok ng Esau?
9 At ang iyong mga makapangyarihang tao, Oh (H)Teman, ay manglulupaypay, palibhasa'y bawa't isa'y mahihiwalay sa bundok ng Esau sa pamamagitan ng patayan.
10 (I)Dahil sa karahasan na ginawa (J)sa iyong kapatid na Jacob ay kahihiyan ang tatakip sa iyo, at ikaw ay mahihiwalay magpakailan man.
11 Nang araw na ikaw ay tumayo sa kabilang dako, nang araw na dalhin ng mga taga ibang bayan ang kaniyang kayamanan, at magsipasok ang mga mangingibang bayan sa kaniyang mga pintuang-bayan at (K)pagsapalaran ang Jerusalem, ikaw man ay naging gaya ng isa sa kanila.
12 Huwag ka ngang magmasid sa (L)araw ng iyong kapatid sa kaarawan ng kaniyang kasakunaan, at huwag mong ikagalak ang mga anak ni Juda sa kaarawan ng kanilang pagkabuwal; ni magsalita mang may kapalaluan sa kaarawan ng pagkahapis.
13 Huwag kang pumasok sa pintuan ng aking bayan sa kaarawan ng kanilang kasakunaan; oo, huwag mong masdan ang kanilang pagdadalamhati sa kaarawan ng kanilang kasakunaan, o pakialaman man ninyo ang kanilang kayamanan sa kaarawan ng kanilang kasakunaan.
14 At huwag kang tumayo sa mga salubungang daan na ihiwalay ang kaniya na tumatanan; at huwag mong ibigay ang kaniya na nalabi sa kaarawan ng kapanglawan.
15 (M)Sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na, laban sa lahat ng bansa: (N)kung ano ang iyong gawin, ay siyang gagawin sa iyo; (O)ang iyong gawa ay babalik sa iyong sariling ulo.
16 Sapagka't (P)kung paanong kayo'y nagsiinom sa aking banal na bundok, gayon magsisiinom na palagi ang lahat na bansa, oo, sila'y magsisiinom, at magsisitungga, at magiging wari baga sila'y hindi nangabuhay.
Ang Israel ay luluwalhatiin.
17 Nguni't sa bundok (Q)ng Sion ay doroon yaong nangakatatanan, at magiging banal; at aariin ng sangbahayan ni Jacob ang kaniyang mga pagaari.
18 At ang sangbahayan ni Jacob ay (R)magiging isang apoy, at ang sangbahayan ni Jose ay isang liyab, at ang sangbahayan ni Esau ay dayami, at sila'y kanilang susunugin, at sila'y susupukin; at walang malalabi sa sangbahayan ni Esau; sapagka't sinalita ng Panginoon.
19 At silang sa Timugan, ay (S)mangagaari ng bundok ng Esau, (T)at silang sa mababang lupa ay ng mga Filisteo; at kanilang aariin ang parang ng Ephraim, at ang parang ng Samaria; at aariin ng Benjamin ang Galaad.
20 At ang mga bihag sa hukbong ito ng mga anak ni Israel na nasa mga taga Canaan, ay magaari ng (U)hanggang sa Sarefat; at ang mga bihag sa Jerusalem na nasa Sepharad ay magaari ng mga bayan ng Timugan.
21 At ang mga (V)tagapagligtas ay magsisisampa sa (W)bundok ng Sion upang hatulan ang bundok ng Esau; at (X)ang kaharian ay magiging sa Panginoon.
9 At humihip ang ikalimang anghel, at (A)nakita ko ang isang bituin na nahulog sa lupa mula sa langit: at sa kaniya'y ibinigay (B)ang susi ng (C)hukay ng kalaliman.
2 At binuksan niya ang balon ng kalaliman; at napailanglang ang usok mula sa hukay, na gaya ng usok ng isang malaking lutuang-bakal; at nagdilim ang araw at ang himpapawid dahil sa usok ng hukay.
3 At nangagsilabas sa usok ang mga (D)balang sa lupa; at binigyan sila ng kapangyarihan, na gaya ng mga alakdan sa lupa na may kapangyarihan.
4 At sinabi sa kanila (E)na huwag ipahamak (F)ang damo sa lupa, ni ang anomang bagay na sariwa, ni ang anomang punong kahoy, kundi ang mga tao lamang na walang (G)tatak ng Dios sa kanilang mga noo.
5 At pinagkalooban silang huwag patayin ang mga ito, kundi pahirapan nilang limang buwan: at ang kanilang pahirap ay gaya ng pahirap ng alakdan kung kumakagat sa isang tao.
6 At sa mga araw na yaon ay (H)hahanapin ng mga tao ang kamatayan, at sa anomang paraa'y hindi nila masusumpungan; at mangagnanasang mamatay, at ang kamatayan ay tatakas sa kanila.
7 At (I)ang anyo ng mga balang ay katulad ng mga kabayong nahahanda sa pagbabaka; at sa kanilang mga ulo ay gaya ng mga putong na katulad ng ginto, at ang kanilang mga mukha ay gaya ng mga mukha ng mga tao.
8 At sila'y may buhok na gaya ng buhok ng mga babae, at ang (J)kanilang mga ngipin ay gaya ng sa mga leon.
9 At sila'y may mga baluti, na gaya ng baluting bakal; at ang ugong ng kanilang mga pakpak (K)ay gaya ng ugong ng mga karro, at ng maraming kabayo na dumadaluhong sa pagbabaka.
10 At sila'y may mga buntot na gaya ng sa mga alakdan, at mga tibo; at sa kanilang mga buntot naroroon ang kanilang kapangyarihan upang ipahamak ang mga taong limang buwan.
11 Sila'y may (L)pinakahari na anghel ng kalaliman: ang kaniyang pangalan sa wikang Hebreo ay Abaddon,[a] at sa Griego ay may pangalan siyang Apolyon.
12 Ang unang Pagkaaba ay nakaraan na: (M)narito, darating pa ang dalawang Pagkaaba sa haharapin.
13 At humihip ang ikaanim na anghel, at narinig ko ang isang tinig mula sa (N)mga sungay ng (O)dambanang ginto na nasa harapan ng Dios,
14 Na nagsasabi sa ikaanim na anghel na may pakakak, Kalagan mo ang apat na anghel na nagagapos (P)sa malaking ilog ng Eufrates.
15 At kinalagan ang apat na anghel, na nangahahanda sa oras at araw at buwan at taon upang patayin ang ikatlong bahagi ng mga tao.
16 At (Q)ang bilang ng mga hukbong nangangabayo ay makalawang sangpunglibong tigsasangpung libo: aking narinig ang bilang nila.
17 At nakita kong sa pangitain ang mga kabayo, at ang mga nakasakay dito, na may mga baluting gaya ng (R)apoy at ng jacinto at ng asupre: at ang mga ulo ng mga kabayo ay gaya ng mga ulo ng mga leon; at sa kanilang mga bibig ay lumalabas ang apoy at usok at asupre.
18 Sa pamamagitan ng tatlong salot na ito ay napatay ang ikatlong bahagi ng mga tao, sa pamamagitan ng apoy at ng usok at ng asupre, na nangagsisilabas sa kanilang mga bibig.
19 Sapagka't ang kapangyarihan ng mga kabayo ay nasa kanilang bibig, at nasa kanilang mga buntot; sapagka't ang kanilang mga buntot ay kawangis ng mga ahas, at may mga ulo; at siya nilang ipinananakit.
20 At ang nalabi sa mga tao, na hindi napatay sa mga salot na ito, ay hindi nagsipagsisi sa (S)mga gawa ng kanilang mga kamay, upang huwag sumamba sa mga demonio, (T)at sa mga diosdiosang ginto, at pilak, at tanso, at bato, at kahoy; na hindi nangakakakita, ni nangakaririnig man, ni nangakalalakad man.
21 At sila'y hindi nagsipagsisi sa kanilang mga pagpatay, kahit man sa kanilang panggagaway, kahit man sa kanilang pakikiapid, kahit man sa kanilang pagnanakaw.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978