Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
1 Mga Hari 14

Ang hula ni Ahias laban kay Jeroboam.

14 Nang panahong yaon si Abias na anak ni Jeroboam ay nagkasakit.

At sinabi ni Jeroboam sa kaniyang asawa, Bumangon ka, isinasamo ko sa iyo at magpakunwari kang iba upang huwag kang makilala na asawa ni Jeroboam; at pumaroon ka sa Silo; narito, naroon si Ahias na propeta na nagsalita tungkol sa akin, na ako'y (A)magiging hari sa bayang ito.

(B)At magdala ka ng sangpung tinapay, at mga munting tinapay, at isang bangang pulot, at paroon ka sa kaniya: kaniyang sasaysayin sa iyo kung ano ang mangyayari sa bata.

At ginawang gayon ng asawa ni Jeroboam at bumangon, at naparoon sa Silo, at naparoon sa bahay ni Ahias. Si Ahias nga ay di na makakita; sapagka't ang kaniyang mga mata'y malabo na, dahil sa kaniyang gulang.

At sinabi ng Panginoon kay Ahias, Narito, ang asawa ni Jeroboam ay naparirito na tinatanong ka tungkol sa kaniyang anak; sapagka't siya'y may sakit: ganito't ganito ang iyong sasabihin sa kaniya: sapagka't mangyayari, pagka siya'y pumasok, na siya'y magpapakunwari na ibang babae.

At nagkagayon, nang marinig ni Ahias ang ingay ng kaniyang mga paa, pagpasok niya sa pintuan, na sinabi niya, Pumasok ka, ikaw, na asawa ni Jeroboam; bakit ka nagpapakunwaring iba? sapagka't ako'y sinugo sa iyo na may masamang balita.

Ikaw ay yumaon na saysayin mo kay Jeroboam, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, (C)Yamang kita'y itinaas sa gitna ng bayan, at ginawa kitang pangulo sa aking bayang Israel,

(D)At inagaw ang kaharian mula sa sangbahayan ni David, at ibinigay sa iyo: at gayon ma'y ikaw ay hindi naging gaya ng lingkod kong si David, (E)na nagingat ng aking mga utos, at sumunod sa akin ng kaniyang buong puso, upang gawin ang matuwid lamang sa harap ng aking mga mata;

Kundi ikaw ay gumawa ng masama na higit kay sa lahat ng nauna sa iyo, (F)at ikaw ay yumaon, at gumawa ka sa ganang iyo ng mga ibang dios, at mga larawang (G)binubo upang mungkahiin mo ako sa galit, at inihagis mo (H)ako sa iyong likuran;

10 Kaya't, narito (I)ako'y magdadala ng kasamaan sa sangbahayan ni Jeroboam, at aking ihihiwalay kay Jeroboam ang bawa't lalake (J)ang nakukulong, at ang naiwan sa kaluwangan sa Israel, at aking lubos na (K)papalisin ang sangbahayan ni Jeroboam, kung paanong pinapalis ng isang tao ang dumi, hanggang sa mapaalis.

11 (L)Ang mamatay kay Jeroboam sa bayan ay kakanin ng mga aso; at ang mamatay sa parang ay kakanin ng mga ibon sa himpapawid: sapagka't sinalita ng Panginoon.

12 Tumindig ka nga, umuwi ka sa iyong bahay: pagpasok ng iyong mga paa sa bayan ay mamamatay ang bata.

13 At tatangisan siya ng buong Israel, at ililibing siya; sapagka't siya lamang ang kay Jeroboam na darating sa libingan: sapagka't siya'y kinasumpungan sa sangbahayan ni Jeroboam, ng bagay na mabuti sa Panginoon, sa Dios ng Israel.

14 (M)Bukod dito'y magtitindig ang Panginoon ng isang hari sa Israel, na siyang maghihiwalay ng sangbahayan ni Jeroboam sa araw na yaon; nguni't ano? ngayon din.

15 Sapagka't sasaktan ng Panginoon ang Israel ng gaya ng isang tambo na gumagalaw sa tubig; at (N)kaniyang bubunutin ang Israel dito sa (O)mabuting lupa na ibinigay sa kanilang mga magulang, at pangangalatin sila (P)sa dako roon ng ilog; (Q)dahil sa kanilang ginawa ang kanilang mga Asera, na minungkahi ang Panginoon sa galit.

16 At kaniyang pababayaan ang Israel dahil sa mga kasalanan ni Jeroboam, (R)na kaniyang ipinagkasala, at ipinapagkasala sa Israel.

17 At ang asawa ni Jeroboam ay tumindig, at yumaon, at naparoon sa (S)Thirsa: at pagpasok niya sa pasukan ng bahay, ang bata'y namatay.

18 At inilibing siya ng buong Israel, at tinangisan siya; ayon sa salita ng Panginoon na kaniyang sinalita sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na si Ahias na propeta.

19 At ang iba sa mga gawa ni Jeroboam (T)kung paanong siya'y nakidigma, at kung paanong siya'y naghari, narito, nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel.

20 At ang mga araw na ipinaghari ni Jeroboam ay dalawang pu't dalawang taon: at siya'y natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at si Nadab na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

Si Roboam ay naghari sa Juda.

21 At si Roboam na anak ni Salomon ay naghari sa Juda. Si (U)Roboam ay apat na pu't isang taon nang siya'y magpasimulang maghari, at siya'y naghari na labing pitong taon sa Jerusalem, na bayan (V)na pinili ng Panginoon sa lahat ng mga lipi ng Israel, upang ilagay ang kaniyang pangalan doon: (W)at ang pangalan ng kaniyang ina ay Naama na Ammonita.

22 (X)At gumawa ang Juda ng masama sa paningin ng Panginoon, at (Y)kanilang minungkahi siya sa paninibugho sa pamamagitan ng kanilang mga kasalanan na kanilang nagawa, na higit kay sa lahat na ginawa ng kanilang mga magulang,

23 Sapagka't sila'y nagsipagtayo naman para sa kanila ng mga (Z)mataas na dako, at ng mga haligi, at ng mga Asera, sa bawa't mataas na burol, at sa (AA)ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy;

24 (AB)At nagkaroon din naman ng mga sodomita ang lupain: sila'y nagsigawa ng ayon sa lahat na karumaldumal ng mga bansa na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ng Israel.

25 At nangyari, nang ikalimang taon ng haring Roboam, na si (AC)Sisac na hari sa Egipto ay umahon laban sa Jerusalem:

26 (AD)At kaniyang dinala ang mga kayamanan ng bahay ng Panginoon, at ang mga kayamanan ng bahay ng hari; kaniya ngang dinalang lahat: at kaniyang dinala ang lahat na kalasag na ginto (AE)na ginawa ni Salomon.

27 At ang haring Roboam ay gumawa ng mga kalasag na tanso na kahalili ng mga yaon, at ipinagkatiwala sa mga kamay ng mga punong kawal na bantay, na nagiingat ng pintuan ng bahay ng hari.

28 At nangyari, na pagka nanasok ang hari sa bahay ng Panginoon, ay dinadala ng bantay, at ibinabalik sa silid ng bantay.

29 (AF)Ang iba nga sa mga gawa ni Roboam at ang lahat na bagay na kaniyang ginawa, hindi ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?

30 At nagkaroong palagi ng (AG)pagdidigmaan si Roboam at si Jeroboam.

31 At si Roboam ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David: (AH)at ang pangalan ng kaniyang ina ay Naama na Ammonita. At si (AI)Abiam na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

Colosas 1

Si Pablo, na (A)apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at ang (B)kapatid nating si Timoteo,

Sa mga banal at tapat na mga kapatid kay Cristo, na nangasa sa Colosas: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama.

Nagpapasalamat kami (C)sa Dios, na Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na kayo'y laging idinadalangin,

Nang nabalitaan namin ng inyong pananampalataya kay Cristo Jesus, at ang pagibig ninyo sa lahat ng mga banal,

Dahil sa pagasa (D)na natataan para sa inyo sa langit, na nang una ay inyong narinig sa (E)salita ng katotohanan ng evangelio,

Na ito'y dumating sa inyo; (F)gayon din naman kung paano sa buong sanglibutan na namumunga at lumalaganap, gaya rin naman sa inyo, mula nang araw na inyong marinig at maalaman (G)ang biyaya ng Dios sa katotohanan;

Ayon sa inyong natutuhan kay (H)Epafras na aming minamahal na kasamang lingkod, na isang tapat na ministro ni Cristo, sa ganang atin;

Na siya rin namang sa amin ay nagbalita ng inyong (I)pagibig sa Espiritu.

Dahil dito'y kami naman, mula nang araw na aming marinig ito, ay hindi kami nagsisitigil ng pananalangin at ng paghingi na patungkol sa inyo, upang kayo'y puspusin ng kaalaman ng kaniyang kalooban, sa buong karunungan at pagkaunawa ayon sa espiritu,

10 Upang kayo'y magsilakad ng nararapat sa Panginoon, (J)sa buong ikalulugod niya, at magsipamunga sa bawa't gawang mabuti, at magsilago sa kaalaman ng Dios;

11 Na kayo'y palakasin ng buong (K)kapangyarihan, ayon sa kalakasan ng kaniyang kaluwalhatian, sa buong pagtitiis at pagpapahinuhod na may galak;

12 (L)Na nagpapasalamat sa Ama, na nagpaging dapat sa atin upang makabahagi sa mana ng mga banal sa kaliwanagan;

13 Na siyang nagligtas sa atin sa (M)kapangyarihan ng kadiliman, at naglipat sa atin sa kaharian ng Anak ng kaniyang pagibig;

14 Na siyang kinaroroonan ng ating katubusan, na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan:

15 Na (N)siya ang larawan ng (O)Dios na di nakikita, (P)ang panganay ng lahat ng mga nilalang;

16 Sapagka't (Q)sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga (R)pagsakop o mga (S)pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan (T)niya at ukol sa kaniya;

17 At siya'y (U)una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya.

18 At (V)siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang (W)panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.

19 Sapagka't minagaling ng Ama (X)na ang buong kapuspusan ay manahanan sa kaniya;

20 At sa pamamagitan niya ay pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay, na pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus; sa pamamagitan niya, sinasabi ko, (Y)maging mga bagay sa kalupaan, o mga bagay sa sangkalangitan.

21 At kayo, nang nakaraang panahon ay nangahihiwalay at mga kaaway sa inyong pagiisip sa inyong mga gawang masasama.

22 Gayon ma'y pinakipagkasundo niya ngayon (Z)sa katawan ng kaniyang laman, sa pamamagitan ng kamatayan, upang kayo'y iharap na mga banal at walang dungis at walang kapintasan sa harapan niya:

23 Kung tunay na kayo'y mamamalagi sa pananampalataya, na nababaon at matitibay, at di makilos sa (AA)pagasa sa evangelio na inyong narinig, na ipinangaral sa lahat ng mga nilalang sa silong ng langit; (AB)na dito akong si Pablo ay ginawang ministro.

24 (AC)Ngayo'y nagagalak ako sa aking mga hirap dahil sa inyo, at aking pinupunan sa akin (AD)ang kakulangan ng mga hirap ni Cristo sa aking laman dahil sa (AE)kaniyang katawan, na siyang iglesia;

25 Na ako'y ginawang ministro nito, ayon sa (AF)pamamahala na mula sa Dios na ibinigay sa akin para sa inyo upang maipahayag ang salita ng Dios,

26 Maging (AG)ang hiwaga na inilihim sa lahat ng panahon at lahi: datapuwa't ngayo'y ipinahayag sa kaniyang mga banal,

27 (AH)Na sa kanila'y minagaling ng Dios na ipakilala kung ano (AI)ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng hiwagang ito sa gitna ng mga Gentil, na ito'y si Cristo na nasa inyo, (AJ)na pagasa ninyo sa kaluwalhatian:

28 Na siya naming inihahayag, na pinaaalalahanan ang bawa't tao at tinuturuan ang bawa't tao, sa buong karunungan, upang maiharap naming sakdal kay Cristo ang bawa't tao;

29 Na dahil dito'y nagpapagal din naman ako, na nagpipilit ayon sa kaniyang paggawa, na siyang sa akin ay gumagawa na may kapangyarihan.

Ezekiel 44

Ang santuario ay hindi dapat lapastanganin.

44 Nang magkagayo'y ibinalik niya ako (A)sa daan ng pintuan sa labas ng santuario, (B)na nakaharap sa dakong silanganan; at ito'y nasara.

At sinabi ng Panginoon sa akin, Ang pintuang-daang ito ay sasarhan, hindi bubuksan, o papasukan man ng sinoman, (C)sapagka't pinasukan ng Panginoon, ng Dios ng Israel; kaya't ito'y masasara.

Tungkol sa prinsipe, siya'y mauupo roon na pinaka prinsipe upang (D)kumain ng tinapay sa harap ng Panginoon; siya'y papasok sa daan ng portiko ng pintuang-daan, at lalabas sa daan ding yaon.

Nang magkagayo'y dinala niya ako sa daan ng (E)pintuang-daang hilagaan sa harap ng bahay: at ako'y tumingin, at, (F)narito, napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Panginoon: (G)at nasubasob ako.

At ang Panginoon ay nagsabi sa akin, Anak ng tao, tandaan mong mabuti, at masdan mo ng iyong mga mata, at pakinggan mo ng iyong mga pakinig ang lahat na aking sinasabi sa iyo tungkol sa lahat ng alituntunin hinggil sa bahay ng Panginoon, at tungkol sa (H)lahat ng kautusan doon; at tandaan mong mabuti ang pasukan ng bahay sangpu ng bawa't labasan sa santuario.

At iyong sasabihin sa (I)mapanghimagsik, sa makatuwid baga'y sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Oh kayong sangbahayan ni Israel, mangaglikat na kayo sa lahat ninyong kasuklamsuklam,

Sa inyong (J)pagpapasok ng mga taga ibang lupa na hindi tuli sa puso at hindi tuli sa laman, upang malagay sa aking santuario, na lapastanganin yaon, sa makatuwid baga'y ang aking bahay, pagka inyong inihahandog ang (K)aking tinapay, (L)ang taba at ang dugo, at sinira nila ang aking tipan, upang idagdag sa lahat ninyong mga kasuklamsuklam.

At hindi ninyo iningatan ang katungkulan sa aking mga banal na bagay; kundi kayo'y (M)nangaglagay ng mga tagapangasiwa sa aking santuario sa ganang inyong sarili.

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Walang taga ibang lupa, na hindi tuli sa puso at hindi tuli sa laman na papasok sa aking santuario, kahit sinomang taga ibang lupa na nasa gitna ng mga anak ni Israel.

10 Nguni't ang mga Levita (N)na nagsilayo sa akin nang ang Israel ay maligaw sa akin sa pagsunod sa kanilang mga diosdiosan; mangagdadanas sila ng kanilang kasamaan.

11 Gayon ma'y magiging tagapangasiwa sila sa aking santuario, na sila ang mamamahala sa mga pintuang-daan ng bahay, at (O)magsisipangasiwa sa bahay: kanilang papatayin ang handog na susunugin at ang hain para sa bayan, at (P)sila'y magsisitayo sa harap ng mga yaon upang pangasiwaan nila.

12 Sapagka't kanilang pinangasiwaan sila sa harap ng kanilang mga diosdiosan, at naging ikatitisod sila sa ikasasama ng sangbahayan ni Israel; kaya't itinaas ko ang aking kamay laban sa kanila, sabi ng Panginoong Dios, at dadanasin nila ang kanilang kasamaan.

13 At hindi sila magsisilapit (Q)sa akin upang magsagawa ng katungkulan ng saserdote sa akin, o magsisilapit man sa alin man sa mga banal na bagay ko, sa (R)mga bagay na kabanalbanalan; kundi tataglayin nila ang kanilang kahihiyan, at ang kanilang mga kasuklamsuklam na kanilang ginawa.

14 Gayon ma'y gagawin ko silang tagapangasiwa sa bahay, para sa buong paglilingkod doon, at sa lahat na gagawin doon.

Ang mga kautusan tungkol sa mga saserdoteng Levita na anak ni Sadoc.

15 Nguni't (S)ang mga saserdoteng Levita na (T)mga anak na lalake ni Sadoc, na nagiingat ng katungkulan sa aking santuario nang ang mga anak ni Israel ay magsihiwalay sa akin, sila'y magsisilapit sa akin upang magsipangasiwa sa akin; at sila'y magsisitayo sa harap ko upang mangaghandog sa akin ng taba at ng dugo, sabi ng Panginoong Dios:

16 Sila'y magsisipasok sa aking santuario, at sila'y magsisilapit sa aking (U)dulang, upang magsipangasiwa sa akin, at iingatan nila ang kanilang katungkulan sa akin.

17 At mangyayari, na pagka sila'y magsisipasok sa mga pintuang-daan ng lalong loob na looban, (V)susuutan sila ng mga kayong linong kasuutan; at walang lanang dadaiti sa kanila, samantalang sila'y nagsisipangasiwa sa mga pintuang-daan ng lalong loob na looban, at sa loob.

18 Sila'y (W)mangagpupugong ng kayong lino sa kanilang mga ulo, at (X)mangagtatapi ng kayong lino sa kanilang mga balakang; hindi sila mangagbibigkis ng anomang nakapagpapapawis.

19 At pagka kanilang lalabasin ang mga tao sa looban sa labas, ng bahay, (Y)kanilang huhubarin ang kanilang mga kasuutan na kanilang ipinangangasiwa, at ilalagay nila ang mga ito sa mga banal na silid; at mangagsusuot sila ng ibang mga kasuutan, upang (Z)huwag nilang banalin ang mga tao ng kanilang mga kasuutan.

20 (AA)Ni aahitan man nila ang kanilang mga ulo, ni titiisin man ang kanilang buhok ay humaba; kanila lamang gugupitan ang kanilang mga ulo.

21 Ni (AB)iinom ng alak ang sinomang saserdote pagka sila'y magsisipasok sa lalong loob na looban.

22 Ni mangagaasawa man sa (AC)babaing bao, o sa inihiwalay man: kundi sila'y magaasawa ng mga dalaga sa lahi ng sangbahayan ni Israel, o ng babaing bao na nabao sa saserdote.

23 At (AD)kanilang ituturo sa aking bayan ang pagkakaiba ng banal at ng karaniwan, at ipakikilala nila sa kanila ang marumi at malinis.

24 At (AE)sa pagtatalo ay magsisitayo sila upang magsihatol; ayon sa aking mga kahatulan ay kanilang hahatulan: at kanilang iingatan ang aking mga kautusan at ang aking mga palatuntunan sa lahat kong takdang kapistahan; at kanilang ipangingilin ang aking mga sabbath.

25 At hindi sila magsisilapit (AF)sa alin mang patay na tao na mangagpakahawa; nguni't sa ama, o sa ina, o sa anak na lalake, o babae, sa kapatid na lalake, o babae na hindi nagkaasawa, maaaring mangagpakahawa sila.

26 At (AG)pagkatapos na siya'y malinis, sila'y bibilang sa kaniya ng pitong araw.

27 At sa kaarawan na siya'y pumasok sa santuario, sa lalong loob na looban upang mangasiwa sa santuario, siya'y maghahandog ng kaniyang handog dahil sa kasalanan, sabi ng Panginoong Dios.

Ang bahagi ng mga saserdote.

28 At sila'y mangagkakaroon ng mana; (AH)ako'y kanilang mana; at hindi ninyo bibigyan sila ng pagaari sa Israel; ako'y kanilang pagaari.

29 Sila'y magsisikain (AI)ng handog na harina, at ng handog dahil sa kasalanan, at ng handog dahil sa pagkakasala; at (AJ)bawa't bagay na itinalaga sa Israel ay magiging kanila.

30 At ang (AK)una sa lahat na unang bunga ng bawa't bagay, at lahat na alay na bawa't bagay, sa lahat ninyong mga alay ay magiging sa saserdote: inyo rin namang ibibigay sa mga saserdote ang (AL)una sa inyong masa upang pagpalain ang inyong bahay.

31 Ang mga saserdote ay hindi kakain ng anomang bagay na namamatay sa kaniyang sarili, (AM)o nalapa, maging ibon o hayop man.

Mga Awit 97-98

Ang kapangyarihan ng Panginoon at ang kaniyang nasasakupan.

97 Ang Panginoon ay (A)naghahari; magalak ang lupa;
Matuwa ang karamihan ng mga pulo.
(B)Mga ulap at kadiliman ay nasa palibot niya:
Katuwiran at kahatulan ay patibayin ng kaniyang luklukan.
Apoy ay nagpapauna sa kaniya, At sinusunog ang kaniyang kaaway sa buong palibot.
Tumatanglaw (C)ang mga kidlat niya sa sanglibutan:
Nakita ng lupa, at niyanig.
(D)Ang mga bundok ay natunaw na parang pagkit sa harap ng Panginoon,
Sa harapan ng Panginoon ng buong lupa.
Ipinahahayag (E)ng langit ang kaniyang katuwiran,
At nakita ng lahat na bayan ang kaniyang kaluwalhatian.
Mangahiya silang lahat na nangaglilingkod sa mga larawan,
Nangaghahambog tungkol sa mga diosdiosan:
Kayo'y magsisamba sa kaniya (F)kayong lahat na mga dios.
Narinig ng Sion, at natuwa,
At ang mga anak na babae ng Juda ay nangagalak;
Dahil sa iyong mga kahatulan, Oh Panginoon.
Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay (G)kataastaasan sa buong lupa:
Ikaw ay nataas na totoong higit kay sa lahat na mga dios.
10 Oh kayong nagsisiibig sa Panginoon, (H)ipagtanim ninyo ang kasamaan.
Kaniyang iniingatan ang mga kaluluwa ng kaniyang mga banal;
Kaniyang iniligtas sila (I)sa kamay ng masama.
11 (J)Liwanag ang itinanim na ukol sa mga banal,
At kasayahan ay sa may matuwid na puso.
12 Mangatuwa kayo sa Panginoon, kayong mga matuwid;
(K)At mangagpasalamat sa kaniyang banal na pangalan.

Awit.

98 (L)Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit;
Sapagka't siya'y gumawa ng mga kagilagilalas na bagay:
(M)Ang kaniyang kanan at ang kaniyang banal na bisig ay gumawa ng kaligtasan para sa kaniya:
(N)Ipinakilala ng Panginoon ang kaniyang pagliligtas:
(O)Ang kaniyang katuwiran ay ipinakilala niyang lubos sa paningin ng mga bansa.
(P)Kaniyang inalaala ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang pagtatapat sa bahay ng Israel:
Nakita ng (Q)lahat ng mga wakas ng lupa ang pagliligtas ng aming Dios.
Magkaingay kayo na may kagalakan sa Panginoon, buong lupa.
Mangagpasimula at magsiawit dahil sa kagalakan, oo, magsiawit kayo ng mga pagpuri.
Magsiawit kayo sa Panginoon ng mga pagpuri (R)ng alpa;
Ng alpa at ng tinig na tugma.
Ng mga pakakak at tunog ng corneta
(S)Magkaingay kayo na may kagalakan sa harap ng Hari, ng Panginoon.
(T)Humugong ang dagat at ang buong naroon;
Ang sanglibutan at ang nagsisitahan doon;
(U)Ipakpak ng mga baha ang kanilang mga kamay;
Magawitan ang mga burol dahil sa kagalakan;
Sa harap ng Panginoon, (V)sapagka't siya'y dumarating upang hatulan ang lupa:
Kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan,
At ng karapatan ang mga bayan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978