M’Cheyne Bible Reading Plan
Iniharap si Jacob kay Faraon.
47 Nang magkagayo'y pumasok si (A)Jose at isinaysay kay Faraon, at sinabi, Ang aking ama, at ang aking mga kapatid, at ang kanilang mga kawan, at ang kanilang mga bakahan, at ang lahat nilang tinatangkilik, ay dumating na mula sa lupain ng Canaan; at, (B)narito, sila'y nasa lupain ng Gosen.
2 At sa kaniyang mga kapatid ay nagsama siya ng limang lalake, (C)at mga iniharap niya kay Faraon.
3 (D)At sinabi ni Faraon sa kaniyang mga kapatid, Ano ang inyong hanapbuhay? At kanilang sinabi kay Faraon, Ang iyong mga lingkod ay mga pastor, kami at gayon din ang aming mga magulang.
4 At kanilang sinabi kay Faraon, (E)Upang makipamayan sa bayang ito ay naparito kami; sapagka't walang makain ang mga kawan ng iyong mga lingkod; dahil sa ang kagutom ay mahigpit sa lupain ng Canaan: ngayon nga, ay isinasamo namin sa iyo, na pahintulutan mo na ang iyong mga lingkod ay (F)tumahan sa lupain ng Gosen.
5 At sinalita ni Faraon kay Jose, na sinasabi, Ang iyong ama at ang iyong mga kapatid ay naparito sa iyo:
6 (G)Ang lupain ng Egipto ay nasa harap mo; sa (H)pinakamabuti sa lupain ay patirahin mo ang iyong ama at ang iyong mga kapatid; sa lupain ng Gosen (I)patirahin mo sila: at kung may nakikilala kang mga matalinong lalake sa kanila, ay papamahalain mo sa aking hayop.
7 At ipinasok ni Jose si Jacob na kaniyang ama, at itinayo niya sa harap ni Faraon, at binasbasan ni (J)Jacob si Faraon.
8 At sinabi ni Faraon kay Jacob, Ilan ang mga araw ng mga taon ng iyong buhay?
9 At sinabi ni Jacob kay Faraon, (K)Ang mga araw ng mga taon ng aking pakikipamayan ay isang daan at tatlong pung taon; (L)kaunti at masasama ang mga naging araw ng mga taon ng aking buhay, (M)at hindi umabot sa mga araw ng mga taon ng buhay ng aking mga magulang sa mga araw ng kanilang pakikipamayan.
10 (N)At binasbasan ni Jacob si Faraon at umalis sa harapan ni Faraon.
11 At itinatag ni Jose ang kaniyang ama, at ang kaniyang mga kapatid, at sila'y binigyan ng pagaari sa lupain ng Egipto, sa pinakamabuti sa lupain, (O)sa lupain ng Rameses, (P)gaya ng iniutos ni Faraon.
12 At (Q)pinakain ni Jose ng tinapay ang kaniyang ama, at ang kaniyang mga kapatid, at ang buong sangbahayan ng kaniyang ama, ayon sa kanikaniyang sangbahayan.
Ang kagutom at ang bunga noon.
13 At walang tinapay sa buong lupain; sapagka't ang kagutom ay totoong malala, na ano pa't ang lupain ng Egipto, at ang lupain ng Canaan ay nanglulupaypay dahil sa kagutom.
14 (R)At tinipon ni Jose ang lahat ng salapi na nasumpungan sa lupain ng Egipto, at sa lupain ng Canaan, dahil sa trigong kanilang binibili: at ipinasok ni Jose ang salapi sa bahay ni Faraon.
15 At nang ang salapi ay maubos na lahat sa lupain ng Egipto, at sa lupain ng Canaan, ay naparoon kay Jose ang lahat ng mga Egipcio, at nagsabi; Bigyan mo kami ng tinapay: (S)sapagka't bakit kami mamamatay sa iyong harap? dahil sa ang aming salapi ay naubos.
16 At sinabi ni Jose, Ibigay ninyo ang inyong mga hayop; at bibigyan ko kayo dahil sa inyong mga hayop; kung naubos na ang salapi.
17 At kanilang dinala ang kanilang mga hayop kay Jose, at binigyan sila ni Jose ng tinapay na pinakapalit sa mga kabayo, at sa mga kawan, at sa mga bakahan, at sa mga asno; at kaniyang pinakain sila ng tinapay na pinakapalit sa kanilang lahat na hayop sa taong yaon.
18 At nang matapos ang taong yaon ay naparoon sila sa kaniya ng ikalawang taon, at kanilang sinabi sa kaniya: Hindi namin ililihim sa aming panginoon, na kung paanong ang aming salapi ay naubos, at ang mga kawan ng hayop ay sa aking panginoon; wala nang naiiwan sa paningin ng aking panginoon kundi ang aming katawan at ang aming mga lupa.
19 Bakit nga kami mamamatay sa harap ng iyong mga mata, kami at ang aming lupa? (T)bilhin mo ng tinapay kami at ang aming lupa at kami at ang aming lupa ay paaalipin kay Faraon: at bigyan mo kami ng binhi, upang kami ay mabuhay, at huwag mamatay, at ang lupa ay huwag masira.
20 Sa ganito'y binili ni Jose ang buong lupain ng Egipto para kay Faraon; sapagka't ipinagbili ng bawa't isa sa mga Egipcio ang kaniyang bukid, dahil sa ang kagutom ay totoong mahigpit sa kanila: at ang lupain ay naging kay Faraon.
21 At tungkol sa mga tao ay kanilang ibinago sila sa mga bayan mula sa isang dulo ng hanganan ng Egipto hanggang sa kabilang dulo,
22 (U)Ang lupa lamang ng mga saserdote ang hindi niya nabili: sapagka't ang mga saserdote'y may bahagi kay Faraon, at kanilang kinakain ang kanilang bahagi na ibinibigay sa kanila ni Faraon; kaya hindi nila ipinagbili ang kanilang lupa.
23 Nang magkagayo'y sinabi ni Jose sa bayan: Narito, aking binili kayo ng araw na ito, at ang inyong lupa'y para kay Faraon: narito, ito ang ipangbibinhi ninyo, at inyong hahasikan ang lupa.
24 At mangyayari sa pag-aani ay inyong ibibigay ang (V)ikalimang bahagi kay Faraon, at ang apat na bahagi ay sa inyo, sa binhi sa bukid at sa inyong pagkain, at sa inyong mga kasangbahay, at pinakapagkain sa inyong mga bata.
25 At kanilang sinabi, Iyong iniligtas ang aming buhay: (W)makasumpong nawa kami ng biyaya sa paningin ng aking panginoon, at kami ay maging mga alipin ni Faraon.
26 At ginawang kautusan ni Jose sa lupain ng Egipto sa araw na ito, na mapapasa kay Faraon ang ikalimang bahagi, (X)liban lamang ang lupa ng mga saserdote na hindi naging kay Faraon.
27 At si Israel ay tumahan sa lupain ng Egipto, sa (Y)lupain ng Gosen; at sila'y nagkaroon ng mga pagaari roon, (Z)at pawang sagana at totoong dumami.
28 At si Jacob ay tumira sa lupain ng Egipto na labing pitong taon; kaya't ang mga araw ni Jacob, ang mga taon ng kaniyang buhay, ay isang daan at apat na pu't pitong taon.
29 (AA)At ang panahon ay lumalapit na dapat nang mamatay si Israel: at kaniyang tinawag ang kaniyang anak na si Jose, at sinabi niya sa kaniya, Kung ngayo'y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin, ay ilagay mo, (AB)isinasamo ko sa iyo, ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita, (AC)at pagpakitaan mo ako ng kaawaan at katotohanan; (AD)isinasamo ko sa iyong huwag mo akong ilibing sa Egipto:
30 Kundi pagtulog kong kasama ng aking mga magulang ay dadalhin mo ako mula sa Egipto, at (AE)ililibing mo ako sa kanilang libingan. At kaniyang sinabi, Aking gagawin ang gaya ng iyong sabi.
31 At kaniyang sinabi, Sumumpa ka sa akin: at sumumpa siya sa kaniya. (AF)At yumukod si Israel sa ulunan ng higaan.
1 Yamang marami ang nagpilit mag-ayos ng isang kasaysayan noong mga bagay na naganap sa gitna natin,
2 Alinsunod sa ipinatalos sa atin nilang buhat sa (A)pasimula ay (B)mga saksing nangakakakita at mga (C)ministro ng salita,
3 Ay minagaling ko naman, pagkasiyasat na lubos ng pangyayari ng lahat ng mga bagay mula nang una, na isulat sa iyong sunodsunod, (D)kagalanggalang na (E)Teofilo;
4 Upang mapagkilala mo ang katunayan (F)tungkol sa mga bagay na itinuro sa iyo.
5 Nagkaroon (G)nang mga araw ni Herodes, hari sa Judea, ng isang saserdoteng ang ngala'y Zacarias, (H)sa pulutong ni Abias: at ang naging asawa niya ay isa sa mga anak na babae ni Aaron, at ang kaniyang ngala'y Elisabet.
6 At sila'y kapuwa (I)matuwid sa harap ng Dios, na nagsisilakad na walang kapintasan sa lahat ng mga utos at mga palatuntunan ng Panginoon.
7 At wala silang anak, sapagka't baog si Elisabet, at sila'y kapuwa may pataw ng maraming taon.
8 Nangyari nga, na samantalang ginaganap niya ang pagkasaserdote sa harapan ng Dios (J)ayon sa kapanahunan ng kaniyang pulutong,
9 Alinsunod sa kaugalian ng tungkuling pagkasaserdote, ay naging palad niya ang pumasok sa templo ng Panginoon at (K)magsunog ng kamangyan.
10 At ang buong karamihan (L)ng mga tao ay nagsisipanalangin (M)sa labas sa oras ng kamangyan.
11 At napakita sa kaniya ang isang anghel ng Panginoon, na nakatayo sa dakong kanan (N)ng dambana ng kamangyan.
12 At nagulumihanan si Zacarias, pagkakita niya sa kaniya, (O)at dinatnan siya ng takot.
13 Datapuwa't sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Zacarias: sapagka't dininig ang daing mo, at ang asawa mong si Elisabet ay manganganak sa iyo ng isang anak na lalake, at (P)tatawagin mong Juan ang kaniyang pangalan.
14 At magkakaroon ka ng ligaya at galak; at (Q)marami ang maliligaya sa pagkapanganak sa kaniya.
15 Sapagka't siya'y magiging dakila sa paningin ng Panginoon, at siya'y (R)hindi iinom ng alak ni matapang na inumin; at siya'y mapupuspos ng Espiritu Santo, mula pa sa tiyan ng kaniyang ina.
16 At marami sa mga anak ni Israel, ay papagbabaliking-loob niya sa Panginoon na kanilang Dios.
17 (S)At siya'y lalakad sa unahan ng kaniyang mukha na may espiritu at kapangyarihan ni Elias, (T)upang papagbaliking-loob ang mga puso ng mga ama sa mga anak, at ang mga suwail ay magsilakad sa karunungan ng mga matuwid, (U)upang ipaglaan ang Panginoon ng isang bayang nahahanda.
18 At sinabi ni Zacarias sa anghel, (V)Sa ano malalaman ko ito? sapagka't ako'y matanda na, at ang aking asawa ay may pataw ng maraming taon.
19 At pagsagot ng anghel ay sinabi sa kaniya, (W)Ako'y si Gabriel, na nananayo sa harapan ng Dios; at ako'y sinugo upang makipagusap sa iyo, at magdala sa iyo nitong mabubuting balita.
20 At narito, mapipipi ka at hindi ka makapangungusap, hanggang sa araw na mangyari ang mga bagay na ito, sapagka't hindi ka sumampalataya sa aking mga salita, na magaganap sa kanilang kapanahunan.
21 At hinihintay ng bayan si Zacarias, at nanganggigilalas sila sa kaniyang pagluluwat sa loob ng templo.
22 At nang lumabas siya, ay hindi siya makapagsalita sa kanila: at hininagap nila na siya'y nakakita ng isang pangitain sa templo: at siya'y nagpatuloy ng (X)pakikipagusap sa kanila, sa pamamagitan ng mga hudyat, at nanatiling pipi.
23 At nangyari, na nang maganap na ang mga araw ng kaniyang paglilingkod, siya'y umuwi sa kaniyang bahay.
24 At pagkatapos ng mga araw na ito ay naglihi ang kaniyang asawang si Elisabet; at siya'y lumigpit ng limang buwan, na nagsasabi,
25 Ganito ang ginawa ng Panginoon sa akin sa mga araw nang ako'y tingnan niya, (Y)upang alisin ang aking pagkaduwahagi sa gitna ng mga tao.
26 Nang ikaanim na buwan nga'y sinugo ng Dios ang anghel (Z)Gabriel sa isang bayan ng Galilea, ngala'y Nazaret,
27 Sa isang dalagang (AA)magaasawa sa isang lalake, na ang kaniyang ngala'y Jose, (AB)sa angkan ni David; at Maria ang pangalan ng dalaga.
28 At pumasok siya sa kinaroroonan niya, at sinabi, Magalak ka, ikaw na totoong pinakamamahal, (AC)ang Panginoon ay sumasa iyo.
29 Datapuwa't siya'y totoong (AD)nagulumihanan sa sabing ito, at iniisip sa kaniyang sarili kung anong bati kaya ito.
30 At sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Maria: sapagka't nakasumpong ka ng biyaya sa Dios.
31 At narito, maglilihi ka (AE)sa iyong tiyan, at manganganak ka ng isang lalake, at tatawagin mo ang kaniyang pangalang JESUS.
32 Siya'y magiging dakila, at tatawaging Anak ng (AF)Kataastaasan: at (AG)sa kaniya'y ibibigay ng Panginoong Dios ang luklukan ni David na kaniyang ama:
33 At siya'y maghahari sa angkan (AH)ni Jacob magpakailan man; at hindi magkakawakas ang kaniyang kaharian.
34 At sinabi ni Maria sa anghel, Paanong mangyayari ito, sa ako'y hindi nakakakilala ng lalake?
35 At sumagot ang anghel, at sinabi sa kaniya, Bababa sa iyo (AI)ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng (AJ)Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging (AK)Anak ng Dios.
36 At narito, si Elisabet na iyong (AL)kamaganak, ay naglihi rin naman ng isang anak na lalake sa kaniyang katandaan; at ito ang ikaanim na buwan niya, na dati'y tinatawag na baog.
37 Sapagka't walang salitang mula sa Dios na di may kapangyarihan.
38 At sinabi ni Maria, Narito, ang alipin ng Panginoon; mangyari sa akin ang ayon sa iyong salita. At iniwan siya ng anghel.
Pinararatangan ni Job ang kaniyang mga kaibigan ng maling pagtatanggol sa Dios.
13 Narito, nakita ang lahat na ito ng aking mata,
Ang aking tainga ay nakarinig at nakaunawa.
2 Kung ano ang iyong nalalaman, ay nalalaman ko rin naman:
Hindi ako huli sa inyo.
3 Walang pagsalang ako'y magsasalita sa Makapangyarihan sa lahat,
At nagnanasa akong makipagmatuwiranan sa Dios.
4 Nguni't kayo'y (A)mapagkatha ng mga kabulaanan.
(B)Kayong lahat ay mga manggagamot na walang kabuluhan.
5 Mano nawa ay magsitahimik kayong lahat!
(C)At magiging inyong karunungan.
6 Dinggin ninyo ngayon ang aking pangangatuwiran,
At inyong dinggin ang mga pagsasanggalang ng aking mga labi.
7 Kayo ba'y mangagsasalita ng (D)kalikuan dahil sa Dios,
At mangungusap ng karayaan dahil sa kaniya?
8 Inyo bang lilingapin ang kaniyang pagka Dios?
Inyo bang ipakikipagtalo ang Dios?
9 (E)Mabuti ba na kayo'y siyasatin niya?
(F)O kung paanong dinadaya ang isang tao ay inyo bang dadayain siya?
10 Walang pagsalang sasawayin niya kayo,
Kung lihim na kayo'y tatangi ng pagkatao.
11 Hindi ba kayo tatakutin ng kaniyang karilagan,
At ang gulat sa kaniya ay sasa inyo?
12 Ang inyong mga alaalang sabi ay kawikaang (G)abo,
Ang inyong mga pagsasanggalang ay mga pagsasanggalang na putik.
13 Magsitahimik kayo, bayaan ninyo ako, na ako'y makapagsalita,
At paratingin sa akin ang darating.
14 Bakit kakagatin ng aking mga ngipin ang aking laman,
At aking ilalagay ang aking buhay sa aking kamay?
15 (H)Bagaman ako'y patayin niya, akin ding hihintayin (I)siya:
Gayon ma'y aking aalalayan ang aking mga lakad sa harap niya.
16 Ito man ay magiging aking kaligtasan;
Sapagka't ang isang di banal ay hindi makahaharap sa kaniya.
17 Pakinggan ninyong masikap ang aking pananalita,
At ang aking pahayag ay sumainyong mga pakinig.
18 Narito, ngayon, aking inayos ang aking usap;
Talastas ko na ako'y matuwid.
19 (J)Sino ang makikipagtalo sa akin?
Sapagka't ngayo'y tatahimik ako at malalagot ang aking hininga.
20 (K)Dalawang bagay lamang ang huwag mong gawin sa akin,
Kung magkagayo'y hindi ako magkukubli sa iyong mukha:
21 Iurong mo ng malayo ang iyong kamay sa akin;
At huwag akong takutin ng pangingilabot sa iyo.
22 Kung magkagayo'y tumawag ka, at ako'y sasagot;
O papagsalitain mo ako, at sumagot ka sa akin.
23 Ilan ang aking mga kasamaan at mga kasalanan?
(L)Ipakilala mo sa akin ang aking pagsalangsang at ang aking kasalanan.
24 (M)Bakit ikinukubli mo ang iyong mukha,
At inaari mo (N)akong iyong kaaway?
25 Iyo bang pangingilabutin ang isang dahong pinapaspas ng hangin?
At iyo bang hahabulin ang dayaming tuyo?
26 (O)Sapagka't ikaw ay sumusulat ng mga mabigat na bagay laban sa akin,
At ipinamamana mo sa akin ang mga kasamaan ng aking kabataan:
27 (P)Iyo ring inilalagay ang aking mga paa sa pangawan,
At pinupuna mo ang lahat kong landas:
Ikaw ay gumuguhit ng isang guhit sa palibot ng mga talampakan ng aking mga paa:
28 Bagaman ako'y parang bagay na bulok na natutunaw,
Na parang damit na kinain ng tanga.
1 Si Pablo, na (A)tinawag na maging apostol ni Jesucristo (B)sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at (C)si Sostenes na ating kapatid,
2 Sa iglesia ng Dios na nasa (D)Corinto, sa makatuwid baga'y sa mga pinapagingbanal kay Cristo Jesus, na (E)tinawag na (F)mangagbanal, na kasama ng lahat ng mga nagsisitawag sa bawa't dako, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kanila at ating Panginoon:
3 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na (G)ating Ama at sa Panginoong Jesucristo.
4 (H)Nagpapasalamat akong lagi sa aking Dios tungkol sa inyo, dahil sa biyaya ng Dios na ipinagkaloob sa inyo sa pamamagitan ni Cristo Jesus;
5 Na kayo ay pinayaman sa kanya, sa lahat ng mga bagay (I)sa lahat ng pananalita at (J)sa lahat ng kaalaman;
6 Gaya ng pinagtibay sa inyo (K)ang patotoo ni Cristo:
7 Ano pa't kayo'y hindi nagkulang sa anomang kaloob; (L)na nagsisipaghintay ng paghahayag ng ating Panginoong Jesucristo;
8 Na siya namang magpapatibay (M)sa inyo hanggang sa katapusan, upang huwag kayong mapagwikaan (N)sa kaarawan ng ating Panginoong Jesucristo.
9 Ang Dios ay (O)tapat, na sa pamamagitan niya ay tinawag kayo sa (P)pakikisama ng kaniyang anak na si Jesucristo na Panginoon natin.
10 Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayong lahat ay mangagsalita (Q)ng isa lamang bagay, at huwag mangagkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi; kundi kayo'y mangalubos sa isa lamang pagiisip at isa lamang paghatol.
11 Sapagka't ipinatalastas sa akin tungkol sa inyo, mga kapatid ko, ng mga kasangbahay ni Cloe, na sa inyo'y may mga pagtatalotalo.
12 Ibig ko ngang sabihin ito, na (R)ang bawa't isa sa inyo ay nagsasabi, Ako'y kay Pablo; at ako'y kay (S)Apolos; at ako'y kay (T)Cefas; at ako'y kay Cristo.
13 Nabahagi baga si Cristo? (U)ipinako baga sa krus si Pablo dahil sa inyo? o (V)binautismuhan baga kayo sa pangalan ni Pablo?
14 Nagpapasalamat ako sa Dios na hindi ko binautismuhan (W)ang sinoman sa inyo, maliban (X)si Crispo at si (Y)Gayo;
15 Baka masabi ninoman na kayo'y binautismuhan sa pangalan ko.
16 At binautismuhan ko rin naman ang sangbahayan ni (Z)Estefanas: maliban sa mga ito, di ko maalaman kung may nabautismuhan akong iba pa.
17 Sapagka't hindi ako sinugo ni Cristo upang bumautismo, kundi upang mangaral ng evangelio: (AA)hindi sa karunungan ng mga salita baka mawalan ng kabuluhan ang krus ni Cristo.
18 Sapagka't ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na (AB)nangapapahamak; nguni't (AC)ito'y kapangyarihan ng Dios sa atin na (AD)nangaliligtas.
19 Sapagka't nasusulat,
(AE)Iwawalat ko ang karunungan ng marurunong,
At isasawala ko ang kabaitan ng mababait.
20 Saan naroon ang marunong? saan naroon ang eskriba? saan naroon ang mapagmatuwid (AF)sa sanglibutang ito? hindi baga (AG)ginawa ng Dios na kamangmangan ang karunungan ng sanglibutan?
21 Sapagka't yamang sa karunungan ng Dios ay hindi nakilala ng sanglibutan ang Dios sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, ay kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral.
22 (AH)Ang mga Judio nga ay nagsisihingi ng mga tanda, at ang mga Griego ay nagsisihanap ng karunungan:
23 Datapuwa't ang (AI)aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus, na sa mga Judio ay (AJ)katitisuran, at sa mga Gentil ay kamangmangan;
24 Nguni't sa kanila na mga tinawag, maging mga Judio at mga Griego, si Cristo ang (AK)kapangyarihan ng Dios, at (AL)ang karunungan ng Dios.
25 Sapagka't ang kamangmangan ng Dios ay lalong marunong kay sa mga tao; at ang kahinaan ng Dios ay lalong malakas kay sa mga tao.
26 Sapagka't masdan ninyo ang sa inyo'y (AM)pagkatawag, mga kapatid, na (AN)hindi ang maraming marurunong ayon sa laman, hindi ang maraming may kapangyarihan, hindi ang maraming mahal na tao ang mga tinawag:
27 Kundi pinili ng Dios (AO)ang mga bagay na kamangmangan ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga marurunong; at pinili ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas;
28 At ang mga bagay na mababa ng sanglibutan, at ang mga bagay na hinamak, ang pinili ng Dios, (AP)oo at ang mga bagay na walang halaga (AQ)upang mawalang halaga ang mga bagay na mahahalaga:
29 Upang walang (AR)laman na magmapuri sa harapan ng Dios.
30 Datapuwa't sa kaniya kayo'y nangasa kay Cristo Jesus, na sa atin ay ginawang (AS)karunungang mula sa Dios, at (AT)katuwiran at (AU)kabanalan, (AV)at katubusan:
31 Na, ayon sa nasusulat, (AW)Ang nagmamapuri, ay magmapuri sa Panginoon.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978