Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Genesis 46

Si Jacob at ang kaniyang angkan ay pumunta sa Gosen.

46 At si Israel ay naglakbay na dala ang lahat niyang tinatangkilik, at napasa (A)Beer-seba, at naghandog ng mga hain (B)sa Dios ng kaniyang amang si Isaac.

At kinausap ng Dios si Israel (C)sa mga panaginip sa gabi, at sinabi, Jacob, Jacob. At sinabi niya, Narito ako:

At kaniyang sinabi, Ako'y Dios, ang Dios (D)ng iyong ama, huwag kang matakot na bumaba sa Egipto: (E)sapagka't doo'y gagawin kitang isang dakilang bansa:

(F)Ako'y bababang kasama mo sa Egipto; (G)at tunay na iaahon kita uli, (H)at ipapatong ni Jose ang kaniyang kamay sa iyong mga mata.

At bumangon si Jacob mula sa Beer-seba; at dinala ng mga anak ni Israel si Jacob na kanilang ama, at ang kanilang mga bata, at ang kanilang mga asawa, sa mga kariton (I)na ipinadala ni Faraon kay Jacob.

At kanilang dinala ang kanilang mga hayop, at ang kanilang mga pagaari na kanilang inimpok sa lupain ng Canaan, at na pasa Egipto, si (J)Jacob at ang buong binhi niya na kasama niya.

Ang kaniyang mga anak na lalake at babae, at ang mga anak na lalake at babae ng kaniyang mga anak na kasama niya, at ang kaniyang buong binhi ay dinala niyang kasama niya sa Egipto.

Ang mga pangalan ng sangbahayan ni Jacob ay ibinigay.

(K)At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Israel, na napasa Egipto, ni Jacob at ng kaniyang mga anak: si (L)Ruben na anak na panganay ni Jacob.

At ang mga anak ni Ruben; si Hanoch, at si Phallu, at si Hezron, at si Carmi.

10 At ang mga anak ni Simeon; si Jemuel, at si Jamin, at si Ohad, at si Jachin, at si Zohar, at si Saul na anak ng isang babaing taga Canaan.

11 (M)At ang mga anak ni Levi; si Gerson, si Coat at si Merari.

12 (N)At ang mga anak ni Juda; si Er, at si Onan, at si Sela, at si Phares, at si Zara; (O)nguni't si Er at si Onan ay namatay sa lupain ng Canaan. (P)At ang mga anak ni Phares, si Hezron at si Hamul.

13 (Q)At ang mga anak ni Issachar; si Thola, at si Phua, at si Job, at si Simron.

14 At ang mga anak ni Zabulon; si Sered; at si Elon, at si Jahleel.

15 (R)Ito ang mga anak ni Lea, na kaniyang ipinanganak kay Jacob sa Padan-aram, sangpu ng kaniyang anak na babaing si Dina: ang lahat na taong kaniyang mga anak na lalake at babae ay tatlong pu't tatlo.

16 At ang mga anak ni Gad; si Ziphion, at si Aggi, si Suni, at si Ezbon, si Heri, at si Arodi, at si Areli.

17 (S)At ang mga anak ni Aser; si Jimna; at si Ishua, at si Isui, at si Beria, at si Sera na kanilang kapatid na babae: at ang mga anak ni Beria; si Heber, at si Malchel.

18 (T)Ito ang mga anak ni Zilpa (U)na siyang ibinigay ni Laban kay Lea na kaniyang anak na babae, at ang mga ito ay kaniyang ipinanganak kay Jacob, na labing anim na tao.

19 Ang mga anak ni Raquel na asawa ni Jacob; si Jose at si Benjamin.

20 (V)At kay Jose ay ipinanganak sa lupain ng Egipto si Manases at si Ephraim, na ipinanganak sa kaniya ni Asenath, na anak ni Potiphera na saserdote sa On.

21 (W)At ang mga anak ni Benjamin; si Bela; at si Becher, at si Asbel, si Gera, at si Naaman, si Ehi, at si Ros, si Muppim, at si Huppim, at si Ard.

22 Ito ang mga anak ni Raquel na ipinanganak kay Jacob: lahat ay labing apat.

23 At ang mga anak ni Dan; si Husim.

24 (X)At ang mga anak ni Nephtali; si Jahzeel, at si Guni, at si Jezer, at si Shillem.

25 (Y)Ito ang mga anak ni Bilha, (Z)na siyang ibinigay ni Laban kay Raquel na kaniyang anak, at ang mga ito ang ipinanganak niya kay Jacob; lahat na tao ay pito.

26 Lahat na tao na sumama kay Jacob sa Egipto, na nagsilabas sa kaniyang mga balakang, bukod pa ang mga asawa ng mga anak ni Jacob, ang lahat na tao ay anim na pu't anim;

27 At ang mga anak ni Jose na ipinanganak sa kaniya sa Egipto, ay dalawang katao; ang (AA)lahat na tao sa sangbahayan ni Jacob, na napasa Egipto, ay pitongpu.

28 At pinapagpauna niya si Juda kay Jose, (AB)upang ituro ang daan na patungo sa Gosen; at sila'y nagsidating sa lupain ng Gosen.

Sinalubong ni Jose ang kaniyang ama.

29 At inihanda ni Jose ang kaniyang karro, at sumampang sinalubong si Israel na kaniyang ama sa Gosen; at siya'y humarap sa kaniya, (AC)at yumakap sa kaniyang leeg, at umiyak sa kaniyang leeg na matagal.

30 At sinabi ni Israel kay Jose, (AD)Ngayo'y mamatay na ako yamang nakita ko na ang iyong mukha, na ikaw ay buháy pa.

31 At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid, at sa sangbahayan ng kaniyang ama, Ako'y (AE)aahon, at aking sasaysayin kay Faraon, at aking sasabihin sa kaniya. Ang aking mga kapatid, at ang sangbahayan ng aking ama, na nangasa lupain ng Canaan, ay naparito sa akin;

32 At ang mga lalake ay mga pastor, sapagka't sila'y naging tagapagalaga ng hayop, at kanilang dinala ang kanilang mga kawan, at ang kanilang mga bakahan, at ang lahat nilang tinatangkilik.

33 At mangyayaring, pagka tatawagin kayo ni Faraon, at sasabihin, Ano ang inyong hanapbuhay?

34 (AF)Na inyong sasabihin, Ang iyong mga lingkod ay naging (AG)tagapagalaga ng hayop mula sa aming pagkabata hanggang ngayon, kami at ang aming mga magulang; upang kayo'y matira sa (AH)lupain ng Gosen; (AI)sapagka't bawa't pastor ay kasuklamsuklam sa mga Egipcio.

Marcos 16

16 At (A)nang makaraan ang sabbath, (B)si Maria Magdalena, at si Mariang ina ni Santiago, at (C)si Salome, (D)ay nagsibili ng mga pabango, upang sila'y magsiparoon at siya'y pahiran.

At pagkaumagang-umaga nang unang araw ng sanglinggo, ay nagsiparoon sila sa libingan nang sikat na ang araw.

At kanilang pinaguusapan, Sino kaya ang ating mapagpapagulong ng bato mula sa pintuan ng libingan?

At pagkatingin, ay nakita nilang naigulong na (E)ang bato: sapagka't yao'y totoong malaki.

At pagkapasok sa libingan, ay (F)kanilang nakita ang isang binata na nakaupo sa dakong kanan, na nararamtan ng isang damit na maputi; at sila'y nangagitla.

At sinabi niya sa kanila, Huwag kayong mangagitla: hinahanap ninyo si Jesus, ang Nazareno, na ipinako sa krus: siya'y nagbangon; wala siya rito: tingnan ninyo ang dakong pinaglagyan nila sa kaniya!

Datapuwa't magsiyaon kayo, sabihin ninyo sa kaniyang mga alagad at kay (G)Pedro, Siya'y nangunguna sa inyo sa Galilea: doon siya makikita, (H)ayon sa sinabi niya sa inyo.

At sila'y nagsilabas, at nagsitakas mula sa libingan; sapagka't sila'y nagsipangilabot at nangagitla: (I)at hindi sila nangagsasabi ng anoman sa kanino man; sapagka't sila'y nangatatakot.

Nang siya nga'y magbangon nang unang araw ng sanglinggo, ay napakita muna siya kay Maria Magdalena, na sa kaniya'y pitong demonio (J)ang pinalabas niya.

10 Siya'y yumaon at (K)ipinagbigay alam sa mga naging kasamahan ni Jesus, samantalang sila'y nangahahapis at nagsisitangis.

11 At sila, nang kanilang mabalitaan na siya'y nabuhay, at nakita ni Magdalena, ay (L)hindi sila nagsipaniwala.

12 At pagkatapos ng mga bagay na ito ay napakita siya sa ibang anyo (M)sa dalawa sa kanila, nang sila'y nangaglalakad na patungo sa bukid.

13 At sila'y nagsiyaon at ipinagbigay-alam ito sa mga iba: at (N)kahit sa kanila'y hindi rin sila nagsipaniwala.

14 At pagkatapos (O)siya'y napakita sa labingisa samantalang sila'y nangakaupong nagsisikain; at pinagwikaan sila sa kawalan nila ng pananampalataya at katigasan ng puso, (P)sapagka't hindi sila nagsipaniwala sa nangakakita sa kaniya pagkatapos na siya'y magbangon.

15 At sinabi niya sa kanila, (Q)Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal.

16 (R)Ang sumasampalataya at (S)mabautismuhan ay maliligtas; (T)datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.

17 At lalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya: mangagpapalabas sila ng mga demonio (U)sa aking pangalan; (V)mangagsasalita sila ng mga bagong wika;

18 (W)Sila'y magsisihawak ng mga ahas, at kung magsiinom sila ng bagay na makamamatay, sa anomang paraan ay hindi makasasama sa kanila; (X)ipapatong nila ang kanilang mga kamay (Y)sa mga may-sakit, at sila'y magsisigaling.

19 Ang Panginoong Jesus nga, pagkatapos na sila'y mangakausap niya, ay (Z)tinanggap sa itaas ng langit, at (AA)lumuklok sa kanan ng Dios.

20 At nagsialis sila, at nagsipangaral sa lahat ng dako, na gumagawang kasama nila ang Panginoon, at pinatototohanan ang salita sa pamamagitan ng mga (AB)tandang kalakip. Siya nawa.

Job 12

Pinatunayan ni Job ang kapangyarihan ng Dios.

12 Nang magkagayo'y sumagot si Job; at nagsabi,

Walang pagaalinlangan na kayo ang bayan,
At ang karunungan ay mamamatay na kasama ninyo.
Nguni't ako'y may pagkaunawang gaya ninyo:
Hindi ako huli sa inyo:
Oo, sinong hindi nakaalam ng mga bagay na gaya nito?
(A)Ako'y gaya ng tinatawanan ng kaniyang kapuwa,
Ako na tumawag sa Dios, at sinagot niya:
Ang ganap, ang taong sakdal ay tinatawanan.
Sa pagiisip niyaong nasa katiwasayan ay may pagkakutya sa ikasasawi;
Nahahanda sa mga iyan yaong nangadudulas ang paa.
Ang mga tolda ng mga tulisan ay (B)gumiginhawa,
At silang nangagmumungkahi sa Dios ay tiwasay;
Na ang kamay ay pinadadalhan ng Dios ng sagana.
Nguni't tanungin mo ngayon ang mga hayop, at tuturuan ka nila:
At ang mga ibon sa himpapawid, at kanilang sasaysayin sa iyo:
O magsalita ka sa lupa, at magtuturo sa iyo;
At ang mga isda sa dagat ay magsasaysay sa iyo.
Sinong hindi nakakaalam sa lahat ng mga ito,
Na (C)ang kamay ng Panginoon ang siyang gumawa nito?
10 (D)Nasa kamay niya ang kaluluwa ng bawa't bagay na may buhay,
At ang hininga ng lahat ng mga tao.
11 (E)Hindi ba lumilitis ng mga salita ang pakinig;
Gaya ng ngalangala na lumalasa ng pagkain niya?
12 Nasa mga matanda ang karunungan,
At sa kagulangan ang unawa.
13 Nasa Dios ang karunungan at kakayahan;
Kaniya ang payo at pagkaunawa.
14 Narito, siya'y nagbabagsak at hindi maitayo uli;
(F)Siya'y kumulong ng tao at hindi mapagbubuksan.
15 Narito, (G)kaniyang pinipigil ang tubig at nangatutuyo;
Muli, kaniyang (H)binibitawan sila at ginugulo nila ang lupa.
16 Nasa kaniya ang kalakasan at ang karunungan,
Ang nadadaya at ang magdaraya ay kaniya.
17 Kaniyang (I)pinalalakad ang mga kasangguni na hubad sa bait,
At ginagawa niyang mga mangmang ang mga hukom.
18 Kaniyang kinakalag ang panali ng mga hari,
At binibigkisan ang kanilang mga baywang ng pamigkis.
19 Kaniyang pinalalakad na (J)hubad sa bait ang mga saserdote.
20 Kaniyang pinapagbabago ang pananalita ng napagtitiwalaan.
At (K)inaalis ang pagkaunawa ng mga matanda.
21 (L)Siya'y nagbubuhos ng kutya sa mga pangulo,
At kinakalag ang pamigkis ng malakas.
22 Siya'y naglilitaw ng mga malalim
na bagay mula sa kadiliman,
At inilalabas sa liwanag ang lihim ng kamatayan.
23 (M)Kaniyang pinararami ang mga bansa at mga nililipol niya:
Kaniyang pinalaki ang mga bansa, at mga dinala sa pagkabihag.
24 Kaniyang inaalis ang pangunawa mula sa mga pinuno ng bayan sa lupa,
At (N)kaniyang pinagagala sila sa ilang na doo'y walang lansangan.
25 Sila'y nagsisikapa sa dilim na walang liwanag,
At kaniyang (O)pinagigiraygiray sila na gaya ng lango.

Roma 16

16 Ipinagtatagubilin ko sa inyo si Febe na ating kapatid na babae, na lingkod sa iglesia na nasa (A)Cencrea:

Upang tanggapin ninyo siya sa Panginoon, (B)ayon sa nararapat sa (C)mga banal, at tulungan ninyo siya sa anomang bagay na magiging kailangan niya sa inyo: sapagka't siya nama'y naging katulong ng marami, at (D)ng aking sarili naman.

Batiin ninyo si (E)Prisca at si Aquila na aking mga kamanggagawa kay Cristo Jesus,

Na ipinain ang kanilang mga leeg dahil sa aking buhay; na sa kanila'y hindi lamang ako ang nagpapasalamat, kundi naman ang lahat ng mga iglesia ng mga Gentil:

At batiin ninyo (F)ang iglesia na nasa kanilang bahay. Batiin ninyo si Epeneto na minamahal ko, (G)na siyang pangunahing bunga ng Asia kay Cristo.

Batiin ninyo si Maria, na lubhang nagpagal sa inyo.

Batiin ninyo si Andronico at si Junias, (H)na aking mga kamaganak, at mga kasama ko sa pagkabilanggo, na siyang mga bantog sa mga apostol, (I)na sila nama'y nangauna sa akin kay Cristo.

Batiin ninyo si Ampliato na aking minamahal sa Panginoon.

Batiin ninyo si Urbano na aming kamanggagawa kay Cristo, at si Estaquis na minamahal ko.

10 Batiin ninyo si Apeles na subok kay Cristo. Batiin ninyo ang mga kasangbahay ni Aristobulo.

11 Batiin ninyo si Herodion na aking kamaganak. Batiin ninyo ang mga kasangbahay ni Narciso, yaong nangasa Panginoon.

12 Batiin ninyo si Trifena at si Trifosa, na nangagpapagal sa Panginoon. Batiin ninyo si Persida na minamahal, na lubhang nagpagal sa Panginoon.

13 Batiin ninyo si (J)Rufo na hinirang sa Panginoon, at ang kaniyang ina at akin.

14 Batiin ninyo si Asincrito, si Flegonte, si Hermes, si Patrobas, si Hermas, at ang mga kapatid na kasama nila.

15 Batiin ninyo si Filologo at si Julia, si Nereo at ang kaniyang kapatid na babae, at si Olimpas, at ang lahat (K)ng mga banal na kasama nila.

16 (L)Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo.

17 Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na tandaan ninyo yaong mga pinanggagalingan ng (M)pagkakabahabahagi at ng mga (N)katitisuran, laban sa mga aral na inyong nangapagaralan: at (O)kayo'y magsilayo sa kanila.

18 Sapagka't ang mga gayon ay hindi nagsisipaglingkod sa Cristong Panginoon, kundi (P)sa kanilang sariling tiyan; at sa pamamagitan ng kanilang mabuting pananalita at maiinam na mga talumpati ay dinadaya ang mga puso ng mga walang malay.

19 Sapagka't ang (Q)inyong pagtalima ay naging bantog sa lahat ng mga tao. Kaya't nagagalak ako tungkol sa inyo: datapuwa't ibig ko (R)na kayo'y maging marunong sa kabutihan, at musmos sa kasamaan.

20 At si Satanas ay dudurugin ng Dios (S)ng kapayapaan sa madaling panahon sa ilalim ng inyong mga paa. (T)Ang biyaya nawa ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo.

21 Binabati kayo ni Timoteo na (U)aking kamanggagawa; at ni (V)Lucio at ni (W)Jason at ni (X)Sosipatro, na aking mga kamaganak.

22 Akong si Tercio, (Y)na sumusulat ng sulat na ito, ay bumabati sa inyo sa Panginoon.

23 Binabati kayo ni (Z)Gayo na pinanunuluyanan ko, at ng buong iglesia. Binabati kayo ni (AA)Erasto na ingat-yaman ng bayan, at ng kapatid na si Cuarto.

24 Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyong lahat. Siya nawa.

25 At ngayon sa kaniya na (AB)makapangyarihan na sa inyo'y makapagpapatibay (AC)ayon sa aking evangelio at sa pangangaral ni Jesucristo, (AD)ayon sa pahayag ng hiwaga na (AE)natago sa katahimikan nang panahong walang hanggan.

26 Datapuwa't nahayag na ngayon, (AF)at sa pamamagitan ng mga kasulatan ng mga propeta, ayon sa ipinagutos ng Dios na walang hanggan, ay ipinakilala sa lahat ng mga bansa upang magsitalima sa pananampalataya:

27 Sa iisang (AG)Dios na marunong, sa pamamagitan ni Jesucristo, na sumasa kaniya ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978