M’Cheyne Bible Reading Plan
50 At yumakap si Jose sa mukha ng kaniyang ama, (A)at umiyak sa ibabaw niya, at hinalikan niya siya.
2 At iniutos ni Jose sa kaniyang mga (B)lingkod na manggagamot, na embalsamahin ang kaniyang ama: at inembalsama ng mga manggagamot si Israel.
3 At apat na pung araw ang ginanap sa kaniya; sapagka't gayon ginaganap ang mga araw ng pagembalsama; (C)at tinangisan siya ng mga Egipcio ng pitong pung araw.
4 At nang makaraan ang mga araw ng pagiyak sa kaniya ay nagsalita si Jose sa sangbahayan ni Faraon, na sinasabi, Kung ngayo'y nakasumpong ako ng biyaya sa inyong mga mata ay salitain ninyo, isinasamo ko sa inyo, sa mga pakinig ni Faraon, na inyong sabihin,
5 Pinanumpa ako ng ama ko, na sinasabi, Narito, ako'y namamatay: (D)sa libingan na aking hinukay sa akin sa lupain ng Canaan, ay doon mo ako ililibing. Ngayon nga'y pahintulutan ninyo akong umahon, isinasamo ko sa inyo, at aking ilibing ang aking ama, at babalik uli ako.
6 At sinabi ni Faraon, Umahon ka, at ilibing mo ang iyong ama, ayon sa kaniyang ipinasumpa sa iyo.
7 At umahon si Jose upang ilibing ang kaniyang ama: at kasama niyang umahon ang lahat ng lingkod ni Faraon, ang mga matanda sa kaniyang sangbahayan, at ang lahat na matanda sa lupain ng Egipto;
8 At ang buong sangbahayan ni Jose, at ang kaniyang mga kapatid, at ang sangbahayan ng kaniyang ama: ang kanila lamang mga bata, at ang kanilang mga kawan, at ang kanilang bakahan, ang iniwan nila sa lupain ng Gosen.
9 At umahong kasama niya ang mga karro at mga nangangabayo: at yao'y naging totoong malaking pulutong.
10 At sila'y dumating sa giikan ni Atad, na nasa dako pa roon ng Jordan, at doo'y nanaghoy sila ng malakas at kapaitpait na panaghoy: at kaniyang pinanangisan ang kaniyang ama na pitong araw.
11 At nang makita ng mga nananahan sa lupaing yaon, ng mga Cananeo, ang panaghoy sa giikan ni Atad, ay kanilang sinabi, Ito'y isang kahambalhambal na panaghoy ng mga Egipcio kaya't ang pangalang itinawag ay Abel-mizraim, nasa dako pa roon ng Jordan.
Si Jacob ay nalibing sa Machpela.
12 At ginawa sa kaniya ng kaniyang mga anak ang ayon sa iniutos sa kanila.
13 (E)Sapagka't dinala siya ng kaniyang mga anak sa lupain ng Canaan, at inilibing siya sa yungib ng Machpela, (F)na binili ni Abraham sangpu ng parang na pinakaaring libingan, kay Ephron na Hetheo, sa tapat ng Mamre.
14 At bumalik si Jose sa Egipto, siya, at ang kaniyang mga kapatid, at ang lahat na umahong kasama niya sa paglilibing sa kaniyang ama, pagkatapos na mailibing ang kaniyang ama.
Ang kabutihang loob ni Jose sa kaniyang mga kapatid.
15 At nang makita ng mga kapatid ni Jose, na ang kanilang ama'y namatay, ay kanilang sinabi, Marahil si Jose ay mapopoot sa atin, at lubos na gagantihin sa atin ang buong kasamaan na ating ginawa sa kaniya.
16 At ipinasabi nila kay Jose, Iniutos ng iyong ama bago namatay, na sinasabi,
17 Ganito sasabihin ninyo kay Jose. Ipatawad mo, isinasamo ko sa iyo ngayon, ang pagsalangsang ng iyong mga kapatid, at ang kanilang kasalanan; at ngayon, ay aming isinasamo sa iyo, na ipatawad mo ang mga pagsalangsang ng mga lingkod (G)ng Dios ng iyong ama. At si Jose ay umiyak ng kanilang salitain sa kaniya.
18 At naparoon ang kaniyang mga kapatid naman at nagpatirapa sa harap niya; at kanilang sinabi, Narito, kaming iyong mga lingkod.
19 At sinabi ni Jose sa kanila, Huwag kayong matakot, (H)sapagka't nasa kalagayan ba ako ng Dios?
20 At tungkol sa inyo ay inyong ipinalagay na kasamaan laban sa akin; (I)nguni't ipinalagay ng Dios na kabutihan upang mangyari ang gaya sa araw na ito, na iligtas ang buhay ng maraming tao.
21 Kaya nga huwag kayong matakot: (J)aking pakakanin kayo at ang inyong mga bata. At kaniyang inaliw sila at kaniyang pinagsalitaan sila na may kagandahang loob.
Ang kaniyang kamatayan.
22 At si Jose ay tumahan sa Egipto, siya at ang sangbahayan ng kaniyang ama: at si Jose ay nabuhay na isang daan at sangpung taon.
23 At nakita ni Jose ang mga anak ni Ephraim hanggang sa ikatlong salin ng lahi; ang (K)mga anak man ni Machir na anak ni Manases ay ipinanganak sa mga tuhod ni Jose.
24 At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid: Ako'y namamatay: (L)nguni't tunay na dadalawin kayo ng Dios, at dadalhin kayo mula sa lupaing ito hanggang sa lupain (M)na kaniyang isinumpa kay Abraham, kay Isaac at kay Jacob.
25 (N)At ipinasumpa ni Jose sa mga anak ni Israel, na sinasabi, Tunay na dadalawin kayo ng Dios, at inyong iaahon ang aking mga buto mula rito.
26 Sa gayo'y namatay si Jose na may isang daan at sangpung taon: at kanilang inembalsama siya, at siya'y inilagay sa isang kabaong sa Egipto.
3 Nang ikalabinglimang taon nga ng paghahari ni (A)Tiberio Cesar, (B)na noo'y gobernador sa Judea si Poncio Pilato, at tetrarka sa Galilea (C)si Herodes, at ang kaniyang kapatid na (D)si Felipe ay tetrarka sa lalawigan ng Iturea at Traconite, at si Lisanias ay tetrarka sa Abilinia,
2 Nang kasalukuyang mga pangulong saserdote (E)si Anas at (F)si Caifas, ay dumating ang salita ng Dios kay (G)Juan, anak ni Zacarias, sa (H)ilang.
3 At siya'y napasa buong lupain sa palibotlibot ng Jordan, na ipinangangaral ang bautismo ng pagsisisi (I)sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan;
4 Gaya ng nasusulat sa aklat ng salita ng propeta Isaias,
(J)Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang,
Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon,
Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.
5 Lahat ng libis ay tatambakan,
At pababain ang bawa't bundok at burol;
At ang liko ay matutuwid,
At ang mga daang bakobako ay mangapapatag;
6 At makikita ng lahat ng laman ang pagliligtas ng Dios.
7 Sinasabi nga niya sa mga karamihang nagsisilabas upang mangagpabautismo sa kaniya, Kayong lahi ng mga ulupong, sino ang sa inyo'y nagudyok upang tumakas sa galit na darating?
8 Kayo nga'y mangagbunga ng karapatdapat sa pagsisisi, at huwag mangagpasimulang mangagsabi sa inyong sarili, Si Abraham ang siya naming ama; sapagka't sinasabi ko sa inyo, na makapagpapabangon ang Dios ng mga anak ni Abraham maging sa mga batong ito.
9 At ngayon pa'y nakalagay na ang palakol sa ugat ng mga punong kahoy: ang bawa't punong kahoy nga na di nagbubunga ng mabuti ay pinuputol, at inihahagis sa apoy.
10 At tinanong siya ng karamihan, na nangagsasabi, (K)Ano ngang dapat namin gawin?
11 At sinagot niya at sinabi sa kanila, (L)Ang may dalawang tunika ay magbahagi sa wala; at ang may pagkain ay gayon din ang gawin.
12 At dumating naman ang (M)mga maniningil ng buwis upang mangagpabautismo, at sinabi nila sa kaniya, Guro, anong dapat naming gawin?
13 At sinabi niya sa kanila, (N)Huwag na kayong sumingil pa ng higit kay sa utos sa inyo.
14 At tinanong naman siya ng mga kawal, na nangagsasabi, At kami, anong dapat naming gawin? At sa kanila'y sinabi niya, Huwag kayong kumuhang may karahasan sa kanino man, ni mangagparatang; at mangagkasiya kayo sa bayad sa inyo.
15 At samantalang ang mga tao'y nagsisipaghintay at pinagbubulaybulay ng lahat sa kanilang puso ang tungkol kay Juan, (O)kung siya kaya ang Cristo;
16 Ay sumagot si Juan na sinasabi sa kanilang lahat, Katotohanang binabautismuhan ko kayo ng tubig; datapuwa't dumarating ang lalong makapangyarihan kay sa akin; ako'y hindi karapatdapat magkalag ng (P)panali ng kaniyang mga pangyapak: kayo'y babautismuhan niya sa Espiritu Santo at sa apoy:
17 Nasa kaniyang kamay ang kaniyang kalaykay, upang linising lubos ang kaniyang giikan, at tipunin ang trigo sa kaniyang bangan; datapuwa't susunugin niya ang dayami sa apoy na hindi mapapatay.
18 Sa mga iba pang maraming pangaral ay ipinangangaral nga niya sa bayan ang mabuting balita;
19 Datapuwa't si Herodes (Q)na tetrarka, palibhasa'y pinagwikaan niya dahil kay Herodias, na asawa ng kaniyang kapatid, at dahil sa lahat ng masasamang bagay na ginawa ni Herodes,
20 Ay naparagdag naman ito sa lahat, na kinulong niya si Juan sa bilangguan.
21 Nangyari nga, (R)nang mabautismuhan ang buong bayan, na si Jesus ay binautismuhan naman, at (S)nang nananalangin, ay nabuksan ang langit,
22 At bumaba sa kaniya ang Espiritu Santo na may anyong katawan, tulad sa isang kalapati, at nanggaling ang isang tinig sa langit, Ikaw ang sinisinta kong Anak; sa iyo ako lubos na nalulugod.
23 At si Jesus din, nang magpasimula siyang magturo (T)ay may gulang na tatlongpung taon, na (U)anak (ayon sa sinasapantaha) ni Jose, ni Eli,
24 Ni Matat, ni Levi, ni Melqui, ni Jane, ni Jose,
25 Ni Matatias, ni Amos, ni Nahum, ni Esli, ni Nage,
26 Ni Maat, ni Matatias, ni Semei, ni Jose, ni Juda,
27 Ni Joana, ni Resa, ni (V)Zorobabel, ni Seatiel, ni Neri,
28 Ni Melqui, ni Adi, ni Cosam, ni Elmodam, ni Er,
29 Ni Jesus, ni Eliezer, ni Jorim, ni Mata, ni Levi,
30 Ni Simeon, ni Juda, ni Jose, ni Jonan, ni Eliaquim,
31 Ni Melea, ni Mena, ni Matata, ni (W)Natan, ni (X)David,
32 Ni Jesse, ni Obed, ni Booz, ni Salmon, ni Naason,
33 Ni Aminadab, ni Aram, ni Esrom, ni Fares, ni Juda,
34 Ni Jacob, ni Isaac, ni Abraham, ni (Y)Tare, ni Nacor,
35 Ni Serug, ni Regan, ni Paleg, ni Heber, ni Selah,
36 Ni (Z)Cainan, ni Arfaxjad, ni (AA)Sem, ni Noe, ni Lamec,
37 Ni Matusalem, ni Enoc, ni Jared, ni Mahalaleel, ni Cainan,
38 Ni Enos, ni Set, ni (AB)Adam, ng Dios.
Ang ikalimang pagsasalita ni Job. Kaniyang kinamuhian ang kaniyang mga kaibigan. Ang pagtutol sa pagpapalagay ng Dios.
16 Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,
2 Ako'y nakarinig ng maraming (A)ganyang bagay:
Maralitang mga mangaaliw kayong lahat.
3 Magkakawakas ba ang mga walang kabuluhang salita?
O anong naguudyok sa iyo, na ikaw ay sumagot?
4 Ako nama'y makapangungusap na gaya ng inyong ginagawa;
Kung ang inyong kaluluwa ay nasa kalagayan ng aking kaluluwa,
Ako'y makapagdudugtongdugtong ng salita laban sa inyo,
At maigagalaw ang aking ulo sa inyo.
5 Nguni't aking palalakasin kayo ng aking bibig,
At ang pagaliw ng aking mga labi ay magpapalikat ng inyong hirap,
6 Bagaman ako'y nagsasalita, ang aking hirap ay hindi naglilikat:
At bagaman ako'y tumatahimik, anong ikinalalayo sa akin?
7 Nguni't ngayo'y niyamot niya ako:
Nilansag mo ang (B)aking buong pulutong.
8 At ako'y pinagdalamhati mo, na siyang saksi laban sa akin;
At ang (C)aking kapayatan ay bumabangon laban sa akin,
nagpapatotoo sa aking mukha.
9 Niluray niya ako sa kaniyang kapootan, at inusig ako;
(D)Pinagngangalitan niya ako ng kaniyang mga ngipin:
(E)Pinangdidilatan ako ng mga mata ng aking kaaway.
10 (F)Kanilang pinagbubukahan ako ng kanilang bibig:
(G)Kanilang sinampal ako sa mukha na kahiyahiya:
Sila'y nagpipisan laban sa akin.
11 Ibinibigay ako ng Dios sa di banal,
At inihahagis niya ako sa mga kamay ng masama.
12 Ako'y nasa kaginhawahan at kaniyang niligalig akong mainam;
Oo, sinunggaban niya ako sa leeg, at pinagwaraywaray niya ako:
Inilagay naman niya akong (H)pinakatanda niya.
13 Kinubkob ako sa palibot ng kaniyang mga (I)mamamana,
Kaniyang sinaksak ang aking mga bato, at hindi nagpapatawad;
Kaniyang (J)ibinubuhos ang aking apdo sa lupa.
14 Kaniyang binubugbog ako ng (K)bugbog at bugbog;
Siya'y gaya ng isang higanti na dinadaluhong niya ako.
15 Ako'y nanahi ng kayong magaspang sa aking katawan,
At aking inilugmok ang aking kapalaluan sa alabok.
16 Ang aking mukha ay namamaga sa pagiyak,
At nasa aking mga pilik-mata ang anino ng kamatayan;
17 Bagaman walang karahasan sa aking mga kamay,
At ang aking dalangin ay malinis,
18 Oh lupa, (L)huwag mong tabunan ang aking dugo,
At huwag magkaroon ng pahingahang dako (M)ang aking daing.
19 Kahit na ngayon, narito, ang aking saksi ay nasa langit,
At siyang nananagot sa akin ay nasa kaitaasan.
20 Ginagalit ako ng aking mga kaibigan:
Nguni't ang aking mata ay nagbubuhos ng mga luha sa Dios;
21 Upang kaniyang alalayan ang katuwiran ng tao sa Dios;
At ang anak ng tao sa kaniyang kapuwa.
22 Sapagka't pagsapit ng ilang taon,
Ako'y papanaw sa daan na hindi ko pagbabalikan.
Si Job ay tumawag sa Dios, nguni't nanaghoy dahil sa kaniyang kaabaabang kalagayan.
17 Ang aking diwa ay nanglulumo, ang aking mga kaarawan ay natatapos,
(N)Ang libingan ay handa sa akin.
2 Tunay na may mga manunuya na kasama ako,
At ang aking mata ay nananahan sa kanilang pamumungkahi.
3 Magbigay ka ngayon ng sangla, panagutan mo ako ng iyong sarili;
(O)Sinong magbubuhat ng mga kamay sa akin?
4 Sapagka't iyong ikinubli ang kanilang puso sa pagunawa:
Kaya't hindi mo sila itataas.
5 Ang paglililo sa kaniyang mga kaibigan upang mahuli,
Ang mga mata nga ng kaniyang mga anak ay mangangalumata.
6 Nguni't ginawa rin niya akong (P)kakutyaan ng bayan:
At niluraan nila ako sa mukha.
7 Ang aking mata naman ay nanglalabo dahil sa kapanglawan.
At ang madlang sangkap ko ay parang isang anino.
8 Mga matuwid na tao ay (Q)matitigilan nito,
At ang walang sala ay babangon laban sa di banal.
9 Gayon ma'y magpapatuloy ang matuwid ng kaniyang lakad,
(R)At ang may malinis na mga kamay ay lalakas ng lalakas.
10 Nguni't tungkol sa inyong lahat, (S)magsiparito kayo ngayon uli;
At hindi ako makakasumpong ng isang pantas sa gitna ninyo.
11 (T)Ang aking mga kaarawan ay lumipas, ang aking mga panukala ay nangasira,
Sa makatuwid baga'y ang mga akala ng aking puso.
12 Kanilang ipinalit ang araw sa gabi:
Ang liwanag, wika nila, ay malapit sa kadiliman.
13 Kung aking hanapin ang Sheol na parang aking bahay;
Kung aking ilatag ang aking higaan sa kadiliman:
14 Kung sinabi ko sa kapahamakan: Ikaw ay aking ama:
Sa uod: Ikaw ay aking ina, at aking kapatid na babae;
15 Nasaan nga ang aking pagasa?
At tungkol sa aking pagasa, sinong makakakita?
16 Lulusong sa mga pangawan (U)ng Sheol,
Pagtataglay ng (V)kapahingahan sa alabok.
4 Ipalagay nga kami ng sinoman na (A)mga ministro ni Cristo, (B)at mga katiwala ng (C)mga hiwaga ng Dios.
2 Bukod dito'y kinakailangan sa mga katiwala, na ang bawa't isa ay maging (D)tapat.
3 Datapuwa't sa ganang akin ay isang bagay na totoong maliit ang ako'y (E)siyasatin ninyo, o ng (F)pagsisiyasat ng tao: oo, ako'y hindi nagsisiyasat sa aking sarili.
4 Sapagka't (G)wala akong nalalamang anomang laban sa aking sarili; bagaman (H)hindi dahil dito'y inaaring-ganap ako: sapagka't ang nagsisiyasat sa akin ay ang Panginoon.
5 Kaya nga (I)huwag muna kayong magsihatol ng anoman, hanggang sa dumating ang Panginoon, na siya ang maghahayag ng mga bagay na nalilihim sa kadiliman, at ipahahayag naman ang mga haka ng mga puso; at kung magkagayon ang bawa't isa ay magkakaroon ng kapurihan sa Dios.
6 Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay (J)inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat; (K)upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba.
7 Sapagka't sino ang gumawa na ikaw ay matangi? (L)at anong nasa iyo na hindi mo tinanggap? nguni't kung tinanggap mo, ay bakit mo ipinagmamapuri na tulad sa hindi mo tinanggap?
8 Kayo'y mga busog na, kayo'y mayayaman na, kayo'y nangaghari nang wala kami: at ibig ko sanang mangaghari kayo, upang kami nama'y mangagharing kasama ninyo.
9 Sapagka't iniisip ko, na pinalitaw ng Dios kaming mga apostol na mga kahulihulihan sa lahat, na tulad sa mga itinalaga sa kamatayan: sapagka't kami'y ginawang panoorin ng sanglibutan, at ng mga anghel, at ng mga tao.
10 Kami'y mga mangmang dahil (M)kay Cristo, nguni't kayo'y marurunong kay Cristo; (N)kami'y mahihina, nguni't kayo'y malalakas; kayo'y may karangalan, datapuwa't kami ay walang kapurihan.
11 Hanggang sa oras na ito'y (O)nangagugutom kami, at nangauuhaw, at mga hubad, at mga tinampal, at wala kaming tiyak na tahanan;
12 At (P)kami'y nangagpapagal, na nangagsisigawa ng aming sariling mga kamay: (Q)bagama't inuupasala, ay kami'y nangagpapala; (R)bagama't mga pinaguusig, ay nangagtitiis kami;
13 Bagama't mga sinisiraang-puri, ay aming pinamamanhikan: kami'y naging tulad ng yagit sa sanglibutan, sukal ng lahat ng mga bagay hanggang ngayon.
14 Hindi ko isinusulat ang mga bagay na ito upang kayo'y hiyain, kundi upang paalalahanan kayong (S)tulad sa aking mga minamahal na anak.
15 Sapagka't bagaman mangagkaroon kayo ng sampung libong mga guro kay Cristo, ay wala nga kayong maraming mga ama; sapagka't (T)kay Cristo Jesus ipinanganak ko kayo sa pamamagitan ng evangelio.
16 Ipinamamanhik ko nga sa inyo, (U)na kayo'y maging mga tagatulad sa akin.
17 Dahil dito'y aking sinugo sa inyo si (V)Timoteo, (W)na aking minamahal at tapat na anak sa Panginoon, na siya ang sa inyo'y magpapaalaala ng aking mga daang nanga kay Cristo, (X)gaya ng itinuturo ko saan mang dako sa bawa't iglesia.
18 Ang mga iba nga'y nangagpapalalo, na waring hindi na ako mapapariyan sa inyo.
19 Nguni't ako'y paririyan (Y)agad sa inyo, kung loloobin ng Panginoon; at aking aalamin, hindi ang salita ng nangagpapalalo, kundi ang kapangyarihan.
20 Sapagka't ang kaharian ng Dios ay hindi sa salita, kundi sa kapangyarihan.
21 Anong ibig ninyo? (Z)paririyan baga ako sa inyo na may panghampas, o sa pagibig, at sa espiritu ng kahinahunan?
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978