Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
1 Mga Hari 11

Ang Dios sa kagalitan ay nagtayo ng kaaway. Si Rezon sa Soba.

11 (A)Ang haring Salomon nga ay sumisinta sa (B)maraming babaing taga ibang lupa na pati sa anak ni Faraon, mga babaing Moabita, Ammonita, Idumea, Sidonia, at Hethea;

Sa mga bansa na sinabi ng Panginoon sa mga anak ni Israel: (C)Kayo'y huwag makikihalo sa kanila o sila man ay makikihalo sa inyo: sapagka't walang pagsalang kanilang ililigaw ang inyong puso sa pagsunod sa kanilang mga dios: nasabid si Salomon sa mga ito sa pagsinta.

At siya'y nagkaroon ng pitong daang asawa, na mga prinsesa, at tatlong daang babae: at iniligaw ng kaniyang mga asawa ang kaniyang puso.

Sapagka't nangyari, nang si Salomon ay matanda (D)na, iniligaw ng kaniyang mga asawa ang kaniyang puso sa ibang mga dios: at ang kaniyang puso ay hindi naging sakdal sa Panginoon niyang Dios, na (E)gaya ng puso ni David na kaniyang ama.

Sapagka't si Salomon ay sumunod kay (F)Astaroth, diosa ng mga Sidonio, at kay (G)Milcom, na karumaldumal ng mga Ammonita.

At gumawa si Salomon ng masama sa paningin ng Panginoon, at hindi sumunod na lubos sa Panginoon, na gaya ng ginawa ni David na kaniyang ama.

Nang magkagayo'y ipinagtayo ni Salomon ng (H)mataas na dako si (I)Chemos na karumaldumal ng Moab, (J)sa bundok na nasa tapat ng Jerusalem, at si (K)Moloch na kasuklamsuklam ng mga anak ni Ammon.

At gayon ang ginawa niya sa lahat niyang asawang mga taga ibang lupa, na nagsunog ng mga kamangyan at naghain sa kanikanilang mga dios.

At ang Panginoo'y nagalit kay Salomon, dahil sa ang kaniyang puso ay humiwalay sa Panginoon, sa Dios ng Israel, na (L)napakita sa kaniyang makalawa,

10 At siyang nagutos (M)sa kaniya tungkol sa bagay na ito, na siya'y huwag sumunod sa ibang mga dios; nguni't hindi niya iningatan ang iniutos ng Panginoon.

11 Kaya't sinabi ng Panginoon kay Salomon, Yamang ito'y nagawa mo, at hindi mo iningatan ang aking tipan, at ang aking mga palatuntunan na aking iniutos sa iyo, walang pagsalang aking (N)aagawin ang kaharian sa iyo, at aking ibibigay sa iyong lingkod.

12 Gayon ma'y sa iyong mga kaarawan ay hindi ko gagawin alangalang kay David na iyong ama: kundi sa kamay ng iyong anak aking aagawin.

13 (O)Gayon ma'y hindi ko aagawin ang buong kaharian; kundi ibibigay ko ang (P)isang lipi sa iyong anak alangalang kay David na aking lingkod, at alangalang sa Jerusalem (Q)na aking pinili.

14 At ipinagbangon ng Panginoon, si Salomon, ng isang kaaway na si Adad na Idumeo: siya'y sa lahi ng hari sa Edom.

15 Sapagka't nangyari, (R)nang si David ay nasa Edom, at si Joab na puno ng hukbo ay umahon upang ilibing ang mga patay, at masaktan ang lahat na lalake sa Edom

16 (Sapagka't si Joab at ang buong Israel ay natira roong anim na buwan, hanggang sa kaniyang naihiwalay ang lahat na lalake sa Edom;)

17 Na si Adad ay tumakas, siya at ang ilan sa mga Idumeo na kasama niya na mga bataan ng kaniyang ama, upang pumasok sa Egipto, na si Adad noo'y munting bata pa.

18 At sila'y nagsitindig sa Madian, at naparoon sa Paran; at sila'y nagsipagsama ng mga lalake sa Paran, at sila'y nagsiparoon sa Egipto, kay Faraon na hari sa Egipto; na siyang nagbigay sa kaniya ng bahay, at naghanda sa kaniya ng pagkain, at nagbigay sa kaniya ng lupa.

19 At si Adad ay nakasumpong ng malaking biyaya sa paningin ni Faraon, na anopa't kaniyang ibinigay na asawa sa kaniya ang kapatid ng kaniyang sariling asawa, ang kapatid ni Thaphenes na reina.

20 At ipinanganak ng kapatid ni Thaphenes sa kaniya si Genubath, na anak na lalake niya, na inihiwalay sa suso ni Thaphenes sa bahay ni Faraon: at si Genubath ay nasa bahay ni Faraon sa kasamahan ng mga anak ni Faraon.

21 At nang mabalitaan ni Adad sa Egipto na si David ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at si Joab na puno ng hukbo ay namatay, sinabi ni Adad kay Faraon, Payaunin mo ako, upang ako'y makauwi sa aking sariling lupain.

22 Sinabi nga ni Faraon sa kaniya, Datapuwa't anong ipinagkukulang mo sa akin, na, narito, ikaw ay nagsisikap na umuwi sa iyong sariling lupain? At siya'y sumagot: Wala: gayon ma'y isinasamo ko sa iyo na payaunin mo ako sa anomang paraan.

23 At ipinagbangon ng Dios si Salomon ng ibang kaaway, na si Rezon na anak ni Eliada, na tumakas sa kaniyang panginoong kay (S)Adadezer na hari sa Soba:

24 At siya'y nagpisan ng mga lalake, at naging puno sa isang hukbo, nang patayin ni David ang mga taga Soba; at sila'y nagsiparoon sa Damasco, at tumahan doon, at naghari sa Damasco.

25 At siya'y naging kaaway ng Israel sa lahat ng kaarawan ni Salomon, bukod pa sa ligalig na ginawa ni Adad: at kaniyang kinapootan ang Israel, at naghari sa Siria.

Si Jeroboam ay nagtindig laban sa hari. Ang hula ni Ahias.

26 At si (T)Jeroboam na anak ni Nabat, na (U)Ephrateo sa Sereda, na lingkod ni Salomon, na ang pangalan ng ina ay Serva, na baong babae, ay nagtaas din ng kaniyang kamay laban sa hari.

27 At ito ang kadahilanan ng kaniyang pagtataas ng kaniyang kamay laban sa hari: itinayo ni Salomon ang (V)Millo at hinusay ang sira ng bayan ni David na kaniyang ama.

28 At ang lalaking si Jeroboam ay makapangyarihang lalake na matapang: at nakita ni Salomon ang binata na masipag, at kaniyang ipinagkatiwala sa kaniya ang lahat na gawain ng sangbahayan ni Jose.

29 At nangyari, nang panahong yaon, nang si Jeroboam ay lumabas sa Jerusalem, na nasalubong siya sa daan ng propeta (W)Ahias na Silonita; si Ahias nga ay may suot na bagong kasuutan; at silang dalawa ay nag-iisa sa parang.

30 At tinangnan ni Ahias ang bagong kasuutan na nakasuot sa kaniya, at hinapak ng labing dalawang putol.

31 At kaniyang sinabi kay Jeroboam, Kunin mo sa iyo ang sangpung putol: sapagka't (X)ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Narito, aking aagawin ang kaharian sa kamay ni Salomon, at ibibigay ko ang sangpung lipi sa iyo

32 (Nguni't mapapasa kaniya ang isang lipi dahil sa aking lingkod na si David, at dahil sa Jerusalem, na bayan na aking pinili sa lahat ng mga lipi ng Israel:)

33 Sapagka't kanilang pinabayaan ako, at sinamba si (Y)Astaroth na diosa ng mga Sidonio, si (Z)Chemos na dios ng Moab, at si Milcom na dios ng mga anak ni Ammon; at sila'y hindi nagsilakad sa aking mga daan upang gawin ang matuwid sa aking paningin, at upang ingatan ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kahatulan, na gaya ng ginawa ni David na kaniyang ama.

34 Gayon ma'y hindi ko kukunin ang buong kaharian sa kaniyang kamay: kundi aking gagawin siyang prinsipe sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay, dahil kay David na aking lingkod na aking pinili, sapagka't kaniyang iningatan ang aking mga utos, at ang aking mga palatuntunan:

35 Kundi (AA)aking kukunin ang kaharian sa kamay ng kaniyang anak, at ibibigay ko sa iyo, sa makatuwid baga'y ang sangpung lipi.

36 At sa kaniyang anak, ay ibibigay ko ang isang lipi upang si David na (AB)aking lingkod ay magkaroon ng ilawan magpakailan man sa harap ko sa Jerusalem, na (AC)bayang aking pinili upang ilagay ang aking pangalan doon.

37 At kukunin kita, at ikaw ay maghahari ayon sa buong ninanasa ng iyong kaluluwa, at magiging hari ka sa Israel.

38 At mangyayari, kung iyong didinggin ang lahat na aking iniuutos sa iyo, at lalakad sa aking mga daan, at gagawin ang matuwid sa aking paningin, upang tuparin ang aking mga palatuntunan, at ang aking mga utos, gaya ng ginawa ni David na aking lingkod; na ako'y sasa iyo, at ipagtatayo (AD)kita ng isang tiwasay na sangbahayan, gaya ng aking itinayo kay David, at ibibigay ko sa iyo ang Israel.

39 At dahil dito'y aking pipighatiin ang binhi ni David, nguni't hindi magpakailan man.

40 Pinagsikapan nga ni Salomon na patayin si Jeroboam: nguni't si Jeroboam ay tumindig, at tumakas na napasa Egipto, (AE)kay Sisac, na hari sa Egipto, at dumoon sa Egipto hanggang sa pagkamatay ni Salomon.

41 (AF)Ang iba nga sa mga gawa ni Salomon, at ang lahat na kaniyang ginawa, at ang kaniyang karunungan, hindi ba nasusulat sa (AG)aklat ng mga gawa ni Salomon?

42 At ang panahon na ipinaghari ni Salomon sa Jerusalem sa buong Israel ay apat na pung taon.

43 At natulog si Salomon na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing sa bayan ni David na kaniyang ama: at si (AH)Roboam, na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya,

Filipos 2

Kaya nga kung mayroong anomang kasiglahan kay Cristo, kung mayroong anomang kaaliwan ng pagibig, kung mayroong anomang pakikisama ng Espiritu, (A)kung mayroong anomang (B)mahinahong awa at habag,

Ay lubusin ninyo ang aking katuwaan, (C)upang kayo'y mangagkaisa ng pagiisip, mangagtaglay ng isa ring pagibig, na mangagkaisa ng akala, at isa lamang pagiisip;

Na huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng (D)pagkakampikampi o sa pamamagitan ng pagpapalalo, kundi (E)sa kababaan ng pagiisip, (F)na ipalagay ng bawa't isa ang iba na lalong mabuti kay sa kaniyang sarili;

Huwag tingnan ng bawa't isa sa inyo ang sa kaniyang sarili, kundi ang (G)bawa't isa naman ay sa iba't iba.

Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na (H)ito'y na kay Cristo Jesus din naman:

Na siya, bagama't (I)nasa anyong Dios, (J)ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios,

Kundi bagkus (K)hinubad niya ito, (L)at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao:

At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, (M)na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.

(N)Kaya siya naman ay pinakadakila ng (O)Dios, at (P)siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan;

10 Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang (Q)lahat ng tuhod, ng (R)nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa,

11 At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay (S)Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.

12 Kaya nga, mga minamahal ko, kung paano ang inyong laging pagsunod, na hindi lamang sa harapan ko, kundi bagkus pa ngayong ako'y wala, ay lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling pagkaligtas na may (T)takot at panginginig;

13 Sapagka't (U)Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kaniyang mabuting kalooban.

14 Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay na walang mga bulungbulong at pagtatalo:

15 Upang kayo'y maging walang sala at walang malay, (V)mga anak ng Dios na walang dungis (W)sa gitna ng isang lahing (X)liko at masama, na sa gitna nila'y lumiliwanag kayong (Y)tulad sa mga ilaw sa sanglibutan,

16 Na nagpapahayag (Z)ng salita ng kabuhayan; upang may ipagkapuri (AA)ako sa kaarawan ni Cristo, na (AB)hindi ako tumakbo nang walang kabuluhan (AC)ni nagpagal man nang walang kabuluhan.

17 Oo, kahit (AD)ako'y maging hain sa paghahandog (AE)at paglilingkod ng inyong pananampalataya, (AF)ako'y nakikipagkatuwa, at nakikigalak sa inyong lahat:

18 At sa ganyan ding paraan kayo'y nakikipagkatuwa naman, at nakikigalak sa akin.

19 Datapuwa't inaasahan ko sa Panginoong Jesus na suguing madali sa inyo si (AG)Timoteo, upang ako naman ay mapanatag, pagkaalam ko ng inyong kalagayan.

20 Sapagka't walang taong katulad ko ang pagiisip na magmamalasakit na totoo sa inyong kalagayan.

21 Sapagka't (AH)pinagsisikapan nilang (AI)lahat ang sa kanilang sarili, hindi ang mga bagay ni Jesucristo.

22 Nguni't nalalaman ninyo ang pagkasubok sa kaniya (AJ)na gaya ng paglilingkod ng anak sa ama, ay gayon naglilingkod siyang kasama ko sa ikalalaganap ng evangelio.

23 Siya nga ang aking inaasahang suguin madali, pagkakita ko kung ano ang mangyayari sa akin:

24 Datapuwa't (AK)umaasa ako sa Panginoon, na diya'y makararating din naman akong madali.

25 Nguni't inakala kong kailangang suguin sa inyo si (AL)Epafrodito, na aking kapatid at kamanggagawa, at kapuwa kawal at inyong sugo at katiwala sa aking kailangan.

26 Yamang siya'y nananabik sa inyong lahat, at totoong siya'y namanglaw, sapagka't inyong nabalitaan na siya'y may-sakit:

27 Katotohanan ngang nagkasakit siya na malapit na sa kamatayan: nguni't kinahabagan siya ng Dios; at hindi lamang siya kundi pati ako, upang ako'y huwag magkaroon ng sapinsaping kalumbayan.

28 Siya nga'y sinugo kong may malaking pagpipilit, upang, pagkakitang muli ninyo sa kaniya, kayo'y mangagalak, at ako'y mabawasan ng kalumbayan.

29 Tanggapin nga ninyo siya sa Panginoon ng buong galak; at ang gayon ay papurihan ninyo:

30 Sapagka't dahil sa pagpapagal kay Cristo ay nalapit siya sa kamatayan, na isinasapanganib ang kaniyang buhay (AM)upang punan ang kakulangan sa inyong paglilingkod sa akin.

Ezekiel 41

Ang sukat ng templo.

41 At dinala niya ako sa templo at sinukat ang mga haligi, na anim na siko ang luwang sa isang dako, at anim na siko ang luwang sa kabilang dako, na siyang luwang ng tabernakulo.

At ang luwang ng pasukan ay sangpung siko; at ang mga tagiliran ng pasukan ay limang siko sa isang dako, at limang siko sa kabilang dako: at sinukat niya ang haba (A)niyaon na apat na pung siko, at (B)ang luwang, dalawang pung siko.

Nang magkagayo'y pumasok siya sa loob, at sinukat ang bawa't haligi sa pasukan, na dalawang siko; at ang pasukan ay anim na siko; at ang luwang ng pasukan, pitong siko.

At sinukat niya ang haba niyaon, dalawang pung siko, at ang luwang, dalawang pung siko, sa harap ng templo: at sinabi niya sa akin, Ito (C)ang kabanalbanalang dako.

Nang magkagayo'y sinukat niya ang pader ng bahay, anim na siko; at ang luwang ng (D)bawa't tagilirang silid apat na siko, sa palibot ng bahay sa lahat ng dako.

At ang mga tagilirang silid ay tatlong grado, (E)patongpatong at tatlong pu sa ayos; at nangakakapit sa pader na nauukol sa bahay na nasa tagilirang silid sa palibot upang mangakapit doon, at huwag makapit sa pader ng bahay.

At ang mga tagilirang silid (F)ay lalong maluwang habang lumiligid sa bahay na paitaas ng paitaas; sapagka't ang gilid ng bahay ay paitaas ng paitaas sa palibot ng bahay: kaya't ang luwang ng bahay ay patuloy na paitaas; at sa gayo'y ang isa ay napaiitaas mula sa pinakamababang silid, hanggang sa pinakamataas sa pamamagitan ng gitna na silid.

Aking nakita naman na ang bahay ay may nakatayong tungtungan sa palibot: ang mga patibayan ng mga tagilirang silid ay (G)buong tambo na anim na malaking siko ang haba.

Ang kapal ng pader, na nasa mga tagilirang silid, sa dakong labas, ay limang siko: at ang naiwan ay dako ng mga tagilirang silid na ukol sa bahay.

10 At ang pagitan ng mga silid ay may luwang na (H)dalawang pung siko sa palibot ng bahay sa lahat ng dako.

11 At ang mga pintuan ng mga tagilirang silid ay sa dakong naiwan, isang pintuan sa dakong hilagaan, at isang pintuan sa dakong timugan: at ang luwang ng dakong naiwan ay limang siko sa palibot.

12 At ang bahay na nasa harapan ng bukod na dako sa tagilirang dakong kalunuran ay pitong pung siko ang luwang; at ang pader ng bahay ay limang siko ang kapal sa palibot, at ang haba niyaon ay siyam na pung siko.

13 Sa gayo'y sinukat niya ang bahay, na isang daang siko ang haba; at ang bukod na dako, at ang bahay, sangpu ng pader niyaon, isang daang siko (I)ang haba;

14 Ang luwang naman ng harapan ng bahay, at ng bukod na dako sa dakong silanganan, isang daang siko.

15 At sinukat niya ang haba ng bahay sa harap ng bukod na dako na nasa likuran niyaon, at ang mga galeria niyaon sa isang dako, at sa kabilang dako, isang daang siko; at ang lalong loob na templo at ang mga portiko ng looban;

16 Ang mga pasukan, at ang mga nasasarang dungawan, at ang mga galeria sa palibot sa tatlong grado, sa tapat ng pasukan, nakikisamihan ng tabla sa palibot, at mula sa lapag hanggang sa mga dungawan (natatakpan nga ang mga dungawan),

17 Sa pagitan ng itaas ng pintuan, sa lalong loob ng bahay, at sa labas, at ang buong pader sa palibot sa loob at sa labas ay sinukat.

18 At ang pader ay niyaring (J)may mga kerubin at may mga puno ng palma; at isang puno ng palma ay sa pagitan ng kerubin at kerubin, at bawa't kerubin ay may dalawang mukha;

19 Na anopa't may mukha ng isang tao sa dako ng puno ng palma sa isang dako, at mukha ng batang leon sa dako ng puno ng palma sa kabilang dako. Ganito ang pagkayari sa buong bahay sa palibot:

20 Mula sa lapag hanggang sa itaas ng pintuan ay may mga kerubin at mga puno ng palma na yari; ganito ang pader ng templo.

21 Tungkol sa templo, ang mga haligi ng pintuan ay parisukat; at tungkol sa harapan ng santuario, ang anyo niyao'y gaya ng anyo ng templo.

22 (K)Ang dambana ay kahoy, na tatlong siko ang taas, at ang haba niyao'y dalawang siko; at ang mga sulok niyaon at ang haba niyaon, at ang mga pader niyaon, ay kahoy: at sinabi niya sa akin, Ito (L)ang dulang na nasa harap ng Panginoon.

23 At ang templo, at ang santuario ay (M)may dalawang pintuan.

24 At ang mga pintuan ay may tigdadalawang pinto, (N)dalawang tiklop na pinto, dalawang pinto sa isang pintuan, at dalawang pinto sa kabila.

25 At mga niyari sa mga yaon, sa mga pintuan ng templo, mga kerubin at mga puno ng palma, gaya ng niyari sa mga pader; at may (O)pasukan na kahoy sa harap ng portiko sa labas.

26 At may nangasasarang dungawan at mga puno ng palma sa isang dako at sa kabilang dako, sa mga tagiliran ng portiko: ganito ang mga tagilirang silid ng bahay, at ang mga pasukan.

Mga Awit 92-93

Salmo, Awit sa araw ng sabbath.

92 Isang mabuting bagay (A)ang magpapasalamat sa Panginoon,
At umawit ng mga pagpuri sa iyong pangalan, Oh Kataastaasan:
Upang (B)magpakilala ng iyong kagandahang-loob sa umaga,
At ng iyong pagtatapat gabigabi.
(C)Na may panugtog na may sangpung kawad, at may salterio;
Na may dakilang tunog na alpa.
Sapagka't ikaw, Panginoon, iyong pinasaya ako sa iyong gawa:
Ako'y magtatagumpay sa mga gawa ng iyong mga kamay.
(D)Kay dakila ng iyong mga gawa, Oh Panginoon!
Ang iyong mga pagiisip ay (E)totoong malalim.
(F)Ang taong hangal ay hindi nakakaalam;
Ni nauunawa man ito ng mangmang.
Pagka ang masama ay lumilitaw na parang damo,
At pagka gumiginhawa ang lahat na manggagawa ng kasamaan;
Ay upang mangalipol sila magpakailan man:
Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay mataas magpakailan man.
Sapagka't, narito, (G)ang mga kaaway mo, Oh Panginoon,
Sapagka't, narito, ang mga kaaway mo'y malilipol;
Lahat ng mga (H)manggagawa ng kasamaan ay mangangalat.
10 Nguni't ang sungay ko'y (I)iyong pinataas na parang sungay ng (J)mailap na toro:
(K)Ako'y napahiran ng bagong langis.
11 (L)Nakita naman ng aking mata ang nasa ko sa aking mga kaaway,
Narinig ng aking pakinig ang nasa ko sa mga manggagawa ng kasamaan na nagsisibangon laban sa akin.
12 (M)Ang matuwid ay giginhawa na parang puno ng palma.
Siya'y tutubo na parang (N)cedro sa Libano.
13 (O)Sila'y nangatatag sa bahay ng Panginoon;
Sila'y giginhawa sa mga looban ng aming Dios.
14 Sila'y mangagbubunga sa katandaan;
Sila'y mapupuspos ng katas at kasariwaan:
15 Upang ipakilala na ang Panginoon ay matuwid;
Siya'y (P)aking malaking bato, (Q)at walang kalikuan sa kaniya.

Ang karangalan ng Panginoon.

93 Ang Panginoon ay (R)naghahari; (S)siya'y nananamit ng karilagan;
Ang Panginoon ay nananamit ng kalakasan; (T)siya'y nagbigkis niyaon:
Ang sanglibutan naman ay (U)natatag, na hindi mababago.
(V)Ang luklukan mo'y natatag ng una:
Ikaw ay mula sa walang pasimula.
Ang mga baha ay nagtaas, Oh Panginoon,
Ang mga baha ay nagtaas ng kanilang hugong;
Ang mga baha ay nagtaas ng kanilang mga alon.
Ng higit sa mga hugong ng maraming tubig,
Malalakas na hampas ng alon sa dagat,
(W)Ang Panginoon sa itaas ay makapangyarihan.
Ang iyong mga patotoo ay totoong tunay:
Ang kabanalan ay nararapat sa iyong bahay,
Oh Panginoon, magpakailan man.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978