M’Cheyne Bible Reading Plan
Pinahihirapan ang Israel sa Egipto.
1 Ito nga (A)ang mga pangalan ng mga anak ni Israel, na nagsipasok sa Egipto: (bawa't lalake at ang kani-kaniyang sangbahayan ay sumama kay Jacob.)
2 Si Ruben, si Simeon, si Levi, at si Juda;
3 Si Issachar, si Zabulon at si Benjamin;
4 Si Dan at si Nephtali, si Gad at si Aser.
5 At lahat ng tao na lumabas sa balakang ni Jacob ay (B)pitong pung tao: at si Jose ay nasa Egipto na.
6 (C)At namatay si Jose, at ang lahat niyang kapatid at ang buong lahing yaon.
7 (D)At ang mga anak ni Israel ay lumago, at kumapal na maigi at dumami, at naging totoong makapangyarihan; at ang lupain ay napuno nila.
8 (E)May bumangon ngang isang bagong hari sa Egipto, na hindi kilala si Jose.
9 (F)At sinabi niya sa kaniyang bayan, Narito, ang bayan ng mga anak ni Israel ay higit at lalong malakas kay sa atin:
10 Hayo't (G)tayo'y magpakadunong sa kanila; baka sila'y dumami, at mangyari, na, pagka nagkadigma, ay makisanib pati sila sa ating mga kaaway, at lumaban sa atin, at magsilayas sa lupain.
11 (H)Kaya't nangaglagay sila ng mga tagapagpaatag, upang dalamhatiin sila sa (I)atang sa kanila. At kanilang ipinagtayo si Faraon ng mga (J)bayan na kamaligan, na dili iba't ang Phithom at Raamses.
12 Datapuwa't habang dinadalamhati nila sila, ay lalong dumadami at lalong kumakapal. At kinapootan nila ang mga anak ni Israel.
13 At pinapaglingkod na may kabagsikan ng mga Egipcio ang mga anak ni Israel:
14 At kanilang pinapamuhay sila ng masaklap sa pamamagitan ng mahirap na paglilingkod, sa argamasa at sa laryo, at sa lahat ng sarisaring paglilingkod sa bukid, at sa lahat ng paglilingkod nila na ipinapaglingkod sa kanila, na may kabagsikan.
Pinapatay ang mga batang lalaki.
15 At ang hari sa Egipto ay nagsalita sa mga hilot na Hebrea, na ang pangalan ng isa ay Siphra, at ang pangalan ng isa ay Phua:
16 At kaniyang sinabi, Paghilot ninyo sa mga babaing Hebrea, at pagtingin ninyo sa kanila sa dakong panganganakan; kung lalake, ay papatayin nga ninyo: datapuwa't kung babae ay inyong bubuhayin.
17 Datapuwa't ang mga hilot ay (K)nangatakot sa Dios at hindi ginawa ang (L)gaya ng iniutos sa kanila ng hari sa Egipto, kundi iniligtas na buháy ang mga batang lalake.
18 At ipinatawag ng hari sa Egipto ang mga hilot, at sinabi sa kanila, Bakit ninyo ginawa ang bagay na ito, at inyong iniligtas na buháy ang mga batang lalake?
19 At sinabi ng mga hilot kay Faraon, Sapagka't ang mga babaing Hebrea ay hindi gaya ng mga babaing Egipcia; sapagka't sila'y maliliksi, at nakapanganak na, bago dumating ang hilot sa kanila.
20 (M)At ang Dios ay gumawa ng mabuti sa mga hilot: at ang bayan ay kumapal, at naging totoong makapangyarihan.
21 At nangyari, na sapagka't ang mga hilot ay natakot sa Dios, ay iginawa (N)niya sila ng mga sangbahayan.
22 At iniutos ni Faraon sa kaniyang buong bayan, na sinasabi, Itatapon ninyo sa ilog bawa't lalake na ipanganak, at bawa't babae ay ililigtas ninyong buháy.
4 At si Jesus, na (A)puspos ng Espiritu Santo ay (B)bumalik mula sa Jordan at inihatid (C)ng Espiritu sa ilang,
2 (D)Sa loob ng apat na pung araw na tinutukso ng diablo. At hindi siya kumain ng anoman nang mga araw na yaon; at nang maganap ang mga yaon ay nagutom siya.
3 At sinabi sa kaniya ng diablo, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ipag-utos mo na ang batong ito ay maging tinapay.
4 At sinagot siya ni Jesus, Nasusulat, (E)Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao.
5 At iniakyat pa siya niya, at ipinakita sa kaniya sa sandaling panahon ang lahat ng mga kaharian sa sanglibutan.
6 At sinabi sa kaniya ng diablo, Sa iyo'y ibibigay ko ang lahat ng kapamahalaang ito, at ang kaluwalhatian nila: sapagka't ito'y naibigay na (F)sa akin; at ibibigay ko kung kanino ko ibig.
7 Kaya nga kung sasamba ka sa harapan ko, ay magiging iyong lahat.
8 At si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya, Nasusulat, (G)Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran.
9 At dinala niya siya sa Jerusalem, at inilagay siya sa taluktok ng templo, at sinabi sa kaniya, Kung ikaw ay Anak ng Dios, ay magpatihulog ka mula rito hanggang sa ibaba:
10 Sapagka't (H)nasusulat,
Siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo, upang ikaw ay ingatan:
11 At,
Aalalayan ka nila ng kanilang mga kamay,
Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.
12 At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, Nasasabi, (I)Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Dios.
13 At nang matapos ng diablo ang lahat ng pagtukso, ay hiniwalayan siya niya (J)ng ilang panahon.
14 At bumalik si Jesus sa Galilea (K)sa kapangyarihan ng Espiritu: (L)at kumalat ang kabantugan tungkol sa kaniya sa palibot ng buong lupain.
15 (M)At nagtuturo siya sa mga sinagoga nila, na niluluwalhati ng lahat.
16 (N)At siya'y napasa Nazaret (O)na kaniyang nilakhan: at ayon sa kaniyang kaugalian, siya'y pumasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at (P)nagtindig upang bumasa.
17 At ibinigay sa kaniya ang aklat ng propeta Isaias. At binuklat niya ang aklat, na nasumpungan niya ang dakong kinasusulatan,
18 (Q)Sumasa akin ang Espiritu ng Panginoon,
Sapagka't ako'y pinahiran niya upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha:
Ako'y sinugo niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas,
At sa mga bulag ang pagkakita,
Upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi,
19 Upang itanyag ang kaayaayang taon ng Panginoon.
20 At binalumbon niya ang aklat, at isinauli sa naglilingkod, at naupo: at ang mga mata ng lahat ng nangasa sinagoga ay nangakatitig sa kaniya.
21 At siya'y nagpasimulang magsabi sa kanila, Ngayo'y naganap ang kasulatang ito sa inyong mga pakinig.
22 At siya'y pinatotohanan ng lahat, at (R)nangagtataka sa mga salita ng biyaya na lumalabas sa kaniyang bibig: at sinabi nila, (S)Hindi baga ito ang anak ni Jose?
23 At sinabi niya sa kanila, Walang salang sasabihin ninyo sa akin itong talinghaga, (T)Manggagamot, gamutin mo ang iyong sarili: ang anomang aming narinig na ginawa sa (U)Capernaum, ay gawin mo naman dito sa (V)iyong lupain.
24 At sinabi niya, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, (W)Walang propetang kinalulugdan sa kaniyang tinubuang lupa.
25 Datapuwa't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Maraming mga baong babai sa Israel nang mga araw ni Elias, nang sarhan ang langit sa loob ng (X)tatlong taon at anim na buwan, noong datnan ng malaking kagutom ang buong sangkalupaan;
26 At sa kanino man sa kanila ay hindi sinugo si Elias, kundi (Y)sa Sarepta sa lupa ng Sidon, sa isang babaing bao.
27 At maraming ketongin (Z)sa Israel nang panahon ni Eliseo na propeta; at sinoman sa kanila'y hindi nilinis, kundi lamang si Naaman na Siro.
28 At nangapuspos ng galit ang lahat ng nangasa sinagoga, sa pagkarinig nila ng mga bagay na ito;
29 At sila'y nagsitindig, at ipinagtabuyan siya sa labas ng bayan at dinala siya hanggang sa ibabaw ng taluktok ng gulod na kinatatayuan ng kanilang bayan, upang siya'y maibulid nila ng patiwarik.
30 Datapuwa't (AA)pagdaraan niya sa gitna nila, ay yumaon ng kaniyang lakad.
31 At (AB)siya'y bumaba sa Capernaum, na isang bayan ng Galilea. At sila'y tinuruan niya sa araw ng sabbath:
32 At nangagtaka sila (AC)sa kaniyang aral, sapagka't may kapamahalaan ang kaniyang salita.
33 At sa sinagoga ay may isang lalake na may espiritu ng karumaldumal na demonio; at siya'y sumigaw ng malakas na tinig,
34 Ah! anong mayroon kami sa iyo, Jesus, ikaw na Nazareno? naparito ka baga upang kami'y iyong puksain? (AD)nakikilala ko ikaw kung sino ka, ang Banal ng Dios.
35 At sinaway siya ni Jesus, na sinasabi, Tumahimik ka, at lumabas ka sa kaniya. At nang siya'y mailugmok ng demonio sa gitna, ay lumabas siya sa kaniya, na hindi siya sinaktan.
36 At silang lahat ay nangagtaka at nagsalitaan ang isa't isa, na nangagsasabi, Anong salita kaya ito? sapagka't siya na may kapamahalaan at kapangyarihan ay naguutos sa mga karumaldumal na espiritu, at nagsisilabas sila.
37 At kumakalat ang alingawngaw tungkol sa kaniya sa lahat ng dako sa palibotlibot ng lupaing yaon.
38 (AE)At siya'y nagtindig (AF)sa sinagoga, at pumasok sa bahay ni Simon. At nilalagnat na mainam ang biyanang babae ni Simon, at siya'y kanilang ipinamanhik sa kaniya.
39 At tinunghan niya siya, at (AG)sinaway ang lagnat; at inibsan siya: at siya'y nagtindig pagdaka at naglingkod sa kanila.
40 At nang lumulubog na ang araw, ang (AH)lahat na may mga sakit ng sarisaring karamdaman ay dinala sa kaniya; at ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa bawa't isa sa kanila, at sila'y pinagaling.
41 At nagsilabas (AI)din sa marami ang mga demonio (AJ)na nagsisisigaw, na nagsasabi, Ikaw ang anak ng Dios. At (AK)sinasaway sila, na di niya sila tinutulutang mangagsalita, sapagka't naalaman nilang siya ang Cristo.
42 (AL)At nang araw na, ay lumabas siya at naparoon sa isang ilang na dako: at hinahanap siya ng mga karamihan, at nagsiparoon sa kaniya, at pinagpipilitang pigilin siya, upang huwag siyang humiwalay sa kanila.
43 Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Dapat namang ipangaral ko sa mga ibang bayan ang mabubuting balita ng kaharian ng Dios: sapagka't sa ganito ay sinugo ako.
44 At siya'y nangangaral (AM)sa mga sinagoga ng Galilea.
Pinagsalitaan siya ni Bildad. Inilahad ang panganib ng makasalanan.
18 Nang magkagayo'y sumagot si (A)Bildad na Suhita, at nagsabi,
2 Hanggang kailan manghuhuli kayo ng mga salita?
Inyong bulayin, at pagkatapos ay magsasalita kami.
3 Bakit kami nangabibilang (B)na parang mga hayop,
At naging marumi sa iyong paningin?
4 Ikaw na nagpapakabagbag sa iyong galit,
Pababayaan ba ang lupa dahil sa iyo?
O babaguhin ba ang bato mula sa kinaroroonan?
5 Oo, (C)ang ilaw ng masama ay papatayin,
At ang liyab ng kaniyang apoy ay hindi liliwanag.
6 Ang ilaw ay magdidilim sa kaniyang tolda,
At ang kaniyang ilawan sa itaas niya ay papatayin.
7 Ang mga hakbang ng kaniyang kalakasan ay mapipigil,
(D)At ang kaniyang sariling payo ang magbabagsak sa kaniya.
8 Sapagka't siya'y inihagis sa (E)lambat ng kaniyang sariling mga paa,
At siya'y lumalakad sa mga silo.
9 Isang panghuli ang huhuli sa kaniya sa mga sakong.
(F)At isang silo ay huhuli sa kaniya.
10 Ang panali ay nakakubli ukol sa kaniya sa lupa,
At isang patibong na ukol sa kaniya ay nasa daan.
11 Mga kakilabutan ay tatakot sa kaniya (G)sa lahat ng dako,
At hahabol sa kaniya sa kaniyang mga sakong.
12 Ang kaniyang kalakasan ay manglalata sa gutom,
At ang kapahamakan ay mahahanda sa kaniyang tagiliran.
13 Susupukin ang mga sangkap ng kaniyang katawan,
Oo, lalamunin ng panganay ng kamatayan ang kaniyang mga (H)sangkap.
14 Siya'y ilalabas sa kaniyang tolda na kaniyang tinitiwalaan;
At siya'y dadalhin sa (I)hari ng mga kakilabutan.
15 Tatahan sa kaniyang tolda yaong di niya kaanoano:
Azufre ay makakalat sa kaniyang tahanan.
16 Ang kaniyang mga ugat ay mangatutuyo (J)sa ilalim,
At sa ibabaw ay puputulin ang kaniyang sanga.
17 (K)Ang alaala sa kaniya ay mawawala sa lupa,
At siya'y mawawalan ng pangalan sa lansangan.
18 Siya'y ihahatid sa kadiliman mula sa liwanag,
At itatapon sa labas ng sanglibutan.
19 Siya'y hindi magkakaroon kahit anak, ni anak man ng anak sa gitna ng kaniyang bayan,
Ni anomang nalabi sa kaniyang pinakipamayanan.
20 Silang nagsisidating pagkatapos ay mangatitigilan sa (L)kaniyang kaarawan,
Gaya ng nangauna na nangatakot.
21 Tunay na ganyan ang mga tahanan ng mga liko,
At ito ang kalalagyan niya na hindi nakakakilala sa Dios.
5 Sa kasalukuya'y nababalita na sa inyo'y may (A)pakikiapid, at ang ganyang pakikiapid ay wala kahit sa mga Gentil, (B)na isa sa inyo'y nagaari ng (C)asawa ng kaniyang ama.
2 At kayo'y mga mapagpalalo, at hindi kayo bagkus nangalumbay, upang maalis sa gitna ninyo ang gumagawa ng gawang ito.
3 Sapagka't ako (D)sa katotohanan, bagama't wala sa harapan ninyo sa katawan nguni't ako'y nasa harapan ninyo sa espiritu, akin ngang hinatulan na ang gumawa ng bagay na ito, na tulad sa ako'y nahaharap,
4 Sa pangalan ng ating Panginoong Jesus, nang nangagkakatipon kayo, at ang aking espiritu, (E)na taglay ang kapangyarihan ng ating Panginoong Jesus,
5 Upang ang ganyan ay ibigay (F)kay Satanas sa ikawawasak ng kaniyang laman, upang ang espiritu ay maligtas sa (G)araw ng Panginoong Jesus.
6 (H)Hindi mabuti ang inyong pagmamapuri. (I)Hindi baga ninyo nalalaman na ang kaunting lebadura ay nagpapakumbo sa buong limpak?
7 Alisin ninyo ang lumang lebadura, upang kayo'y maging bagong limpak, na tulad sa kayo'y walang lebadura. Sapagka't ang kordero ng ating paskua ay naihain na, sa makatuwid baga'y si (J)Cristo:
8 Kaya nga (K)ipangilin natin ang pista, hindi sa lumang lebadura, ni sa lebadura man ng masamang akala at ng kasamaan, kundi sa tinapay na walang lebadura ng pagtatapat at ng katotohanan.
9 Isinulat ko sa inyo sa aking sulat na huwag kayong makisama sa mga mapakiapid;
10 Tunay nga hindi ang ibig sabihin ay sa mga mapakiapid sa sanglibutang ito, o sa mga masasakim at mga manglulupig, o sa mga mananamba sa diosdiosan; sapagka't kung gayo'y kinakailangang (L)magsialis kayo sa sanglibutan:
11 Datapuwa't sinusulatan ko nga kayo, na huwag kayong makisama (M)sa kanino mang tinatawag na kapatid, kung siya'y mapakiapid, o masakim, o mananamba sa diosdiosan, o mapagtungayaw, o manglalasing, o manglulupig; sa gayo'y huwag man lamang kayong makisalo.
12 Sapagka't ano sa akin ang humatol (N)sa nangasa labas? Hindi baga kayo nagsisihatol (O)sa nangasa loob?
13 Datapuwa't sa nangasa labas ay Dios ang humahatol. (P)Alisin nga ninyo sa inyo ang masamang tao.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978