Old/New Testament
Sinusugan ni Hagai ang bayan na itayo ang templo.
1 Nang ikalawang (A)taon ni Dario na hari, nang ikaanim na buwan, nang unang araw ng buwan, dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta kay Zorobabel na anak ni Sealtiel, na gobernador sa Juda, at kay (B)Josue na anak ni Josadac na (C)dakilang saserdote, na nagsasabi,
2 Ganito ang sinasalita ng Panginoon ng mga hukbo, na sinasabi, ang bayang ito'y nagsasabi, Hindi pa dumarating ang panahon, ang panahon ng pagtatayo ng bahay sa Panginoon.
3 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan (D)ni Hagai na propeta, na nagsasabi,
4 Panahon baga sa inyo na tumahan sa inyong mga nakikisamihang bahay, samantalang ang bahay na ito ay namamalaging wasak?
5 Ngayon nga'y ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Gunitain ninyo ang inyong mga lakad.
6 Kayo'y nangaghasik ng marami, (E)at nagsisiani ng kaunti; kayo'y nagsisikain, nguni't hindi kayo nagkaroon ng kahustuhan; kayo'y nagsisiinom, nguni't hindi kayo nangapapatirang-uhaw; kayo'y nangananamit, nguni't walang mainit; at yaong kumikita ng mga pinagarawan ay kumikita ng mga pinagarawan upang ilagay sa supot na may mga butas.
7 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Gunitain ninyo ang inyong mga lakad.
8 Magsiahon kayo sa bundok, at mangagdala ng kahoy, at mangagtayo kayo ng bahay; at aking kalulugdan, at (F)ako'y luluwalhati, sabi ng Panginoon.
9 Kayo'y nangaghintay ng marami, at, narito, ang dumating ay kaunti; at nang inyong dalhin sa bahay, aking hinipan. Bakit? sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Dahil sa ang aking bahay ay nahahandusay na wasak, samantalang tumatakbo bawa't isa sa inyo sa kanikaniyang sariling bahay.
10 Kaya't dahil sa inyo, (G)pinipigil ng langit ang hamog, at ipinagkakait ng lupa ang kaniyang bunga.
11 At ako'y nagpasapit ng pagkatuyo sa lupa, at sa mga bundok, at sa trigo, at sa alak, at sa langis, at sa sumisibol sa lupa, at sa mga tao, at sa baka, at sa lahat ng pinagpagalan ng mga kamay.
12 Nang magkagayo'y si Zorobabel na anak ni Sealtiel, at si Josue na anak ni Josadac, na pangulong saserdote, sangpu ng buong nalabi sa bayan, (H)nagsitalima sa tinig ng Panginoon nilang Dios, at sa mga salita ni Hagai na propeta, na siyang sinugo ng Panginoon nilang Dios; at ang bayan ay natakot sa harap ng Panginoon.
13 Nang magkagayo'y nagsalita si Hagai, na sugo ng Panginoon ayon sa (I)pasugo ng Panginoon sa bayan, na nagsasabi, (J)Ako'y sumasainyo, sabi ng Panginoon.
14 At kinilos ng Panginoon ang kalooban ni Zorobabel na anak ni Sealtiel, na gobernador sa Juda, at ang kalooban ni Josue na anak ni Josadac na pangulong saserdote, at ang kalooban ng buong nalabi sa bayan; at sila'y nagsiparoon, at nagsigawa sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo, na kanilang Dios,
15 (K)Nang ikadalawang pu't apat na araw ng buwan, nang buwang ikaanim, nang ikalawang taon ni Dario na hari.
Ang kahirapan ng mga tao ay dahil sa sila'y di tapat.
2 (L)Nang ikapitong buwan nang ikadalawang pu't isang araw ng buwan, dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta, na nagsasabi,
2 Salitain mo ngayon kay (M)Zorobabel na anak ni Sealtiel, na gobernador sa Juda, at kay Josue na anak ni Josadac, na pangulong saserdote, at sa (N)nalabi sa bayan, na sabihin mo,
3 Sino ang nananatili (O)sa inyo na nakakita sa bahay na ito sa kaniyang dating kaluwalhatian? at paanong nakikita ninyo ngayon? hindi baga sa inyong mga mata ay parang wala?
4 Gayon ma'y magpakalakas ka (P)ngayon, Oh Zorobabel, sabi ng Panginoon; at magpakalakas ka, Oh Josue, na anak ni Josadac, na pangulong saserdote; at mangagpakalakas kayo, kayong buong bayan sa lupain, sabi ng Panginoon, at (Q)kayo'y magsigawa: sapagka't ako'y sumasa inyo sabi ng Panginoon ng mga hukbo,
5 Ayon (R)sa salita na aking itinipan sa inyo nang kayo'y magsilabas sa Egipto, at ang (S)aking Espiritu ay nanahan sa inyo: huwag kayong mangatakot.
6 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (T)Minsan na lamang, sangdaling panahon, at (U)aking uugain ang langit, at ang lupa, at ang dagat, at ang tuyong lupa;
7 At aking uugain (V)ang lahat na bansa; (W)at darating ang mga bagay na nais ng lahat na bansa; at aking pupunuin ang bahay na ito ng (X)kaluwalhatian, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
8 (Y)Ang pilak ay akin, at ang ginto ay akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
9 Ang huling kaluwalhatian (Z)ng bahay na ito ay magiging lalong dakila kay sa dati, sabi ng Panginoon ng mga hukbo; at sa dakong ito ay magbibigay ako ng (AA)kapayapaan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
10 (AB)Nang ikadalawang pu't apat nang ikasiyam na buwan, nang (AC)ikalawang taon ni Dario, dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta, na nagsasabi,
11 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (AD)Mangagtanong kayo ngayon sa mga saserdote ng tungkol sa kautusan, na mangagsabi,
12 Kung ang isang tao ay may dala sa kaniyang kandungan na banal (AE)na karne, at magsagi ng kaniyang laylayan ang tinapay, o ulam, o alak, o langis, o anomang pagkain, magiging banal pa baga? At ang mga saserdote ay nagsisagot, at nangagsabi, Hindi.
13 Nang magkagayo'y sinabi ni Hagai, Kung ang sinomang (AF)marumi dahil sa bangkay ay (AG)masagi ang anoman sa mga ito, magiging marumi baga? At ang mga saserdote ay nagsisagot at nangagsabi, Magiging marumi.
14 Nang magkagayo'y sumagot si Hagai, at nagsabi, Gayon nga ang bayang ito, at gayon ang bansang ito sa harap ko, sabi ng Panginoon; at gayon ang bawa't gawa ng kanilang mga kamay; at ang kanilang inihahandog doon ay marumi.
15 At ngayo'y isinasamo ko sa inyo, na inyong gunitain mula sa araw na ito at sa nakaraan, bago ang bato ay mapatong sa kapuwa bato sa templo ng Panginoon.
16 Nang buong panahong yaon, pagka ang isa ay (AH)lumalapit sa isang bunton ng dalawang pung takal, may sangpu lamang; pagka ang isa ay lumalapit sa (AI)pigaan ng alak upang kumuha ng limang pung sisidlan, may dalawang pu lamang.
17 Sinalot ko (AJ)kayo ng (AK)pagkalanta at ng amag at ng granizo sa lahat ng gawa ng inyong mga kamay; gayon ma'y hindi kayo nanumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.
18 Isinasamo ko nga sa inyo, na kayo'y magdilidili mula sa araw na ito at sa nakaraan, (AL)mula nang ikadalawang pu't apat na araw ng ikasiyam na buwan, (AM)mula nang araw na ang tatagang-baon ng templo ng Panginoon ay ilagay, gunitain ninyo.
19 May binhi pa baga sa kamalig? oo, ang puno ng ubas, at ang puno ng igos, at ang granada, at ang puno ng olibo ay hindi nagbunga; mula sa araw na ito ay pagpapalain ko kayo.
Ang pangako ng Panginoon.
20 At ang salita ng Panginoon ay dumating na ikalawa kay Hagai nang ikadalawang pu't apat na araw ng buwan, na nagsasabi,
21 Salitain mo kay Zorobabel na gobernador sa Juda, na iyong sabihin, (AN)Aking uugain ang langit at ang lupa;
22 At (AO)aking guguluhin ang luklukan ng mga kaharian, at aking gigibain ang lakas ng mga kaharian ng mga bansa; (AP)at aking guguluhin ang mga karo, at yaong nagsisisakay sa mga yaon; at ang mga kabayo at ang mga sakay ng mga yaon ay mangahuhulog, ang (AQ)bawa't isa'y sa pamamagitan ng tabak ng kaniyang kapatid.
23 Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kita'y kukunin, Oh Zorobabel, na aking lingkod, na anak ni Sealtiel, sabi ng Panginoon, (AR)at gagawin kitang pinaka panatak; sapagka't pinili (AS)kita, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
17 At dumating ang (A)isa sa (B)pitong anghel na may pitong mangkok, at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Pumarito ka, ipakikita ko sa iyo ang hatol sa (C)bantog na patutot (D)na nakaupo sa maraming tubig;
2 Na siyang pinakiapiran (E)ng mga hari sa lupa, at (F)ang mga nananahan sa lupa ay nalasing sa alak ng kaniyang pakikiapid.
3 At ako'y kaniyang dinalang (G)nasa Espiritu sa isang ilang: at nakita ko ang isang babae na nakasakay sa isang hayop na pula, na puno ng mga (H)pangalang pamumusong, na may pitong ulo at sangpung sungay.
4 At nararamtan ang babae ng kulay-ube at ng pula, (I)at nahihiyasan ng ginto at ng mga mahalagang bato at mga perlas, na sa kaniyang kamay ay (J)may isang sarong ginto na puno ng mga kasuklamsuklam, at ng mga bagay na marurumi ng kaniyang pakikiapid,
5 At sa kaniyang noo ay nakasulat ang isang pangalan, (K)HIWAGA, DAKILANG BABILONIA, INA NG MGA PATUTOT AT NG MGA KASUKLAMSUKLAM SA LUPA.
6 At nakita ko (L)ang babae na lasing sa dugo ng mga banal, at sa dugo ng (M)mga martir ni Jesus. At nang aking makita siya ay nanggilalas ako ng malaking panggigilalas.
7 At sinabi sa akin ng anghel, Bakit ka nanggilalas? Sasabihin ko sa iyo ang hiwaga ng babae, at ng hayop na sinasakyan niya, na may pitong ulo at sangpung sungay.
8 At ang hayop na nakita mo ay naging siya, at wala na; at (N)malapit ng umahon sa (O)kalaliman, at patungo sa kapahamakan. At silang mga nananahan sa lupa ay manggigilalas (P)na ang kanilang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula nang itatag ang sanglibutan, pagkakita nila sa hayop, kung paano naging siya at wala na, at darating.
9 (Q)Narito ang pagiisip na may karunungan. (R)Ang pitong ulo ay pitong bundok na kinauupuan ng babae:
10 At sila'y pitong hari; ang lima ay nanga buwal, ang isa'y narito, ang isa ay hindi pa dumarating; at pagdating niya ay dapat magtagal na sangdaling panahon.
11 At ang hayop na naging siya, at wala na, ay siya ring ikawalo at siya'y sa pito at siya'y patungo sa kapahamakan.
12 At ang sangpung sungay (S)na iyong nakita ay sangpung hari, na hindi pa nagsisitanggap ng kaharian; datapuwa't magsisitanggap sila ng kapamahalaang paghahari na isang oras na kasama ng hayop.
13 Ang mga ito ay may isang kaisipan, at ibinibigay nila ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan sa hayop.
14 (T)Makikipagbaka ang mga ito laban sa Cordero, at sila'y dadaigin (U)ng Cordero, (V)sapagka't siya'y Panginoon ng mga panginoon at (W)Hari ng mga Hari; at ng (X)mga kasama niya, na mga tinawag at mga pili at mga tapat ay nananaig din.
15 At sinabi niya sa akin, (Y)Ang tubig na iyong nakita, na kinauupuan ng patutot, ay mga bayan, at mga karamihan, at mga bansa, at mga wika.
16 At (Z)ang sangpung sungay na iyong nakita, at ang hayop, ay siyang nangapopoot sa patutot, at siya'y pababayaan (AA)at huhubaran, at (AB)kakanin ang kaniyang laman, at (AC)siya'y lubos na susupukin ng apoy.
17 Sapagka't inilagay ng (AD)Dios sa kanilang mga puso na gawin ang kaniyang kaisipan, at mangagkaisa ng kaisipan, at ibigay ang kanilang kaharian sa hayop, (AE)hanggang sa maganap ang mga salita ng Dios.
18 At ang babae na iyong nakita (AF)ay ang dakilang bayan, na naghahari sa mga hari sa lupa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978