M’Cheyne Bible Reading Plan
Mga huling araw ni Jacob.
48 At nangyari, pagkatapos ng mga bagay na ito, na sinabi ng isa kay Jose, Narito, ang iyong ama ay may sakit: at kaniyang ipinagsama ang kaniyang dalawang anak, si Manases at si Ephraim.
2 At may nagsaysay kay Jacob, at nagsabi, Narito, pinaparituhan ka ng anak mong si Jose: at si Israel ay nagpakalakas at umupo sa higaan.
3 At sinabi ni Jacob kay Jose, (A)Ang Dios na Makapangyarihan sa lahat ay napakita sa akin sa Luz sa lupain ng Canaan, at binasbasan ako.
4 At sinabi sa akin, Narito, palalaguin kita, at pararamihin kita, at gagawin kitang isang kapisanan ng mga bayan; at aking ibibigay ang lupaing ito sa iyong lahi pagkamatay mo, na (B)pinakaari magpakailan man.
5 (C)At ang iyo ngang dalawang anak na ipinanganak sa iyo sa lupain ng Egipto bago ako naparito sa iyo sa Egipto, ay (D)akin; si Ephraim at si Manases, gaya ni Ruben at ni Simeon ay magiging akin.
6 At ang iyong mga anak, na iyong mga naging anak na sumunod sa kanila ay magiging iyo; sila'y tatawagin ayon sa pangalan ng kanilang mga kapatid sa kanilang mana.
7 At tungkol sa akin, nang ako'y dumating mula sa Padan, si Raquel ay (E)namatay sa akin sa lupain ng Canaan sa daan, nang kulang pa ng kaunti upang dumating sa Ephrata: at aking inilibing siya roon sa daan ng Ephrata (na siya ring Bethlehem).
Si Jose at ang kaniyang mga anak ay dumalaw kay Jacob.
8 At nakita ni Israel ang mga anak ni Jose, at sinabi, Sino sino ito?
9 At sinabi ni Jose sa kaniyang ama, (F)Sila'y aking mga anak, na silang mga ibinigay ng Dios sa akin dito. At kaniyang sinabi, Isinasamo ko sa iyo, na iyong dalhin sila rito sa akin, at (G)sila'y aking babasbasan.
10 (H)Ang mga mata nga ni Israel ay malabo na dahil sa katandaan, na ano pa't hindi na siya makakita. At kaniyang inilapit sila sa kaniya; at sila'y kaniyang hinagkan, at (I)niyakap.
11 At sinabi ni Israel kay Jose, (J)Hindi ko akalaing makita ang iyong mukha: at, narito, ipinakita sa akin ng Dios pati ng iyong binhi.
12 At sila'y pinagkuha ni Jose sa pagitan ng kaniyang mga tuhod; at siya'y nagpatirapa sa lupa.
13 At kapuwa dinala ni Jose, si Ephraim sa kaniyang kanang kamay, sa dakong kaliwang kamay ni Israel, at si Manases sa kaniyang kaliwang kamay, sa dakong kanang kamay ni Israel, at inilapit niya sa kaniya.
14 At iniunat ni Israel ang kaniyang kanang kamay, at ipinatong sa ulo ni Ephraim, na siyang bunso, at ang kaniyang kaliwang kamay ay sa ulo ni Manases, na (K)pinapatnubayang sadya ang kaniyang mga kamay; sapagka't si Manases ang panganay.
15 At kaniyang binasbasan si Jose, at sinabi, (L)Ang Dios na sa harap niya ay lumakad ang aking mga magulang na si Abraham at si Isaac, ang Dios na nagpakain sa akin sa buong buhay ko hanggang sa araw na ito,
16 (M)Ang anghel na tumubos sa akin sa buong kasamaan, ay siya nawang magpala sa mga batang ito; (N)at tawagin nawa sila sa aking pangalan, at sa pangalan ng aking mga magulang na si Abraham at si Isaac; (O)at magsidami nawa silang totoo sa ibabaw ng lupa.
17 At nang makita ni Jose na ipinatong ng kaniyang ama ang kaniyang kanang (P)kamay sa ulo ni Ephraim, ay minasama niya; at itinaas niya ang kamay ng kaniyang ama, upang ilipat sa ulo ni Manases mula sa ulo ni Ephraim.
18 At sinabi ni Jose sa kaniyang ama, Hindi ganyan, ama ko: sapagka't ito ang panganay; ipatong mo ang iyong kanang kamay sa kaniyang ulo.
19 At tumanggi ang kaniyang ama, at sinabi, Talastas ko, anak ko, talastas ko; siya man ay magiging isang bayan, at siya man ay magiging dakila: (Q)gayon ma'y ang kaniyang kapatid na bata ay magiging lalong dakila kay sa kaniya, at ang kaniyang binhi ay magiging isang makapal na bansa.
20 At kaniyang binasbasan sila ng araw na yaon, na sinasabi (R)Sa iyo magbabasbas ang Israel, na magsasabi, Gawin ka nawa ng Dios na gaya ni Ephraim at gaya ni Manases, at kaniyang ipinagpauna si Ephraim bago si Manases.
21 At sinabi ni Israel kay Jose, Narito, ako'y namamatay: (S)nguni't ang Dios ay sasainyo, at dadalhin kayo uli sa lupain ng inyong mga magulang.
22 (T)Bukod dito'y binigyan kita ng isang bahaging higit kay sa iyong mga kapatid, na aking kinuha ng aking tabak at ng aking busog sa kamay ng Amorrheo.
39 At nang mga araw na ito'y nagtindig si Maria, at nagmadaling napasa (A)lupaing maburol, sa isang bayan ng Juda;
40 At pumasok sa bahay ni Zacarias at bumati kay Elisabet.
41 At nangyari, pagkarinig ni Elisabet ng bati ni Maria, ay lumukso ang sanggol sa kaniyang tiyan; at (B)napuspos si Elisabet ng Espiritu Santo;
42 At sumigaw siya ng malakas na tinig, at sinabi, (C)Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala ang bunga ng iyong tiyan.
43 At ano't nangyari sa akin, na ang ina ng (D)aking Panginoon ay pumarito sa akin?
44 Sapagka't ganito, pagdating sa aking mga pakinig ng tinig ng iyong bati, lumukso sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan.
45 At (E)mapalad ang babaing sumampalataya; sapagka't matutupad ang mga bagay na sa kaniya'y sinabi ng Panginoon.
46 At sinabi ni Maria,
(F)Dinadakila ng aking kaluluwa (G)ang Panginoon,
47 At nagalak ang aking espiritu sa (H)Dios na aking Tagapagligtas.
48 Sapagka't (I)nilingap niya ang kababaan ng kaniyang alipin.
Sapagka't, narito, mula ngayon ay tatawagin akong (J)mapalad ng lahat ng maghahalihaliling lahi.
49 Sapagka't (K)ginawan ako ng Makapangyarihan ng mga dakilang bagay;
At (L)banal ang kaniyang pangalan.
50 At ang (M)kaniyang awa ay sa mga lahi't lahi.
Sa nangatatakot sa kaniya.
51 Siya'y nagpakita ng lakas (N)ng kaniyang bisig;
(O)Isinambulat niya ang mga palalo sa paggunamgunam ng kanilang puso.
52 Ibinaba niya ang mga prinsipe (P)sa mga luklukan nila,
At itinaas ang mga may mababang kalagayan.
53 (Q)Binusog niya ang nangagugutom ng mabubuting bagay;
At pinaalis niya ang mayayaman, na walang anoman.
54 Tumulong siya sa Israel na kaniyang alipin,
(R)Upang maalaala niya ang awa
55 (Gaya ng sinabi niya (S)sa ating mga magulang)
Kay Abraham at sa kaniyang binhi magpakailan man.
56 At si Maria ay natirang kasama niya na may tatlong buwan, at umuwi sa kaniyang bahay.
57 Naganap nga kay Elisabet ang panahon ng panganganak; at siya'y nanganak ng isang lalake.
58 At nabalitaan ng kaniyang mga kapitbahay at (T)mga kamaganak, na dinakila ng Panginoon ang kaniyang awa sa kaniya; at (U)sila'y nangakigalak sa kaniya.
59 At nangyari, na (V)nang ikawalong araw ay nagsiparoon sila upang tuliin ang sanggol; at siya'y tatawagin sana nila na Zacarias, ayon sa pangalan ng kaniyang ama.
60 At sumagot ang kaniyang ina at nagsabi, (W)Hindi gayon; kundi ang itatawag sa kaniya'y Juan.
61 At sinabi nila sa kaniya, Wala sa iyong kamaganak na tinatawag sa pangalang ito.
62 At hinudyatan nila ang kaniyang ama, kung ano ang ibig niyang itawag.
63 At humingi siya ng isang sulatan at sumulat, na sinasabi, Ang kaniyang pangalan ay Juan. At nagsipanggilalas silang lahat.
64 At pagdaka'y (X)nabuka ang kaniyang bibig, at ang kaniyang dila'y nakalag, at siya'y nagsalita, na pinupuri ang Dios.
65 At sinidlan ng (Y)takot ang lahat ng nagsisipanahan sa palibot nila; at nabansag ang lahat ng mga bagay na ito sa lahat (Z)ng lupaing maburol ng Judea.
66 At lahat ng mga nangakarinig nito ay pawang iningatan sa kanilang puso, na sinasabi, Magiging ano nga kaya ang batang ito? Sapagka't (AA)ang kamay ng Panginoon ay sumasa kaniya.
67 At si Zacarias na kaniyang ama ay (AB)napuspos ng Espiritu Santo, at nanghula, na nagsasabi,
68 Purihin ang (AC)Panginoon, ang Dios ng Israel;
Sapagka't (AD)kaniyang dinalaw at tinubos ang kaniyang bayan,
69 At nagtaas sa atin (AE)ng isang sungay ng kaligtasan
Sa bahay ni David na kaniyang alipin
70 (Gaya ng sinabi niya (AF)sa pamamagitan ng kaniyang mga banal na propeta na nagsilitaw (AG)buhat nang unang panahon),
71 Kaligtasang mula sa ating mga kaaway, at sa kamay ng lahat ng nangapopoot sa atin;
72 (AH)Upang magkaawang-gawa sa ating mga magulang,
At (AI)alalahanin ang kaniyang banal na tipan;
73 Ang sumpa (AJ)na isinumpa niya kay Abraham na ating ama,
74 Na ipagkaloob sa atin na yamang nangaligtas sa kamay ng ating mga kaaway,
Ay paglingkuran natin siya ng walang takot,
75 Sa kabanalan (AK)at katuwiran sa harapan niya, lahat ng ating mga araw.
76 Oo at ikaw, sanggol, tatawagin kang (AL)propeta ng (AM)kataastaasan;
Sapagka't (AN)magpapauna ka sa unahan ng mukha ng Panginoon, upang ihanda ang kaniyang mga daan;
77 Upang (AO)maipakilala ang kaligtasan sa kaniyang bayan,
Sa pagkapatawad ng kanilang mga kasalanan,
78 Dahil sa magiliw na habag ng aming Dios,
Ang pagbubukang liwayway buhat sa kaitaasan ay dadalaw sa atin,
79 (AP)Upang liwanagan (AQ)ang nangakalugmok sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan;
Upang itumpak ang ating mga paa sa daan ng (AR)kapayapaan.
80 At lumaki (AS)ang sanggol, at lumakas sa espiritu, at (AT)nasa mga ilang hanggang sa araw ng kaniyang pagpapakita sa Israel.
Ipinakilala ni Job ang kahinaan ng tao. Siya'y nanalangin upang makubli siyang sumandali hanggang makaraan ang poot ng Panginoon.
14 Taong (A)ipinanganak ng babae ay sa kaunting araw, at lipos ng kabagabagan.
2 Siya'y umuusli na gaya (B)ng bulaklak, at (C)nalalagas:
Siya rin nama'y tumatakas na (D)gaya ng anino, at hindi namamalagi.
3 At iyo bang idinidilat ang iyong mga mata sa isang gaya nito, At ipinagsasama mo (E)ako upang hatulan mo?
4 (F)Sinong makakakuha ng malinis na bagay sa marumi? wala.
5 Yayamang ang kaniyang mga kaarawan ay nangapasiyahan,
Ang bilang ng kaniyang mga buwan ay talastas mo,
At iyong hinanggahan ang kaniyang mga hangganan upang huwag siyang makaraan;
6 (G)Ilayo mo sa kaniya ang iyong paningin, upang siya'y makapagpahinga,
Hanggang sa maganap niya, na (H)gaya ng isang magpapaupa, ang kaniyang araw.
7 Sapagka't may pagasa sa isang punong kahoy, na kung ito'y putulin, ay sisibol uli,
At ang sariwang sanga niyaon ay hindi maglilikat.
8 Bagaman ang kaniyang ugat ay tumanda sa lupa,
At ang puno niyao'y mamatay sa lupa;
9 Gayon ma'y sa pamamagitan ng amoy ng tubig ay sisibol,
At magsasanga na gaya ng pananim.
10 Nguni't ang tao ay namamatay at natutunaw;
Oo, ang tao ay nalalagutan ng hininga, at saan nandoon siya?
11 Kung paanong ang tubig ay lumalabas sa dagat,
At ang ilog ay humuhupa at natutuyo;
12 Gayon ang tao ay nabubuwal at hindi na bumabangon:
(I)Hanggang sa ang langit ay mawala, sila'y hindi magsisibangon,
Ni mangagigising man sa kanilang pagkakatulog.
13 Oh (J)ikubli mo nawa ako sa Sheol.
Na ingatan mo nawa akong lihim hanggang sa ang iyong poot ay makaraan,
Na takdaan mo nawa ako ng takdang panahon, at iyong alalahanin ako!
14 (K)Kung ang isang tao ay mamatay, mabubuhay pa ba siya?
Lahat ng araw ng aking pakikipagbaka ay maghihintay ako,
Hanggang sa dumating ang pagbabago.
15 (L)Ikaw ay tatawag, at ako'y sasagot sa iyo:
Ikaw ay magtataglay ng nasa sa (M)gawa ng iyong mga kamay.
16 (N)Nguni't ngayo'y binibilang mo ang aking mga hakbang:
Hindi mo ba pinapansin ang aking kasalanan?
17 Ang aking pagsalangsang ay natatatakan sa isang supot,
At iyong inilalapat ang aking kasamaan.
18 At tunay na ang bundok na natitibag, ay nawawala,
At ang bato ay napababago mula sa kinaroroonan niyaon;
19 Inuukit ng tubig ang mga bato;
Tinatangay ng mga baha niyaon ang alabok ng lupa:
Sa gayon iyong sinisira ang pagasa ng tao.
20 Ikaw ay nananaig kailan man laban sa kaniya at siya'y pumapanaw;
Iyong pinapagbabago ang kaniyang mukha, at iyong pinayayaon siya.
21 Ang kaniyang mga anak ay nagtataglay ng karangalan, (O)at hindi niya nalalaman;
At sila'y ibinababa, nguni't hindi niya nahahalata sila.
22 Nguni't ang kaniyang laman sa kaniya ay masakit,
At ang kaniyang kaluluwa sa loob niya ay namamanglaw.
2 At ako, mga kapatid, nang pumariyan sa inyo, ay (A)hindi ako napariyan na may kagalingan sa pananalita o sa karunungan, na nagbabalita sa inyo (B)ng patotoo ng Dios.
2 Sapagka't aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, (C)maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus.
3 At ako'y nakisama sa inyo (D)na may kahinaan, at may katakutan, at may lubhang panginginig.
4 At ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa mga salitang panghikayat ng karunungan, kundi (E)sa patotoo ng Espiritu at ng kapangyarihan:
5 Upang ang inyong pananampalataya ay huwag masalig sa karunungan ng mga tao, kundi (F)sa kapangyarihan ng Dios.
6 Gayon man, ay nangagsasalita kami ng karunungan (G)sa mga may gulang: bagaman hindi ng karunungan (H)ng sanglibutang ito, o ng mga may kapangyarihan sa sanglibutang ito, na ang mga ito'y nangauuwi sa wala:
7 Kundi sinasalita namin ang karunungan ng Dios sa hiwaga, (I)yaong karunungan na itinalaga ng Dios, bago nilalang ang mga sanglibutan sa ikaluluwalhati natin:
8 (J)Na hindi napagkilala ng sinomang pinuno sa sanglibutang ito: sapagka't (K)kung nakilala sana nila, ay dising di ipinako sa krus ang (L)Panginoon ng kaluwalhatian:
9 Datapuwa't gaya ng nasusulat,
(M)Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at ni narinig ng tainga,
Ni hindi pumasok sa puso ng tao,
Anomang mga bagay na (N)inihanda ng Dios sa kanila na nangagsisiibig sa kaniya.
10 Nguni't ang mga ito ay ipinahayag sa atin (O)ng Dios sa pamamagitan ng Espiritu; sapagka't nasisiyasat ng Espiritu ang lahat ng mga bagay, oo, ang malalalim na mga bagay ng Dios.
11 Sapagka't sino sa mga tao ang nakakakilala ng mga bagay ng tao, kundi ang espiritu ng tao, na nasa kaniya? gayon din naman ang mga bagay ng Dios ay hindi nakikilala ng sinoman, maliban na (P)ng Espiritu ng Dios.
12 Nguni't (Q)ating tinanggap, hindi ang espiritu ng sanglibutan, kundi ang espiritung mula sa Dios; upang ating mapagkilala ang mga bagay na sa atin ay ibinigay na walang bayad ng Dios.
13 Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, (R)hindi sa mga salitang itinuturo ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu; na (S)iniwawangis natin ang mga bagay na ayon sa espiritu sa mga pananalitang ayon sa espiritu.
14 Nguni't ang (T)taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: (U)sapagka't ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at (V)hindi niya nauunawa, sapagka't ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu.
15 Nguni't ang sa espiritu ay nagsisiyasat sa lahat ng mga bagay, at siya'y hindi sinisiyasat ng sinoman.
16 Sapagka't (W)sino ang nakakilala ng pagiisip ng Panginoon, upang siya'y turuan niya? Datapuwa't (X)nasa atin ang pagiisip ni Cristo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978