Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
1 Mga Hari 7

Sariling bahay ni Salomon.

At itinayo ni Salomon ang kaniyang sariling bahay na labing tatlong taon, (A)at kaniyang nayari ang kaniyang buong bahay.

Sapagka't kaniyang itinayo ang bahay na kahoy sa (B)gubat ng Libano; ang haba'y isang daang siko, at ang luwang ay limang pung siko, at ang taas ay tatlong pung siko, sa apat na hanay na haliging sedro na may sikang na sedro sa ibabaw ng mga haligi.

At binubungan ng sedro sa ibabaw ng apat na pu't limang sikang, na nasa ibabaw ng mga haligi; labing lima sa isang hanay.

At may mga dungawan sa tatlong grado, at ang liwanag ng mga yaon ay nangagkakatapatan, sa tatlong grado.

At ang lahat na pintuan at mga haligi ay pawang parisukat ang anyo: at ang mga liwanag ay nangagkakatapatan, sa tatlong grado.

At siya'y gumawa ng portiko na may mga haligi: ang haba niyao'y limang pung siko, at ang luwang niyao'y tatlong pung siko, at may isang portiko na nasa harap ng mga yaon; at mga haligi at sikang ang nangasa harap ng mga yaon.

At kaniyang ginawa ang portiko ng luklukan na kaniyang paghuhukuman, sa makatuwid baga'y ang portiko ng hukuman: (C)at nababalot ng sedro sa lapag at lapag.

At ang kaniyang bahay na tahanan, ibang looban sa loob ng portiko ay sa gayon ding gawa. Kaniyang iginawa rin naman ng bahay ang anak na babae ni Faraon (na naging asawa ni Salomon) (D)na hawig portikong ito.

Ang lahat na ito'y mga mahalagang bato, sa makatuwid baga'y mga batong tabas, ayon sa sukat, na nilagari ng mga lagari, sa labas at sa loob, mula sa mga tatagang-baon hanggang sa kataastaasan, at gayon sa labas hanggang sa malaking looban.

10 At ang tatagang-baon ay mga mahalagang bato, sa makatuwid baga'y mga malaking bato, mga batong may sangpung siko, at mga batong may walong siko.

11 At sa ibabaw ay may mga mahalagang bato, sa makatuwid baga'y mga batong tabas, ayon sa sukat, at kahoy na sedro.

12 At ang malaking looban sa palibot ay may (E)tatlong hanay ng batong tabas, at isang hanay na sikang na sedro; gaya ng pinakaloob na looban ng bahay ng Panginoon, at ng portiko ng bahay.

Si Hiram sa Tiro ay gumawa sa templo.

13 At nagsugo ang haring Salomon, at ipinasundo si Hiram sa (F)Tiro.

14 Siya'y anak (G)ng isang babaing bao sa lipi ni Nephtali, at ang kaniyang ama (H)ay lalaking taga Tiro, na manggagawa sa tanso; at siya'y puspos ng karunungan, (I)at katalinuhan, at kabihasahan, upang gumawa ng lahat na gawain sa tanso. At siya'y naparoon sa haring Salomon, at ginawa ang lahat niyang gawain.

15 Sapagka't kaniyang tinabas ang (J)dalawang haligi na tanso, na may labing walong siko ang taas ng bawa't isa: at isang panukat na pisi na may labing dalawang siko ay maipalilibid sa bilog ng alinman sa bawa't isa.

16 At siya'y gumawa ng dalawang kapitel na binubong tanso, upang ilagay sa mga dulo ng mga haligi: ang taas ng isang kapitel ay limang siko at ang taas ng kabilang kapitel ay limang siko.

17 May mga yaring nilambat, at mga tirintas na yaring tinanikala, na ukol sa mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi; pito sa isang kapitel, at pito sa kabilang kapitel.

18 Gayon ginawa niya ang mga haligi: at mayroong dalawang hanay sa palibot ng isang yaring lambat, upang takpan ang mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi; at gayon ang ginawa niya sa kabilang kapitel.

19 At ang mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi (K)sa portiko ay mga yaring lila, na apat na siko.

20 At may mga kapitel naman sa dulo ng dalawang haligi, na malapit sa pinakatiyan na nasa siping ng yaring lambat: at ang mga granada ay dalawang daan, na nahahanay sa palibot sa ikalawang kapitel.

21 At kaniyang itinayo ang mga haligi sa portiko ng templo: at kaniyang itinayo ang kanang haligi, at pinanganlang Jachin:[a] at kaniyang itinayo ang kaliwang haligi, at pinanganlang Boaz.[b]

22 At sa dulo ng mga haligi ay may yaring lila: sa gayo'y ang gawain sa mga haligi ay nayari.

Ang binubuong dagatdagatan, patungang tanso, at hugasang tanso.

23 At kaniyang ginawa ang binubong (L)dagatdagatan na may sangpung siko mula sa labi't labi, na lubos na mabilog, at ang taas ay limang siko: at isang panukat na pisi na may tatlong pung siko ang maipalilibid sa palibot.

24 At sa ilalim ng labi sa paligid ay may (M)mga kulukuti sa palibot, na sangpu sa bawa't siko, na nakalibid sa dagatdagatan sa palibot: ang mga kulukuti ay dalawang hanay, (N)na binubo ng bubuin ang binubong dagatdagatan.

25 Nakapatong ang dagatdagatan sa labing (O)dalawang baka, ang tatlo'y nakaharap sa dakong hilagaan, ang tatlo'y nakaharap sa dakong kalunuran, ang tatlo'y nakaharap sa dakong timugan, at ang tatlo'y nakaharap sa dakong silanganan; at ang dagatdagatan ay napapatong sa mga yaon, at ang lahat na puwitan ng mga yaon ay nasa loob.

26 At ang kapal ng dagatdagatan ay isang dangkal; at ang labi niyaon ay yaring gaya ng labi ng isang tasa, gaya ng bulaklak na lila: naglalaman ng (P)dalawang libong bath.

27 At siya'y gumawa ng (Q)sangpung patungang tanso: apat na siko ang haba ng bawa't isa at apat na siko ang luwang, at tatlong siko ang taas.

28 At ang pagkayari ng mga patungan ay ganitong paraan: may mga gilid na takip sa pagitan ng mga sugpong:

29 At sa mga gilid na takip na nasa pagitan ng mga sugpong ay may mga leon, mga baka, at mga querubin; at sa itaas ng mga sugpong ay may tungtungan sa ibabaw; at sa ibaba ng mga leon, at mga baka, ay may mga tirintas na nangagbitin.

30 At bawa't patungan ay may apat na gulong na tanso, at mga ejeng tanso: at ang apat na paa niyao'y may mga lapatan: sa ilalim ng hugasan ay may mga lapatan na binubo, na may mga tirintas sa siping ng bawa't isa.

31 At ang bunganga niyaong nasa loob ng kapitel, at ang taas ay may isang siko: at ang bunganga niyao'y mabilog ayon sa pagkayari ng tungtungan, na may isang siko't kalahati: at sa bunganga naman niyao'y may mga ukit, at ang mga gilid ng mga yaon ay parisukat, hindi mabilog.

32 At ang apat na gulong ay nasa ibaba ng mga gilid; at ang mga eje ng mga gulong ay nasa patungan: at ang taas ng bawa't gulong ay isang siko at kalahati.

33 At ang pagkagawa ng mga gulong ay gaya ng pagkagawa ng mga gulong ng karo: ang mga eje ng mga yaon, at ang mga llanta ng mga yaon, at ang mga rayos ng mga yaon at ang mga boha niyaon ay pawang binubo.

34 At may apat na lapatan sa apat na panulok ng bawa't patungan: ang mga lapatan ay kaputol ng patungan.

35 At sa ibabaw ng patungan ay may isang nakababakod na mabilog na may kalahating siko ang taas: at sa ibabaw ng patunga'y nandoon ang mga panghawak, at ang mga gilid ay kaputol niyaon.

36 At sa mga lamina ng mga panghawak niyaon at sa mga gilid niyaon, ay kaniyang inukitan ng mga querubin, mga leon, at mga puno ng palma ayon sa pagitan ng bawa't isa, na may mga tirintas sa palibot.

37 Ayon sa paraang ito ay kaniyang ginawa ang sangpung patungan: lahat ng yaon ay iisa ang pagkabubo, iisa ang sukat, at iisa ang anyo.

38 At siya'y gumawa ng sangpung hugasang (R)tanso: isang hugasan ay naglalaman ng apat na pung bath: at bawa't hugasan ay may apat na siko: at sa bawa't isa sa sangpung patungan ay isang hugasan.

39 At kaniyang inilagay ang mga patungan, lima sa kanang tagiliran ng bahay, at lima sa kaliwang tagiliran ng bahay: (S)at kaniyang inilagay ang dagatdagatan sa tagilirang kanan ng bahay sa dakong silanganan, na dakong timugan.

40 (T)At ginawa ni Hiram ang mga hugasan, (U)at ang mga pala, at ang mga mangkok. Gayon tinapos gawin ni Hiram ang lahat na gawa na kaniyang ginawa sa haring Salomon, sa bahay ng Panginoon:

41 Ang dalawang haligi, at ang dalawang (V)kabilugan sa paligid ng mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi; at ang dalawang yaring lambat (W)na nakaligid sa dalawang kabilugan ng mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi;

42 At ang apat na raang granada sa dalawang yaring lambat; ang dalawang hanay na granada sa bawa't yaring lambat, upang makaligid sa dalawang kabilugan ng mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi;

43 At ang sangpung patungan, at ang sangpung hugasan sa ibabaw ng mga patungan;

44 At ang (X)isang dagatdagatan, at ang labing dalawang baka sa ilalim ng dagatdagatan;

45 At ang mga palyok, at ang mga pala, at ang mga mangkok: sa makatuwid baga'y lahat ng kasangkapang ito na ginawa ni Hiram sa haring Salomon, sa bahay ng Panginoon, ay pawang tansong binuli.

46 Sa kapatagan ng Jordan binubo ng hari, sa malagkit na lupa na nasa pagitan ng Succoth at ng Sarthan.

47 At lahat na kasangkapan ay hindi tinimbang ni Salomon, sapagka't totoong napakarami: ang timbang ng tanso ay hindi makukuro.

48 At ginawa ni Salomon ang lahat na kasangkapan na nasa bahay ng Panginoon: ang ginintong dambana, (Y)at ang dulang (Z)na gininto (AA)na kinaroroonan ng tinapay na handog;

49 At ang mga kandelero na taganas na ginto na lima sa dakong kanan, at lima sa kaliwa sa harap ng sanggunian; (AB)at ang mga bulaklak, at ang mga ilawan, at mga pangipit na ginto;

50 At ang mga (AC)saro, at ang mga panggupit ng micha, at ang mga mangkok, at ang mga panandok, at ang mga (AD)suuban, na taganas na ginto; at ang mga pihitang ginto maging ang sa mga pinto ng bahay sa loob, na kabanalbanalang (AE)dako, at ang sa mga pinto ng bahay, sa makatuwid baga'y ng templo.

51 Ganito nayari ang buong gawa ng haring Salomon na ginawa sa bahay ng Panginoon. At ipinasok ni Salomon ang mga bagay na itinalaga ni David na kaniyang ama, ang (AF)pilak at ang ginto, at ang mga kasangkapan, at ipinasok sa mga silid ng kayamanan ng bahay ng Panginoon.

Efeso 4

Namamanhik nga (A)sa inyo akong (B)bilanggo sa Panginoon, na kayo'y magsilakad ng nararapat sa pagkatawag na sa inyo'y itinawag,

Ng buong kapakumbabaan (C)at kaamuan, na may pagpapahinuhod, na mangagbatahan kayo-kayo sa pagibig;

Na pagsakitan ninyong ingatan ang pakikipagkaisa sa Espiritu (D)sa tali ng kapayapaan.

May (E)isang katawan, at (F)isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang (G)pagasa ng pagtawag sa inyo;

Isang (H)Panginoon, (I)isang pananampalataya, isang bautismo,

(J)Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang (K)sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat.

Datapuwa't (L)ang bawa't isa sa atin ay binigyan ng biyaya ayon sa sukat na kaloob ni Cristo.

Kaya't sinasabi niya,

(M)Nang umakyat siya sa itaas ay dinala niyang bihag ang pagkabihag,
At nagbigay ng mga kaloob sa mga tao.

(Ngayon ito, Umakyat Siya, ano ito, kundi siya'y bumaba rin naman sa (N)mga dakong kalaliman ng lupa?

10 Ang bumaba ay siya rin namang (O)umakyat (P)sa kaitaasan ng buong sangkalangitan, (Q)upang kaniyang mapuspos ang lahat ng mga bagay.)

11 At pinagkalooban niya ang mga iba na maging (R)mga apostol; at ang mga iba'y propeta; at ang mga iba'y (S)evangelista; at ang mga iba'y (T)pastor at (U)mga guro;

12 Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay (V)ng katawan ni Cristo:

13 Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng (W)kapuspusan ni Cristo:

14 Upang tayo'y huwag nang maging (X)mga bata pa, (Y)na napapahapay dito't doon at dinadala sa magkabikabila ng lahat na hangin ng aral, sa pamamagitan ng mga daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa mga lalang ng kamalian;

15 Kundi sa pagsasalita ng katotohanan na may pagibig, (Z)ay mangagsilaki sa lahat ng mga bagay sa kaniya, na siyang pangulo, sa makatuwid baga'y si Cristo;

16 Na dahil sa kaniya'y ang buong katawan (AA)na nakalapat na mabuti at nagkakalakip sa pamamagitan ng tulong ng bawa't kasukasuan, ayon sa paggawang nauukol sa bawa't iba't ibang sangkap, ay nagpapalaki sa katawan sa ikatitibay ng kaniyang sarili sa pagibig.

17 Ito nga ang sinasabi ko, at sinasaksihan sa Panginoon, (AB)na kayo'y hindi na nagsisilakad pa na gaya naman ng lakad ng mga Gentil, (AC)sa pagpapalalo sa kanilang pagiisip,

18 Na sa kadiliman ng kanilang pagiisip, (AD)ay nangahiwalay sa buhay ng Dios, dahil sa (AE)kahangalang nasa kanila, dahil sa pagmamatigas ng kanilang puso;

19 Na sila (AF)sa (AG)di pagkaramdam ng kahihiyan ay napahikayat sa kalibugan, upang kalakalin ang lahat ng karumihan ng buong kasakiman.

20 Nguni't kayo'y hindi nangatuto ng ganito kay Cristo;

21 Kung tunay na siya'y inyong pinakinggan, (AH)at kayo'y tinuruan sa kaniya, gaya ng katotohanan na kay Jesus.

22 At (AI)inyong iwan, (AJ)tungkol sa (AK)paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan, (AL)ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdaraya;

23 At (AM)kayo'y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip,

24 At kayo'y mangagbihis (AN)ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan.

25 Kaya nga, pagkatakuwil ng kasinungalingan, (AO)ay magsasalita ang bawa't isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa: sapagka't tayo'y (AP)mga sangkap na isa't isa sa atin.

26 Kayo'y mangagalit (AQ)at huwag kayong mangakasala: huwag lumubog ang araw sa inyong galit:

27 Ni bigyan daan man ang diablo.

28 Ang nagnanakaw ay huwag nang magnakaw pa: bagkus magpagal, (AR)na igawa ang kaniyang mga kamay ng mabuting bagay, (AS)upang siya'y may maibigay sa nangangailangan.

29 (AT)Anomang salitang mahalay ay huwag lumabas sa inyong bibig, kundi ang mabuting ikatitibay ayon sa pangangailangan, upang makinabang ng (AU)biyaya ang mga nagsisipakinig.

30 At (AV)huwag ninyong pighatiin ang Espiritu Santo ng Dios, (AW)na sa kaniya kayo'y tinatakan hanggang sa kaarawan ng (AX)pagkatubos.

31 Ang lahat ng kapaitan, (AY)at kagalitan, at pagkakaalit, at kadaldalan, at panglilibak, ay mangaalis nawa sa inyo, pati ng lahat ng masasamang akala:

32 At (AZ)magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, (BA)na mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo.

Ezekiel 37

Ang pangitain ng mga tuyong buto.

37 Ang (A)kamay ng Panginoon ay sumasa akin, at kaniyang dinala ako (B)sa Espiritu ng Panginoon, at inilagay niya ako sa gitna ng libis; at yao'y puno ng mga buto.

At pinaraan niya ako sa tabi ng mga yaon sa palibot: at, narito, may totoong marami sa luwal na libis; at, narito, mga totoong tuyo.

At kaniyang sinabi sa akin, Anak ng tao, maaari bagang mabuhay ang mga butong ito? At ako'y sumagot, Oh Panginoong Dios; (C)ikaw ang nakakaalam.

Muling sinabi niya sa akin, Manghula ka sa mga butong ito, at sabihin mo sa kanila, Oh kayong mga tuyong buto, inyong pakinggan ang salita ng Panginoon.

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga butong ito: Narito, aking (D)papapasukin ang (E)hinga sa inyo, at kayo'y mangabubuhay.

At lalagyan ko kayo ng mga litid, at babalutin ko kayo ng laman, at tatakpan ko kayo ng balat, at lalagyan ko kayo ng hininga, at kayo'y mangabubuhay; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.

Ang mga buto na tuyo ay nagkaroon ng buhay.

Sa gayo'y nanghula ako ng gaya ng iniutos sa akin: at habang ako'y nanghuhula, may naghinugong, at, narito, isang lindol; at ang mga buto ay nangagkalapit, buto sa kaniyang buto.

At ako'y tumingin, at, narito, may mga litid sa mga yaon, at laman ay lumitaw sa mga yaon at ang balat ay tumakip sa mga yaon sa ibabaw; nguni't walang hininga sa kanila.

Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Manghula ka sa hangin, manghula ka, anak ng tao, at sabihin mo sa hangin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Manggaling ka sa (F)apat na hangin, Oh hinga, at humihip ka sa mga patay na ito, upang sila'y mangabuhay.

10 Sa gayo'y nanghula ako ng gaya ng iniutos niya sa akin, (G)at ang hininga ay pumasok sa kanila, at sila'y nangabuhay, at nagsitayo ng kanilang mga paa, isang totoong malaking pulutong.

Ang mga buto na tuyo ay katulad ng bayan ng Panginoon.

11 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, ang mga butong ito ay ang buong sangbahayan ni Israel: narito, kanilang sinasabi, (H)Ang ating mga buto ay natuyo, (I)at ang ating pagasa ay nawala; (J)tayo'y lubos na nahiwalay.

12 Kaya't manghula ka, at sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, (K)aking bubuksan ang inyong mga libingan, at aking pasasampahin kayo mula sa inyong mga libingan, Oh bayan ko; at aking dadalhin (L)kayo sa lupain ng Israel.

13 At inyong malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking binuksan ang inyong libingan, at aking pinasampa kayo na mula sa inyong mga libingan, Oh bayan ko.

14 At (M)aking ilalagay ang aking Espiritu sa inyo, at kayo'y mangabubuhay, at aking ilalagay kayo sa inyong sariling lupain, at inyong mangalalaman na akong Panginoon ang nagsalita, at nagsagawa, sabi ng Panginoon.

Ang muling pagsasama ng Juda at Israel.

15 Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na nagsasabi:

16 At ikaw, anak ng tao, (N)kumuha ka ng isang tungkod, at sulatan mo sa ibabaw, (O)Sa Juda at sa (P)mga anak ni Israel na kaniyang mga kasama: saka kumuha ka ng ibang tungkod, at iyong sulatan: (Q)Sa Jose, na siyang tungkod ng (R)Ephraim, at sa buong sangbahayan ni Israel na kaniyang mga kasama:

17 At (S)iyong papagugnayugnayin sa ganang iyo na maging isang tungkod, upang maging isa sa iyong kamay.

18 At pagka ang mga anak ng iyong bayan ay mangagsasalita sa iyo, na mangagsasabi, Hindi mo baga ipakikilala sa amin kung ano ang kahulugan ng mga ito?

19 Sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, aking kukunin ang tungkod ng Jose, na nasa kamay ng Ephraim, at ang mga lipi ng Israel na kaniyang mga kasama: at akin silang isasama roon, sa tungkod ng Juda, at gagawin ko silang isang tungkod, at sila'y magiging isa sa aking kamay.

20 At ang tungkod na iyong sinusulatan ay hahawakan mo (T)sa harap ng kanilang mga mata.

21 At sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, (U)aking kukunin ang mga anak ni Israel mula sa gitna ng mga bansa, na kanilang pinaroonan, at pipisanin ko sila sa lahat ng dako, at dadalhin ko sila sa kanilang sariling lupain:

22 At gagawin ko (V)silang isang bansa sa lupain, sa mga bundok ng Israel; (W)at isang hari ang magiging hari sa kanilang lahat; at hindi na sila magiging dalawang bansa, o mahahati pa man sila sa dalawang kaharian;

23 At hindi na naman mapapahamak pa sila (X)ng dahil sa kanilang mga diosdiosan, o sa kanila mang mga kasuklamsuklam na bagay, o sa anoman sa kanilang mga pagsalangsang; kundi aking ililigtas sila mula sa lahat nilang tahanang dako, na kanilang pinagkasalanan, at lilinisin ko (Y)sila: sa gayo'y magiging bayan ko sila, at ako'y magiging kanilang Dios.

Si David ang magiging kanilang hari.

24 At ang aking lingkod na si David ay (Z)magiging hari sa kanila; at silang lahat ay magkakaroon ng isang pastor; magsisilakad din naman sila ng ayon sa aking mga kahatulan, at susundin ang aking mga palatuntunan, at isasagawa.

25 At (AA)sila'y magsisitahan sa lupain na aking ibinigay kay Jacob na aking lingkod, na tinahanan ng inyong mga magulang; at sila'y magsisitahan doon, sila at ang kanilang mga anak, at ang mga anak ng kanilang mga anak, (AB)magpakailan man: at si David na (AC)aking lingkod ay magiging kanilang prinsipe magpakailan man.

26 Bukod dito'y makikipagtipan ako ng (AD)tipan ng kapayapaan sa kanila; magiging tipan na walang hanggan sa kanila; at aking ilalagay sila, at pararamihin sila at itatatag ko ang aking santuario (AE)sa gitna nila magpakailan man.

27 Ang aking tabernakulo naman ay mapapasa gitna nila; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan.

28 At malalaman ng mga bansa na (AF)ako ang Panginoon na (AG)nagpapabanal sa Israel, pagka ang aking santuario ay mapapasa gitna nila magpakailan man.

Mga Awit 87-88

Salmo ng mga anak ni Core; Awit.

87 Ang kaniyang (A)patibayan ay (B)nasa mga banal na bundok.
Minahal ng Panginoon ang mga pintuang-bayan ng Sion,
Ng higit kay sa lahat na tahanan ng Jacob.
Maluwalhating mga bagay ang sinalita tungkol sa iyo,
(C)Oh bayan ng Dios. (Selah)
Aking babanggitin ang Rahab (D)at ang Babilonia na kasama ng mga nakakakilala sa akin:
Narito, ang Filistia at ang Tiro, pati ng Etiopia;
Ang isang ito ay ipinanganak diyan.
Oo, tungkol sa Sion ay sasabihin,
Ang isang ito at ang isang yaon ay ipinanganak sa kaniya;
At itatatag siya ng Kataastaasan.
Sasalaysayin ng Panginoon, pagka kaniyang (E)isinulat ang mga bayan,
Ang isang ito ay ipinanganak diyan. (Selah)
Silang nagsisiawit na gaya ng nagsisisayaw ay mangagsasabi,
Lahat ng aking mga bukal ay nangasa iyo.

Awit, Salmo ng mga anak ni Core; sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Mahalath Leannoth. Masquil ni (F)Heman na (G)Ezrahita.

88 Oh Panginoon, na Dios ng aking kaligtasan,
Ako'y dumaing (H)araw at gabi sa harap mo:
Masok ang aking dalangin sa iyong harapan:
Ikiling mo ang iyong pakinig sa aking daing:
Sapagka't ang aking kaluluwa ay lipos ng mga kabagabagan,
At ang aking buhay ay (I)nalalapit sa Sheol,
(J)Ako'y nabilang sa kanila na nagsisibaba sa hukay;
Ako'y parang taong walang lakas:
Nakahagis sa gitna ng mga patay,
Gaya ng napatay na nakahiga sa libingan,
Na (K)hindi mo na inaalaala; At sila'y mangahiwalay sa iyong kamay.
Iyong inilapag ako sa pinakamalalim na hukay,
Sa mga (L)madilim na dako, sa mga (M)kalaliman.
Lubhang idinidiin ako ng iyong poot,
At iyong pinighati ako ng lahat mong mga alon. (Selah)
(N)Iyong inilayo sa akin ang kakilala ko;
Iyong ginawa akong (O)kasuklamsuklam sa kanila:
Ako'y nakulong at hindi ako makalabas,
Ang mata ko'y nangangalumata dahil sa kadalamhatian:
Ako'y tumawag (P)araw-araw sa iyo, Oh Panginoon,
Aking iginawad ang mga kamay ko sa iyo.
10 Magpapakita ka ba ng mga kababalaghan sa mga patay?
Sila bang mga patay ay magsisibangon, at magsisipuri sa iyo? (Selah)
11 Ang iyo bang kagandahang-loob ay ipahahayag sa libingan?
O ang iyong pagtatapat sa (Q)Kagibaan?
12 Malalaman ba ang mga kababalaghan mo sa (R)dilim?
At ang katuwiran mo sa lupain ng (S)pagkalimot?
13 Nguni't sa iyo, Oh Panginoon, dumaing ako,
At (T)sa kinaumagahan ay darating ang dalangin ko sa harap mo.
14 Panginoon, bakit mo itinatakuwil ang kaluluwa ko?
Bakit mo (U)ikinukubli ang iyong mukha sa akin?
15 Ako'y nadadalamhati, at handang mamatay mula sa aking kabataan:
Habang aking tinitiis ang iyong mga kakilakilabot na bagay ay nakakalingat ako.
16 Ang iyong mabangis na poot ay dumaan sa akin;
Inihiwalay ako (V)ng iyong mga kakilakilabot na bagay.
17 Kanilang kinulong ako na parang tubig buong araw;
(W)Kinubkob ako nilang magkakasama.
18 Mangliligaw at kaibigan ay (X)inilayo mo sa akin,
At ang aking kakilala ay sa (Y)dilim.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978