Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Zacarias 13-14

Ang paglilinis ng Jerusalem.

13 Sa araw na yaon ay (A)mabubuksan ang isang bukal sa sangbahayan ni David at sa mga mananahan sa Jerusalem, sa kasalanan, at sa karumihan.

At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, na aking ihihiwalay sa lupain ang mga pangalan ng mga diosdiosan, at sila'y hindi na mangaaalaala pa; at aking palalayasin naman ang mga propeta at ang karumaldumal na espiritu sa lupain.

At mangyayari, na pagka ang sinoman ay manghuhula, sasabihin nga sa kaniya ng kaniyang ama at ng kaniyang ina na nanganak sa kaniya, Ikaw ay hindi mabubuhay; sapagka't ikaw ay nagsasalita ng kabulaanan sa pangalan ng Panginoon; at palalagpasan (B)siya ng kaniyang ama at ng kaniyang ina na nanganak sa kaniya samantalang siya'y nanghuhula.

At mangyayari sa araw na yaon na (C)ang mga propeta ay mangahihiya bawa't isa dahil sa kaniyang pangitain, pagka siya'y nanghuhula; hindi man sila (D)mangagsusuot ng kasuutang balahibo, upang mangdaya:

Kundi kaniyang sasabihin, (E)Ako'y hindi propeta, ako'y mangbubukid sa lupa; sapagka't ako'y pinapaging alipin mula sa aking pagkabinata.

At sasabihin ng isa sa kaniya, Ano ang mga sugat na ito sa pagitan ng iyong mga bisig? Kung magkagayo'y siya'y sasagot, Iyan ang mga naging sugat ko sa bahay ng aking mga kaibigan.

Gumising ka, Oh tabak, laban sa (F)pastor ko, at laban sa lalake na aking (G)kasama, sabi ng Panginoon ng mga hukbo: (H)saktan mo ang pastor at ang mga tupa ay mangangalat; at aking ipipihit ang aking kamay laban sa mga maliit.

At mangyayari, na sa buong lupain, sabi ng Panginoon, dalawang bahagi ay mahihiwalay at mamamatay; (I)nguni't ang ikatlo ay maiiwan.

At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila'y (J)dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at (K)sila'y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila'y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: (L)aking sasabihin, Siya'y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Panginoon ay aking Dios.

Ang Panginoon ay katulong ng Jerusalem sa pakikidigma laban sa kaaway.

14 Narito (M)ang araw ng Panginoon ay dumarating, na ang iyong samsam ay babahagihin sa gitna mo.

Sapagka't (N)aking pipisanin ang lahat na bansa laban sa Jerusalem sa pagbabaka; at ang bayan ay masasakop, at ang mga bahay ay lolooban, at ang mga babae ay dadahasin; at ang kalahati ng bayan ay yayaon sa pagkabihag, at ang nalabi sa bayan ay hindi mahihiwalay sa bayan.

Kung magkagayo'y lalabas ang Panginoon, at makikipaglaban sa mga bansang yaon, (O)gaya nang siya'y makipaglaban sa araw ng pagbabaka.

At ang kaniyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon (P)sa bundok ng mga Olivo, na nasa tapat ng Jerusalem sa dakong silanganan; at ang bundok ng mga Olivo ay mahahati sa gitna niya, sa dakong silanganan at sa dakong kalunuran, (Q)at magiging totoong malaking libis; at ang kalahati ng bundok ay malilipat sa dakong hilagaan, at ang kalahati ay sa dakong timugan.

At kayo'y magsisitakas sa libis ng aking mga bundok; sapagka't ang libis ng mga bundok ay magsisiabot hanggang sa Azel; oo, kayo'y magsisitakas gaya nang kayo'y tumakas (R)mula sa lindol nang mga kaarawan ni Uzzias na hari sa Juda; at ang Panginoon kong Dios ay darating, at ang lahat na banal (S)na kasama niya.

At mangyayari sa araw na yaon, na hindi magkakaroon ng liwanag; at ang mga nagniningning ay uurong.

Nguni't magiging isang araw na kilala sa Panginoon; hindi araw, at hindi gabi; nguni't mangyayari, na (T)sa gabi ay magliliwanag.

At mangyayari sa araw na yaon, na ang buhay na tubig ay magsisibalong mula (U)sa Jerusalem; kalahati niyao'y sa dakong dagat silanganan, at kalahati niyao'y sa dakong dagat kalunuran: sa taginit at sa tagginaw mangyayari.

Ang paghahari ng Panginoon sa sanglibutan.

At ang Panginoo'y magiging (V)Hari sa buong lupa: sa araw na yao'y magiging ang Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa.

10 Ang buong lupain ay magiging (W)gaya ng Araba, mula sa Geba hanggang sa Rimmon na timugan ng Jerusalem; at (X)siya'y matataas, at tatahan sa kaniyang dako, mula sa (Y)pintuang-bayan ng Benjamin hanggang sa dako ng unang pintuang-bayan, hanggang sa sulok na pintuang-bayan, (Z)at mula sa moog ng Hananel hanggang sa pisaan ng ubas ng hari.

11 At ang mga tao'y magsisitahan doon, at hindi na magkakaroon pa ng sumpa; kundi ang Jerusalem ay tatahang tiwasay.

12 At ito ang salot na ipananalot ng Panginoon sa lahat na bayan na nakipagdigma laban sa Jerusalem: ang kanilang laman ay matutunaw samantalang sila'y nangakatayo ng kanilang mga paa, at ang kanilang mga mata'y mangatutunaw sa kanilang ukit, at ang kanilang dila ay matutunaw sa kanilang bibig.

13 At mangyayari sa araw na yaon, na magkakaroon ng isang malaking kaingay sa gitna nila na mula sa Panginoon; at hahawak ang bawa't isa sa kanila sa (AA)kamay ng kaniyang kapuwa, at ang kamay niya'y mabubuhat laban sa kamay ng kaniyang kapuwa.

14 At ang Juda naman ay makikipaglaban sa Jerusalem; at ang kayamanan ng lahat na bansa sa palibot ay mapipisan, ginto, at pilak, at kasuutan, na totoong sagana.

15 At magiging gayon ang salot sa kabayo, sa mula, sa kamelyo, at sa asno, at sa lahat ng hayop na naroroon, sa mga kampamentong yaon, na gaya ng salot na ito.

16 At mangyayari, na bawa't maiwan, sa lahat na bansa na naparoon laban sa Jerusalem ay (AB)aahon (AC)taon-taon upang sumamba sa Hari, sa Panginoon ng mga hukbo, at upang ipangilin (AD)ang mga kapistahan ng mga balag.

17 At mangyayari, (AE)na ang sinoman sa mga angkan sa lupa na hindi umahon sa Jerusalem upang sumamba sa Hari, sa Panginoon ng mga hukbo, sila'y mawawalan ng ulan.

18 At kung ang angkan ng Egipto ay hindi umahon at hindi pumaroon, mawawalan din ng ulan (AF)sila, magkakaroon ng salot, na ipinanalot ng Panginoon sa mga bansa na hindi magsisiahon upang ipagdiwang ang kapistahan ng mga balag.

19 Ito ang magiging kaparusahan sa Egipto, at kaparusahan sa lahat na bansa na hindi magsisiahon upang ipagdiwang ang kapistahan ng mga balag.

20 Sa araw na yaon ay magkakaroon sa mga kampanilya ng mga kabayo, (AG)KABANALAN SA PANGINOON; at ang mga (AH)palyok sa bahay ng Panginoon ay magiging gaya ng mga (AI)taza sa harap ng dambana.

21 Oo, bawa't palyok sa Jerusalem at sa Juda ay aariing banal sa Panginoon ng mga hukbo; at silang lahat na nangaghahain ay magsisiparoon at magsisikuha niyaon, at magpapakulo roon: at sa araw na yaon ay (AJ)hindi na magkakaroon pa ng (AK)Cananeo sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo.

Apocalipsis 21

21 At nakita ko ang isang bagong langit (A)at ang isang bagong lupa: sapagka't (B)ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na.

At nakita (C)ko (D)ang bayang banal, ang bagong (E)Jerusalem, (F)na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang (G)gaya ng isang babaing kasintahan na (H)nagagayakang talaga sa kaniyang asawa.

At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, (I)ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at (J)ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila:

At papahirin niya ang bawa't luha (K)sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon (L)ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng (M)dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na.

(N)At yaong nakaluklok sa luklukan ay nagsabi, (O)Narito, ginagawa kong bago ang lahat ng mga bagay. At sinabi niya, Isulat mo: (P)sapagka't ang mga salitang ito ay tapat at tunay.

At sinabi niya sa akin, Nagawa na. (Q)Ako ang Alpha at ang Omega, ang pasimula at ang wakas. (R)Ang nauuhaw ay aking (S)paiinuming walang bayad sa bukal ng tubig ng buhay.

(T)Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito; at (U)ako'y magiging Dios niya, at siya'y magiging anak ko.

Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga (V)mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay (W)sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na (X)siyang ikalawang kamatayan.

At dumating ang (Y)isa sa pitong anghel na may pitong mangkok, na mga puno ng pitong huling salot; at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Halika, ipakikita ko sa iyo (Z)ang babaing kasintahan, ang asawa ng Cordero.

10 (AA)At dinala niya akong nasa Espiritu sa isang malaki at mataas na bundok, at ipinakita sa akin ang bayang banal na Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios,

11 (AB)Na may kaluwalhatian ng Dios: ang kaniyang ilaw ay katulad ng isang totoong mahalagang bato, na gaya ng (AC)batong jaspe, na malinaw na gaya ng salamin:

12 Na may isang malaki at mataas na kuta; na may (AD)labingdalawang pintuan, at sa mga pintuan ay labingdalawang anghel; at may mga pangalang nakasulat sa mga yaon, na siyang sa labingdalawang angkan ng mga anak ng Israel:

13 Sa silanganan ay may tatlong pintuan; at sa hilagaan ay may tatlong pintuan; at sa timugan ay may tatlong pintuan; at sa kalunuran ay may tatlong pintuan.

14 At ang kuta ng bayan ay may labingdalawang pinagsasaligan, at (AE)sa mga ito'y ang labingdalawang pangalan ng labingdalawang apostol ng Cordero.

15 At ang nakikipagusap sa akin ay (AF)may panukat na tambong ginto upang sukatin ang bayan, at ang mga pintuan nito, at ang kuta nito.

16 At ang pagkatayo ng bayan ay parisukat, at ang kaniyang haba ay gaya ng kaniyang luwang: at sinukat niya ng tambo ang bayan, ay labingdalawang libong estadio: ang haba at ang luwang at ang taas nito ay magkakasukat.

17 At sinukat niya ang kuta nito, ay isang daan at apat na pu't apat na siko, ayon sa sukat ng tao, sa makatuwid baga'y ng isang anghel.

18 At ang malaking bahagi ng kuta niya ay jaspe: at ang bayan ay dalisay na ginto, na katulad ng malinis na bubog.

19 Ang mga pinagsasaligan ng kuta (AG)ng bayan ay may pamuting sarisaring mahahalagang bato. Ang unang pinagsasaligan ay jaspe; ang ikalawa ay zafiro; ang ikatlo ay calcedonia; ang ikaapat ay esmeralda;

20 Ang ikalima ay sardonica; ang ikaanim ay sardio; ang ikapito ay crisolito; ang ikawalo ay berilo; ang ikasiyam ay topacio; ang ikasangpu ay crisopasio; ang ikalabingisa ay jacinto; ang ikalabingdalawa ay amatista.

21 At ang labingdalawang pintuan ay labingdalawang perlas; at bawa't pinto ay isang perlas; (AH)at ang lansangan ng bayan ay dalisay na ginto, na gaya ng nanganganinag na bubog.

22 At hindi ako nakakita ng templo doon: (AI)sapagka't ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, at ang Cordero ay siyang templo doon.

23 At ang bayan ay (AJ)hindi nangangailangan ng araw, o ng buwan man, upang lumiwanag sa kaniya: sapagka't nililiwanagan ng kaluwalhatian ng Dios, at ang ilaw doon ay ang Cordero.

24 At (AK)ang mga bansa ay lalakad sa pamamagitan ng liwanag nito: at ang mga (AL)hari sa lupa ay mangagdadala ng kanilang karangalan sa loob niyaon.

25 At (AM)ang mga pintuan niyaon ay hindi ilalapat kailan man sa araw (sapagka't hindi magkakaroon (AN)doon ng gabi):

26 At dadalhin nila sa loob niyaon ang karangalan at kapurihan ng mga bansa:

27 At (AO)hindi papasok doon sa anomang paraan ang anomang bagay na karumaldumal, o siyang gumagawa ng kasuklamsuklam at ng kasinungalingan: kundi yaon lamang na mga nakasulat (AP)sa aklat ng buhay ng Cordero.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978