M’Cheyne Bible Reading Plan
Ipinaliwanag ni Jose ang panaginip ni Faraon.
41 At nangyari, sa katapusan ng dalawang taong ganap, na si Faraon ay nanaginip: at, narito, na siya'y nakatayo sa tabi ng ilog.
2 At, narito may nagsiahon sa ilog na pitong bakang magagandang anyo at matatabang laman; at nanginain sa talahiban.
3 At, narito, na ibang pitong baka, na nagsiahon sa ilog na nasa likuran nila, mga pangit na anyo, at payat; at nagsihinto roon sa tabi ng mga unang baka, sa tabi ng ilog.
4 At ang pitong bakang magagandang anyo at matataba, ay nilamon ng mga bakang pangit ang anyo at payat. Sa gayo'y nagising si Faraon.
5 At siya'y natulog at nanaginip na bilang ikalawa; at, narito may sumupling na pitong uhay na mabibintog at mabubuti, na may isa lamang tangkay.
6 At, narito, may pitong uhay na payat at tinutuyo ng hanging silanganan, na nagsitubong kasunod ng mga yaon.
7 At nilamon ng mga uhay na payat ang pitong uhay na mabibintog at malulusog. At nagising si Faraon, at, narito, isang panaginip.
8 At nangyari, sa kinaumagahan, na ang kaniyang diwa ay (A)nagulumihanan at siya'y nagsugo at kaniyang ipinatawag ang lahat ng (B)mago sa Egipto, at ang (C)lahat ng pantas doon: at isinaysay ni Faraon sa kanila ang kaniyang panaginip: datapuwa't walang makapagpaliwanag kay Faraon.
9 Nang magkagayo'y nagsalita ang puno ng mga katiwala kay Faraon, na sinasabi, Naaalaala ko sa araw na ito ang aking mga sala:
10 (D)Nguni't si Faraon laban sa kaniyang mga alila, (E)at ibinilanggo ako sa bahay ng kapitan ng bantay, ako at ang puno ng mga magtitinapay.
11 (F)At nanaginip kami ng panaginip sa isang gabi, ako at siya: kami ay kapuwa nanaginip ayon sa kapaliwanagan ng panaginip ng isa't isa sa amin.
12 At nandoong kasama namin ang isang binata, isang Hebreo, na alipin ng kapitan ng bantay; (G)at siya naming pinagsaysayan, at kaniyang ipinaliwanag sa amin ang aming panaginip; ipinaliwanag niya ayon sa panaginip ng bawat isa sa amin.
13 At nangyari, na kung paano ang kaniyang pagkapaliwanag sa amin, ay nagkagayon; ako'y pinabalik sa aking katungkulan, at ipinabitin ang isa.
14 (H)Nang magkagayo'y nagsugo si Faraon at ipinatawag si Jose, (I)at siya'y inilabas na madalian (J)sa bilangguan: siya'y nagahit at nagbihis ng suot, at naparoon kay Faraon.
15 At sinabi ni Faraon kay Jose, Ako'y nanaginip ng isang panaginip, at walang makapagpaliwanag: (K)at nabalitaan kita, na pagkarinig mo ng isang panaginip ay naipaliwanag mo.
16 At sumagot si Jose kay Faraon, na sinasabi, (L)Wala sa akin; (M)Dios ang magbibigay ng sagot sa kapayapaan kay Faraon.
17 At sinalita ni Faraon kay Jose, Sa aking panaginip ay narito, nakatayo ako sa tabi ng ilog:
18 At, narito, may nagsiahon sa ilog na pitong bakang matatabang laman at magagandang anyo, at nanginain sa talahiban:
19 At, narito, may ibang pitong baka na nagsiahon sa likuran nila, mga payat, at napakapangit ang anyo, at payat na kailan ma'y hindi ako nakakita sa buong lupain ng Egipto ng ibang kawangis ng mga yaon sa kapangitan.
20 At kinain ng mga bakang payat at pangit, ang pitong nauunang bakang matataba:
21 At nang kanilang makain, ay hindi man lamang maalaman na sila'y kanilang nakain; kundi ang kanilang anyo ay pangit ding gaya ng una. Sa gayo'y nagising ako.
22 At nakakita ako sa aking panaginip, at, narito, pitong uhay ay tumataas sa isang tangkay, mapipintog at mabubuti.
23 At, narito, may pitong uhay na lanta, mga pipi at tinutuyo ng hanging silanganan na nagsitaas na kasunod ng mga yaon:
24 At nilamon ng mga uhay na lanta ang pitong uhay na mabubuti: (N)at aking isinaysay sa mga mago: datapuwa't walang makapagpahayag niyaon sa akin.
25 At sinabi ni Jose kay Faraon, Ang panaginip ni Faraon ay iisa; ang gagawin ng (O)Dios ay ipinahayag kay Faraon:
26 Ang pitong bakang mabubuti ay pitong taon; at ang pitong uhay na mabubuti ay pitong taon; ang panaginip ay iisa.
27 At ang pitong bakang payat at mga pangit, na nagsiahong kasunod ng mga yaon ay (P)pitong taon, at gayon din ang pitong uhay na tuyo, na pinapaspas ng hanging silanganan; kapuwa magiging pitong taong kagutom.
28 (Q)Iyan ang bagay na sinalita ko kay Faraon: ang gagawin ng Dios, ipinaalam kay Faraon.
29 (R)Narito, dumarating ang pitong taong may malaking kasaganaan sa buong lupain ng Egipto;
30 (S)At may dadating, pagkatapos ng mga iyan, na pitong taong kagutom; at malilimutan iyang buong kasaganaan sa lupain ng Egipto; (T)at pupuksain ng kagutom ang lupain;
31 At ang kasaganaan ay hindi malalaman sa lupain, dahil sa kagutom na sumusunod; sapagka't magiging napakahigpit.
32 At kaya't pinagibayo ang panaginip kay Faraon na makalawa, ay sapagka't (U)bagay na itinatag ng Dios, at papangyayarihing madali ng Dios.
33 Ngayon nga'y humanap si Faraon ng isang taong matalino at pantas, at ilagay sa lupain ng Egipto.
34 Gawing ganito ni Faraon, at maglagay ng mga tagapamahala sa lupain, na paglimahing bahagi ang lupain ng Egipto sa loob ng pitong taon ng kasaganaan.
35 (V)At kanilang tipunin ang lahat ng pagkain nitong mabubuting taon na dumarating, at magkamalig ng trigo sa kapangyarihan ng kamay ni Faraon, na pinakapagkain sa mga bayan at ingatan.
36 At ang pagkain ay kamaligin na itaan sa lupain sa pitong taong kagutom na mangyayari sa lupain ng Egipto; upang huwag mapuksa ang lupain sa kagutom.
Ginawa siyang tagapamahala sa Egipto.
37 At ang bagay ay minabuti ng mga mata ni Faraon, at ng mga mata ng kaniyang mga lingkod.
38 At sinabi ni Faraon sa kaniyang mga lingkod, Makakasumpong kaya tayo ng isang gaya nito, (W)na taong kinakasihan ng espiritu ng Dios?
39 At sinabi ni Faraon kay Jose, Yamang ipinabatid sa iyo ng Dios: ang lahat ng ito, ay walang matalino o pantas na gaya mo:
40 (X)Ikaw ay magpupuno sa aking bahay, at ayon sa iyong salita ay pamamahalaan mo ang aking buong bayan: sa luklukang hari lamang magiging mataas ako sa iyo.
41 At sinabi ni Faraon kay Jose, Tingnan mo, ikaw ay inilagay ko sa buong lupain ng Egipto.
42 At (Y)inalis ni Faraon sa kamay niya ang kaniyang tandang singsing at inilagay sa kamay ni Jose, (Z)at siya'y sinuutan ng magandang (AA)lino at nilagyan siya ng isang kuwintas na ginto sa palibot ng kaniyang leeg;
43 At siya'y pinasakay niya sa ikalawang karro na tinatangkilik ni Faraon (AB)at isinisigaw sa unahan niya. Lumuhod kayo: (AC)at inihalal siya na puno sa buong lupain ng Egipto.
44 At sinabi ni Faraon kay Jose, Ako'y si Faraon, at kung wala ka ay hindi magtataas ang sinomang tao ng kaniyang kamay o ng kaniyang paa sa buong lupain ng Egipto.
Pagaasawa ni Jose.
45 At pinanganlan ni Faraon si Jose na Zaphnath-paanea, at ibinigay na asawa sa kaniya si Asenath, na anak ni Potiphera, na saserdote sa On. At lumabas si Jose, sa lupain ng Egipto.
46 At si Jose ay may tatlong pung taon nang (AD)tumayo sa harap ni Faraon na hari sa Egipto. At si Jose ay umalis sa harap ni Faraon, at nilibot ang buong lupain ng Egipto.
47 At sa pitong taong sagana ay nagdulot ang lupa ng sagana.
48 At tinipon ni Jose ang lahat na pagkain sa pitong taon na tinamo sa lupain ng Egipto: at inimbak ang nangasabing pagkain sa mga bayan; na ang pagkain sa bukid na nasa palibot ng bawa't bayan ay inimbak sa bawa't kinauukulan ding bayan.
49 At si Jose ay nagkamalig ng trigo na (AE)parang buhangin sa dagat, na napakarami hanggang sa hindi nabilang; sapagka't walang bilang.
50 (AF)At bago dumating ang taong kagutom ay ipinanganak kay Jose ang dalawang lalake, na ipinanganak sa kaniya ni Asenath na anak ni Potiphera, na saserdote sa On.
51 At tinawag ni Jose ang pangalan ng panganay na Manases, sapagka't aniya'y, Ipinalimot ng Dios sa akin ang lahat ng aking kapagalan at ang buong bahay ng aking ama.
52 At ang ipinangalan sa ikalawa ay Ephraim: Sapagka't ako'y pinalago ng Dios sa lupain ng aking kadalamhatian.
53 At ang pitong taon ng kasaganaan na nagkaroon sa lupain ng Egipto ay natapos.
Ang pagkakagutom.
54 (AG)At ang pitong taon ng kagutom ay nagpasimulang dumating, (AH)ayon sa sinabi ni Jose: at nagkagutom sa lahat ng lupain; datapuwa't sa buong lupain ng Egipto ay may tinapay.
55 At nang ang buong lupain ng Egipto ay magutom, ay dumaing ng tinapay ang bayan kay Faraon: at sinabi ni Faraon sa lahat ng mga Egipcio, Pumaroon kayo kay Jose; ang kaniyang sabihin sa inyo ay inyong gawin.
56 At ang kagutom ay nasa ibabaw ng buong lupa: at binuksan ni Jose ang lahat ng kamalig at nagbili sa mga Egipcio; (AI)at lumala ang kagutom sa lupain ng Egipto.
57 At lahat ng mga taga ibang lupain ay nagsiparoon kay Jose upang magsibili ng trigo; sapagka't lumala ang kagutom sa buong lupa.
11 At (A)nang malapit na sila sa Jerusalem, sa Betfage at sa (B)Betania, sa bundok ng mga Olivo ay sinugo niya ang dalawa sa kaniyang mga alagad,
2 At sa kanila'y sinabi, Magsiparoon kayo sa nayong nasa tapat ninyo: at pagkapasok ninyo roon, ay masusumpungan ninyo ang isang nakataling batang asno, (C)na hindi pa nasasakyan ng sinomang tao; inyong kalagin siya, at dalhin ninyo siya rito.
3 At kung may magsabi sa inyo, Bakit ninyo ginagawa ito? sabihin ninyo, Kinakailangan siya ng Panginoon; at pagdaka'y ipadadala niya siya rito.
4 At sila'y nagsiyaon, at kanilang nasumpungan ang batang asno na nakatali sa pintuan sa labas ng lansangan; at siya'y kanilang kinalag.
5 At ilan sa nangakatayo roon ay nangagsabi sa kanila, Ano ang ginagawa ninyo na inyong kinakalag ang batang asno?
6 At sinabi nila sa kanila ayon sa sinabi ni Jesus: at pinabayaan nilang sila'y magsialis.
7 At (D)dinala nila ang batang asno kay Jesus, at inilagay nila sa ibabaw ng batang asno ang kanilang mga damit; at ito'y sinakyan ni Jesus.
8 At marami ang nagsisipaglatag ng kanilang mga damit sa daan; at ang mga iba'y ng mga sanga, na kanilang pinutol sa mga parang.
9 At ang nangasa unahan, at ang nagsisisunod, ay nangagsisigawan, (E)Hosanna; Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon:
10 Mapalad ang kahariang pumaparito, ang kaharian ng ating amang si David: Hosanna sa kataastaasan.
11 At (F)pumasok siya sa Jerusalem, sa templo; at nang malingap niya sa palibotlibot ang lahat ng mga bagay, at palibhasa'y hapon na, ay pumaroon siya sa Betania na kasama ang labingdalawa.
12 At (G)sa kinabukasan, pagkaalis nila sa Betania, ay nagutom siya.
13 At pagkatanaw niya sa malayo ng isang puno ng igos na may mga dahon, ay lumapit siya, na baka sakaling makasumpong doon ng anoman: at nang siya'y malapit sa kaniya ay wala siyang nasumpungang anoman kundi mga dahon; sapagka't hindi panahon ng mga igos.
14 At sumagot si Jesus at sinabi rito, Sinomang tao'y hindi kakain ng iyong bunga mula ngayon at magpakailan man. At ito'y narinig ng kaniyang mga alagad.
15 At (H)nagsidating sila sa Jerusalem: at pumasok siya sa templo, at nagpasimulang kaniyang itinaboy ang nangagbibili at nagsisibili sa loob ng templo, at ginulo ang mga dulang ng nangagpapalit ng salapi, at ang mga upuan ng nangagbibili ng mga kalapati;
16 At hindi niya ipinahintulot na sinoman ay magdala ng anomang sisidlan sa templo.
17 At siya'y nagturo, at sinabi sa kanila, Hindi baga nasusulat, (I)Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan ng lahat ng mga bansa? (J)datapuwa't ginawa ninyong yungib ng mga tulisan.
18 At yao'y narinig ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba, at pinagsisikapan kung paanong siya'y kanilang maipapapuksa: sapagka't nangatatakot sila sa kaniya, dahil sa buong karamihan ay nanggigilalas sa kaniyang aral.
19 At gabi-gabi'y lumalabas siya sa bayan.
20 At (K)sa pagdaraan nila pagka umaga, ay nakita nila na (L)ang puno ng igos ay tuyo na mula sa mga ugat.
21 At sa pagkaalaala ni Pedro ay sinabi sa kaniya, Rabi, narito, ang sinumpa mong puno ng igos ay natuyo.
22 At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kanila, Magkaroon kayo ng pananampalataya sa Dios.
23 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sinomang magsabi sa bundok na ito, Mapataas ka at mapasugba ka sa dagat; at hindi magalinlangan sa kaniyang puso, kundi manampalataya na mangyayari ang sinabi niya; ay kakamtin niya yaon.
24 Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ang lahat ng mga bagay na inyong idinadalangin at hinihingi, ay magsisampalataya kayo na inyong tinanggap na, at inyong kakamtin.
25 At kailan man (M)kayo'y nangakatayong nagsisipanalangin, (N)mangagpatawad kayo, kung mayroon kayong anomang laban sa kanino man; upang ang inyong Ama naman na nasa langit ay patawarin kayo ng inyong mga kasalanan.[a](O)
27 At sila'y nagsiparoong muli sa Jerusalem: (P)at samantalang lumalakad siya sa templo, ay nagsilapit sa kaniya ang mga pangulong saserdote, at ang mga eskriba, at ang matatanda;
28 At sinabi nila sa kaniya, Sa anong kapamahalaan ginagawa mo ang mga bagay na ito? o sino ang sa iyo'y nagbigay ng kapamahalaang ito upang gawin mo ang mga bagay na ito?
29 At sa kanila'y sinabi ni Jesus, Tatanungin ko kayo ng isang tanong, at sagutin ninyo ako, at aking sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito.
30 Ang bautismo ni Juan, ay mula baga sa langit, o sa mga tao? sagutin ninyo ako.
31 At kanilang pinagkatuwiranan sa kanilang sarili, na sinasabi. Kung sabihin natin, Mula sa langit; ay sasabihin niya, Bakit nga hindi ninyo siya pinaniwalaan?
32 Datapuwa't kung sabihin natin, Mula sa mga tao—ay nangatatakot sila sa bayan: sapagka't kinikilala ng lahat na si Juan ay tunay na propeta.
33 At sila'y nagsisagot kay Jesus at nagsipagsabi, Hindi namin nalalaman. At sinabi ni Jesus sa kanila, Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito.
Si Job ay nakipagkatuwiranan sa Dios.
7 Wala bang (A)kapanahunan ng kaguluhan ang tao sa ibabaw ng lupa?
At hindi ba ang kaniyang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng nagpapaupa?
2 Na gaya ng alipin na ninanasang mainam (B)ang lilim,
At gaya ng nagpapaupa na tumitingin sa kaniyang mga kaupahan:
3 Gayon ako pinapagdaan ng mga (C)buwan na walang kabuluhan
At mga gabing nakaiinip ang itinakda sa akin.
4 (D)Pag ako'y nahihiga, aking sinasabi,
Kailan ako babangon at nakadaan na ang gabi?
At ako'y puspos ng pagkabalisa hanggang sa pagbubukang liwayway ng araw.
5 Ang aking laman ay nabibihisan ng mga (E)uod at ng libag na alabok;
Ang aking balat ay namamaga at putok putok.
6 Ang aking mga kaarawan ay matulin kay sa (F)panghabi ng manghahabi,
At nagugugol na walang pagasa.
7 Oh (G)alalahanin mo na ang aking buhay ay hinga:
Ang aking mata ay hindi na makakakita pa ng mabuti.
8 Ang matang tumingin sa akin ay hindi na ako mamamasdan:
Ang iyong mga mata ay sasa akin, nguni't wala na ako.
9 Kung paanong ang ulap ay napapawi at nawawala,
Gayon siyang bumababa sa Sheol ay hindi na aahon pa.
10 Siya'y hindi na babalik pa sa kaniyang bahay,
Ni malalaman pa man niya ang (H)kaniyang dako.
11 Kaya't hindi ko pipigilin ang aking bibig;
Ako'y magsasalita sa kadalamhatian ng aking diwa;
Ako'y dadaing (I)sa kahirapan ng aking kaluluwa.
12 Ako ba'y isang dagat, o isang malaking hayop dagat,
Na pinababantayan mo ako sa isang bantay?
13 (J)Pag aking sinasabi, Aaliwin ako ng aking higaan,
Papayapain ng aking unan ang aking karamdaman;
14 Kung magkagayo'y pinupukaw mo ako ng mga panaginip,
At pinangingilabot mo ako sa mga pangitain:
15 Na anopa't pinipili ng aking kaluluwa ang pagkainis,
At ang kamatayan kay sa aking mga butong ito.
16 (K)Aking kinayayamutan ang aking buhay; di ko na ibig mabuhay magpakailan man:
(L)Bayaan akong magisa; sapagka't ang aking mga kaarawan ay (M)walang kabuluhan.
17 (N)Ano ang tao, na iyong palalakhin siya,
At iyong ilalagak ang iyong puso sa kaniya,
18 At iyong dadalawin siya (O)tuwing umaga,
At susubukin siya sa tuwi-tuwina?
19 Hanggang kailan di mo ako iiwan,
Ni babayaan man hanggang sa aking lunukin ang aking laway?
20 Kung ako'y nagkasala, ano ang aking magagawa sa iyo, Oh ikaw na bantay sa mga tao?
Bakit mo nga (P)inilalagay akong pinakatanda sa iyo.
Na anopa't ako'y isang pasan sa aking sarili?
21 At bakit hindi mo ipinatatawad ang aking pagsalangsang, at inaalis ang aking kasamaan?
Sapagka't ngayo'y mahihiga ako sa alabok;
At (Q)ako'y hahanapin mong mainam, nguni't wala na ako.
11 Sinasabi ko nga, Itinakuwil baga ng Dios ang kaniyang bayan? Huwag nawang mangyari. Sapagka't (A)ako man ay Israelita, sa binhi ni Abraham, sa angkan ni Benjamin.
2 (B)Hindi itinakuwil ng Dios ang kaniyang bayan na (C)nang una pa'y kinilala niya. O hindi baga ninyo nalalaman ang sinasabi ng kasulatan tungkol kay Elias? kung paanong namamagitan siya sa Dios laban sa Israel na sinabi:
3 Panginoon, pinatay nila (D)ang iyong mga propeta, giniba nila ang iyong mga dambana; at ako'y naiwang nagiisa, at hinahanap nila ang aking buhay.
4 Datapuwa't ano ang sinasabi ng kasagutan ng Dios sa kaniya? (E)Nagtira ako sa akin ng pitong libong lalake na hindi nangagsiluhod kay Baal.
5 Gayon din nga (F)sa panahong itong kasalukuyan ay may isang nalalabi ayon sa pagkahirang ng biyaya.
6 Nguni't (G)kung ito'y sa pamamagitan ng biyaya, ay hindi na sa mga gawa: sa ibang paraan ang biyaya ay hindi biyaya.
7 Ano nga? Ang hinahanap ng (H)Israel ay hindi niya kinamtan; datapuwa't ito'y kinamtan ng pagkahirang, at ang mga iba'y pinapagmatigas:
8 Ayon sa nasusulat, (I)Binigyan sila ng Dios ng Espiritu ng pagkakatulog, (J)ng mga matang hindi nangakakakita, at ng mga pakinig na hindi nangakakarinig, hanggang sa araw na ito.
9 At sinasabi ni David,
Ang kanilang dulang nawa'y (K)maging isang silo, at isang panghuli,
At isang katitisuran, at isang kabayaran sa kanila:
10 Manganglabo nawa ang kanilang mga mata, upang sila'y huwag mangakakita,
At laging baluktutin mo nawa ang kanilang gulugod.
11 Sinasabi ko nga, Nangatisod kaya sila upang mangahulog? Huwag nawang mangyari: datapuwa't sa pagkahulog nila'y (L)dumating ang pagkaligtas sa mga Gentil, (M)upang ipamungkahi sila sa paninibugho.
12 Ngayon kung ang pagkahulog nga nila ay siyang kayamanan ng sanglibutan, at ang pagkalugi nila ay siyang kayamanan ng mga Gentil; gaano pa ang kapunuan nila?
13 Datapuwa't nagsasalita ako sa inyong mga Gentil. Palibasa'y (N)ako nga'y apostol ng mga Gentil, ay niluluwalhati ko ang aking ministerio;
14 Baka sa anomang paraan ay maipamungkahi ko sa paninibugho yaong aking mga kalaman, at (O)maligtas ang ilan sa kanila.
15 Sapagka't kung ang pagkatakuwil sa kanila ay siyang pakikipagkasundo ng sanglibutan, ano kaya ang pagtanggap sa kanila, kundi buhay mula sa mga patay?
16 At kung ang (P)pangunahing bunga ay banal, ay gayon din ang lahat: at kung ang ugat ay banal, ay gayon din ang mga sanga.
17 Datapuwa't kung (Q)ang ilang mga sanga'y nangabali, (R)at ikaw, na isang olibong ligaw ay isinanib ka sa kanila, at ikaw ay naging kabahagi nila sa ugat ng katabaan ng punong olibo;
18 Huwag kang magpalalo sa mga sanga: datapuwa't kung magpalalo ka, ay hindi ikaw ang nagkakandili sa ugat, kundi ang ugat ang nagkakandili sa iyo.
19 Sasabihin mo nga, Ang mga sanga ay nangabali upang ako ay makasanib.
20 Mabuti; sa kawalan nila ng pananampalataya ay nangabali sila, at (S)sa iyong pananampalataya'y nakatayo ka. Huwag kang magpalalo kundi matakot ka:
21 Sapagka't kung hindi nga pinatawad ng Dios ang mga talagang sanga, ikaw man ay hindi patatawarin.
22 Masdan mo nga ang kabutihan at ang kabagsikan ng Dios: ang kabagsikan ay sa nangahulog, datapuwa't ang kabutihan ng Dios ay sa iyo, kung mamamalagi ka sa kaniyang kabutihan: sa ibang paraan ay (T)ikaw man ay puputulin.
23 At sila naman, kung hindi mangagsisilagi sa di pananampalataya ay mangakakasanib: sapagka't makapangyarihan ang Dios upang sila'y isanib na muli.
24 Sapagka't kung ikaw ay pinutol doon sa talagang olibong ligaw, at laban sa kaugalian ay isinanib ka sa mabuting punong olibo; gaano pa nga ang mga ito, na mga talagang sanga, na mangakakasanib sa kanilang sariling punong olibo?
25 Sapagka't hindi ko ibig, mga kapatid, na di ninyo maalaman ang hiwagang ito, baka kayo'y mangagmarunong sa (U)inyong sariling mga haka, na ang (V)katigasan ng isang bahagi ay nangyari sa Israel, (W)hanggang sa pumasok ang kapunuan ng mga Gentil;
26 At sa ganito'y ang buong Israel ay maliligtas: gaya ng nasusulat,
(X)Magbubuhat sa Sion ang Tagapagligtas;
Siya ang maghihiwalay sa Jacob ng kalikuan:
27 At ito ang aking tipan sa kanila,
Pagka (Y)aalisin ko ang kanilang mga kasalanan.
28 Tungkol sa evangelio, ay mga kaaway sila dahil sa inyo: datapuwa't tungkol sa pagkahirang, ay mga (Z)pinakaiibig sila dahil sa mga magulang.
29 Sapagka't (AA)ang mga kaloob at ang pagtawag ng Dios ay hindi nagbabago.
30 Sapagka't kung paanong kayo (AB)nang nakaraang panahon ay mga masuwayin sa Dios, datapuwa't ngayon kayo'y nangagkamit ng habag sa pamamagitan ng kanilang pagsuway,
31 Gayon din naman ang mga ito ay naging mga masuwayin ngayon, upang sa pamamagitan ng habag na ipinagkaloob sa inyo, sila nama'y magkamit ngayon ng habag.
32 Sapagka't ang lahat ay kinulong ng (AC)Dios sa kasuwayan, upang siya'y mahabag sa lahat.
33 Oh kalaliman ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman ng Dios! oh di matingkalang mga hatol (AD)niya, at (AE)hindi malirip na kaniyang mga daan!
34 Sapagka't (AF)sino ang nakaalam ng pagiisip ng Panginoon? o sino ang kaniyang naging kasangguni?
35 O (AG)sino ang nagbigay na una sa kaniya, at siya'y babayarang muli?
36 Sapagka't (AH)kaniya, at sa pamamagitan niya, at sa kaniya, ang lahat ng mga bagay. (AI)Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978