Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
1 Mga Hari 6

Ang pagtatayo ng templo.

At nangyari (A)nang ikaapat na raan at walong pung taon pagkatapos na ang mga anak ni Israel ay nangakalabas sa lupain ng Egipto, nang ikaapat na taon ng paghahari ni Salomon sa Israel, nang buwan ng Ziph, na ikalawang (B)buwan, na kaniyang pinasimulang itinayo ang bahay ng Panginoon.

(C)At ang bahay na itinayo ng haring Salomon ukol sa Panginoon, ang haba niyao'y anim na pung siko, at ang luwang ay dalawang pung siko, at ang taas ay tatlong pung siko.

At ang portiko sa harap ng templo ng bahay, may dalawang pung siko ang haba, ayon sa luwang ng bahay; at sangpung siko ang luwang niyaon sa harap ng bahay.

At iginawa ang bahay ng mga dungawan na (D)may silahia.

At sa karatig ng pader ng bahay ay naglagay siya ng mga grado sa palibot, sa siping ng mga pader ng bahay sa palibot ng templo at gayon din sa (E)sanggunian: at siya'y gumawa ng mga silid sa tagiliran (F)sa palibot:

Ang kababababaan ay may limang siko ang luwang, at ang pangalawang grado ay may anim na siko ang luwang, at ang ikatlo ay may pitong siko ang luwang: sapagka't siya'y gumawa ng mga tungtungan sa labas ng bahay sa palibot, upang ang mga sikang ay huwag kumapit sa mga pader ng bahay.

At ang bahay, nang ginagawa, ay ginawa na mga bato na inihanda sa tibagan ng bato: (G)at wala kahit pamukpok o palakol man, o anomang kasangkapang bakal na narinig sa bahay, samantalang itinatayo.

Ang pintuan sa mga kababababaang silid sa tagiliran ay nasa dakong kanan ng bahay: at sa pamamagitan ng isang hagdanang sinuso ay nakapapanhik sa pangalawang grado, at mula sa pangalawang grado ay sa ikatlo.

Gayon itinayo niya ang bahay, at tinapos at binubungan ang bahay ng mga sikang at mga tabla ng sedro.

10 At kaniyang ginawa ang mga grado na karatig ng buong bahay, na bawa't isa'y limang siko ang taas: at kumakapit sa bahay sa pamamagitan ng kahoy na sedro.

Ang tipan ng Dios.

11 At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Salomon, na sinasabi,

12 Tungkol sa bahay na ito na iyong itinatayo, (H)kung ikaw ay lalakad sa aking mga palatuntunan, at gagawin ang aking mga kahatulan, at iingatan ang lahat ng aking mga utos upang lakaran; ay akin ngang pagtitibayin ang aking salita sa iyo, na aking sinalita kay (I)David na iyong ama.

13 At ako'y tatahan (J)sa gitna ng mga anak ni Israel, at hindi ko pababayaan (K)ang aking bayang Israel.

14 Gayon itinayo ni Salomon ang bahay, at (L)tinapos.

15 At kaniyang ginawa ang mga panig sa loob ng bahay na kahoy na sedro; mula sa lapag ng bahay hanggang sa mga panig ng kisame, na kaniyang binalot ng kahoy sa loob; at kaniyang tinakpan ang lapag ng bahay ng tabla na abeto.

16 At siya'y gumawa ng isang silid na dalawang pung siko sa pinakaloob ng bahay, ng tabla na sedro mula sa lapag hanggang sa mga panig sa itaas: na kaniyang ginawa sa loob na ukol sa sanggunian, sa makatuwid baga'y ukol sa (M)kabanalbanalang dako.

17 At ang bahay, sa makatuwid baga'y ang templo sa harap ng sanggunian ay apat na pung siko ang haba.

18 At may mga sedro sa loob ng bahay na inukitan ng kulukuti at mga bukang bulaklak: lahat ay sedro; walang batong makikita.

19 At siya'y naghanda ng isang sanggunian sa gitna ng pinakaloob ng bahay, upang ilagay roon ang kaban ng tipan ng Panginoon.

20 At ang loob ng sanggunian ay may dalawang pung siko ang haba, at dalawang pung siko ang luwang, at dalawang pung siko ang taas: at binalot niya ng taganas na (N)ginto: at binalot niya ng sedro ang dambana.

21 Sa gayo'y binalot ni Salomon ang loob ng bahay ng taganas na ginto: at kaniyang kinanaan ng mga tanikalang ginto ang harapan ng sanggunian; at binalot ng ginto.

22 At binalot ng ginto ang buong bahay, hanggang sa ang bahay ay nayari: gayon din ang buong dambana (O)na nauukol sa sanggunian ay kaniyang binalot ng ginto.

Dalawang querubin sa sanggunian.

23 At sa sanggunian ay gumawa siya ng dalawang querubin (P)na kahoy na olibo, na bawa't isa'y may sangpung siko ang taas.

24 At limang siko ang isang pakpak ng querubin, at limang siko ang kabilang pakpak ng querubin: mula sa dulo ng isang pakpak hanggang sa dulo ng kabila ay sangpung siko.

25 At ang isang querubin ay sangpung siko: ang dalawang querubin ay may isang sukat at isang anyo.

26 Ang taas ng isang querubin ay may sangpung siko, at gayon din ang isang querubin.

27 At kaniyang inilagay ang mga querubin sa pinakaloob ng bahay: at ang mga pakpak ng mga querubin ay nangakabuka (Q)na anopa't ang pakpak ng isa ay dumadaiti sa isang panig, at ang pakpak ng ikalawang querubin ay dumadaiti sa kabilang panig; at ang kanilang mga kabilang pakpak ay nagkakadaiti sa gitna ng bahay.

28 At kaniyang binalot ng ginto ang mga querubin.

Mga ukit sa palibot at sa mga pintuan.

29 At kaniyang inukitan ang lahat na panig ng bahay sa palibot ng mga ukit na larawan ng mga querubin, at ng mga puno ng palma, at ng mga (R)bukang bulaklak, sa loob at sa labas.

30 At ang lapag ng bahay ay binalot niya ng ginto, sa loob at sa labas.

31 At sa pasukan ng sanggunian, siya'y gumawa ng mga pintuan na kahoy na olibo: ang itaas ng pintuan at ang mga haligi niyaon ay ikalimang bahagi ng panig ang laki.

32 Sa gayo'y gumawa siya ng dalawang pinto na kahoy na olibo; at kaniyang inukitan ng mga ukit na mga querubin, at mga puno ng palma, at mga bukang bulaklak, at binalot niya ng ginto; at kaniyang ikinalat ang ginto sa mga querubin, at sa mga puno ng palma,

33 Sa gayo'y gumawa naman siya sa pasukan ng templo ng mga haligi ng pintuan na kahoy na olibo, sa ikaapat na bahagi ng panig;

34 At dalawang pinto na kahoy na abeto; ang dalawang pohas ng isang pinto ay (S)naititiklop, at ang dalawang pohas ng kabilang pinto ay naititiklop.

35 At kaniyang pinagukitan ng mga querubin, at mga puno ng palma, at mga bukang bulaklak; at binalot niya ng ginto na kapit sa mga ukit na gawa.

36 At kaniyang ginawa ang loob na looban, (T)na tatlong hanay na batong tabas, at isang hanay na sikang na kahoy na sedro.

37 Nang ikaapat na taon, (U)sa buwan ng Ziph, inilagay ang mga tatagang-baon ng bahay ng Panginoon.

38 At nang ikalabing isang taon, sa buwan ng Bul, na siyang ikawalong buwan ay nayari ang bahay sa lahat ng bahagi niyaon, at ayon sa buong anyo niyaon. Na anopa't pitong taong ginawa.

Efeso 3

Dahil dito, akong si Pablo, na bilanggo ni Cristo Jesus dahil sa inyong mga Gentil,—

Kung tunay na inyong narinig (A)yaong pagiging katiwala sa biyaya ng Dios na sa akin ay ibinigay sa ikagagaling ninyo;

(B)Kung paanong sa pahayag ay ipinakilala (C)sa akin ang hiwaga, (D)gaya ng isinulat ko nang una sa ilang salita.

Sa pamamagitan niyaon, sa pagbasa ninyo, ay inyong mapagtatalastas ang aking pagkakilala (E)sa hiwaga ni Cristo;

Na nang ibang panahon ay hindi ipinakilala sa mga anak ng mga tao, na (F)gaya ngayon na ipinahayag sa kaniyang mga banal na apostol at propeta sa Espiritu;

Na ang mga Gentil (G)ay mga tagapagmana, at mga (H)kasangkap ng katawan, at mga may bahagi sa pangako na kay Cristo Jesus sa pamamagitan ng evangelio,

(I)Na dito'y ginawa akong ministro, ayon sa kaloob ng biyayang yaon ng Dios na sa akin ay ibinigay (J)ayon sa paggawa ng kaniyang kapangyarihan.

Sa akin, na ako (K)ang kababababaan sa lahat ng lalong mababa sa mga banal, ay ibinigay ang biyayang ito, upang ipangaral sa mga Gentil ang mga di malirip na mga (L)kayamanan ni Cristo;

At (M)maipakita sa lahat ng mga tao kung ano ang pagiging katiwala sa hiwaga na sa lahat ng panahon ay inilihim ng Dios (N)na lumalang ng lahat ng mga bagay;

10 Upang ngayo'y sa pamamagitan ng iglesia, ay maipakikilala sa mga pamunuan at sa (O)mga kapangyarihan (P)sa sangkalangitan ang kapuspusan ng karunungan ng Dios,

11 (Q)Ayon sa panukalang walang hanggan na ipinanukala kay Cristo Jesus na Panginoon natin:

12 Na sa kaniya'y mayroon tayong lakas ng loob at (R)pagpasok (S)na may pagasa sa pamamagitan (T)ng ating pananampalataya sa kaniya.

13 Kaya nga ipinamamanhik ko (U)na huwag kayong manglupaypay sa mga kapighatian ko dahil sa inyo, (V)na pawang kapurihan ninyo.

14 (W)Dahil dito (X)ay iniluluhod ko ang aking mga tuhod sa Ama,

15 Na sa kaniya'y kumukuha ng pangalan (Y)ang bawa't sangbahayan sa langit at sa lupa,

16 Upang sa inyo'y ipagkaloob niya, ayon sa mga (Z)kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian, (AA)na kayo'y palakasin ng kapangyarihan sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu sa pagkataong loob;

17 Na si Cristo ay manahan sa inyong mga puso (AB)sa pamamagitan ng pananampalataya; upang (AC)kung kayo'y magugat at magtumibay sa pagibig.

18 Ay lumakas upang matalastas pati ng lahat ng mga banal kung ano ang luwang at ang haba at ang taas at lalim,

19 At makilala ang pagibig ni Cristo na di masayod ng kaalaman, upang kayo'y (AD)mangapuspos hanggang sa buong kapuspusan ng Dios.

20 Ngayon sa makapangyarihang (AE)gumawa ng lubhang sagana ng higit sa lahat ng ating hinihingi o iniisip, (AF)ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin,

21 Ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian sa iglesia at kay Cristo Jesus sa buong panahon magpakailan man. Siya nawa.

Ezekiel 36

Ang mga bundok ng Israel ay pagpapalain.

36 At ikaw, anak ng tao, (A)manghula ka laban sa mga bundok ng Israel, at sabihin mo, Kayong mga bundok ng Israel, pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon.

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: sapagka't sinabi (B)ng kaaway sa inyo, Aha! (C)at, Ang dating mga mataas na dako (D)ay aming pagaari;

Kaya't manghula ka, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't, sa makatuwid baga'y sapagka't kanilang ginawang sira kayo, at nadaig kayo sa lahat ng dako, upang kayo'y maging pagaari ng nalabi sa mga bansa, (E)at kayo'y nabanggit ng mga labi ng mga mangdadaldal, at masamang ulat ng bayan;

Kaya't kayong mga bundok ng Israel, inyong pakinggan ang salita ng Panginoong Dios: Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga bundok at sa mga burol, sa mga daan ng tubig at sa mga libis, sa mga sirang dako at sa mga bayan na nangapabayaan, na mga naging samsam at (F)kakutyaan na nalabi sa mga bansa na nangasa palibot;

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Tunay na sa silakbo ng aking paninibugho ay (G)nagsalita ako laban sa nalabi sa mga bansa, at laban sa buong Edom, na nagtakda ng aking lupain sa kanilang sarili na pagaari na may kagalakan ng buo nilang puso, na may samá ng loob, upang ihagis na pinakasamsam.

Kaya't manghula ka tungkol sa lupain ng Israel, at sabihin mo sa mga bundok at sa mga burol, sa mga daan ng tubig at sa mga libis, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y nagsalita sa aking paninibugho at sa aking kapusukan, sapagka't (H)inyong tinaglay ang kahihiyan ng mga bansa.

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Aking itinaas ang aking kamay, (I)na aking sinasabi, Tunay na ang mga bansa na nangasa palibot ninyo, mangagtataglay sila ng malaking kahihiyan.

Nguni't, kayo, Oh mga bundok ng Israel, inyong isusupling ang inyong mga (J)sanga, at magbubunga sa aking bayang Israel; sapagka't sila'y (K)malapit nang dumating.

Sapagka't, narito, ako'y sa inyo, at ako'y babalik sa inyo, at kayo'y mabubukid at mahahasikan;

10 At ako'y magpaparami ng mga tao sa inyo, buong sangbahayan ni Israel, sa makatuwid baga'y siyang lahat; at (L)ang mga bayan ay tatahanan, at ang mga sirang dako ay (M)mangatatayo;

11 At ako'y magpaparami sa inyo ng tao at hayop; at sila'y magsisidami at mangagkakaanak: at aking patatahanin kayo (N)ayon sa inyong dating kalagayan, at gagawan ko kayo ng magaling kay sa una: at inyong malalaman na ako ang Panginoon.

12 Oo, aking palalakarin sa inyo ang mga tao, sa makatuwid baga'y ang aking bayang Israel; at kanilang aariin ka, at ikaw ay magiging kanilang mana, at hindi mo na sila wawalaan ng mga anak.

13 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't kanilang sinasabi sa iyo, Ikaw na lupain ay manglalamon nga ng mga tao, at naging (O)mapagpahirap sa iyong bansa;

14 Kaya't hindi ka na manglalamon pa ng mga tao o papatay pa man sa iyong bansa, sabi ng Panginoong Dios;

15 O iparirinig ko pa man sa iyo ang kahihiyan ng mga bansa, o magtataglay ka pa man ng kakutyaan ng mga bayan, o ititisod mo pa man ang iyong bansa, sabi ng Panginoong Dios.

16 Bukod dito'y dumating sa akin ang salita ng Panginoon, na nagsasabi,

17 Anak ng tao, nang tumatahan ang sangbahayan ni Israel sa kanilang sariling lupain, kanilang (P)inihawa ng kanilang lakad at ng kanilang mga gawa: ang kanilang lakad sa harap ko ay naging parang (Q)karumihan ng babae sa kaniyang kapanahunan.

18 Kaya't aking ibinugso ang aking kapusukan sa kanila (R)dahil sa dugo na kanilang ibinubo sa lupain, at dahil sa kanilang nilapastangan ng kanilang mga diosdiosan;

19 At aking pinangalat sila sa mga bansa, at sila'y nagsipanabog sa mga lupain: ayon sa kanilang lakad at ayon sa kanilang mga gawa ay hinatulan ko sila.

20 At nang sila'y dumating sa mga bansa, na kanilang (S)pinaroonan, kanilang nilapastangan ang aking banal na pangalan; sa pagsasabi ng mga tao tungkol sa kanila, Ang mga ito ay bayan ng Panginoon, at nagsilabas sa kaniyang lupain.

21 Nguni't iginalang ko (T)ang aking banal na pangalan, na nilapastangan ng sangbahayan ni Israel sa mga bansa na kanilang pinaroonan.

Ang Israel ay babaguhin alangalang sa Panginoon.

22 Kaya't sabihin mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios; (U)Hindi ko ginawa ito dahil sa inyo, Oh sangbahayan ni Israel, (V)kundi dahil sa aking banal na pangalan, na inyong nilapastangan sa mga bansa na inyong pinaroonan.

23 At aking babanalin ang aking dakilang pangalan, na nalapastangan sa mga bansa, na inyong nilapastangan sa gitna nila; at malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon, sabi ng Panginoong Dios, pagka ako'y (W)aariing banal sa inyo sa harap ng kanilang mga mata.

24 Sapagka't aking kukunin (X)kayo sa mga bansa, at pipisanin ko kayo na mula sa lahat ng lupain, at dadalhin ko kayo sa inyong sariling lupain.

25 At (Y)ako'y magwiwisik ng malinis na tubig sa inyo, at kayo'y magiging malinis: sa buo ninyong karumihan, at sa lahat ninyong mga diosdiosan, lilinisin ko kayo.

26 Bibigyan ko rin naman kayo ng bagong (Z)puso, at lalagyan ko ang loob ninyo ng bagong diwa; at (AA)aking aalisin ang batong puso sa inyong katawan, at aking bibigyan kayo ng pusong laman.

27 At (AB)aking ilalagay ang aking Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin ko kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan, at inyong iingatan ang aking mga kahatulan, at isasagawa.

28 At kayo'y magsisitahan sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga magulang; at (AC)kayo'y magiging aking bayan, at ako'y magiging inyong Dios.

29 At lilinisin ko kayo sa lahat ninyong karumihan: at aking patutubuin ang trigo, at aking pararamihin, at hindi na ako magpaparating ng kagutom sa inyo.

30 At aking pararamihin ang bunga ng punong kahoy, at ang ani sa bukid, upang huwag na kayong tumanggap pa ng kadustaan ng kagutom sa mga bansa.

31 (AD)Kung magkagayo'y inyong maaalaala ang inyong mga masamang lakad, at ang inyong mga gawa na hindi mabuti; at (AE)kayo'y mayayamot sa inyong sarili sa inyong paninging sarili, dahil sa inyong mga kasamaan at dahil sa inyong mga kasuklamsuklam.

32 Hindi dahil sa inyo ginagawa ko (AF)ito, sabi ng Panginoong Dios, tantuin ninyo: kayo'y mangahiya at mangalito dahil sa inyong mga lakad, Oh sangbahayan ni Israel.

33 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa araw na aking linisin kayo sa lahat ninyong kasamaan, aking patatahanan ang mga bayan, at ang mga gibang dako ay mangatatayo.

34 At ang lupain na naging sira ay mabubukid, na naging sira sa paningin ng lahat na nangagdaraan.

35 At kanilang sasabihin, Ang lupaing ito na naging sira ay naging gaya ng (AG)halamanan ng Eden; at ang sira at giba at wasak na mga bayan ay nakukutaan at tinatahanan.

36 (AH)Kung magkagayo'y malalaman ng mga bansa na nalabi sa palibot ninyo na akong Panginoon ay nagtayo ng mga guhong dako, at tinamnan ko ang dakong sira: (AI)akong Panginoon ang nagsalita, at aking gagawin.

37 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: (AJ)Bukod dito pa'y pagsasanggunian ako ng sangbahayan ni Israel, upang gawin sa kanila; ako'y magpaparami sa kanila ng tao na parang kawan.

38 Kung paano ang kawan na panghain, kung paano ang kawan ng Jerusalem sa kanilang mga takdang kapistahan, gayon mapupuno ang mga gibang bayan ng mga kawan ng mga tao: at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.

Mga Awit 86

Dalangin ni David.

86 Ikiling mo ang iyong pakinig, Oh Panginoon, at sagutin mo ako;
Sapagka't (A)ako'y dukha at mapagkailangan.
Ingatan mo ang aking kaluluwa; (B)sapagka't ako'y banal:
Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo.
(C)Maawa ka sa akin, Oh Panginoon,
Sapagka't sa iyo'y dumadaing ako buong araw.
Bigyan mong galak ang kaluluwa ng iyong lingkod;
(D)Sapagka't sa iyo, Oh Panginoon, itinataas ko ang aking kaluluwa.
Sapagka't ikaw, Panginoon, ay mabuti, at mapagpatawad,
At (E)sagana sa kagandahang-loob sa lahat na tumatawag sa iyo.
(F)Dinggin mo, Oh Panginoon, ang aking dalangin;
At pakinggan mo ang tinig ng aking mga pananaing.
(G)Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay tatawag ako sa iyo;
Sapagka't iyong sasagutin ako.
Walang gaya mo sa gitna ng mga dios, (H)Oh Panginoon;
Wala mang mga gawang gaya ng iyong mga gawa.
(I)Lahat ng mga bansa na iyong nilalang ay magsisiparito, at magsisisamba sa harap mo, Oh Panginoon;
At kanilang luluwalhatiin ang iyong pangalan.
10 Sapagka't ikaw ay dakila, at gumagawa ng kagilagilalas na mga bagay:
(J)Ikaw na magisa ang Dios.
11 (K)Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon; (L)lalakad ako sa iyong katotohanan:
Ilakip mo ang aking puso sa pagkatakot sa iyong pangalan.
12 Pupurihin kita, Oh Panginoon kong Dios ng aking buong puso;
At luluwalhatiin ko ang iyong pangalan magpakailan man.
13 Sapagka't dakila ang iyong kagandahang-loob sa akin;
At iyong (M)iniligtas ang aking kaluluwa sa pinakamalalim na Sheol.
14 Oh Dios, (N)ang palalo ay bumangon laban sa akin,
At ang kapisanan ng mga marahas na tao ay umusig ng aking kaluluwa,
At hindi inilagay ka sa harap nila.
15 (O)Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay Dios na puspos ng kahabagan at mapagbiyaya,
Banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob at katotohanan.
16 (P)Oh bumalik ka sa akin, at maawa ka sa akin;
Ibigay mo ang lakas mo sa (Q)iyong lingkod.
At iligtas mo ang anak ng iyong lingkod na babae.
17 Pagpakitaan mo ako ng tanda (R)sa ikabubuti:
Upang mangakita nilang nangagtatanim sa akin, at mangapahiya,
Sapagka't ikaw, Panginoon, ay tumulong sa akin, at umaliw sa akin.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978