Add parallel Print Page Options

Sa aba ng mga nananahanan sa baybayin ng (A)dagat, (B)bansa ng mga Chereteo! Ang salita ng Panginoon ay laban sa iyo, Oh Canaan, na lupain ng mga Filisteo; aking gigibain ka, upang mawalan ng mga mananahan.

At ang baybayin ng dagat ay magiging pastulan, na may mga dampa para sa mga pastor, at mga kulungan para sa mga kawan.

(C)At ang baybayin ay mapapasa nalabi sa sangbahayan ni Juda; sila'y mangagpapastol ng kanilang mga kawan doon; sa mga bahay sa Ascalon ay mangahihiga sila sa gabi; sapagka't (D)dadalawin sila ng Panginoon nilang Dios, at (E)ibabalik sila na mula sa kanilang pagkabihag.

Read full chapter