Isaias 2:2-3
Ang Biblia (1978)
2 At (A)mangyayari (B)sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at magiging mataas sa mga burol; (C)at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon.
3 At maraming bayan ay magsisiyaon at mangagsasabi, (D)Halina kayo, at tayo'y magsiahon sa bundok ng Panginoon, sa bahay ng Dios ni Jacob; at tuturuan niya tayo ng kaniyang mga daan, at tayo'y magsisilakad sa kaniyang mga landas: sapagka't mula sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem.
Read full chapter
Isaias 49:22
Ang Biblia (1978)
22 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, (A)Narito, aking ikakaway ang aking kamay sa mga bansa, at itatayo ko ang aking watawat sa mga bayan; at sila'y kakalong ng iyong mga anak na lalake sa kanilang sinapupunan, at ang iyong mga anak na babae ay papasanin ng kanilang mga balikat.
Read full chapter
Isaias 55:5
Ang Biblia (1978)
5 Narito, ikaw ay tatawag ng bansa (A)na hindi mo nakikilala; at bansa na hindi ka nakikilala ay tatakbo sa iyo, dahil sa Panginoon mong Dios, at dahil sa Banal ng Israel; (B)sapagka't kaniyang niluwalhati ka.
Read full chapter
Isaias 60:3
Ang Biblia (1978)
3 At ang mga bansa ay (A)paroroon sa iyong liwanag, (B)at ang mga hari sa ningning ng iyong sikat.
Read full chapter
Isaias 66:23
Ang Biblia (1978)
23 At mangyayari, na mula sa bagong buwan hanggang sa panibago, at mula sa isang sabbath hanggang sa panibago, (A)paroroon ang lahat na tao upang sumamba sa harap ko, sabi ng Panginoon.
Read full chapter
Zacarias 8:22
Ang Biblia (1978)
22 Oo, maraming bansa at mga matibay na bansa ay (A)magsisiparoon upang hanapin ang Panginoon ng mga hukbo sa Jerusalem, at hilingin ang lingap ng Panginoon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978