M’Cheyne Bible Reading Plan
Dumalaw ang reina sa Seba.
10 At (A)nang mabalitaan ng reina sa (B)Seba ang kabantugan ni Salomon tungkol sa pangalan ng Panginoon, ay naparoon siya upang subukin niya siya (C)ng mga mahirap na tanong.
2 At siya'y naparoon sa Jerusalem na may maraming kaakbay, may mga kamelyo na may pasang mga espesia at totoong maraming ginto, at mga mahalagang bato: at nang siya'y dumating kay Salomon ay kaniyang inihinga sa kaniya ang lahat na laman ng kaniyang dibdib.
3 At isinaysay ni Salomon sa kaniya ang lahat ng kaniyang mga tanong: walang bagay na lihim sa hari na hindi niya isinaysay sa kaniya.
4 At nang makita ng reina sa Seba ang buong karunungan ni Salomon, at ang bahay na kaniyang itinayo,
5 At ang pagkain sa kaniyang dulang, at ang pagkaayos ng kaniyang mga alila, at ang tayo ng kaniyang mga tagapangasiwa, at ang kanilang mga pananamit, at ang kaniyang mga tagahawak ng saro, (D)at ang kaniyang sampahan na kaniyang sinasampahan sa bahay ng Panginoon; ay nawalan siya ng diwa.
6 At sinabi niya sa hari, Tunay na balita ang aking narinig sa aking sariling lupain tungkol sa iyong mga gawa, at sa iyong karunungan.
7 Gayon may hindi ko pinaniwalaan ang mga salita hanggang sa ako'y dumating, at nakita ng aking mga mata: at, narito, ang kalahati ay hindi nasaysay sa akin: ang iyong karunungan at pagkaginhawa ay higit kay sa kabantugan na aking narinig.
8 Maginhawa ang iyong mga lalake, maginhawa ang iyong mga lingkod na ito, na nagsisitayong palagi sa harap mo, at nakakarinig ng iyong karunungan.
9 (E)Purihin ang Panginoon mong Dios, na nalulugod sa iyo, upang ilagay ka sa luklukan ng Israel: (F)sapagka't minamahal ng Panginoon ang Israel magpakailan man, kaya't ginawa ka niyang hari (G)upang gumawa ng kahatulan at ng katuwiran.
10 (H)At siya'y nagbigay sa hari ng isang daan at dalawang pung talentong ginto, at mga espesia na totoong sagana, at mga mahalagang bato; kailan ma'y hindi nagkaroon ng gayong kasaganaan ng mga espesia, gaya ng mga ito na ibinigay ng reina sa Seba sa haring Salomon.
11 (I)At ang mga sasakyang dagat naman ni Hiram na nagsipagdala ng ginto mula sa Ophir, ay nagsipagdala ng saganang kahoy na (J)almug at mga mahalagang bato mula sa Ophir.
12 (K)At ginawa ng hari na mga haligi ang mga kahoy na almug sa bahay ng Panginoon, at sa bahay ng hari, at ginawa ring mga alpa. At mga salterio sa mga mangaawit: kailan ma'y hindi dumating ang mga gayong kahoy na almug, o nakita man, hanggang sa araw na ito.
13 At ang haring Salomon ay nagbigay sa reina sa Seba ng lahat niyang naibigan, at lahat niyang hiningi, bukod doon sa ibinigay ni Salomon sa kaniya na kaloob-hari. Sa gayo'y bumalik siya, at umuwi sa kaniyang sariling lupain, siya, at ang kaniyang mga lingkod.
Ang kayamanan at kabantugan ni Salomon.
14 (L)Ang timbang nga ng ginto na dumating kay Salomon sa isang taon ay anim na raan at anim na pu't anim na talentong ginto,
15 Bukod doon sa dinala ng mga naglalako, at sa (M)kalakal ng mga mangangalakal, at sa lahat na hari ng halohalong bayan, at sa mga gobernador sa lupain.
16 At ang haring Salomon ay gumawa ng dalawang daang kalasag na pinukpok na ginto: anim na raang siklong ginto ang ginamit sa bawa't kalasag.
17 At siya'y gumawa ng (N)tatlong daang ibang kalasag na pinukpok na ginto: (O)tatlong librang ginto ang ginamit sa bawa't kalasag: at ipinaglalagay ng hari (P)sa bahay na kahoy sa gubat ng Libano.
18 Bukod dito'y gumawa ang hari ng isang malaking luklukang garing, at binalot ng gintong pinakamainam.
19 May anim na baytang sa luklukan, at ang pinakalangit ng luklukan ay mabilog sa likuran: at may mga pinakakamay sa bawa't tagiliran sa siping ng dako ng upuan, at dalawang leon ang nakatayo sa siping ng mga pinakakamay.
20 At labing dalawang leon ang nakatayo roon sa isang dako at sa kabilang dako sa ibabaw ng anim na baytang: walang nagawang gayon sa alinmang kaharian.
21 At ang lahat na sisidlang inuman ng haring Salomon ay ginto, at ang lahat na sisidlan sa bahay na kahoy sa gubat ng Libano ay taganas na ginto: walang pilak; hindi mahalaga ito sa mga kaarawan ni Salomon.
22 Sapagka't ang hari ay mayroon sa dagat ng mga sasakyan na yari sa (Q)Tharsis na kasama ng mga sasakyang dagat ni Hiram: minsan sa bawa't tatlong taon ay nanggagaling ang mga sasakyang dagat na yari sa Tharsis, na nagdadala ng ginto, at pilak, at garing, at mga unggoy, at mga pabo real.
23 Sa gayo'y ang haring Salomon ay humigit sa lahat ng mga hari sa lupa sa kayamanan at sa karunungan.
24 At hinanap ng buong lupa ang harapan ni Salomon, upang makinig ng kaniyang karunungan, na inilagay ng Dios sa kaniyang puso.
25 At sila'y nagsipagdala bawa't isa ng (R)kanikaniyang kaloob, na mga sisidlang pilak, at mga sisidlang ginto, at damit, at sandata, at mga espesia, mga kabayo, at mga mula, na sanggayon taontaon.
Ang mga karo at kabayo ni Salomon.
26 (S)At pinisan ni Salomon ang mga karo, at ang mga mangangabayo: at siya'y may isang libo't apat na raang karo, at labing dalawang libong mangangabayo, na kaniyang inilagay sa mga bayan ng mga karo, at kasama ng hari sa Jerusalem.
27 (T)At ginawa ng hari na maging gaya ng mga bato ang pilak sa Jerusalem, at ang mga sedro, ay ginawa niyang maging gaya ng mga puno ng sikomoro na nasa mababang lupa dahil sa kasaganaan.
28 At ang mga kabayo na tinatangkilik ni Salomon ay inilabas sa Egipto: at ang mga mangangalakal ng hari ay nagsitanggap ng kawan ng mga yaon, bawa't kawan ay sa halaga.
29 At kanilang isinasampa at inilalabas sa Egipto ang isang karo sa halagang anim na raang siklong pilak, at ang isang kabayo, ay sa isang daan at limangpu: at gayon sa (U)lahat ng mga hari sa mga Hetheo, at sa mga hari sa Siria ay kanilang inilabas sa pamamagitan nila.
1 Si Pablo at si (A)Timoteo, na mga alipin ni Cristo Jesus, sa lahat ng mga banal (B)kay Cristo Jesus na nangasa (C)Filipos, pati ng mga (D)obispo at ng mga (E)diakono:
2 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo.
3 (F)Ako'y nagpapasalamat sa aking Dios, sa tuwing kayo'y aking naaalaala,
4 Na parating sa bawa't daing ko, ay masayang nananaing ako na patungkol sa inyong lahat,
5 Dahil sa inyong pakikisama (G)sa pagpapalaganap ng evangelio, mula nang unang araw hanggang ngayon;
6 Na ako'y may lubos na pagkakatiwala sa bagay na ito, na ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa, ay lulubusin (H)hanggang sa araw ni Jesucristo:
7 Gaya ng matuwid na aking isiping gayon tungkol sa inyong lahat, sapagka't kayo'y nasa aking puso, palibhasa'y, (I)sa aking mga tanikala at (J)pagsasanggalang at sa pagpapatunay naman sa evangelio, kayong lahat na kasama ko ay may bahagi sa biyaya.
8 Sapagka't saksi ko ang Dios, (K)kung gaano ang pananabik ko sa inyong lahat sa (L)mahinahong habag ni Cristo Jesus.
9 At ito'y idinadalangin ko, na ang inyong pagibig ay lalo't lalo pang sumagana nawa sa (M)kaalaman at sa lahat ng pagkakilala;
10 Upang (N)inyong kilalanin ang mga bagay na magagaling; upang kayo'y maging mga tapat at walang kapintasan (O)hanggang sa kaarawan ni Cristo;
11 Na mangapuspos ng (P)bunga ng kabanalan, na ito'y sa pamamagitan ni Jesucristo, (Q)sa ikaluluwalhati at ikapupuri ng Dios.
12 Ngayon ibig ko na inyong maalaman, mga kapatid, na ang mga bagay na nangyari sa akin ay nangyari sa lalong ikasusulong ng evangelio;
13 Ano pa't ang aking mga tanikala kay Cristo ay nahayag sa lahat ng mga bantay ng pretorio, at sa mga iba't iba pa;
14 At ang karamihan sa mga kapatid sa Panginoon, na palibhasa'y may pagkakatiwala sa aking mga tanikala, ay lalong nagkaroon ng tapang upang salitaing walang takot ang salita ng Dios.
15 Tunay na ipinangangaral ng iba si Cristo sa kapanaghilian at sa pakikipagtalo; at ng mga iba naman sa mabuting kalooban:
16 Ang isa'y gumagawa nito sa pagibig, palibhasa'y nalalaman na ako'y nalalagay sa (R)pagsasanggalang ng evangelio;
17 Datapuwa't itinatanyag ng iba si Cristo dahil sa pagkakampikampi, hindi sa pagtatapat, na ang iniisip ay dalhan ako ng kapighatian sa aking mga tanikala.
18 Ano nga? gayon man, sa lahat ng paraan, maging sa pagdadahilan o sa katotohanan, ay itinatanyag si Cristo; at sa ganito'y nagagalak ako, oo, at ako'y magagalak.
19 Sapagka't nalalaman ko na ang kahihinatnan nito'y sa aking ikaliligtas, (S)sa pamamagitan ng inyong pananaing at kapuspusan (T)ng Espiritu ni Cristo,
20 Ayon sa aking maningas na paghihintay at pagasa, na, (U)sa anoma'y hindi ako mapapahiya, kundi (V)sa buong katapangan, na gaya ng dati, gayon din naman ngayon, ay dadakilain si Cristo sa aking katawan, maging sa pamamagitan ng kabuhayan, o sa pamamagitan ng kamatayan.
21 Sapagka't sa ganang akin (W)ang mabuhay ay si Cristo, at ang mamatay ay pakinabang.
22 Nguni't kung ang mabuhay sa laman ay siya kong palad,—ito'y magiging mabungang pagpapagal, na aywan ko nga kung ano ang aking pipiliin.
23 Sapagka't ako'y nagigipit (X)sa magkabila, akong may nasang (Y)umalis at suma kay Cristo; sapagka't ito'y lalong mabuti:
24 Gayon ma'y ang manatili sa laman ay siyang lalong kinakailangan dahil sa inyo.
25 At sa pagkakatiwalang ito, ay aking nalalaman na ako'y mananatili, oo, at mananatili ako na kasama ninyong lahat, sa ikasusulong ninyo at ikagagalak sa pananampalataya;
26 Upang managana ang inyong pagmamapuri kay Cristo Jesus sa akin sa pamamagitan ng aking pagharap na muli sa inyo.
27 Ang inyo lamang pamumuhay (Z)ay maging karapatdapat sa evangelio ni Cristo: upang, maging ako ay dumating at kayo'y makita, o wala man sa harap ninyo, ay mabalitaan ko ang inyong kalagayan, na (AA)kayo'y matitibay sa isang espiritu, (AB)na kayo'y mangagkaisa ng kaluluwa (AC)na nangagsisikap sa pananampalataya sa evangelio;
28 At sa anoman ay huwag kayong mangatakot sa mga kaaway: (AD)na ito sa kanila ay malinaw na tanda ng kapahamakan, datapuwa't tanda ng inyong pagkaligtas, at ito'y mula sa Dios;
29 Sapagka't sa inyo'y (AE)ipinagkaloob alangalang kay Cristo, hindi lamang upang manampalataya sa kaniya, kundi upang magtiis din naman alangalang sa kaniya:
30 Yamang taglay ninyo ang pakikipagbuno (AF)na inyong nakita rin sa akin, at ngayo'y nababalitaan ninyong taglay ko.
Ang sukat ng pintuang-daan sa silanganan.
40 Nang ikadalawang pu't limang taon ng aming pagkabihag, nang pasimula ng taon, nang ikasangpung araw ng buwan, (A)nang ikalabing apat na taon pagkatapos na (B)ang bayan ay masaktan nang kaarawang yaon, (C)ang kamay ng Panginoon ay sumaakin, at dinala niya ako roon.
2 Sa mga pangitain na mula sa Dios ay dinala niya (D)ako sa lupain ng Israel, at inilagay ako sa totoong mataas na bundok, (E)na kinaroroonan ng parang isang bayan sa timugan.
3 At dinala niya ako roon; at, narito, may isang lalake na ang anyo ay (F)parang anyo ng tanso, (G)na may pising lino sa kaniyang kamay, (H)at isang panukat na tambo; at siya'y natayo sa pintuang-bayan.
4 At sinabi ng lalake sa akin, Anak ng tao, tumingin ka ng iyong mga mata, at makinig ka ng iyong mga pakinig, at ilagak mo ang iyong puso sa lahat na aking ipakikita sa iyo; sapagka't sa haka na aking mga maipakikita sa iyo ay dinala ka rito: ipahayag mo ang lahat na iyong nakikita sa sangbahayan ni Israel.
5 At, narito; (I)isang kuta sa dakong labas ng bahay sa palibot, at sa kamay ng lalake ay isang panukat na tambo na may anim na siko ang haba, na tigisang siko at isang dangkal ang luwang ng bawa't isa: sa gayo'y kaniyang sinukat (J)ang luwang ng bahay, na isang tambo; at ang taas, isang tambo.
6 Nang magkagayo'y naparoon siya sa pintuang-daan, (K)na nakaharap sa dakong silanganan, at sumampa sa mga baytang niyaon: at kaniyang sinukat ang pasukan sa pintuang-daan, isang tambo ang luwang; at ang kabilang pasukan, isang tambo ang luwang.
7 At bawa't (L)silid ng bahay ay isang tambo ang haba, at isang tambo ang luwang; at ang pagitan ng mga silid ng bantay ay limang siko; at ang pasukan sa pintuang-daan sa tabi ng portiko sa pintuang-daan sa dako ng bahay ay isang tambo.
8 Kaniya rin namang sinukat ang portiko sa pintuang-daan sa dakong bahay, isang tambo.
9 Nang magkagayo'y sinukat niya ang portiko sa pintuang-daan, walong siko; at ang mga haligi niyaon, dalawang siko; at ang portiko sa pintuang-daan ay nasa dako ng bahay.
10 At ang mga silid ng bantay ng pintuang-daan sa dakong silanganan ay tatlo sa dakong ito, at tatlo sa dakong yaon; ang tatlo ay iisang sukat: at ang mga haligi ng pintuan ay iisang sukat sa dakong ito, at sa dakong yaon.
11 At kaniyang sinukat ang luwang ng pasukan ng pintuang-daan, sangpung siko; at ang haba ng pintuang-daan, labing tatlong siko;
12 At ang pagitan sa harap ng mga silid ng bantay, isang siko sa dakong ito, at ang isang pagitan, isang siko sa dakong yaon; at ang mga silid ng bantay, anim na siko sa dakong ito, at anim na siko sa dakong yaon;
13 At kaniyang sinukat ang pintuang-daan mula sa bubungan ng isang silid ng bantayan hanggang sa bubungan ng kabila, may luwang na dalawang pu't limang siko; pintuan sa tapat ng pintuan.
14 Gumawa naman siya ng mga haligi ng pintuan, na anim na pung siko; at ang looban ay hanggang sa haligi, ang pintuang-daan ay sa palibot.
15 At mula sa harap ng pintuang-daan sa pasukan hanggang sa harap ng pinakaloob na portiko sa pintuang-daan ay limang pung siko.
16 At may makikipot na (M)dungawan sa mga silid ng bantay, at sa mga haligi ng mga yaon sa loob ng pintuang-daan sa palibot, at gayon din sa mga hubog; at ang mga dungawan ay nangasa palibot (N)sa dakong loob; at sa bawa't haligi ay may mga (O)puno ng palma.
Ang sukat ng looban sa labas.
17 Nang magkagayo'y dinala niya ako (P)sa loob ng looban sa labas; at, narito, may mga (Q)silid at may isang lapag na ginawa sa palibot ng looban: tatlong pung silid ang nasa lapag.
18 At ang lapag ay nasa tabi ng mga pintuang-daan, ayon sa haba ng mga pintuang-daan, sa makatuwid baga'y ang lalong mababang lapag.
19 Nang magkagayo'y kaniyang sinukat ang luwang mula sa harap ng lalong mababang pintuang-daan hanggang sa harap ng pinakaloob na looban sa may labas, na isang daang siko, sa dakong silanganan at gayon din sa dakong hilagaan.
20 At ang pintuang-daan ng looban sa labas na nakaharap sa dakong hilagaan, kaniyang sinukat ang haba niyaon at ang luwang niyaon.
21 At ang mga silid ng bantay niyaon ay tatlo sa dakong ito at tatlo sa dakong yaon; at ang mga haligi niyaon at ang mga hubog niyaon ay ayon sa sukat ng unang pintuang-daan: ang haba niyaon ay limang pung siko, at ang luwang ay dalawang pu't limang siko.
22 At ang mga dungawan niyaon, at ang mga hubog niyaon, at ang mga puno ng palma niyaon ay ayon sa sukat ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan; at kanilang sinampa ng pitong baytang; at ang mga hubog niyaon ay nangasa harap nila.
23 At may pintuang-daan sa lalong loob na looban sa tapat ng kabilang pintuang-daan, sa dakong hilagaan at gayon din sa dakong silanganan; (R)at kaniyang sinukat mula sa pintuang-daan hanggang sa pintuang-daan na isang daang siko.
24 At dinala niya ako sa dakong timugan; at, narito, ang isang pintuang-daan sa dakong timugan: at kaniyang sinukat ang mga haligi niyaon, at ang mga hubog niyaon ayon sa mga sukat na ito.
25 At may mga dungawan doon at sa mga hubog niyaon sa palibot, gaya ng mga dungawang yaon: ang haba ay limang pung siko, at ang luwang ay dalawang pu't limang siko.
26 At may pitong baytang na sampahan, at ang mga hubog niyaon ay nangasa harap ng mga yaon; at may mga puno ng palma; sa dakong ito, at isa sa dakong yaon, sa mga haligi niyaon.
27 At may pintuang-daan sa lalong loob na looban sa dakong timugan: at kaniyang sinukat mula sa pintuang-daan hanggang sa pintuang-daan sa dakong timugan na isang daang siko.
Ang sukat ng lalong loob na looban.
28 Nang magkagayo'y dinala niya ako sa lalong loob na (S)looban sa tabi ng pintuang-daan sa timugan: at kaniyang sinukat ang pintuang-daang timugan ayon sa mga sukat ding ito;
29 At ang mga silid ng bantay niyaon, at ang mga hubog niyaon, ay ayon sa mga sukat na ito: at may mga dungawan yaon, at gayon din sa mga hubog niyaon sa palibot; may limang pung siko ang haba, at dalawang pu't limang siko ang luwang.
30 At may mga hubog sa palibot, na dalawang pu't limang siko ang haba, at limang siko ang luwang.
31 At ang mga hubog niyaon ay nangasa dako ng looban sa labas; at mga puno ng palma ang nangasa mga haligi niyaon: at ang sampahan ay may walong baytang.
32 At dinala niya ako sa lalong loob na looban sa dakong silanganan; at sinukat niya ang pintuang-daan ayon sa mga sukat na ito.
33 At ang mga silid ng bantay niyaon, at ang mga haligi niyaon, at ang mga hubog niyaon, ayon sa mga sukat na ito: at may mga dungawan sa loob at sa mga hubog niyaon sa palibot: may limang pung siko ang haba, at dalawang pu't limang siko ang luwang.
34 At ang mga hubog niyaon ay nangasa dako ng looban sa labas; at mga puno ng palma ang nangasa mga haligi niyaon, sa dakong ito, at sa dakong yaon: at ang sampahan ay may walong baytang.
35 At dinala niya ako sa pintuang-daang hilagaan: at sinukat niya ayon sa mga sukat na ito;
36 Ang mga silid ng bantay niyaon, ang mga haligi niyaon, at ang mga hubog niyaon: at may mga dungawan sa loob sa palibot; ang haba ay limang pung siko, at ang luwang ay dalawang pu't limang siko.
37 At ang mga haligi niyaon ay nangasa dako ng looban sa labas; at mga puno ng palma ang nangasa haligi niyaon, sa dakong ito, at sa dakong yaon: at ang sampahan ay may walong baytang.
Ang mga dulang at silid sa mga paghahandog.
38 At isang silid na may pintuan ay nasa tabi ng mga haligi sa mga pintuang-daan; (T)doon sila naghugas (U)ng handog na susunugin.
39 At sa portiko ng pintuang-daan ay may dalawang dulang sa dakong ito, at dalawang dulang sa dakong yaon, upang patayin doon (V)ang handog na susunugin, at ang (W)handog dahil sa kasalanan at ang (X)handog dahil sa pagkakasala.
40 At sa isang dako sa labas na gaya ng kung sasampa sa pasukan ng pintuang-daan sa dakong hilagaan ay may dalawang dulang; at sa kabilang dako, na ukol sa portiko ng pintuang-daan, ay may dalawang dulang.
41 Apat na dulang sa dakong ito, at apat na dulang sa dakong yaon sa tabi ng pintuang-daan; walong dulang ang kanilang pinagpatayan ng mga hain.
42 At may apat na dulang na ukol sa handog na susunugin, na batong tinabas, na isang siko at kalahati ang haba, at isang siko at kalahati ang luwang, at isang siko ang taas; na kanilang pinaglapagan ng mga kasangkapan na kanilang ipinagpatay sa handog na susunugin at sa hain.
43 At ang mga pangipit na may isang lapad ng kamay ang haba, ay natitibayan sa loob sa palibot; at nasa ibabaw ng mga dulang ang laman na alay.
Ang silid para sa mga saserdote.
44 At sa labas ng lalong loob na pintuang-daan (Y)ay may mga silid na ukol sa mga mangaawit sa lalong loob na looban, na nasa tabi ng pintuang-daang hilagaan; at mga nakaharap sa timugan; isa sa dako ng silanganang daan na nahaharap sa dakong hilagaan.
45 At kaniyang sinabi sa akin, Ang silid na ito na nakaharap sa dakong timugan, ay sa mga saserdote, (Z)sa mga namamahala sa bahay;
46 At ang silid na nakaharap sa dakong hilagaan ay sa mga saserdote, (AA)na mga namamahala sa dambana: (AB)ang mga ito ay (AC)mga anak ni Sadoc, (AD)na sa mga anak ni Levi ay nagsilapit sa Panginoon upang magsipangasiwa sa kaniya.
47 At sinukat niya ang looban na isang daang siko ang haba, at isang daang siko ang luwang, parisukat; at ang dambana ay nasa harap ng bahay.
Ang portiko.
48 Nang magkagayo'y dinala niya ako sa portiko ng bahay, at sinukat niya ang bawa't haligi ng portiko na limang siko sa dakong ito, at limang siko sa dakong yaon: at ang luwang ng pintuang-daan ay tatlong siko sa dakong ito, at tatlong siko sa dakong yaon.
49 Ang haba ng portiko ay (AE)dalawang pung siko, at ang luwang ay labing isang siko: kahit sa pamamagitan ng mga baytang na kanilang sinampahan: at may (AF)mga haligi, isa sa dakong ito, at isa sa dakong yaon.
Ang katatagan ng nagtitiwala sa Panginoon.
91 Siyang (A)tumatahan sa lihim na dako ng Kataastaasan.
Ay mananatili (B)sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat.
2 Aking sasabihin tungkol sa Panginoon, Siya'y aking kanlungan at aking katibayan,
Ang Dios ko na (C)siyang aking tinitiwalaan.
3 Sapagka't kaniyang ililigtas (D)ka sa silo ng paninilo,
At sa mapamuksang salot.
4 Kaniyang tatakpan ka (E)ng kaniyang mga bagwis,
At sa (F)ilalim ng kaniyang mga pakpak ay manganganlong ka:
Ang kaniyang katotohanan (G)ay kalasag at baluti.
5 (H)Ikaw ay hindi matatakot sa kakilabutan sa gabi,
Ni sa pana man na humihilagpos kung araw;
6 Dahil sa salot na dumarating sa kadiliman,
(I)Ni dahil sa paggiba man na sumisira sa katanghaliang tapat.
7 Isang libo ay mabubuwal sa iyong siping,
At sangpung libo sa iyong kanan;
Nguni't hindi lalapit sa iyo.
8 (J)Iyong mamamasdan lamang ng iyong mga mata,
At iyong makikita ang ganti sa masama.
9 Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay aking kanlungan!
Iyong ginawa ang Kataastaasan na (K)iyong tahanan;
10 Walang kasamaang mangyayari sa iyo,
Ni anomang salot ay lalapit sa iyong tolda.
11 (L)Sapagka't siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo,
Upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad.
12 Kanilang dadalhin ka sa kanilang mga kamay,
(M)Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.
13 Iyong yayapakan ang leon at ang ulupong:
Ang batang leon at ang ahas (N)ay yuyurakan mo ng iyong mga paa.
14 Sapagka't kaniyang inilagak ang kaniyang pagibig sa akin, kaya't iniligtas ko siya:
Aking ilalagay siya sa mataas, sapagka't (O)kaniyang naalaman ang pangalan ko.
15 Siya'y tatawag sa akin, at sasagutin ko siya;
Ako'y (P)sasa kaniya sa kabagabagan:
Aking ililigtas siya, at pararangalan (Q)siya.
16 Aking bubusugin siya (R)ng mahabang buhay,
At ipakikita ko sa kaniya ang aking pagliligtas.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978