M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang nagniningas na puno.
3 Inalagaan nga ni Moises ang kawan ni Jethro na kaniyang biyanan, na saserdote sa Madian: at kaniyang pinatnubayan ang kawan sa likuran ng ilang, at napasa (A)bundok ng Dios, sa Horeb.
2 (B)At ang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya, sa isang ningas ng apoy na mula sa gitna ng isang mababang punong kahoy; at siya'y nagmasid, at, narito, ang kahoy ay nagniningas sa apoy, at ang kahoy ay hindi natutupok.
3 At sinabi ni Moises, Ako'y liliko ngayon, at titingnan ko itong dakilang panoorin, kung bakit ang kahoy ay hindi natutupok.
4 At nang makita ng Panginoon na panonoorin niya, ay tinawag siya ng Dios mula sa gitna ng mababang punong kahoy, at sinabi, Moises, Moises. At kaniyang sinabi, Narito ako.
5 At sinabi, Huwag kang lumapit dito, (C)hubarin mo ang iyong panyapak sa iyong mga paa, sapagka't ang dakong iyong kinatatayuan ay banal na lupa.
6 Bukod dito ay sinabi, (D)Ako ang Dios ng iyong ama ang Dios ni Abraham, ang Dios ni Isaac, at ang Dios ni Jacob. At si Moises nga ay nagtakip ng kaniyang mukha; (E)sapagka't siya'y natakot na tumingin sa Dios.
Sinugo ng Dios si Moises upang iligtas ang Israel.
7 At sinabi ng Panginoon, (F)Akin ngang nakita ang kadalamhatian ng aking bayan na nasa Egipto, at aking dininig ang kanilang daing dahil sa mga tagapagpaatag sa kanila; sapagka't talastas ko ang kanilang kapanglawan.
8 At ako'y bumaba upang (G)iligtas sila sa kamay ng mga Egipcio at upang sila'y isampa sa isang mabuting (H)lupain at malawak, mula sa lupaing yaon, sa isang lupaing (I)binubukalan ng gatas at pulot (J)sa dako ng Cananeo, at ng Hetheo, at ng Amorrheo, at ng Pherezeo, at ng Heveo at ng Jebuseo.
9 (K)At ngayon narito, ang daing ng mga anak ni Israel ay umabot sa akin; saka aking nakita ang kapighatian na ipinipighati sa kanila ng mga Egipcio.
10 Halika nga ngayon, at ikaw ay aking susuguin kay Faraon, upang iyong ilabas sa Egipto ang aking bayan na mga anak ni Israel.
11 At sinabi ni Moises sa Dios, (L)Sino ako, upang pumaroon kay Faraon, at upang ilabas sa Egipto ang mga anak ni Israel?
12 At kaniyang sinabi, (M)Tunay na ako'y sasaiyo; at ito'y magiging tanda sa iyo, na ikaw ay aking sinugo: pagka iyong nailabas na sa Egipto ang bayan ay (N)maglilingkod kayo sa Dios sa bundok na ito.
13 At sinabi ni Moises sa Dios, Narito, pagdating ko sa mga anak ni Israel, at sasabihin ko sa kanila, Sinugo ako sa inyo ng Dios ng inyong mga magulang; at sasabihin nila sa akin: Ano ang kaniyang pangalan? anong sasabihin ko sa kanila?
14 At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, (O)Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA.
15 At sinabi pa ng Dios kay Moises, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ng Panginoon, ng (P)Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob: (Q)ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi.
16 Yumaon ka (R)at tipunin mo ang mga matanda sa Israel, at sabihin mo sa kanila, Ang Panginoon, ang Dios ng inyong mga magulang, ang Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Jacob; ay napakita sa akin, na nagsasabi, (S)tunay na kayo'y aking dinalaw, at aking nakita ang ginagawa sa inyo sa Egipto.
17 At aking sinabi, Aking aalisin kayo sa kapighatian sa Egipto at dadalhin ko kayo, sa lupain ng Cananeo, at ng Hetheo, at ng Amorrheo, at ng Pherezeo, at ng Heveo, at ng Jebuseo, sa isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot.
18 (T)At kanilang didinggin ang iyong tinig: (U)at ikaw ay paroroon, ikaw at ang mga matanda sa Israel, sa hari sa Egipto, at inyong sasabihin sa kaniya, Ang Panginoon, ang Dios ng mga Hebreo, (V)ay nakipagtagpo sa amin: at ngayo'y pahintulutan mo kami na maglakbay, na tatlong araw sa ilang, upang kami ay makapaghain sa Panginoon naming Dios.
19 At talastas ko, na hindi kayo pababayaang yumaon ng hari sa Egipto, kung hindi sa pamamagitan ng isang makapangyarihang kamay.
20 (W)At aking iuunat ang aking kamay, at sasaktan ko ang Egipto ng aking buong kababalaghan na aking gagawin sa gitna niyaon (X)at pagkatapos niyaon ay pahihintulutan niya kayong yumaon.
21 (Y)At pagkakalooban ko ang bayang ito ng biyaya sa paningin ng mga Egipcio: ay mangyayari, na pagyaon ninyo, ay hindi kayo yayaong walang dala:
22 Kundi bawa't babae ay hihingi sa kaniyang kapuwa, at sa tumatahan sa kaniyang bahay, ng mga hiyas na pilak, at mga hiyas na ginto at mga damit: at inyong ipagsusuot sa inyong mga anak na lalake at babae; at inyong sasamsaman ang mga Egipcio.
6 Nangyari nga (A)nang dumaraan siya sa mga trigohan nang isang sabbath, ay kumitil ng mga uhay ang mga alagad niya, at kinakain pagkaligis sa kanilang mga kamay.
2 Datapuwa't sinabi ng ilan sa mga Fariseo, (B)Bakit ginagawa ninyo ang di matuwid gawin sa araw ng sabbath?
3 At pagsagot sa kanila ni Jesus ay sinabi, Hindi baga nabasa ninyo ang ginawa ni David, nang siya'y magutom, siya, at ang mga kasamahan niya;
4 Kung paanong siya'y pumasok sa bahay ng Dios, at kumain ng mga tinapay na handog, at binigyan pati ang kaniyang mga kasamahan; na hindi naaayon sa kautusan na kanin ninoman kundi ng mga saserdote lamang?
5 At sinabi niya sa kanila, Ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath.
6 At (C)nangyari nang ibang sabbath, na siya'y pumasok sa sinagoga at nagturo: at doo'y may isang lalake, at (D)tuyo ang kaniyang kanang kamay.
7 At (E)inaabangan siya ng mga eskriba at ng mga Fariseo, kung siya'y magpapagaling sa sabbath; upang makasumpong sila ng paraan na siya'y maisakdal.
8 Datapuwa't (F)nalalaman niya ang kanilang mga kaisipan; at sinabi niya sa lalake na tuyo ang kamay, Magtindig ka at tumayo ka sa gitna. At siya'y nagtindig at tumayo.
9 At sinabi sa kanila ni Jesus, Itinatanong ko sa inyo, Matuwid bagang gumawa ng magaling, o gumawa ng masama kung sabbath? magligtas ng isang buhay o pumuksa?
10 At (G)minamasdan niya silang lahat sa palibotlibot, at sinabi sa kaniya, Iunat mo ang iyong kamay. At ginawa niyang gayon; at gumaling ang kaniyang kamay.
11 Datapuwa't sila'y nangapuno ng galit; at (H)nangagsangusapan, kung ano ang kanilang magagawang laban kay Jesus.
12 At nangyari nang mga araw na ito, (I)na siya'y napasa bundok upang manalangin; at sa buong magdamag ay nanatili siya sa pananalangin sa Dios.
13 At nang araw na, ay (J)tinawag niya ang kaniyang mga alagad; (K)at siya'y humirang ng labingdalawa sa kanila, na tinawag naman niyang mga apostol:
14 Si Simon, na tinawag naman niyang Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid, at si Santiago at si Juan, at si Felipe at si Bartolome.
15 At si Mateo at si Tomas, at si Santiago anak ni Alfeo, at si Simon, na tinatawag na (L)Masikap,
16 At (M)si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote na naging lilo;
17 At bumaba siya na kasama nila, at tumigil (N)sa isang patag na dako, at ang lubhang marami sa mga alagad niya, at ang (O)lubhang malaking bilang ng mga tao mula sa buong Judea at sa Jerusalem, at sa pangpangin ng dagat ng (P)Tiro at Sidon, na nangagsidalo upang magsipakinig sa kaniya, at upang pagalingin sa kanilang mga sakit;
18 Ang mga pinahihirapan ng mga espiritung karumaldumal ay pinagagaling.
19 At pinagpipilitan ng buong karamihan na siya'y mahipo; sapagka't (Q)lumalabas sa kaniya ang makapangyarihang bisa, at nagpapagaling sa lahat.
20 At itiningin niya ang kaniyang mga mata sa kaniyang mga alagad, at sinabi, (R)Mapapalad kayong mga dukha: sapagka't inyo ang kaharian ng Dios.
21 Mapapalad kayong nangagugutom ngayon: sapagka't kayo'y bubusugin. Mapapalad kayong nagsisitangis ngayon: sapagka't kayo'y magsisitawa.
22 Mapapalad kayo kung kayo'y kapootan ng mga tao, at kung (S)kayo'y ihiwalay nila, at kayo'y alimurahin, at itakuwil ang inyong pangalan na tila masasama, dahil sa Anak ng tao.
23 Mangagalak kayo sa araw na yaon, at magsilukso kayo sa kagalakan; sapagka't narito, ang ganti sa inyo'y malaki sa langit; sapagka't sa gayon ding paraan ang ginawa ng kanilang mga magulang sa mga propeta.
24 Datapuwa't sa aba ninyong (T)mayayaman! sapagka't (U)tinanggap na ninyo ang inyong kaaliwan.
25 Sa aba ninyo (V)mga busog ngayon! sapagka't kayo'y mangagugutom. Sa aba ninyong nagsisitawa ngayon! sapagka't kayo'y magsisitaghoy at magsisitangis.
26 Sa aba ninyo, (W)pagka ang lahat ng mga tao ay mangagsalita ng magaling tungkol sa inyo! sapagka't sa gayon ding paraan ang ginawa ng kanilang mga magulang sa mga bulaang propeta.
27 Datapuwa't sinasabi ko sa inyong nangakikinig, (X)Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang nangapopoot sa inyo,
28 Pagpalain ninyo ang sa inyo'y sumusumpa at ipanalangin ninyo ang sa inyo'y lumalait.
29 (Y)Sa sumampal sa iyo sa isang pisngi, iharap mo naman ang kabila; (Z)at ang sa iyo'y magalis ng iyong balabal, huwag mong itanggi pati ng iyong tunika.
30 Bigyan mo ang bawa't sa iyo'y humihingi; at sa kumuha ng pagaari mo, ay huwag mong hinging muli.
31 At (AA)kung ano ang ibig ninyong sa inyo'y gawin ng mga tao, gayon din ang gawin ninyo sa kanila.
32 At kung kayo'y magsiibig sa mga nagsisiibig sa inyo, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? sapagka't ang mga makasalanan man (AB)ay nagsisiibig sa nagsisiibig sa kanila.
33 At kung magsigawa kayo ng mabuti sa nagsisigawa sa inyo ng mabuti, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? sapagka't ganito rin ang ginagawa ng mga makasalanan.
34 At kung kayo'y mangagpahiram (AC)doon sa mga inaasahan ninyong may tatanggapin, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? ang mga makasalanan man ay nangagpapahiram sa mga makasalanan, upang muling magsitanggap ng gayon din.
35 Datapuwa't ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at gawan ninyo sila ng mabuti, at mangagpahiram kayo, na kailan man ay huwag mawawalan ng pagasa; at malaki ang sa inyo'y magiging ganti, at (AD)kayo'y magiging mga anak ng (AE)Kataastaasan: sapagka't siya'y magandang-loob sa mga walang turing at sa masasama.
36 Magmaawain kayo, gaya naman ng inyong Ama na maawain.
37 At huwag kayong mangagsihatol, (AF)at hindi kayo hahatulan: at huwag kayong mangagparusa, at hindi kayo parurusahan: mangagpalaya kayo, at kayo'y palalayain:
38 Mangagbigay kayo, at kayo'y bibigyan; takal na mabuti, pikpik, liglig, at umaapaw, ay ibibigay nila sa inyong (AG)kandungan. Sapagka't sa panukat na inyong isukat ay doon kayo muling susukatin.
39 At sinabi naman niya sa kanila ang isang talinghaga: (AH)Mangyayari bagang umakay ang bulag sa bulag? di baga sila mangabubulid kapuwa sa hukay?
40 (AI)Hindi higit ang alagad sa kaniyang guro: datapuwa't ang bawa't isa, pagka naging sakdal, ay nagiging katulad ng kaniyang guro.
41 At bakit mo tinitingnan ang puwing na nasa mata ng iyong kapatid, datapuwa't hindi mo pinupuna ang tahilan na nasa iyong sariling mata?
42 O paanong masasabi mo sa iyong kapatid, Kapatid, pabayaan mong alisin ko ang puwing na nasa iyong mata, kundi mo nakikita ang tahilan na nasa iyong sariling mata? Ikaw na mapagpaimbabaw, alisin mo muna ang tahilan na nasa iyong sariling mata, kung magkagayo'y makikita mong malinaw ang pagaalis ng puwing na nasa mata ng iyong kapatid.
43 Sapagka't walang mabuting punong kahoy (AJ)na nagbubunga ng masama; at wala rin naman masamang punong kahoy na nagbubunga ng mabuti.
44 Sapagka't (AK)bawa't punong kahoy ay nakikilala sa kaniyang sariling bunga. Sapagka't ang mga tao ay di nangakapuputi ng mga igos sa mga dawag, at di nangakapuputi ng ubas sa mga tinikan.
45 Ang mabuting tao ay kumukuha ng kagalingan (AL)sa mabubuting kayamanan ng kaniyang puso; at ang masamang tao'y kumukuha ng kasamaan sa masamang kayamanan: (AM)sapagka't sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang kaniyang bibig.
46 At bakit tinatawag ninyo ako, Panginoon, (AN)Panginoon, at di ninyo ginagawa ang mga bagay na aking sinasabi?
47 Ang bawa't lumalapit sa akin, (AO)at pinakikinggan ang aking mga salita, at ginagawa, ituturo ko sa inyo kung sino ang katulad:
48 Siya'y tulad sa isang taong nagtatayo ng bahay, na humukay at pinakalalim, at inilagay ang patibayan sa bato: at nang dumating ang isang baha, ay hinampas ng agos ang bahay na yaon, at hindi nakilos; sapagka't natitirik na mabuti.
49 Datapuwa't ang dumirinig, at hindi ginagawa, ay tulad sa isang tao na nagtayo ng bahay sa lupa, (AP)na walang patibayan; laban sa yaon ay hinampas ng agos, at pagdaka'y nagiba; at malaki ang naging kasiraan ng bahay na yaon.
Sinabi ni Sophar na ang makasalanan kahit anong yaman, ay kailangan na dumanas ng kaparusahan.
20 Nang magkagayo'y sumagot si (A)Zophar na Naamathita, at nagsabi,
2 Kaya't nagbibigay sagot sa akin ang aking mga pagiisip,
Dahil nga sa aking pagmamadali na taglay ko.
3 Aking narinig ang saway na inilalagay ako sa kahihiyan,
At ang diwa ng aking pagkaunawa ay sumasagot sa akin.
4 Hindi mo ba nalalaman ito ng una,
Mula nang ang tao'y malagay sa lupa,
5 (B)Na ang pagtatagumpay ng masama ay maikli,
At ang kagalakan ng di banal ay sandali lamang?
6 (C)Bagaman ang kaniyang karilagan ay napaiilanglang hanggang sa langit,
At ang kaniyang ulo ay umaabot hanggang sa mga alapaap;
7 Gayon may matutunaw siya magpakailan man, na gaya ng kaniyang sariling dumi:
Silang nangakakita sa kaniya ay mangagsasabi: Nasaan siya?
8 Siya'y mawawala na (D)gaya ng panaginip, at hindi masusumpungan.
Oo, siya'y mawawala na parang pangitain sa gabi.
9 Ang mata na nakakita sa kaniya ay hindi na siya makikita pa;
Ni mamamalas pa man siya sa kaniyang pook.
10 Hahanapin ng kaniyang mga anak ang lingap ng dukha,
At ang kaniyang mga kamay ay magsasauli ng kaniyang kayamanan.
11 Ang kaniyang mga buto ay puspos ng kaniyang kabataan,
(E)Nguni't hihiga na kasama niya sa alabok.
12 Bagaman ang kasamaan ay masarap sa kaniyang bibig,
Bagaman kaniyang itago sa ilalim ng kaniyang dila;
13 Bagaman kaniyang patawarin,
at hindi niya ito babayaan,
Kundi ingatan pa sa loob ng kaniyang bibig;
14 Gayon ma'y ang kaniyang pagkain ay nabago na sa kaniyang tiyan,
Siyang kamandag ng mga ahas sa loob niya.
15 Siya'y sumakmal ng mga kayamanan, at kaniyang mga isusuka uli:
Mga aalisin uli ng Dios sa kaniyang tiyan.
16 Kaniyang hihititin ang kamandag ng mga ahas;
Papatayin siya ng (F)dila ng ulupong.
17 Hindi niya matitingnan ang mga ilog,
Ang umaagos na mga bukal ng pulot at mantekilya.
18 Na kaniyang isasauli ang kaniyang pinagpagalan, at hindi lalamunin;
Ayon sa pagaari na kaniyang tinangkilik, hindi siya magagalak.
19 Sapagka't kaniyang pinighati at pinabayaan ang dukha;
Kaniyang kinuhang marahas ang isang bahay; at hindi niya itatayo.
20 Sapagka't hindi siya nakakilala ng katiwasayan sa loob niya,
Hindi siya makapagliligtas ng anoman (G)sa kaniyang kinaluluguran.
21 Walang bagay na naiwan na hindi niya sinakmal;
Kaya't ang kaniyang kaginhawahan ay hindi mananatili.
22 Sa lubos niyang kasaganaan ay magigipit siya;
Ang kamay ng bawa't nasa karalitaan ay darating sa kaniya.
23 Pagka kaniyang bubusugin ang kaniyang tiyan,
Ihuhulog ng Dios ang kaniyang (H)mabangis na poot sa kaniya.
At ibubugso sa kaniya samantalang siya'y kumakain.
24 (I)Kaniyang tatakasan ang sandatang bakal,
At ang busog na tanso ay hihilagpos sa kaniya.
25 Binubunot niya ang pana, at lumalabas sa kaniyang katawan:
Oo, ang makintab na talim ay lumalabas mula sa kaniyang apdo;
Mga kakilabutan ang (J)sumasa kaniya.
26 Lahat na kadiliman ay nalalagay na mga pinakakayamanan niya;
(K)Isang apoy na hindi hinipan ng tao ay susupok sa kaniya:
Susupukin niyaon ang naiwan sa kaniyang tolda.
27 Ihahayag (L)ng mga langit ang kaniyang kasamaan,
At ang lupa ay babangon laban sa kaniya.
28 Ang pakinabang ng kaniyang bahay ay yayaon,
Ang kaniyang mga pagaari ay huhuho sa kaarawan ng kaniyang kapootan.
29 Ito ang bahagi ng masamang tao mula sa Dios,
At ang manang takda sa kaniya ng Dios.
7 At tungkol sa mga bagay na isinulat ninyo sa akin: (A)Mabuti sa lalake ay huwag humipo sa babae.
2 Datapuwa't, dahil sa (B)mga pakikiapid, ang bawa't lalake ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa, at bawa't babae ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa.
3 (C)Ibigay ng lalake sa asawa ang sa kaniya'y nararapat: at gayon din naman ang babae sa asawa.
4 Ang babae ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa: at gayon din naman ang lalake ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa.
5 Huwag magpigil ang isa't isa, maliban kung pagkasunduan sa ilang panahon, upang kayo'y mamalagi sa pananalangin, at muling kayo'y magsama, baka kayo'y tuksuhin ni Satanas dahil sa inyong kawalan ng pagpipigil.
6 Nguni't ito'y sinasabi ko na parang payo, (D)hindi sa utos.
7 Kaya't ibig ko sana, na ang lahat ng tao ay maging (E)gaya ko. Nguni't ang (F)bawa't tao'y mayroong kanikaniyang kaloob na mula sa Dios, (G)ang isa'y ayon sa paraang ito, at ang iba'y ayon sa paraan yaon.
8 Datapuwa't sinasabi ko sa mga walang asawa, at sa mga babaing bao, (H)Mabuti sa kanila kung sila'y magsipanatiling gayon sa makatuwid baga'y (I)gaya ko.
9 Nguni't kung sila'y hindi (J)makapagpigil, ay magsipagasawa: sapagka't magaling ang magasawa kay sa mangagningas ang pita.
10 Datapuwa't sa mga may asawa ay aking ipinaguutos, Nguni't (K)hindi ako, kundi ang Panginoon, (L)na ang babae ay huwag humiwalay sa kaniyang asawa.
11 (Datapuwa't kung siya'y humiwalay, ay manatiling walang asawa, o kaya'y makipagkasundo sa kaniyang asawa); at huwag hiwalayan ng lalake ang kaniyang asawa.
12 Datapuwa't sa iba, ay ako ang nagsasabi, hindi ang Panginoon: Kung ang sinomang kapatid na lalake ay may asawang hindi sumasampalataya, at kung kalooban niyang makipamahay sa kaniya, ay huwag niyang hiwalayan.
13 At ang babaing may asawang hindi sumasampalataya, at kalooban niyang makipamahay sa kaniya, ay huwag niyang hiwalayan ang kaniyang asawa.
14 Sapagka't ang lalaking hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa, at ang babaing hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa: sa ibang paraa'y ang inyong mga anak ay nangagkaroon ng kapintasan; nguni't ngayo'y mga banal.
15 Gayon ma'y kung humiwalay ang hindi sumasampalataya, ay bayaan siyang humiwalay: ang kapatid na lalake o kapatid na babae ay hindi natatali sa mga ganitong bagay: kundi (M)sa kapayapaan kayo tinawag ng Dios.
16 Sapagka't (N)paanong malalaman mo, Oh babae, kung (O)maililigtas mo ang iyong asawa? o paanong malalaman mo, Oh lalake, kung maililigtas mo ang iyong asawa?
17 (P)Ayon nga lamang sa ipinamahagi ng Panginoon sa bawa't isa, at ayon sa pagkatawag ng Dios sa bawa't isa, ay gayon siya lumakad. At (Q)gayon ang iniuutos ko (R)sa lahat ng mga iglesia.
18 Tinawag baga ang sinomang taong tuli na? huwag siyang maging di tuli. Tinawag baga ang sinomang di tuli? (S)huwag siyang maging tuli.
19 Ang pagtutuli ay walang anoman, (T)at ang di pagtutuli ay walang anoman; kundi (U)ang pagtupad sa mga utos ng Dios.
20 Bayaang ang (V)bawa't isa'y manatili doon sa pagkatawag na itinawag sa kaniya.
21 Ikaw baga'y alipin ng ikaw ay tinawag? huwag kang magalaala: kung maaaring ikaw ay maging malaya, ay pagsikapan mo ng maging laya.
22 Sapagka't ang tinawag sa Panginoon nang siya'y alipin, ay malaya (W)sa Panginoon: gayon din naman ang tinawag nang siya'y malaya, (X)ay alipin ni Cristo.
23 Sa halaga (Y)kayo'y binili; huwag kayong maging mga alipin ng mga tao.
24 Mga kapatid, bayaang ang bawa't isa'y manatili sa Dios sa kalagayang itinawag sa kaniya.
25 Ngayon, tungkol sa mga dalaga ay (Z)wala akong utos ng Panginoon: nguni't ibinibigay ko (AA)ang aking pasiya, na tulad sa nagkamit ng habag ng Panginoon (AB)upang mapagkatiwalaan.
26 Inaakala ko ngang mabuti ito dahil sa kasalukuyang (AC)kahapisan, sa makatuwid baga'y (AD)mabuti ngang ang tao'y manatili ng ayon sa kaniyang kalagayan.
27 Natatali ka ba sa asawa? huwag mong pagsikapang ikaw ay makakalag. Ikaw baga'y kalag sa asawa? huwag kang humanap ng asawa.
28 (AE)Nguni't kung ikaw ay magasawa, ay hindi ka nagkakasala; at kung ang isang dalaga ay magasawa, ay hindi siya nagkakasala. Datapuwa't ang mga gayon ay magkakaroon ng kahirapan sa laman: at (AF)ibig ko sanang kayo'y iligtas.
29 Nguni't (AG)sinasabi ko ito, mga kapatid, ang panahon ay pinaikli, upang mula ngayon ang mga lalaking may asawa ay maging mga tulad sa wala;
30 At ang mga nagsisiiyak, ay maging tulad sa mga hindi nagsisiiyak; at ang nangagagalak, ay maging tulad sa hindi nangagagalak; at ang mga nagsisibili, ay maging tulad sa mga (AH)walang inaari;
31 At ang mga nagsisigamit ng sanglibutan, ay maging tulad sa hindi nangagpapakalabis ng paggamit: sapagka't (AI)ang kaasalan ng sanglibutang ito ay lumilipas.
32 Datapuwa't ang (AJ)ibig ko ay mawalan kayo ng kabalisahan. (AK)Ang walang asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng Panginoon, (AL)kung paanong makalulugod sa Panginoon:
33 Nguni't ang may asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng sanglibutan, kung paanong makalulugod sa kaniyang asawa,
34 At nagkakabahagi ang isipan. Gayon din naman ang babaing walang asawa at ang dalaga, ay nagsusumakit sa mga bagay ng Panginoon, upang siya'y maging banal sa katawan at sa espiritu man; nguni't ang babaing may asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng sanglibutan, kung paanong makalulugod sa kaniyang asawa.
35 At ito'y sinasabi ko sa inyong sariling kapakinabangan; hindi upang alisin ko ang inyong kalayaan, kundi dahil sa bagay na nararapat, at upang kayo'y makapaglingkod sa Panginoon nang walang abala.
36 Nguni't kung iniisip ng sinomang lalake na hindi siya gumagawa ng marapat sa kaniyang anak na dalaga, kung ito'y sumapit na sa kaniyang katamtamang gulang, at kung kailangan ay sundin niya ang kaniyang maibigan, hindi siya nagkakasala; bayaang mangagasawa sila.
37 Subali't ang (AM)nananatiling matibay sa kaniyang puso, na walang kailangan, kundi may kapangyarihan tungkol sa kaniyang sariling kalooban, at pinasiyahan sa kaniyang sariling puso na ingatan ang kaniyang sariling anak na dalaga, ay mabuti ang gagawin.
38 Kaya nga ang nagpapahintulot sa kaniyang anak na dalaga na magasawa ay gumagawa ng mabuti; at ang hindi nagpapahintulot na siya'y magasawa ay gumagawa ng lalong mabuti.
39 Ang babaing (AN)may asawa ay natatalian samantalang nabubuhay ang kaniyang asawa; nguni't kung patay na ang kaniyang asawa, ay may kalayaan siyang makapagasawa sa kanino mang ibig niya; sa kalooban lamang (AO)ng Panginoon.
40 Nguni't lalong maligaya siya kung manatili ng ayon sa kaniyang kalagayan, (AP)ayon sa aking akala: at iniisip ko na ako'y may Espiritu rin naman ng Dios.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978