Add parallel Print Page Options

12 Nang panahong yaon ay (A)naglalakad si Jesus nang araw ng sabbath sa mga bukiran ng trigo; at nangagutom ang kaniyang mga alagad at (B)nangagpasimulang magsikitil ng mga uhay at magsikain.

Datapuwa't pagkakita nito ng mga Fariseo, ay sinabi nila sa kaniya, Tingnan mo, ginagawa ng mga alagad mo (C)ang hindi matuwid na gawin sa sabbath.

Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Hindi baga ninyo nabasa (D)ang ginawa ni David nang siya'y nagutom, at ang mga kasamahan niya;

Kung paanong siya'y pumasok sa bahay ng Dios, at kumain siya ng mga (E)tinapay na handog, na hindi matuwid na kanin niya, ni ng mga kasamahan niya, (F)kundi ng mga saserdote lamang?

O hindi baga ninyo nabasa (G)sa kautusan, kung papaanong sa mga araw ng sabbath ay niwawalang galang ng mga saserdote sa templo ang sabbath, at hindi nangagkakasala?

Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na dito ay may isang lalong dakila kay sa templo.

Datapuwa't kung nalalaman ninyo kung ano ang kahulugan nito, (H)Habag ang ibig ko, at hindi hain, ay hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang kasalanan.

Sapagka't ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath.

Read full chapter

23 At nangyari, (A)na nagdaraan siya sa mga bukiran ng trigo nang araw ng sabbath; at ang mga alagad niya, samantalang nagsisilakad, ay nagpasimulang nagsikitil ng mga uhay.

24 At sinabi sa kaniya ng mga Fariseo, Narito, bakit ginagawa nila sa araw ng sabbath ang hindi matuwid?

25 At sinabi niya sa kanila, (B)Kailan man baga'y hindi ninyo nabasa ang ginawa ni David, nang siya'y mangailangan, at magutom, siya, at ang kaniyang mga kasamahan?

26 Kung paanong pumasok siya sa bahay ng Dios nang panahon ng dakilang saserdoteng si (C)Abiatar, at kumain siya ng tinapay na itinalaga, na hindi matuwid kanin maliban na sa mga saserdote lamang, at binigyan pa rin niya ang kaniyang mga kasamahan?

27 At sinabi niya sa kanila, Ginawa (D)ang sabbath ng dahil sa tao, at di ang tao ng dahil sa sabbath:

28 Kaya't ang Anak ng tao ay panginoon din naman ng sabbath.

Read full chapter