Add parallel Print Page Options

30 At ilalagay mo sa dulang (A)ang tinapay na handog sa harap ko na palagi.

Read full chapter

At kukuha ka ng mainam na harina, (A)at magluluto ka niyan ng labing dalawang munting tinapay: tigdadalawang ikasampung bahagi ng isang epa ang bawa't munting tinapay.

At ilalagay mong dalawang hanay, anim sa bawa't hanay, (B)sa ibabaw ng dulang na dalisay sa harap ng Panginoon.

At maglalagay ka sa bawa't hanay ng dalisay na kamangyan, upang ito'y maging paalaala na tinapay, na handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

(C)Sa bawa't sabbath ay aayusing palagi ang tinapay sa harap ng Panginoon; sa ganang mga anak ni Israel, na pinakatipang walang hanggan.

Read full chapter