M’Cheyne Bible Reading Plan
Bumabang muli ang mga anak ni Jacob na kasama si Benjamin.
43 (A)At ang kagutom ay mahigpit sa lupain.
2 At nangyari, nang makain na nila ang trigong kanilang dinala mula sa Egipto, na sinabi sa kanila ng kanilang ama, Kayo'y pumaroong muli, ibili ninyo tayo ng kaunting pagkain.
3 At si Juda ay nagsalita sa kaniya, na sinasabi, Ipinahayag sa aming mahigpit ng lalaking yaon, na sinasabi, (B)Hindi ninyo makikita ang aking mukha, maliban na ipagsama ninyo ang inyong kapatid.
4 Kung pasasamahin mo sa amin ang aming kapatid, ay bababa kami, at ibibili ka namin ng pagkain.
5 Datapuwa't kung hindi mo paparoroonin ay hindi kami bababa: sapagka't sinabi sa amin ng lalaking yaon, Hindi ninyo makikita ang aking mukha, malibang kasama ninyo ang inyong kapatid.
6 At sinabi ni Israel, Bakit ninyo ako ginawan ng masama, na inyong sinabi sa lalake na mayroon pa kayong ibang kapatid?
7 At kanilang sinabi, Tinanong kami ng buong siyasat, tungkol sa amin, at tungkol sa aming kamaganakan, na sinasabi, Buhay pa ba ang inyong ama? May iba pa ba kayong kapatid? At isinaysay namin sa kaniya ayon sa mga salitang ito: saan namin malalaman, kaniyang sasabihin, Ibababa ninyo rito ang inyong kapatid?
8 At sinabi ni Juda kay Israel na kaniyang ama. Pasamahin mo sa akin ang bata at kami ay magsisitindig at magsisiyaon; upang tayo'y (C)mabuhay at huwag mamatay, kami, at ikaw, at gayon din ang aming mga bata.
9 Ako ang mananagot sa kaniya; sa aking kamay hahanapin mo siya; kung hindi (D)ko ibalik sa iyo, at ilagay sa harap mo, ay pasanin ko ang sala magpakailan pa man:
10 Sapagka't kung hindi tayo nagluwat, ay nakapagbalik na kaming makalawa.
11 At sinabi sa kanila ng kanilang amang si Israel, Kung gayon, ngayo'y gawin ninyo ito: magdala kayo sa inyong bayong ng mga piling bunga ng lupain, at dalhan ninyo ang lalaking yaon ng kaloob, ng (E)kaunting balsamo at kaunting pulot, pabango, at mirra, mga pile at almendras.
12 At magdala kayo ng ibayong halaga ng salapi sa inyong kamay; (F)at ang salaping nabalik sa labi ng inyong mga bayong ay dalhin ninyong muli sa inyong kamay; marahil ay kalituhan:
13 Dalhin din ninyo ang inyong kapatid, at magtindig kayo at pumaroon kayong muli sa lalaking yaon.
14 At pagkalooban nawa kayo ng Dios na (G)Makapangyarihan sa lahat ng (H)kaawaan sa harap ng lalaking yaon, upang isauli sa inyo ang inyong isang kapatid at si Benjamin. (I)At kung mawalan ako ng mga anak, ay mawalan ako.
15 At dinala ng mga lalake ang kaloob na yaon, at ibayong halaga ng salapi ang dinala sa kanilang kamay, at si Benjamin; at nagsipagtindig, at nagsibaba sa Egipto, at nagsiharap kay Jose.
16 At nang makita ni Jose si Benjamin na (J)kasama nila, ay sinabi niya sa katiwala ng kaniyang bahay: Dalhin mo ang mga lalaking iyan sa bahay, at magpatay ka ng mga hayop, at ihanda mo; sapagka't ang mga lalaking iyan ay magsisipananghaling kasalo ko.
17 At ginawa ng lalake ang ayon sa iniutos sa kaniya ni Jose; at dinala ng katiwala ang mga lalaking yaon sa bahay ni Jose.
18 At ang mga lalake ay nangatakot, sapagka't sila'y dinala sa bahay ni Jose; kanilang sinabi: Dahil sa salaping isinauli sa ating mga bayong ng una, ay dinala tayo rito; (K)upang hanapan tayo ng dahilan, at tayo'y ibagsak niya, at tayo'y ariin niyang mga alipin, at pati ng atin mga asno.
19 At sila'y nagsilapit sa katiwala ng bahay ni Jose, at kinausap nila sa pintuan ng bahay.
20 At sinabi nila, (L)Oh panginoon ko, tunay na (M)kami ay bumaba ng una na bumili ng pagkain:
21 (N)At nangyari, nang dumating kami sa tuluyan, na binuksan namin ang aming mga bayong, at, narito, ang salapi ng bawa't isa sa amin ay nasa labi ng kanikaniyang bayong, ang salapi namin sa tunay na timbang: at aming muling dinala sa aming kamay.
22 At nagdala kami ng ibang salapi sa aming kamay upang ibili ng pagkain; hindi namin nalalaman kung sino ang naglagay ng aming salapi sa aming mga bayong.
23 At kaniyang sinabi, Mapayapa kayo; huwag kayong matakot, ang Dios ninyo at ang Dios ng inyong ama ang nagbigay sa inyo ng kayamanang natatago sa inyong mga bayong: tinanggap ko ang inyong salapi. At inilabas si Simeon sa kanila.
24 At dinala ng katiwala ang mga lalake sa bahay ni Jose, (O)at sila'y binigyan ng tubig, at nangaghugas ng kanilang mga paa; at binigyan ng pagkain ang kanilang mga asno.
25 At kanilang inihanda ang (P)kaloob sa pagdating ni Jose sa tanghali; sapagka't kanilang narinig na doon sila magsisikain ng tinapay.
Kumain si Jose na kasalo ng kaniyang mga kapatid.
26 At nang dumating si Jose sa bahay, ay dinala nila sa kaniya (Q)sa loob ng bahay, ang kaloob na nasa kanilang kamay, at sila'y nagpatirapa sa harap niya.
27 At sila'y kaniyang tinanong tungkol sa kanilang kalagayan, at sinabi, Wala bang sakit ang inyong ama, ang matanda (R)na inyong sinalita? buhay pa ba?
28 At kanilang sinabi, Walang sakit ang iyong lingkod na aming ama, buhay pa. At sila'y nagsiyukod at nagsigalang.
29 At itiningin niya ang kaniyang mga mata, at nakita si Benjamin na kapatid niya, na (S)anak ng kaniyang ina, at sinabi, Ito ba ang inyong kapatid na bunso, (T)na inyong sinalita sa akin? At kaniyang sinabi, Pagpalain ka nawa ng Dios, anak ko.
30 At nagmadali si Jose; (U)sapagka't nagniningas ang kaniyang loob dahil sa kaniyang kapatid: at humanap ng dakong maiiyakan; at pumasok sa kaniyang silid, at (V)umiyak doon.
31 At siya'y naghilamos at lumabas; at nagpigil ng loob, at nagsabi, (W)Maghain kayo ng tinapay.
32 At kanilang hinainan siyang bukod, at silang bukod, at ang mga Egipcio na kumakaing kasama niya ay bukod: sapagka't ang mga taga Egipcio ay hindi makakaing kasalo ng mga Hebreo; sapagka't (X)kasuklamsuklam ito sa mga Egipcio.
33 At sila'y nagsiupo sa harap niya, ang panganay ayon sa kaniyang pagkapanganay, at ang bunso ayon sa kaniyang pagkabunso: at ang mga lalake ay nangamamangha na nagtitinginan.
34 At sila'y idinampot ni Jose sa harap niya ng mga (Y)ulam: datapuwa't ang ulam ni Benjamin ay humihigit kay sa mga bahagi ng alin man sa kanila ng (Z)makalima. At nangaginuman at nangakipagkatuwa sa kaniya.
13 At paglabas niya sa templo, ay sinabi (A)sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad, Guro, masdan mo, pagkaiinam ng mga bato, at pagkaiinam na mga gusali!
2 At sinabi ni Jesus sa kaniya, Nakikita mo baga ang malalaking gusaling ito? walang matitira ditong isang bato sa ibabaw ng kapuwa bato na di ibabagsak.
3 At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo sa tapat ng templo, ay tinanong siya ng lihim (B)ni Pedro at ni Santiago at ni Juan at ni Andres,
4 Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda pagka malapit ng maganap ang lahat ng mga bagay na ito?
5 At si Jesus ay nagpasimulang magsabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong paligaw kanino mang tao.
6 Maraming paririto sa aking pangalan, na magsisipagsabi, Ako ang Cristo; at maliligaw ang marami.
7 At kung mangakarinig kayo ng mga digma at ng mga alingawngaw ng mga digma, ay huwag kayong mangagulumihanan: ang mga bagay na ito'y dapat na mangyari: datapuwa't hindi pa ang wakas.
8 Sapagka't magtitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at lilindol sa iba't ibang dako; magkakagutom: ang mga bagay na ito'y pasimula ng kahirapan.
9 Datapuwa't mangagingat kayo sa inyong sarili: (C)sapagka't kayo'y ibibigay nila sa mga Sanedrin; at kayo'y hahampasin sa mga sinagoga; at kayo'y magsisitindig sa harap ng mga gobernador at ng mga hari dahil sa akin, na bilang patotoo sa kanila.
10 At (D)sa lahat ng mga bansa ay kinakailangan munang maipangaral ang evangelio.
11 At pagka kayo'y dinala sa harap ng mga kapulungan, at kayo'y ibigay, ay (E)huwag kayong mangabalisa kung ano ang inyong sasabihin: datapuwa't ang ipagkaloob sa inyo sa oras na yaon, ay siya ninyong sabihin; sapagka't hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Espiritu Santo.
12 At ibibigay ng kapatid sa kamatayan ang kapatid, at ng ama ang kaniyang anak; at magsisipaghimagsik ang mga anak laban sa mga magulang, at sila'y ipapapatay.
13 At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan: datapuwa't (F)ang magtitiis hanggang sa wakas, ay siyang maliligtas.
14 Nguni't pagkakita ninyo (G)ng kasuklamsuklam na paninira, na nakatayo doon sa hindi dapat niyang kalagyan (unawain ng bumabasa), kung magkagayo'y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea:
15 At ang nasa bubungan ay huwag bumaba, ni pumasok, upang maglabas ng anoman sa kaniyang bahay:
16 At ang nasa bukid ay huwag magbalik upang kumuha ng kaniyang balabal.
17 Datapuwa't sa aba ng nangagdadalangtao at ng nangagpapasuso sa mga araw na yaon!
18 At magsipanalangin kayo na ito'y huwag mangyari sa panahong taginaw.
19 Sapagka't ang mga araw na yaon ay magiging kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng paglalang na nilikha ng Dios hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man.
20 At malibang paikliin ng Panginoon ang mga araw, ay walang laman na makaliligtas; datapuwa't dahil sa mga hirang, na kaniyang hinirang, ay pinaikli niya ang mga araw.
21 At kung magkagayon kung may magsabi (H)sa inyong sinomang tao, Narito, ang Cristo; o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan:
22 Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan, upang mailigaw nila, kung mangyayari, ang mga hirang.
23 Datapuwa't mangagingat kayo: narito, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo ang lahat ng mga bagay.
24 Ngunit sa mga araw na yaon, (I)pagkatapos ng kapighatiang yaon, ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag,
25 At mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit.
26 At kung magkagayo'y makikita nila ang Anak ng tao na napariritong nasa mga alapaap na may dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian.
27 At kung magkagayo'y susuguin niya ang mga anghel, at titipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na hangin, mula sa wakas ng lupa hanggang sa dulo ng langit.
28 Sa puno nga ng igos ay pagaralan ninyo (J)ang kaniyang talinghaga: pagka nananariwa ang kaniyang sanga, at sumusupling ang mga dahon, ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw;
29 Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyong nangyari ang mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga.
30 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa mangaganap ang lahat ng mga bagay na ito.
31 Ang langit at ang lupa ay lilipas: datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.
32 Nguni't tungkol sa araw o oras na yaon ay (K)walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama.
33 Kayo'y mangagingat, (L)mangagpuyat at magsipanalangin: sapagka't hindi ninyo nalalaman kung kailan kaya ang panahon.
34 Gaya (M)ng isang tao na nanirahan sa ibang lupain, na pagkaiwan ng kaniyang bahay, at pagkabigay ng kapamahalaan sa kaniyang mga alipin, sa bawa't isa'y ang kaniyang gawain, ay nagutos din naman sa bantay-pinto na magpuyat.
35 Mangagpuyat nga kayo: sapagka't hindi ninyo nalalaman kung kailan paririto ang panginoon ng bahay, kung sa hapon, o sa hating gabi, o sa pagtilaok ng manok, o sa umaga;
36 Baka kung biglang pumarito ay kayo'y mangaratnang nangatutulog.
37 At ang sinasabi ko sa inyo ay sinasabi ko sa lahat, Mangagpuyat kayo.
Ang ikatlong pagsasalita ni Job. Inilahad ang kapangyarihan ng Dios.
9 Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,
2 Sa katotohanan ay nalalaman kong ito'y gayon:
(A)Nguni't paanong makapaggaganap ang tao sa Dios?
3 Kung kalugdan niyang makipagtalo sa kaniya,
Siya'y hindi makasasagot sa kaniya ng isa sa isang libo.
4 (B)Siya ay pantas sa puso, at may kaya sa kalakasan:
Sinong nagmatigas laban sa kaniya at guminhawa?
5 Na siyang naglilipat ng mga bundok, at hindi nila nalalaman,
Pagka nililiglig niya sa kaniyang pagkagalit.
6 (C)Na siyang umuuga ng lupa sa kaniyang kinaroroonan,
At ang mga haligi nito ay (D)nangayayanig.
7 Na siyang naguutos sa araw, at hindi sumisikat;
At nagtatakda sa mga bituin.
8 (E)Na nagiisang inuunat ang langit,
At tumutungtong sa mga (F)alon ng dagat.
9 (G)Na lumikha sa Oso, sa Orion, at sa mga Pleyade,
At sa mga silid ng timugan.
10 Na gumagawa ng mga dakilang bagay na di masayod;
Oo, mga kamanghamanghang bagay na walang bilang.
11 Narito, siya'y dumaraan sa siping ko, at hindi ko siya nakikita:
Siya'y nagpapatuloy rin naman, nguni't hindi ko siya namamataan.
12 (H)Narito, siya'y nangangagaw sinong makasasansala sa kaniya?
Sinong magsasabi sa kaniya: Anong ginagawa mo?
13 Hindi iuurong ng Dios ang kaniyang galit;
Ang mga manunulong sa Rahab ay nagsisiyukod sa ilalim niya.
14 Gaano pa nga kaya kaliit ang maisasagot ko sa kaniya,
At mapipiling aking mga salita na maimamatuwid ko sa kaniya?
15 (I)Na kahiman ako'y matuwid, gayon may hindi ako sasagot sa kaniya;
Ako'y mamamanhik sa aking hukom.
16 Kung ako'y tumawag, at siya'y sumagot sa akin;
Gayon ma'y hindi ako maniniwala na kaniyang dininig ang aking tinig.
17 Sapagka't ako'y ginigiba niya sa pamamagitan ng isang bagyo,
At pinararami ang aking mga sugat (J)ng walang kadahilanan.
18 Hindi niya ako tutulutang ako'y huminga,
Nguni't nililipos niya ako ng hirap.
19 Kung kami ay magsalita tungkol sa kalakasan, narito, siya'y may kapangyarihan!
At kung sa kahatulan, sino, sinasabi niya ay magtatakda sa akin ng panahon?
20 Kahiman ako'y matuwid, ang aking sariling bibig ay hahatol (K)sa akin:
Kahiman ako'y sakdal patototohanan niya akong masama.
21 Ako'y sakdal; hindi ko talos ang aking sarili;
Aking niwalang kabuluhan ang aking buhay.
22 Lahat ay isa; kaya't aking sinasabi:
Kaniyang ginigiba (L)ang sakdal at ang masama.
23 Kung ang (M)panghampas ay pumapatay na bigla,
Tatawanan niya ang paglilitis sa mga walang sala.
24 Ang lupa ay nabigay sa kamay ng masama:
Kaniyang tinatakpan ang mga mukha ng mga hukom nito;
(N)Kung hindi siya, sino nga?
Ang di pagkaalam ni Job ay hindi naging tanggulan.
25 Ngayo'y (O)ang mga kaarawan ko ay matulin kay sa isang (P)sugo:
Dumadaang matulin, walang nakikitang mabuti.
26 Sila'y nagsisidaang parang mga matuling sasakyan:
(Q)Parang agila na dumadagit ng huli.
27 (R)Kung aking sabihin:
Aking kalilimutan ang aking daing,
Aking papawiin ang aking malungkot na mukha, at (S)magpapakasaya ako:
28 Ako'y natatakot sa lahat kong kapanglawan,
Talastas ko na hindi mo aariin akong walang sala.
29 Ako'y mahahatulan;
Bakit nga ako gagawa ng walang kabuluhan?
30 Kung ako'y maligo ng nieveng tubig,
At gawin ko ang aking mga kamay na napakalinis;
31 Gayon ma'y itutulak mo ako sa hukay,
At kayayamutan ako ng aking mga sariling kasuutan.
32 Sapagka't siya'y (T)hindi tao, na gaya ko, na sasagot ako sa kaniya,
Na tayo'y pumasok kapuwa sa kahatulan,
33 Walang hukom sa pagitan natin,
Na makapaglagay ng (U)kaniyang kamay sa ating dalawa.
34 Ihiwalay niya sa akin ang kaniyang tungkod,
At huwag akong takutin ng kaniyang pangilabot:
35 Kung magkagayo'y magsasalita ako, at hindi matatakot sa kaniya;
Sapagka't hindi gayon ako sa aking sarili.
13 Ang bawa't (A)kaluluwa ay pasakop sa matataas (B)na kapangyarihan: sapagka't walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao'y hinirang ng Dios.
2 Kaya nga't ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili.
3 Sapagka't ang mga pinuno ay hindi kilabot sa gawang mabuti, kundi sa masama. At ibig mo bagang mawalaan ng takot sa may kapangyarihan? (C)gawin mo ang mabuti, at magkakamit ka ng kapurihan sa kaniya:
4 Sapagka't siya'y ministro ng Dios sa ikagagaling mo. Datapuwa't kung ginagawa mo ang masama, ay matakot ka; sapagka't hindi walang kabuluhan ang pagdadala niya ng tabak: sapagka't siya'y ministro ng Dios, tagapaghiganti sa ikagagalit sa gumagawa ng masama.
5 Kaya nga't dapat na kayo'y pasakop, hindi lamang dahil sa kagalitan, kundi naman dahil sa budhi.
6 Sapagka't dahil dito ay nagsisipagbayad naman kayo (D)ng buwis; sapagka't sila'y mga tagapangasiwa ng paglilingkod sa Dios, na nagsisipamahalang walang patid sa bagay na ito.
7 Ibigay ninyo sa lahat ang sa kanila'y nararapat: (E)buwis sa dapat buwisan; (F)ambag sa dapat ambagan; takot sa dapat katakutan; puri sa dapat papurihan.
8 Huwag kayong magkautang ng ano pa man sa kanino man, maliban na sa mangagibigan kayo: (G)sapagka't ang umiibig sa kaniyang kapuwa'y nakaganap na ng kautusan.
9 Sapagka't ito, (H)Huwag kang mangangalunya, Huwag kang papatay, Huwag kang magnanakaw, Huwag kang mananakim, at kung mayroon pang ibang utos, ay nauuwi sa salitang ito, sa makatuwid baga'y (I)Ibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng sa iyong sarili.
10 Ang pagibig ay hindi gumagawa ng masama sa kaniyang kapuwa: (J)ang pagibig nga ay siyang katuparan ng kautusan.
11 At ito, yamang nakikilala ang panahon, na ngayo'y kapanahunan nang (K)magsigising kayo sa pagkakatulog: sapagka't ngayon ay lalong malapit na sa atin ang kaligtasan kay sa nang tayo'y magsisampalataya nang una.
12 (L)Ang gabi ay totoong malalim, at ang araw ay malapit na: (M)iwaksi nga natin ang mga gawa ng kadiliman, at (N)ating isakbat ang mga sandata ng kaliwanagan.
13 Magsilakad tayong mahinhin, gaya ng sa araw; huwag sa katakawan at paglalasing, huwag sa (O)kalibugan at sa kahalayan, huwag sa mga pagkakaalit at pagkakainggitan.
14 Kundi bagkus isakbat ninyo (P)ang Panginoong Jesucristo, at huwag ninyong paglaanan ang laman, upang masunod ang mga kahalayan noon.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978