Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Genesis 49

Ang hula ni Jacob sa kaniyang mga anak.

49 At tinawag ni Jacob ang kaniyang mga anak, at sinabi, Magpipisan kayo, (A)upang maisaysay ko sa inyo ang mangyayari (B)sa inyo sa mga huling araw.
Magpipisan kayo at kayo'y makinig, kayong mga anak ni Jacob;
At inyong pakinggan si Israel na inyong ama.
(C)Ruben, ikaw ang aking panganay, ang aking kapangyarihan, (D)at siyang pasimula ng aking kalakasan;
Siyang kasakdalan ng kamahalan, at siyang kasakdalan ng kapangyarihan.
(E)Kumukulong parang tubig na umaawas, hindi ka magtataglay ng kasakdalan,
Sapagka't, sumampa ka sa higaan ng iyong ama:
Hinamak mo nga; sumampa sa aking higaan.
(F)Si Simeon at si Levi ay magkapatid;
Mga almas na marahas ang kanilang mga tabak.
Oh kaluluwa ko, huwag kang pumasok sa kanilang payo;
Sa kanilang kapisanan, ay huwag kang makiisa, kaluwalhatian ko;
Sapagka't sa kanilang galit ay pumatay ng tao:
At sa kanilang sariling kalooban ay pumutol ng hita ng baka.
Sumpain ang kanilang galit, sapagka't mabangis;
At ang kanilang pagiinit, sapagka't mabagsik.
Aking babahagihin sila sa Jacob.
At aking pangangalatin sila sa Israel.
(G)Juda, ikaw ay pupurihin ng iyong mga kapatid:
(H)Ang iyong kamay ay magpapahinga sa leeg ng iyong mga kaaway:
(I)Ang mga anak ng iyong ama ay yuyukod sa harap mo.
(J)Si Juda'y isang anak ng leon, Mula sa panghuhuli, anak ko umahon ka:
(K)Siya'y yumuko, siya'y lumugmok na parang leon;
At parang isang leong babae; sinong gigising sa kaniya?
10 (L)Ang setro ay hindi mahihiwalay sa Juda,
(M)Ni ang tungkod ng pagkapuno sa pagitan ng kaniyang mga paa,
(N)Hanggang sa ang Shiloh ay dumating;
(O)At sa kaniya tatalima ang mga bansa.
11 Naitatali ang kaniyang batang asno sa puno ng ubas.
At ang guya ng kaniyang asno sa puno ng piling ubas;
Nilabhan niya ang kaniyang suot sa alak,
At ang kaniyang damit sa katas ng ubas.
12 (P)Ang kaniyang mga mata ay mamumula sa alak,
At ang kaniyang mga ngipin ay mamumuti sa gatas.
13 (Q)Si Zabulon ay tatahan sa daongan ng dagat:
At siya'y magiging daongan ng mga sasakyan;
At ang kaniyang hangganan ay magiging hanggang Sidon.
14 Si Issachar ay isang malakas na asno,
Na lumulugmok sa gitna ng mga tupahan:
15 At nakakita siya ng dakong pahingahang mabuti,
At ng lupang kaayaaya;
At kaniyang iniyukod ang kaniyang balikat upang pumasan,
At naging aliping mangaatag.
16 Si Dan ay (R)hahatol sa kaniyang bayan,
Gaya ng isa sa angkan ni Israel.
17 Si Dan ay magiging ahas sa daan,
At ulupong sa landas,
Na nangangagat ng mga sakong ng kabayo,
Na ano pa't nahuhulog sa likuran ang sakay niyaon.
18 (S)Aking hinintay ang iyong pagliligtas,
Oh Panginoon.
19 Si Gad, ay hahabulin ng isang pulutong:
Nguni't siya ang hahabol sa kanila.
20 Hinggil kay Aser, ay lulusog ang tinapay niya,
At gagawa ng masasarap na pagkain.
21 Si Nephtali ay isang usang babaing kawala:
Siya'y nagbabadya ng maririkit na pananalita.
22 Si Jose ay sangang mabunga,
Sangang mabunga na nasa tabi ng bukal;
Ang kaniyang mga sanga'y gumagapang sa pader.
23 (T)Pinamanglaw siya ng mga mamamana,
At pinana siya, at inusig siya:
24 (U)Nguni't ang kaniyang busog ay nanahan sa kalakasan,
At pinalakas ang mga bisig ng kaniyang mga kamay,
Sa pamamagitan ng mga kamay ng (V)Makapangyarihan ni Jacob,
(Na siyang pinagmulan ng (W)pastor, ang (X)bato ng Israel),
25 (Y)Sa pamamagitan nga ng Dios ng iyong ama, na siyang tutulong sa iyo,
At sa pamamagitan ng Makapangyarihan sa lahat, na siyang magpapala sa iyo,
Ng pagpapala ng langit sa itaas, Pagpapala ng mga kalaliman na nalalagay sa ibaba,
Pagpapala ng mga dibdib at ng bahay-bata.
26 Ang mga basbas ng iyong ama na humigit sa basbas ng aking mga kanunuan
(Z)Hanggang sa wakas ng mga burol na walang hanggan:
Mangapapasa ulo ni Jose,
At sa tuktok ng ulo niya na bukod tangi sa kaniyang mga kapatid.
27 (AA)Si Benjamin ay isang lobo na mang-aagaw:
Sa kinaumagaha'y kaniyang kakanin ang huli,
(AB)At sa kinahapunan ay kaniyang babahagihin ang samsam.

28 Ang lahat ng ito ang labing dalawang angkan ng Israel: at ito ang sinalita ng ama nila sa kanila, at sila'y binasbasan; bawa't isa'y binasbasan ng ayon sa basbas sa kanikaniya,

29 At kaniyang ipinagbilin sa kanila, at sinabi sa kanila: (AC)Ako'y malalakip sa aking bayan: (AD)ilibing ninyo ako sa kasamahan ng aking mga magulang (AE)sa yungib na nasa parang ni Ephron na Hetheo,

30 Sa yungib na nasa parang ng Machpela, na nasa tapat ng Mamre, sa lupain ng Canaan, (AF)na binili ni Abraham, na kalakip ng parang kay Ephron na Hetheo, na pinakaaring libingan:

31 (AG)Na doon nila inilibing si Abraham at si Sara na kaniyang asawa; na doon nila inilibing si Isaac at si Rebeca na kaniyang asawa; at (AH)doon ko inilibing si Lea:

Ang kaniyang kamatayan.

32 Sa parang at sa yungib na nandoon na binili sa mga anak ni Heth.

33 At nang matapos si Jacob na makapagbilin sa kaniyang mga anak, ay kaniyang itinaas at itinikom ang kaniyang mga paa sa higaan, (AI)at nalagot ang hininga, at nalakip sa kaniyang bayan.

Lucas 2

Nangyari nga nang mga araw na yaon na lumabas ang isang (A)utos mula kay Augusto Cesar, na magpatala ang buong sanglibutan.

Ito ang (B)unang talaang-mamamayan na ginawa nang si Quirinio ay (C)gobernador sa Siria.

At nagsisiparoon ang lahat upang sila'y mangatala, bawa't isa sa kaniyang sariling bayan.

At si Jose naman ay umahon mula sa (D)Galilea, mula sa bayan ng Nazaret, hanggang sa Judea, (E)sa bayan ni David, na kung tawagi'y Bet-lehem, (F)sapagka't siya'y sa angkan at sa lahi ni David;

Upang patala siya pati ni Maria, (G)na magaasawa sa kaniya, na kasalukuyang kagampan.

At nangyari, samantalang sila'y (H)nangaroroon, at naganap ang mga kaarawang dapat siyang manganak.

At kaniyang ipinanganak ang panganay niyang anak na lalake; at ito'y binalot niya ng mga lampin, at inihiga sa isang pasabsaban, sapagka't wala nang lugar para kanila sa tuluyan.

At may mga pastor ng tupa sa lupain ding yaon na nangasa parang, na pinagpupuyatan sa gabi ang kanilang kawan.

At tumayo sa tabi nila ang isang anghel ng Panginoon, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nagliwanag sa palibot nila: (I)at sila'y totoong nangatakot.

10 At sinabi sa kanila ng anghel, Huwag kayong mangatakot; sapagka't narito, dinadalhan ko kayo ng mabubuting balita ng malaking kagalakan, na siyang sasa buong bayan:

11 Sapagka't ipinanganak (J)sa inyo ngayon (K)sa bayan ni David (L)ang isang Tagapagligtas, (M)na siya ang Cristo (N)ang Panginoon.

12 At ito ang sa inyo'y magiging pinakatanda: Masusumpungan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin, at nakahiga sa isang pasabsaban.

13 At biglang nakisama sa anghel (O)ang isang karamihang hukbo ng langit, (P)na nangagpupuri sa Dios, at nangagsasabi:

14 Luwalhati sa Dios sa kataastaasan,
(Q)At sa lupa'y (R)kapayapaan sa mga taong (S)kinalulugdan niya.

15 At nangyari nang lisanin sila ng mga anghel at nangapasa langit, ang mga pastor ay nangagsangusapan. Magsiparoon nga tayo ngayon hanggang sa (T)Bet-lehem, at tingnan natin itong nangyari, na ipinagbigay-alam sa atin ng Panginoon.

16 At sila'y dalidaling nagsiparoon at nasumpungan kapuwa si Maria at si Jose, at ang sanggol na nakahiga sa pasabsaban.

17 At nang makita nila yaon, ay inihayag nila ang mga sinabi sa kanila tungkol sa sanggol na ito.

18 At lahat ng nangakarinig nito ay nangagtaka sa mga bagay na sinabi sa kanila ng mga pastor.

19 Datapuwa't iningatan ni (U)Maria ang lahat ng mga pananalitang ito, na pinagbulaybulay sa kaniyang puso.

20 At nangagbalik ang mga pastor, na niluluwalhati at pinupuri ang Dios dahil sa lahat ng mga bagay na kanilang nangarinig at nangakita, ayon sa sinabi sa kanila.

21 At nang makaraan ang (V)walong araw upang tuliin siya, ay tinawag na (W)JESUS ang kaniyang pangalan, na siyang itinawag ng anghel bago siya ipinaglihi sa tiyan.

22 At nang maganap na (X)ang mga araw na kanilang paglilinis alinsunod sa kautusan ni Moises, ay kanilang dinala (Y)siya sa Jerusalem, upang iharap siya sa Panginoon

23 (ayon sa nasusulat sa kautusan ng Panginoon, (Z)Ang bawa't lalaking nagbubukas ng bahay-bata ay tatawaging banal sa Panginoon),

24 At upang maghandog ng hain alinsunod sa sinasabi sa kautusan ng Panginoon, (AA)Dalawang batobato, o dalawang inakay ng kalapati.

25 At narito, may isang lalake sa Jerusalem, na nagngangalang Simeon; at ang lalaking ito'y matuwid at masipag sa kabanalan, (AB)na nag-aantay ng kaaliwan ng Israel: at sumasa kaniya ang Espiritu Santo.

26 At ipinahayag sa kaniya ng Espiritu Santo, (AC)na di niya makikita ang kamatayan, hanggang sa makita muna niya ang Cristo ng Panginoon.

27 At siya'y napasa templo (AD)sa Espiritu: at nang ipasok sa templo ang sanggol na si Jesus ng kaniyang mga magulang, (AE)upang sa kaniya'y magawa nila ang nauukol alinsunod sa kaugalian ng kautusan,

28 Ay tinanggap nga niya siya sa kaniyang mga bisig, at pinuri ang Dios, at nagsabi,

29 (AF)Ngayo'y papanawin mo,
Panginoon, ang iyong alipin,
(AG)Ayon sa iyong salita, sa kapayapaan,
30 Sapagka't (AH)nakita ng aking mga mata ang iyong pagliligtas,
31 (AI)Na iyong inihanda sa unahan ng mukha ng lahat ng mga tao;
32 Isang ilaw upang ipahayag sa (AJ)mga Gentil,
At ang kaluwalhatian ng iyong bayang Israel.

33 At ang kaniyang ama at ang kaniyang ina ay nagsisipanggilalas sa mga bagay na sinasabi tungkol sa kaniya;

34 At sila'y pinagpala ni Simeon, at sinabi sa kaniyang inang si Maria, Narito, ito (AK)ay itinalaga sa (AL)ikararapa at sa ikatitindig ng marami sa Israel; at pinakatandang tudlaan (AM)ng pagsalangsang:

35 Oo at paglalampasanan ng (AN)isang tabak ang iyong sariling kaluluwa; upang mangahayag ang mga pagiisip ng maraming puso.

36 At naroroon din naman si Ana, na isang propetisa, anak na babae ni Fanuel, sa angkan ni (AO)Aser, (siya'y lubhang matanda na, at may pitong taong nakisama sa kaniyang asawa mula sa kaniyang kadalagahan,

37 At siya'y bao nang walongpu't apat na taon), na hindi humihiwalay sa templo, (AP)at sumasamba sa gabi at araw sa pamamagitan ng mga (AQ)pagaayuno at mga pagdaing.

38 At pagdating niya sa oras ding yaon, siya'y nagpasalamat sa Dios, at nagsalita ng tungkol sa sanggol sa lahat ng (AR)nagsisipaghintay ng (AS)katubusan sa Jerusalem.

39 At nang maganap na nila ang lahat ng mga bagay na alinsunod sa kautusan ng Panginoon, ay nangagbalik sila sa (AT)Galilea, sa (AU)kanilang sariling bayang Nazaret.

40 At lumalaki ang bata, at lumalakas, at napupuspos ng karunungan: at sumasa kaniya ang biyaya ng Dios.

41 At nagsisiparoon (AV)taon-taon ang kaniyang mga magulang sa Jerusalem (AW)sa kapistahan ng paskua.

42 At nang siya'y may labindalawang taon na, ay nagsiahon sila ayon sa kaugalian ng kapistahan;

43 At nang kanilang maganap na (AX)ang mga araw, sa pagbalik nila, ay naiwan ang batang si Jesus sa Jerusalem; at di nalalaman ng kaniyang mga magulang;

44 Ngunit sa pagaakala nilang siya'y nasa kasamahan, ay nagsiyaon sila nang isang araw na paglalakbay; at hinahanap nila siya sa mga kamaganak at mga kakilala;

45 At nang di nila siya matagpuan, ay nagsipagbalik sila sa Jerusalem, na hinahanap siya.

46 At nangyari, na nang makaraan ang tatlong araw, ay nangatagpuan nila siya sa templo, na nakaupo sa gitna ng mga (AY)guro, na sila'y pinakikinggan, at sila'y tinatanong:

47 At ang lahat ng sa kaniya'y nangakakarinig ay nagsisipanggilalas sa kaniyang katalinuhan at sa kaniyang mga sagot.

48 At nang siya'y mangakita nila, ay nangagtaka sila; at sinabi sa kaniya ng kaniyang ina, Anak, bakit ginawa mo sa amin ang ganyan? narito, ang iyong ama at ako na hinahanap kang may hapis.

49 At sinabi niya sa kanila, Bakit ninyo ako hinahanap? di baga talastas ninyo na dapat akong maglumagak sa bahay ng (AZ)aking Ama.

50 At di nila naunawa ang pananalitang sa kanila'y sinabi.

51 At lumusong siyang kasama nila, at napasa (BA)Nazaret; at napasakop sa kanila: at (BB)iniingatan ng kaniyang ina sa kaniyang puso ang lahat ng mga pananalitang ito.

52 At lumalaki si Jesus sa karunungan at sa pangangatawan, at (BC)sa pagbibigay lugod sa Dios at sa mga tao.

Job 15

Ang ikalawang pananalita ni Eliphaz. Tinuligsa niya ang pagpapakunwari ni Job.

15 Nang magkagayo'y sumagot si (A)Eliphaz na Temanita, at nagsabi,

Sasagot ba (B)ang isang pantas ng (C)walang kabuluhang kaalaman,
At pupunuin ang kaniyang tiyan ng hanging silanganan,
Makikipagmatuwiranan ba siya ng walang kapakinabangang pangungusap,
O ng mga salita na hindi niya ikagagawa ng mabuti?
Oo, ikaw ay nagaalis ng katakutan,
At iyong pinipigil ang dalangin sa harap ng Dios.
Sapagka't ang iyong kasamaan ang nagtuturo sa iyong bibig,
At iyong pinipili ang dila ng mapagkatha.
Ang iyong sariling bibig ang humahatol laban sa iyo, at hindi ako;
Oo, ang iyong sariling mga labi ay nagpapatotoo laban sa iyo.
Ikaw ba ang unang tao na ipinanganak?
O nalabas ka bang una kay sa mga burol?
Iyo bang narinig ang (D)lihim na payo ng Dios?
At ikaw ba'y nagpigil ng karunungan sa iyong sarili?
(E)Anong nalalaman mo na di namin nalalaman?
Anong nauunawa mo na wala sa amin?
10 (F)Kasama namin ay mga ulong may uban, at mga totoong napakatandang tao,
Matandang makapupo kay sa iyong ama.
11 Ang mga pagaliw ba ng Dios ay totoong kaunti pa sa ganang iyo,
Sa makatuwid baga'y ang salitang napakabuti sa iyo?
12 Bakit ka napadadala sa iyong puso?
At bakit kumikindat ang iyong mga mata?
13 Na tinatalikdan mo ng iyong diwa ang Dios,
At binibigkas mo ang ganyang mga salita sa iyong bibig.
14 (G)Ano ang tao upang maging malinis?
At siyang ipinanganak ng babae, upang siya'y maging matuwid?
15 Narito, siya'y hindi naglalagak ng tiwala sa kaniyang mga (H)banal;
Oo, ang langit ay hindi malinis sa kaniyang paningin.
16 Gaano pa nga kaliit ang karumaldumal at hamak,
(I)Ang taong umiinom ng kasamaan na parang tubig!
17 Ipakikilala ko sa iyo, dinggin mo ako;
At ang aking nakita ay aking ipahahayag:
18 (Ang (J)isinaysay ng mga pantas na mula sa kanilang mga magulang, at hindi inilingid;
19 Sa mga yaon lamang ibinigay ang lupain,
At (K)walang taga ibang lupa na dumaan sa gitna nila:)
20 Ang masamang tao ay nagdaramdam ng sakit lahat ng kaniyang araw,
Sa makatuwid baga'y ang bilang ng mga taon na itinakda sa mamimighati.
21 Ang hugong ng kakilabutan ay nasa kaniyang mga pakinig;
(L)Sa kaginhawahan ay daratnan siya ng mga mananamsam:
22 Siya'y hindi naniniwala na babalik siya na mula sa kadiliman,
At siya'y hinihintay ng tabak:
23 (M)Siya'y gumagala dahil sa tinapay, na nagsasabi: Nasaan?
(N)Kaniyang nalalaman na ang araw ng kadiliman ay handa sa kaniyang kamay:
24 Kapanglawan at kadalamhatian ay tumatakot sa kaniya:
Nangananaig laban sa kaniya, na gaya ng isang hari na handa sa pakikipagbaka;
25 Sapagka't iniuunat niya ang kaniyang kamay laban sa Dios.
At nagpapalalo laban sa Makapangyarihan sa lahat;
26 Tinatakbo niya siya na may mapagmatigas na leeg,
Sa kakapalan ng kaniyang mga kalasag;
27 (O)Sapagka't tinakpan niya ang kaniyang mukha ng kaniyang katabaan
At nagpangulubot ng kaniyang mga pigi;
28 At siya'y tumahan sa mga sirang bayan,
Sa mga bahay na walang taong tumatahan,
Na madaling magiging mga bunton.
29 Hindi siya yayaman, o mamamalagi man ang kaniyang pagaari.
Ni di lalawak sa lupa ang kaniyang mga tinatangkilik.
30 Siya'y hindi hihiwalay sa kadiliman;
Tutuyuin ng liyab ang kaniyang mga sanga,
At sa pamamagitan ng hininga ng bibig ng Dios ay papanaw siya.
31 Huwag siyang tumiwala sa kalayawan na dayain ang sarili:
Sapagka't kalayawan ang magiging kagantihan sa kaniya.
32 (P)Magaganap ito bago dumating ang kaniyang kapanahunan,
At ang kaniyang (Q)sanga ay hindi mananariwa.
33 Lalagasin niya ang kaniyang mga (R)hilaw na ubas na gaya ng puno ng ubas,
At lalagasin ang kaniyang bulaklak na gaya ng olibo.
34 Sapagka't ang pulutong ng mga di banal ay hindi lalago,
At susupukin ng apoy ang mga toldang suhulan.
35 (S)Sila'y nag-iisip ng pagapi at naglalabas ng kasamaan,
At ang kanilang kalooban ay naghahanda ng pagdaraya.

1 Corinto 3

At ako, mga kapatid, ay hindi nakapagsalita sa inyo na tulad sa mga nasa (A)espiritu, kundi tulad sa mga nasa (B)laman, tulad sa (C)mga sanggol kay Cristo.

Kinandili ko kayo ng (D)gatas, at hindi ng lamang-kati; (E)sapagka't kayo'y wala pang kaya noon: wala, na ngayon pa man ay wala kayong kaya;

Sapagka't kayo'y mga sa laman pa: sapagka't samantalang sa inyo'y may mga paninibugho at (F)mga pagtatalo, hindi baga kayo'y mga sa laman, at kayo'y nagsisilakad ayon sa kaugalian ng mga tao?

Sapagka't kung sinasabi ng isa, (G)Ako'y kay Pablo; at ng iba, (H)Ako'y kay Apolos; hindi baga kayo'y mga tao?

Ano nga si Apolos? at Ano si Pablo? (I)Mga ministro na sa pamamagitan nila ay nagsisampalataya kayo; at sa bawa't isa (J)ayon sa ipinagkaloob ng Panginoon (K)sa kaniya.

Ako ang (L)nagtanim, (M)si Apolos ang nagdilig; (N)nguni't ang Dios ang siyang nagpalago.

Ano pa't walang anoman ang nagtatanim, ni ang nagdidilig; kundi ang Dios na nagpapalago.

Ngayon ang nagtatanim at ang nagdidilig ay iisa: nguni't ang (O)bawa't isa ay tatanggap ng kaniyang sariling kagantihan ayon sa kaniyang sariling pagpapagal.

Sapagka't (P)tayo ay mga kamanggagawa ng Dios: kayo ang bukid ng Dios, (Q)ang gusali ng Dios.

10 Ayon sa biyaya ng Dios na ibinigay sa akin, na tulad sa matalinong tagapagtayo ay inilagay ko ang pinagsasaligan; at iba ang nagtatayo sa ibabaw nito. Nguni't ingatan ng bawa't tao kung paano ang pagtatayo niya sa ibabaw nito.

11 Sapagka't sinoman ay hindi makapaglalagay ng ibang pinagsasaligan, kundi ang nalalagay na, (R)na ito'y si Cristo Jesus.

12 Datapuwa't kung ang sinoma'y magtatayo sa ibabaw ng pinagsasaligang ito ng ginto, pilak, mga mahahalagang bato, kahoy, tuyong dayami;

13 Ang gawa (S)ng bawa't isa ay mahahayag: sapagka't (T)ang araw (U)ang magsasaysay, sapagka't sa pamamagitan ng apoy inihahayag; at ang apoy rin ang susubok sa gawa ng bawa't isa kung ano yaon.

14 Kung ang gawa ng sinoman ay manatili, na kaniyang itinayo sa ibabaw niyaon, siya'y tatanggap ng kagantihan.

15 Kung ang gawa ng sinoman ay masunog, (V)ay malulugi siya: nguni't siya sa kaniyang sarili ay maliligtas; gayon ma'y (W)tulad sa pamamagitan ng apoy.

16 Hindi baga ninyo nalalaman (X)na kayo'y templo ng Dios, at (Y)ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo?

17 Kung gibain ng sinoman ang templo ng Dios, siya'y igigiba ng Dios; sapagka't ang templo ng Dios ay banal, na ang templong ito ay kayo.

18 Sinoma'y huwag (Z)magdaya sa kaniyang sarili. (AA)Kung ang sinoman sa inyo ay nagiisip na siya'y marunong sa kapanahunang (AB)ito, ay magpakamangmang siya, upang siya ang maging marunong.

19 Sapagka't ang (AC)karunungan ng sanglibutang ito ay kamangmangan sa Dios. Sapagka't nasusulat, (AD)Hinuhuli niya ang marurunong sa kanilang katusuhan:

20 At muli, (AE)Nalalaman ng Panginoon ang pangangatuwiran ng marurunong, na pawang walang kabuluhan.

21 Kaya't (AF)huwag ipagmamapuri ninoman sa mga tao, Sapagka't ang lahat ng mga bagay ay sa inyo.

22 Kahit si Pablo, kahit si Apolos, kahit si (AG)Cefas, kahit ang sanglibutan, kahit ang buhay, kahit ang kamatayan, kahit (AH)ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating; (AI)lahat ay sa inyo:

23 At (AJ)kayo'y kay Cristo; at si Cristo ay sa Dios.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978