Old/New Testament
Ang pakikipagsalungatan ng Panginoon sa kaniyang bayan.
6 Dinggin ninyo ngayon kung ano ang sinasabi ng Panginoon: Bumangon ka, makipagkaalit ka sa harap ng mga bundok, at dinggin ng mga burol ang iyong tinig.
2 Dinggin ninyo, Oh ninyong mga bundok, (A)ang usap ng Panginoon, at ninyo na mga matibay na patibayan ng lupa; sapagka't ang Panginoon ay (B)may usap sa kaniyang bayan, at kaniyang ipakikipagtalo sa Israel.
3 Oh bayan ko, anong ginawa ko sa iyo? at sa ano kita pinagod? sumaksi ka laban sa akin.
4 Sapagka't ikaw ay aking iniahon (C)mula sa lupain ng Egipto, at tinubos kita sa bahay ng pagkaalipin; at aking sinugo sa unahan mo si Moises, si Aaron, at si Miriam.
5 Oh bayan ko, alalahanin mo ngayon (D)kung ano ang isinangguni ni Balac na hari sa Moab, at kung ano ang isinagot sa kaniya ni Balaam na anak ni Beor; alalahanin mo (E)mula sa Sittem hanggang sa Gilgal, upang iyong maalaman ang mga matuwid na gawa ng Panginoon.
6 (F)Ano ang aking ilalapit sa harap ng Panginoon, at iyuyukod sa harap ng mataas na Dios? paroroon baga ako sa harap niya na may mga handog na susunugin, na may guyang isang taon ang gulang?
7 (G)Kalulugdan baga ng Panginoon ang mga libolibong tupa, o ang mga sangpu-sangpung libong ilog na langis? (H)ibibigay ko baga ang aking panganay dahil sa aking pagsalangsang, ang bunga ng aking katawan dahil sa kasalanan ng aking kaluluwa?
8 Kaniyang ipinakilala sa (I)iyo, Oh tao, kung ano ang mabuti; at ano ang hinihingi ng Panginoon sa iyo, kundi gumawa na may kaganapan, at ibigin ang kaawaan, at lumakad na may kababaan na kasama ng iyong Dios.
Tinutulan ang kawalan ng katarungan.
9 Ang tinig ng Panginoon ay humihiyaw sa bayan, at ang taong may karunungan ay makakakita ng iyong pangalan: dinggin ninyo ang (J)tungkod, at ang naghalal niyaon.
10 Mayroon pa baga kaya ng mga kayamanan ng kasamaan sa bahay ng masama, at ng kulang na panukat na kasuklamsuklam?
11 Magiging malinis baga ako na may masamang timbangan, at (K)sa marayang supot na panimbang?
12 Sapagka't ang mga mayaman niyaon ay puno ng pangdadahas, at ang mga mananahan doo'y nangagsalita ng mga kabulaanan, at ang kanilang dila ay magdaraya sa kanilang bibig.
13 Kaya't sinugatan din naman kita ng mabigat na sugat; ginawa kitang kasiraan dahil sa iyong mga kasalanan.
14 Ikaw ay kakain, (L)nguni't hindi ka mabubusog; at ang iyong pagpapakumbaba ay sasa gitna mo: at ikaw ay magtatabi, nguni't wala kang dadalhing maitatabi; at ang iyong ilalabas ay aking iiwan sa tabak.
15 Ikaw ay maghahasik, nguni't hindi ka magaani: ikaw ay magpipisa ng mga olibo, nguni't hindi ka magpapahid ng langis; at ng ubas, (M)nguni't hindi ka iinom ng alak.
16 Sapagka't naiingatan ang mga palatuntunan ni (N)Omri, at ang lahat na gawa ng sangbahayan ni (O)Achab, at kayo'y nagsisilakad ng ayon sa kanilang mga payo; upang gawin kitang kasiraan, at ang mga mananahan niya'y kasutsutan: at inyong dadalhin ang (P)kakutyaan ng aking bayan.
Ang kasalanang moral ng bansa.
7 Sa aba ko! sapagka't ako'y gaya ng kanilang pisanin ang mga bunga sa (Q)taginit, gaya ng mga pamumulot ng ubas sa ubasan: walang kumpol na makain; (R)ako'y nananabik sa unang bunga ng igos.
2 Ang mabuting tao ay namatay (S)sa lupa, at wala nang matuwid sa mga tao: silang lahat ay nagsisibakay upang magbubo ng dugo; hinuhuli ng bawa't isa ang kaniyang kapatid sa pamamagitan ng silo.
3 Ang kanilang mga kamay ay nangasa kasamaan upang sikaping isagawa; (T)ang prinsipe ay humihingi, at (U)ang hukom ay maagap sa suhol; at ang dakilang tao ay nangagsasalita ng masamang hangad ng kaniyang kaluluwa: ganito nila nilalala.
4 Ang pinakamahusay sa kanila (V)ay parang dawag; ang pinakamatuwid ay masama kay sa isang bakod na tinikan: ang araw ng inihula sa iyo ng mga (W)bantay, sa makatuwid baga'y ang araw ng pagdalaw sa iyo, ay dumating; ngayo'y mangatitigilan sila.
5 Huwag kayong magsitiwala sa kalapit bahay; (X)huwag kayong magkatiwala sa kaibigan; ingatan mo ang mga pinto ng inyong bibig sa kaniya na humihiga sa inyong sinapupunan.
6 Sapagka't sinisiraang puri ng anak na lalake (Y)ang ama, ang anak na babae ay tumitindig laban sa kaniyang ina, ang manugang na babae ay laban sa kaniyang biyanang babae; ang mga kaaway ng tao ay ang kaniyang sariling kasangbahay.
Ang mga unang kaawaan ng Panginoon ay muling ibibigay.
7 Nguni't sa ganang akin, ako'y titingin sa Panginoon; ako'y maghihintay sa Dios ng aking kaligtasan: didinggin ako ng aking Dios.
8 Huwag kang magalak laban sa akin, Oh aking kaaway: pagka ako'y nabuwal, ako'y babangon; (Z)pagka ako'y naupo sa kadiliman, (AA)ang Panginoo'y magiging ilaw sa akin.
9 Aking babatahin ang kagalitan ng Panginoon, (AB)sapagka't ako'y nagkasala laban sa kaniya, hanggang sa kaniyang ipagsanggalang ang aking usap, at lapatan ako ng kahatulan: (AC)kaniyang ilalabas ako sa liwanag, at aking mamasdan ang kaniyang katuwiran.
10 Kung magkagayo'y makikita ng aking kaaway, at kahihiyan ang tatakip sa kaniya, na nagsabi sa akin, (AD)Saan nandoon ang Panginoon mong Dios? Makikita ng aking mga mata ang nais ko sa kaniya; siya nga'y yayapakan na parang putik sa mga lansangan.
11 Kaarawan ng pagtatayo ng (AE)iyong mga kuta! sa kaarawang yaon ay malalayo ang pasiya.
12 Sa kaarawang yaon ay magsisiparoon sila sa iyo mula sa Asiria at sa mga bayan ng Egipto, at mula sa Egipto hanggang sa ilog, at mula sa dagat at dagat, at sa bundok at bundok.
13 Gayon ma'y masisira ang lupain dahil sa kanila na nagsisitahan doon, dahil sa bunga ng kanilang mga gawa.
14 Pakanin mo ang iyong bayan sa pamamagitan ng iyong tungkod, (AF)ang kawan na iyong mana, (AG)na tumatahang magisa, sa (AH)gubat sa gitna ng Carmelo: pakanin mo sila sa Basan at sa Galaad, gaya ng mga araw nang una.
15 Gaya ng mga araw ng iyong paglabas sa lupain ng Egipto ay aking pagpapakitaan (AI)sila ng mga kagilagilalas na bagay.
16 Makikita ng mga bansa, at mangapapahiya sa buo nilang kapangyarihan; kanilang ilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig, ang kanilang mga pakinig ay mabibingi.
17 Sila'y magsisihimod sa (AJ)alabok na parang ahas; parang nagsisiusad na hayop sa lupa sila'y magsisilabas na nagsisipanginig mula sa kanilang mga kulungan; sila'y magsisilapit na may takot sa Panginoon nating Dios, at mangatatakot dahil sa iyo.
18 (AK)Sino ang Dios na gaya mo, (AL)na nagpapatawad ng kasamaan, at pinalalagpas ang pagsalansang ng nalabi sa kaniyang mana? hindi niya pinipigil ang kaniyang galit ng magpakailan man, sapagka't siya'y nalulugod sa kagandahang-loob.
19 Siya'y muling magtataglay ng habag sa atin; (AM)kaniyang yayapakan ang ating kasamaan: at kaniyang ihahagis ang lahat nilang kasalanan sa mga kalaliman ng dagat.
20 Iyong isasagawa (AN)ang katotohanan kay Jacob, at ang kagandahang-loob kay Abraham, na iyong isinumpa sa aming mga magulang mula sa mga araw nang una.
13 At siya'y tumayo sa buhanginan ng dagat.
At nakita ko ang (A)isang hayop na umaahon sa dagat, (B)na may sangpung sungay at pitong ulo, at sa kanilang mga sungay ay may sangpung diadema, at sa kaniyang mga ulo ay mga pangalan ng kapusungan.
2 At ang hayop na aking nakita (C)ay katulad ng isang leopardo, (D)at ang kaniyang mga paa ay gaya ng sa oso, at (E)ang kaniyang bibig ay gaya ng bibig ng leon: at ibinigay sa kaniya (F)ng dragon ang kaniyang kapangyarihan, at ang kaniyang luklukan, at dakilang kapamahalaan.
3 At nakita ko ang isa sa kaniyang mga ulo na waring sinugatan ng ikamamatay; at ang kaniyang sugat na ikamamatay ay gumaling: at ang buong (G)lupa'y nanggilalas sa hayop;
4 At sila'y nangagsisamba sa dragon, sapagka't ibinigay niya ang kaniyang kapamahalaan sa hayop; at nangagsisamba sa hayop, na nangagsasabi, Sino ang kagaya ng hayop? at sinong makababaka sa kaniya?
5 At binigyan siya ng isang (H)bibig na nagsasalita ng malalaking bagay at mga kapusungan: at binigyan siya ng kapamahalaan, upang magpatuloy na (I)apat na pu't dalawang buwan.
6 At binuka niya ang kaniyang bibig sa mga kapusungan laban sa Dios, upang pusungin ang kaniyang pangalan, at ang kaniyang tabernakulo, gayon din naman ang mga nananahan sa langit.
7 At ipinagkaloob sa kaniya na makipagbaka sa mga banal, at pagtagumpayan sila; at binigyan siya ng kapamahalaan sa bawa't angkan at bayan at wika at bansa.
8 At ang lahat ng nangananahan sa lupa ay magsisisamba sa kaniya, na ang kanikaniyang pangalan ay hindi nasusulat sa (J)aklat ng buhay (K)ng Cordero na pinatay (L)buhat nang itatag ang sanglibutan.
9 Kung ang sinoman ay may pakinig, (M)ay makinig.
10 (N)Kung ang sinoman ay sa pagkabihag, ay sa pagkabihag paroroon siya: (O)kung ang sinoman ay papatay sa tabak, ay dapat siyang mamatay sa tabak. (P)Narito ang pagtitiyaga at ang pananampalataya ng mga banal.
11 At nakita ko ang (Q)ibang hayop (R)na umaahon sa lupa; at may dalawang sungay na katulad (S)ng sa isang kordero, at siya'y nagsasalitang gaya ng dragon.
12 At kaniyang isinasagawa (T)ang buong kapamahalaan ng unang hayop sa kaniyang paningin. At pinasasamba niya ang lupa at ang nangananahan dito sa unang hayop, (U)na gumaling ang sugat na ikamamatay.
13 At (V)siya'y gumagawa ng mga dakilang tanda, (W)na ano pa't nakapagpapababa ng kahit apoy mula sa langit hanggang sa lupa sa paningin ng mga tao.
14 At (X)nadadaya niya ang mga nananahan sa lupa (Y)dahil sa mga tanda na sa kaniya'y ipinagkaloob na magawa sa paningin ng hayop; na sinasabi sa mga nananahan sa lupa, na dapat silang gumawa ng isang larawan ng hayop na mayroon ng sugat ng tabak at nabuhay.
15 At siya'y pinagkaloobang makapagbigay ng hininga sa larawan ng hayop, upang ang larawan ng hayop ay makapangusap, at maipapatay naman ang lahat ng hindi (Z)sumasamba sa larawan ng hayop.
16 At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin (AA)ay pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo;
17 At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, kundi siyang mayroong tanda, sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop (AB)o bilang ng kaniyang pangalan.
18 Dito'y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka't (AC)siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay Anim na raan at anim na pu't anim.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978