Old/New Testament
Ang matiwasay na arawo.
4 Nguni't (A)sa mga huling araw ay mangyayari, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at matataas sa mga burol; at mga tao'y paroroon sa kaniya.
2 At maraming bansa'y magsisiparoo't mangagsasabi, Magsiparito kayo, at tayo'y magsiahon sa bundok ng Panginoon, at sa bahay ng Dios ni Jacob; at siya'y magtuturo sa atin ng kaniyang mga daan, at tayo'y magsisilakad sa kaniyang mga landas. Sapagka't sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem;
3 (B)At siya'y hahatol sa gitna ng maraming bayan, at sasaway sa mga matibay na bansa sa malayo: at kanilang papandayin ang kanilang mga tabak upang maging sudsud, at ang kanilang mga sibat upang maging karit; ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, ni magaaral pa man ng pakikipagdigma.
4 Kundi sila'y uupo (C)bawa't isa sa ilalim ng kaniyang punong ubas at sa ilalim ng kaniyang punong igos; at walang tatakot sa kanila: (D)sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon ng mga hukbo.
5 Sapagka't ang lahat na bayan ay magsisilakad bawa't isa sa pangalan ng kanikaniyang dios: at (E)tayo'y magsisilakad sa pangalan ng Panginoon nating Dios magpakailan kailan man.
6 Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, (F)aking pipisanin siya na napipilay, at aking titipunin siya na natapon, at siya na aking pinagdalamhati;
7 At aking gagawin ang pilay na isang nalabi, at ang natapon sa malayo na isang matibay na bansa: at ang Panginoon ay (G)maghahari sa kanila sa bundok ng Sion mula ngayon hanggang sa walang hanggan.
8 At ikaw, oh moog ng kawan, na burol ng anak na babae ng Sion, ito sa iyo'y darating, oo, ang dating kapangyarihan ay darating, ang kaharian ng anak na babae ng Jerusalem.
9 Ngayo'y bakit ka sumisigaw ng malakas? (H)Wala ka bagang hari, ang iyo bagang kasangguni ay namatay, upang ang mga paghihirap ay suma (I)iyo na gaya ng babae sa pagdaramdam?
10 Magdamdam ka, at magtiis ka ng hirap, Oh anak na babae ng Sion, na gaya ng babae sa pagdaramdam: sapagka't ngayo'y lalabas ka sa bayan, at ikaw ay tatahan sa parang, at (J)ikaw ay darating hanggang sa Babilonia: (K)doon ka maliligtas; doon ka tutubusin ng Panginoon sa kamay ng iyong mga kaaway.
11 At ngayo'y maraming bansa (L)ay nangagpupulong laban sa iyo, na nangagsasabi, Madumhan siya, at makita ng ating mata ang nasa natin (M)sa Sion.
12 Nguni't hindi nila nalalaman ang mga pagiisip ng Panginoon, ni nauunawa man nila ang kaniyang payo; sapagka't kaniyang pinisan (N)sila na parang mga bigkis sa giikan.
13 Ikaw ay bumangon, at gumiik, Oh anak na babae ng Sion; sapagka't aking gagawing bakal ang (O)iyong sungay, at aking gagawing tanso ang iyong mga kuko; at iyong pagluluraylurayin ang maraming bayan: at (P)iyong itatalaga ang kanilang pakinabang sa Panginoon, at ang kanilang (Q)pagaari ay sa Panginoon ng buong lupa.
Ang paghahari ng tagapagligtas na magmumula sa Beth-lehem.
5 Ngayon ay mapipisan ka sa mga hukbo, Oh anak na babae ng mga hukbo: siya'y nangubkob laban sa atin; kanilang hahampasin sa pisngi ang hukom ng Israel (R)ng isang tungkod.
2 Nguni't ikaw, (S)Beth-lehem Ephrata, na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel; na ang (T)pinagbuhatan niya ay mula nang una, (U)mula nang walang hanggan.
3 Kaya't kaniyang ibibigay sila hanggang sa panahon na siya na nagdaramdam ay manganak: kung magkagayon (V)ang nalabi sa kaniyang mga kapatid ay babalik sa mga anak ni Israel.
4 At siya'y titindig, at magpapakain ng kaniyang kawan sa kalakasan ng Panginoon, sa kamahalan ng pangalan ng Panginoon niyang Dios: at sila'y mananatili; sapagka't (W)ngayon siya'y magiging dakila hanggang sa mga wakas ng lupa.
5 At (X) ang lalaking ito ay magiging kapayapaan natin. Pagka ang taga Asiria ay papasok sa ating lupain, at pagka siya'y tutungtong sa ating mga palacio, tayo nga'y mangagtitindig laban sa kaniya ng pitong pastor, at walong pinakapangulong tao.
6 At kanilang wawasakin ng tabak ang lupain ng Asiria, at ang lupain ng Nimrod sa mga pasukan niyaon: at kaniyang ililigtas tayo sa taga Asiria, pagka siya'y pumasok sa ating lupain, at pagka siya'y tumungtong sa loob ng ating hangganan.
7 At ang nalabi sa Jacob ay magiging parang hamog na mula sa Panginoon sa gitna ng maraming bayan, (Y)parang ulan sa damo, na hindi naghihintay sa tao, ni naghihintay man sa mga anak ng tao.
8 At ang nalabi sa Jacob ay magiging sa gitna ng mga bansa, sa gitna ng maraming bayan, na parang leon sa mga hayop sa gubat, na parang batang leon sa mga kawan ng mga tupa; na kung siyay dumaraan ay yumayapak at lumalapa, at walang magligtas.
9 Mataas ang iyong kamay sa iyong mga kaaway, at mangahiwalay ang lahat ng iyong mga kaaway.
10 At mangyayari (Z)sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, (AA)na aking ihihiwalay ang iyong mga kabayo sa gitna mo, at aking gigibain ang iyong mga karo:
11 At aking ihihiwalay ang mga bayan ng iyong lupain, at aking ibabagsak ang lahat ng iyong katibayan:
12 At aking ihihiwalay ang mga (AB)panghuhula sa iyong kamay; at hindi ka na magkakaroon ng mga (AC)manghuhula:
13 At aking ihihiwalay ang iyong mga inanyuang larawan at ang iyong mga haligi mula sa gitna mo; at hindi ka na sasamba sa gawa ng iyong mga kamay;
14 At aking bubunutin ang iyong mga (AD)Asera mula sa gitna mo; at aking sisirain ang iyong mga bayan.
15 At ako'y maguukol ng panghihiganti sa galit at kapusukan sa mga bansa na hindi nangakinig.
12 At ang isang dakilang tanda ay nakita sa langit: isang babae na nararamtan ng araw, at (A)ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa, at sa kaniyang ulo ay may isang putong na labingdalawang bituin;
2 At (B)siya'y nagdadalang tao; at siya'y sumisigaw, na nagdaramdam sa panganganak, at sa hirap upang manganak.
3 At ang ibang tanda ay nakita sa langit: at narito, ang isang malaking (C)dragong mapula, na may pitong ulo at (D)sangpung sungay, at sa kaniyang mga ulo'y may pitong diadema.
4 At kinaladkad ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit, (E)at ipinaghagis sa lupa: at lumagay ang dragon sa harapan ng babaing manganganak na, (F)upang lamunin ang kaniyang anak pagkapanganak niya.
5 At siya'y nanganak ng isang anak na lalake, na (G)maghahari na may panghampas na bakal sa lahat ng mga bansa: at ang kaniyang anak ay inagaw na dinala hanggang sa Dios, at hanggang sa kaniyang luklukan.
6 At tumakas ang babae sa ilang, na doon siya'y ipinaghanda ng Dios ng isang dako, upang doon siya ampuning (H)isang libo dalawang daan at anim na pung araw.
7 At nagkaroon ng pagbabaka sa langit: (I)si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa (J)dragon; at ang dragon at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka;
8 At hindi sila nanganalo, (K)ni nasumpungan pa man ang kanilang dako sa langit.
9 At (L)inihagis ang malaking dragon, (M)ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at (N)Satanas, (O)ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya'y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.
10 At narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit, na nagsasabi,
(P)Ngayo'y dumating ang kaligtasan, at ang kapangyarihan, at ang kaharian ng ating Dios, at ang kapamahalaan ng kaniyang Cristo: sapagka't inihagis na ang tagapagsumbong sa ating mga kapatid (Q)na siyang sa kanila'y nagsusumbong sa harapan ng ating Dios araw at gabi.
11 At siya'y (R)kanilang dinaig dahil sa dugo ng Cordero, at dahil sa (S)salita ng kanilang patotoo, (T)at hindi nila inibig ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan.
12 Kaya't mangagalak kayo, Oh mga langit at kayong nagsisitahan diyan.
(U)Sa aba ng lupa at ng dagat: sapagka't ang diablo'y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya.
13 At nang makita ng dragon na siya'y inihagis sa lupa, ay inusig niya (V)ang babaing nanganak ng sanggol na lalake.
14 At sa babae'y ibinigay ang dalawang pakpak ng agilang malaki, upang ilipad sa ilang mula sa harap ng ahas hanggang sa kaniyang tahanan, na pinagkandilihan sa kaniyang (W)isang panahon, at mga panahon, at kalahati ng isang panahon.
15 At ang ahas ay nagbuga sa kaniyang bibig sa likuran ng babae ng tubig na gaya ng isang ilog, upang maipatangay siya sa agos.
16 At tinulungan ng lupa ang babae, at ibinuka ang kaniyang bibig at nilamon ang ilog na ibinuga ng dragon sa kaniyang bibig.
17 At nagalit ang dragon sa babae, (X)at umalis upang bumaka sa nalabi sa kaniyang binhi, (Y)na siyang nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at mga may (Z)patotoo ni Jesus:
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978