M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang pagkakapeste ng mga Baka.
9 Nang magkagayon ay sinabi ng Panginoon kay Moises, Pasukin mo si Faraon, at saysayin mo sa kaniya. Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga Hebreo: Payaunin mo ang aking bayan, upang ako'y mapaglingkuran nila.
2 Sapagka't kung tatanggihan mong payaunin sila, at sila'y pipigilin mo pa,
3 Ay narito, ang kamay ng Panginoon ay nakapatong sa iyong hayop na nasa parang, nakapatong sa mga kabayo, nakapatong sa mga asno, nakapatong sa mga kamello, nakapatong sa mga bakahan, at nakapatong sa mga kawan; na magkakaroon ng malaking pagkakasalot.
4 (A)At gagawan ng katangian ng Panginoon ang hayop ng Israel at ang hayop ng Egipto: at walang mamamatay sa lahat ng ukol sa mga anak ni Israel.
5 At ang Panginoon ay nagtakda ng panahon, na sinasabi, Bukas ay gagawin ng Panginoon ang bagay na ito sa lupain.
6 At ginawa ng Panginoon ang bagay na yaon ng kinabukasan, (B)at ang lahat ng hayop sa Egipto ay namatay: nguni't sa hayop ng mga anak ni Israel ay walang namatay kahit isa.
7 At si Faraon ay nagsugo, at narito, walang namatay kahit isa sa kawan ng mga Israelita. Nguni't ang puso ni Faraon ay nagmatigas, at hindi niya pinayaon ang bayan.
Ang salot ng bukol.
8 At sinabi ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, Dumakot kayo ng isang dakot na abo sa hurno, at isaboy ni Moises sa himpapawid sa paningin ni Faraon.
9 At magiging durog na alabok sa buong lupain ng Egipto, at (C)magiging (D)bukol na naknakin sa tao, at sa hayop, sa buong lupain ng Egipto.
10 At sila'y kumuha ng abo sa hurno, at tumayo sa harap ni Faraon, at isinaboy ni Moises sa himpapawid; at naging bukol na naknakin sa tao at sa hayop.
11 At (E)ang mga mahiko ay hindi makatayo sa harap ni Moises dahil sa mga bukol; sapagka't nagkabukol ang mga mahiko at ang mga Egipcio.
12 At pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon, at hindi niya dininig sila (F)gaya ng sinalita ng Panginoon kay Moises.
13 At sinabi ng Panginoon kay Moises, (G)Bumangon kang maaga sa kinaumagahan, at tumayo ka sa harap ni Faraon, at sabihin mo sa kaniya: Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga Hebreo: Payaunin mo ang aking bayan, upang ako'y mapaglingkuran nila.
14 Sapagka't ngayo'y ibubugso ko na ang lahat ng aking salot sa iyong puso, at sa iyong mga lingkod, at sa iyong bayan (H)upang iyong maalaman na walang gaya ko sa buong lupa.
15 Sapagka't ngayo'y iniunat ko na ang aking kamay, upang salutin kita, at ang iyong bayan, at nawala ka na sa lupa:
16 (I)Datapuwa't totoong totoo, na dahil dito ay pinatayo kita, upang maipakilala sa iyo ang aking kapangyarihan, at upang ang aking (J)pangalan ay mahayag sa buong lupa.
17 (K)Nagmamalaki ka pa ba laban sa aking bayan, na ayaw mo silang payaunin?
18 Narito, bukas, sa ganitong oras, ay magpapaulan ako ng malakas na granizo, na kailan ma'y hindi nagkaroon sa Egipto mula nang araw na itayo hanggang ngayon.
19 (L)Ngayon nga'y magsugo ka, ipasilong mo ang iyong mga hayop at lahat ng iyong tinatangkilik sa parang; sapagka't bawa't tao at hayop na maabutan sa parang, at hindi masisilong, ay lalakpakan ng granizo at mamamatay.
20 Yaong natakot sa salita ng Panginoon, sa mga lingkod ni Faraon ay nagpauwing madali ng kaniyang mga bataan at ng kaniyang hayop sa mga bahay:
21 At yaong nagwalang bahala sa salita ng Panginoon ay nagpabaya ng kaniyang mga bataan at ng kaniyang kawan sa parang.
Ang malakas na ulan ng granizo.
22 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Iunat mo ang iyong kamay sa dakong langit, (M)upang magkaroon ng granizo sa buong lupain ng Egipto, na lumagpak sa tao, at sa hayop, at sa bawa't halaman sa parang sa buong lupain ng Egipto.
23 At iniunat ni Moises ang kaniyang tungkod sa dakong langit; (N)at ang Panginoo'y nagsugo ng kulog at granizo, at may apoy na lumagpak sa lupa; at ang Panginoo'y nagpaulan ng granizo sa lupain ng Egipto.
24 Sa gayo'y nagkaroon ng granizo at apoy, na nagniningning sa granizo, at napakalakas, na kailan ma'y hindi nagkaroon sa buong lupain ng Egipto mula nang maging bansa.
25 At sinalot ng granizo ang buong lupain ng Egipto, ang lahat na nasa parang, maging tao at maging hayop, (O)at sinalot ng granizo ang lahat ng halaman sa parang, at binali ang lahat ng punong kahoy sa parang.
26 (P)Sa lupain lamang ng Gosen, na kinaroroonan ng mga anak ni Israel, hindi nagkaroon ng granizo.
27 At si Faraon ay nagsugo, at ipinatawag si Moises at si Aaron, at sinabi sa kanila, (Q)Ako'y nagkasala ngayon: (R)ang Panginoo'y matuwid; at ako at ang aking bayan ay masama.
28 (S)Dalanginan ninyo ang Panginoon; sapagka't nagkaroon na ng sukat na malalakas na kulog at granizo; at kayo'y aking payayaunin, at di ko na kayo bibinbinin.
29 At sinabi ni Moises sa kaniya, Pagkalabas ko sa bayan, ay aking (T)ilalahad ang aking mga kamay sa Panginoon; at ang mga kulog ay titigil, at hindi na magkakaroon pa ng anomang granizo; upang iyong maalaman na ang lupa'y (U)sa Panginoon.
30 Nguni't tungkol sa iyo at sa iyong mga lingkod, ay (V)nalalaman ko, na di pa kayo matatakot sa Panginoong Dios.
31 At ang lino at ang cebada ay nasaktan; sapagka't ang cebada ay naguuhay na at ang lino ay namumulaklak na.
32 Datapuwa't ang trigo at ang espelta ay hindi nasaktan: sapagka't hindi pa tumutubo.
33 At si Moises ay lumabas sa bayan na galing kay Faraon, at inilahad ang kaniyang mga kamay sa Panginoon: at ang mga kulog at ang granizo ay tumigil, at ang ulan ay di na lumagpak sa lupa.
34 At nang makita ni Faraon, na ang ulan, at ang granizo, at ang mga kulog ay tumigil, ay lalong nagkasala pa, at nagmatigas ang kaniyang puso, (W)siya at ang kaniyang mga lingkod.
35 (X)At ang puso ni Farao'y nagmatigas, at hindi niya pinayaon ang mga anak ni Israel; gaya ng sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.
12 Samantalang nangagkakatipon ang libolibong tao, na ano pa't nagkakayapakan silasila, ay nagpasimula siyang magsalita muna sa kaniyang mga alagad, (A)Mangagingat kayo sa lebadura ng mga Fariseo, na ito'y (B)pagpapaimbabaw nga.
2 Datapuwa't walang bagay na natatakpan, (C)na hindi mahahayag: at natatago, na hindi malalaman.
3 Kaya nga, ang anomang sinabi ninyo sa kadiliman ay maririnig sa kaliwanagan, at ang sinalita ninyo sa bulong sa mga silid, ay ipagsisigawan sa mga bubungan.
4 At sinasabi ko sa inyo (D)mga kaibigan ko, Huwag kayong mangatakot sa mga pumapatay ng katawan, na pagkatapos niyan ay wala na silang magagawa.
5 Datapuwa't ipinagpapauna ko sa inyo kung sino ang inyong katatakutan: Katakutan ninyo yaong pagkatapos na pumatay, ay may kapangyarihang magbulid sa impierno; tunay, sinasabi ko sa inyo, Siya ninyong katakutan.
6 Hindi baga ipinagbibili ang (E)limang maya sa dalawang beles? at isa man sa kanila ay hindi nalilimutan sa paningin ng Dios.
7 Datapuwa't maging ang mga buhok ng inyong ulo ay pawang bilang na lahat. Huwag kayong mangatakot: kayo'y lalong mahalaga kay sa maraming maya.
8 At sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't kumikilala sa akin sa harap ng mga tao, ay kikilalanin naman siya ng Anak ng tao sa harap ng (F)mga anghel ng Dios:
9 Datapuwa't ang magkaila sa akin sa harap ng mga tao, ay ikakaila sa harap ng mga anghel ng Dios.
10 Ang bawa't (G)magsalita ng salitang laban sa Anak ng tao ay patatawarin: nguni't ang magsalita ng kapusungan laban sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin.
11 At pagka kayo'y dadalhin (H)sa harap ng mga sinagoga, at sa mga pinuno, at sa mga may kapamahalaan, ay huwag kayong mangabalisa kung paano o ano ang inyong isasagot, o kung ano ang inyong sasabihin:
12 Sapagka't ituturo sa inyo ng Espiritu Santo sa oras ding yaon ang inyong dapat sabihin.
13 At sinabi sa kaniya ng isa sa karamihan, Guro, iutos mo sa aking kapatid na bahaginan ako ng mana.
14 Datapuwa't sinabi niya sa kaniya, Lalake, sino ang gumawa sa aking hukom o tagapamahagi sa inyo?
15 At sinabi niya sa kanila, (I)Mangagmasid kayo, at kayo'y mangagingat sa lahat ng kasakiman: sapagka't ang buhay ng tao ay hindi sa kasaganaan ng mga bagay na tinatangkilik niya.
16 At nagsaysay siya sa kanila ng isang talinghaga, na sinasabi, Ang lupa ng isang taong mayaman ay namumunga ng sagana:
17 At iniisip niya sa sarili na sinasabi, Ano ang gagawin ko, sapagka't wala akong mapaglalagyan ng aking mga inaning bunga?
18 At sinabi niya, Ito ang gagawin ko: igigiba ko ang aking mga bangan, at gagawa ako ng lalong malalaki; at doon ko ilalagay ang lahat ng aking butil at aking mga pagaari.
19 At sasabihin ko sa aking kaluluwa, (J)Kaluluwa, marami ka nang pagaaring nakakamalig para sa maraming taon; magpahingalay ka, kumain ka, uminom ka, matuwa ka.
20 Datapuwa't sinabi sa kaniya ng Dios, Ikaw na haling, hihingin sa iyo sa gabing (K)ito ang iyong kaluluwa; at (L)ang mga bagay na inihanda mo, ay mapapa sa kanino kaya?
21 Gayon nga ang (M)nagpapakayaman sa ganang kaniyang sarili, at (N)hindi mayaman sa Dios.
22 At sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Kaya nga sinasabi ko sa inyo, (O)Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay, kung ano ang inyong kakanin; kahit sa inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin.
23 Sapagka't ang buhay ay higit kay sa pagkain, at ang katawan kay sa damit.
24 Wariin ninyo ang mga uwak, na hindi sila nangaghahasik, ni nagsisigapas man; na walang bangan ni kamalig man; at sila'y pinakakain ng Dios: gaano ang kahigtan ng kahalagahan ninyo kay sa mga ibon!
25 At sino sa inyo ang sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa sukat ng kaniyang buhay?
26 Kung hindi nga ninyo magawa kahit ang lalong maliit, bakit nangababalisa kayo tungkol sa mga ibang bagay?
27 Wariin ninyo ang mga lirio, kung paano silang nagsisilaki: hindi nangagpapagal, o nangagsusulid man; gayon ma'y sinasabi ko sa inyo, Kahit si Salomon man, sa buong kaluwalhatian niya, ay hindi nakapaggayak na gaya ng isa sa mga ito.
28 Nguni't kung pinararamtan ng Dios ng ganito ang damo sa parang, na ngayon ay buháy, at sa kinabukasan ay iginagatong sa kalan; gaano pa kaya kayo na di niya pararamtan, Oh kayong mga kakaunti ang pananampalataya?
29 At huwag ninyong pagsikapan kung ano ang inyong kakanin, at kung ano ang inyong iinumin, o huwag man kayo'y mapagalinlangang pagiisip.
30 Sapagka't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga bansa sa sanglibutan: datapuwa't talastas ng inyong Ama na inyong kinakailangan ang mga bagay na ito.
31 Gayon ma'y hanapin ninyo ang kaniyang kaharian, at idaragdag sa inyo ang mga bagay na ito.
32 Huwag kayong mangatakot, (P)munting kawan; sapagka't nakalulugod na mainam sa inyong Ama ang sa inyo'y ibigay (Q)ang kaharian.
33 Ipagbili ninyo ang inyong mga tinatangkilik, (R)at kayo'y mangaglimos; magsigawa kayo sa ganang inyo ng mga supot na hindi nangaluluma, isang (S)kayamanan sa langit na hindi nagkukulang, na doo'y hindi lumalapit ang magnanakaw, o naninira man ang tanga.
34 Sapagka't kung saan naroroon ang inyong kayamanan, ay doroon naman ang inyong puso.
35 Bigkisan ninyo ang inyong mga baywang, (T)at paningasan ang inyong mga ilawan;
36 At magsitulad kayo sa mga taong nangaghihintay sa kanilang panginoon kung siya'y bumalik na galing sa kasalan; upang kung siya'y dumating at tumuktok, pagdaka'y mabuksan nila siya.
37 Mapapalad (U)yaong mga alipin na kung dumating ang panginoon ay maratnang (V)nangagpupuyat: katotohanang sinasabi ko sa inyo na (W)siya'y magbibigkis sa sarili, at sila'y (X)pauupuin sa dulang, at lalapit at sila'y paglilingkuran niya.
38 At kung siya'y dumating sa (Y)ikalawang pagpupuyat, o sa ikatlo, at masumpungan sila sa gayon, ay mapapalad ang mga aliping yaon.
39 Datapuwa't talastasin ninyo ito (Z)na kung nalalaman lamang ng puno ng sangbahayan kung anong oras darating ang magnanakaw, siya'y magpupuyat, at hindi pababayaang sirain ang kaniyang bahay.
40 Kayo rin naman ay mangagsihanda: (AA)sapagka't sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating.
41 At sinabi ni Pedro, Panginoon, sinasabi mo baga ang talinghagang ito sa amin, o sa lahat naman?
42 At sinabi ng Panginoon, Sino nga baga ang (AB)katiwalang tapat at matalino, na pagkakatiwalaan ng kaniyang panginoon ng kaniyang sangbahayan, upang sila'y bigyan ng kanilang bahagi na pagkain sa kapanahunan?
43 Mapalad ang aliping yaon, na kung dumating ang kaniyang panginoon ay maratnang gayon ang ginagawa niya.
44 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na sa kaniya'y ipagkakatiwala ang lahat niyang pagaari.
45 Datapuwa't kung (AC)sabihin ng aliping yaon sa kaniyang puso, Maluluwatan ang pagdating ng aking panginoon; at magpasimulang bugbugin ang mga aliping lalake at ang mga aliping babae, at kumain at uminom, at maglasing;
46 Ang panginoon ng aliping yaon ay darating sa araw na di niya hinihintay, at sa oras na hindi niya nalalaman, at siya'y babaakin, at isasama ang kaniyang (AD)bahagi sa mga di tapat.
47 At yaong aliping nakaaalam ng kalooban ng kaniyang panginoon, at hindi naghanda, at hindi gumawa ng alinsunod sa kaniyang kalooban ay papaluin ng marami;
48 Datapuwa't ang hindi nakaaalam, at gumawa ng mga bagay na karapatdapat sa mga palo, ay papaluin ng kaunti. (AE)At sa sinomang binigyan ng marami ay marami ang hihingin sa kaniya: at sa sinomang pinagkatiwalaan ng marami ay lalo nang marami ang hihingin sa kaniya.
49 Ako'y naparito upang maglagay ng (AF)apoy sa lupa; at ano pa ang iibigin ko, kung magningas na?
50 Datapuwa't ako'y may isang (AG)bautismo upang ibautismo sa akin; at (AH)gaano ang aking (AI)kagipitan hanggang sa ito'y maganap?
51 Inaakala baga ninyo (AJ)na ako'y naparito upang magbigay ng kapayapaan sa lupa? Sinasabi ko sa inyo, Hindi, kundi bagkus pagkakabahabahagi:
52 Sapagka't mula ngayon ay magkakabahabahagi ang lima sa isang bahay, tatlo laban sa dalawa, at dalawa laban sa tatlo.
53 Sila'y mangagkakabahabahagi, ang ama'y laban sa anak na lalake, at (AK)ang anak na lalake ay laban sa ama; ang ina'y laban sa anak na babae, at ang anak na babae ay laban sa kaniyang ina; ang biyanang babae ay laban sa kaniyang manugang na babae, at ang manugang na babae ay laban sa kaniyang biyanang babae.
54 At sinabi rin naman niya sa mga karamihan, (AL)Pagka nakikita ninyong bumangon sa kalunuran ang isang alapaap, ay agad ninyong sinasabi, Uulan; at gayon ang nangyayari.
55 At kung humihihip ang hanging timugan, ay sinasabi ninyo, Iinit na maigi; at ito'y nangyayari.
56 Kayong mga mapagpaimbabaw! marunong kayong mangagpaaninaw ng anyo ng lupa at ng langit; datapuwa't bakit di ninyo nalalamang ipaaninaw ang panahong ito?
57 At bakit naman hindi ninyo hatulan sa inyong sarili kung alin ang matuwid?
58 Sapagka't (AM)samantalang pumaparoon ka sa hukom na kasama mo ang iyong kaalit, ay sikapin mo sa daan na makaligtas ka sa kaniya; baka sakaling kaladkarin ka niya sa hukom, at ibigay ka ng hukom sa punong kawal at ipasok ka ng punong kawal sa bilangguan.
59 Sinasabi ko sa iyo, Hindi ka lalabas doon sa anomang paraan, hanggang sa mabayaran mo ang katapustapusang (AN)lepta.
Ang pagasa ng makasalanan ay walang kabuluhan.
27 At muling sinambit ni Job ang kaniyang talinhaga, at nagsabi,
2 Buhay ang Dios, (A)na siyang nagalis ng aking katuwiran,
At ang Makapangyarihan sa lahat na siyang nagpapanglaw ng aking kaluluwa;
3 (Sapagka't ang aking buhay ay buo pa sa akin,
At ang espiritu (B)ng Dios ay nasa mga butas ng aking ilong);
4 Tunay na ang aking mga labi ay hindi magsasalita ng kalikuan,
Ni ang aking dila man ay magsasaysay ng karayaan.
5 Malayo nawa sa aking kayo'y ariin kong ganap:
(C)Hanggang sa ako'y mamatay ay hindi ko aalisin sa akin ang aking pagtatapat.
6 Ang aking katuwiran ay aking pinanghahawakan at hindi ko bibitiwan:
(D)Hindi ako aalipustain ng aking puso habang ako'y buhay.
7 Ang aking kaaway ay maging gaya nawa ng masama,
At ang bumangon laban sa akin ay maging gaya nawa ng liko.
8 (E)Sapagka't ano ang pagasa ng di banal, bagaman siya'y makikinabang sa kaniya,
Pagka kinuha ng Dios ang kaniyang kaluluwa?
9 (F)Didinggin ba ng Dios ang kaniyang iyak.
Pagka ang kabagabagan ay dumating sa kaniya?
10 Makapagsasaya ba siya sa Makapangyarihan sa lahat,
At tatawag sa Dios sa lahat ng mga panahon?
11 Aking tuturuan kayo ng tungkol sa kamay ng Dios;
Ang nasa Makapangyarihan sa lahat ay hindi ko ililihim.
12 Narito, kayong lahat ay nangakakita;
Bakit nga kayo ay lubos na nawalan ng kabuluhan?
13 (G)Ito ang bahagi ng masamang tao sa Dios,
At ang mana ng mga mamimighati, na kanilang tinatanggap sa Makapangyarihan sa lahat.
14 (H)Kung ang kaniyang mga anak ay dumami, ay para sa (I)tabak,
At ang kaniyang lahi ay hindi mabubusog ng tinapay.
15 Yaong nangaiwan sa kaniya ay mangalilibing sa kamatayan,
(J)At ang kaniyang mga bao ay hindi magsisipanaghoy.
16 Bagaman siya'y (K)magbunton ng pilak na parang alabok,
At maghahanda ng bihisan na parang putik;
17 Maihahanda niya, (L)nguni't ang ganap ang magsusuot niyaon.
At babahagihin ng walang sala ang pilak.
18 Siya'y nagtatayo ng kaniyang bahay na gaya ng tanga,
At (M)gaya ng isang bantayan na ginagawa ng bantay.
19 Siya'y nahihigang mayaman, nguni't hindi siya (N)pupulutin;
Kaniyang ididilat ang kaniyang mga mata, nguni't wala na siya.
20 (O)Mga kakilabutan ang tumatabon sa kaniya na (P)gaya ng tubig;
Bagyo ang umaagaw sa kaniya sa kinagabihan,
21 Tinangay siya ng hanging silanganan, at siya'y nananaw;
At pinapalis siya sa kaniyang kinaroroonang dako.
22 Sapagka't (Q)hahalibasin siya ng Dios, at hindi magpapatawad;
Siya'y magpupumilit na tumakas sa kaniyang kamay.
23 (R)Ipapakpak ng mga tao ang kanilang mga kamay sa kaniya.
At (S)hihiyawan siya mula sa kaniyang kinaroroonang dako.
13 Kung ako'y magsalita ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel, datapuwa't wala akong pagibig, ay ako'y naging tanso na tumutunog, o batingaw na umaalingawngaw.
2 At kung magkaroon ako ng kaloob na panghuhula, at maalaman ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga (A)kaalaman; at kung magkaroon ako ng buong (B)pananampalataya, (C)na ano pa't mapalipat ko ang mga bundok, datapuwa't wala akong pagibig, ay wala akong kabuluhan.
3 At kung ipagkaloob ko ang lahat ng aking mga tinatangkilik upang ipakain sa mga dukha, at kung ibigay ko ang aking katawan upang sunugin, datapuwa't wala akong pagibig, ay walang pakikinabangin sa akin.
4 Ang pagibig ay (D)mapagpahinuhod, at magandang-loob; ang pagibig ay hindi nananaghili; ang pagibig ay hindi nagmamapuri, hindi (E)mapagpalalo.
5 Hindi naguugaling mahalay, (F)hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaalumana ang masama;
6 Hindi nagagalak sa kalikuan, (G)kundi (H)nakikigalak sa katotohanan;
7 (I)Lahat ay binabata, lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis.
8 Ang pagibig ay hindi nagkukulang kailan man: kahit maging (J)mga hula, ay mangatatapos; maging mga wika, ay titigil: maging kaalaman, ay mawawala.
9 Sapagka't nangakakakilala tayo ng bahagya, at nanganghuhula tayo ng bahagya;
10 Datapuwa't kung dumating ang sakdal, ang bahagya ay matatapos.
11 Nang ako'y bata pa, ay nagsasalita akong gaya ng bata, nagdaramdam akong gaya ng bata, nagiisip akong gaya ng bata: ngayong maganap ang aking pagkatao, ay iniwan ko na ang mga bagay ng pagkabata.
12 Sapagka't (K)ngayo'y malabo tayong nakakikita sa isang salamin; nguni't pagkatapos ay makikita natin (L)sa mukhaan: ngayo'y nakikilala ko ng bahagya, nguni't pagkatapos ay makikilala ko ng gaya naman ng pagkakilala sa akin.
13 Datapuwa't ngayo'y nanatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pagasa, at ang pagibig; nguni't ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978