Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
1 Mga Hari 13

Si Jeroboam ay pinaalalahanan ng isang propeta na mula sa Juda.

13 At, narito, dumating ang (A)isang lalake ng Dios na mula sa Juda ayon sa salita ng Panginoon sa Beth-el: at si Jeroboam ay nakatayo sa siping ng dambana upang magsunog ng kamangyan.

At siya'y sumigaw laban sa dambana ayon sa salita ng Panginoon, at nagsabi, Oh dambana, dambana, ganito ang sabi ng Panginoon: Narito, isang bata'y ipanganganak sa sangbahayan ni David (B)na ang pangalan ay Josias: at sa iyo'y ihahain ang mga saserdote ng mga mataas na dako na nagsisipagsunog ng kamangyan sa iyo, at mga buto ng mga tao ang kanilang susunugin sa iyo.

At siya'y nagbigay ng (C)tanda nang araw ding yaon, na nagsasabi, Ito ang tanda na sinalita ng Panginoon: Narito, ang dambana ay mababaak, at ang mga abo na nasa ibabaw ay mabubuhos.

At nangyari, nang marinig ng hari ang sabi ng lalake ng Dios, na kaniyang isinigaw laban sa dambana sa Beth-el, na iniunat ni Jeroboam ang kaniyang kamay mula sa dambana, na sinasabi, Hulihin siya. At ang kaniyang kamay na kaniyang iniunat laban sa kaniya ay natuyo, na anopa't hindi niya napanauli sa dati.

Ang dambana naman ay nabaak, at ang mga abo ay nabuhos mula sa dambana, ayon sa tanda na ibinigay ng lalake ng Dios ayon sa salita ng Panginoon.

At ang hari ay sumagot, at nagsabi sa lalake ng Dios, (D)Isamo mo ngayon ang biyaya ng Panginoon mong Dios, at idalangin mo ako, upang ang aking kamay ay gumaling. At idinalangin ng lalake ng Dios sa Panginoon, at ang kamay ng hari ay gumaling uli, at naging gaya ng dati.

At sinabi ng hari sa lalake ng Dios, Umuwi kang kasama ko, at kumain ka, at bibigyan kita ng (E)kagantihan.

At sinabi ng lalake ng Dios sa hari, (F)Kung ang ibibigay mo sa akin ay kalahati ng iyong bahay ay hindi ako yayaong kasama mo, o kakain man ako ng tinapay o iinom man ako ng tubig sa dakong ito:

Sapagka't gayon ibinilin sa akin sa pamamagitan ng salita ng Panginoon, na sinasabi, Huwag kang kakain ng tinapay, o iinom man ng tubig, ni babalik man sa daan na iyong pinanggalingan.

10 Sa gayo'y yumaon siya sa ibang daan, at hindi na bumalik sa daan na kaniyang pinanggalingan sa Beth-el.

Ang propeta ay inakay sa pagsalangsang; at siya ay pinatay ng leon.

11 Tumatahan nga ang isang matandang propeta sa (G)Beth-el; at isa sa kaniyang mga anak ay naparoon, at isinaysay sa kaniya ang lahat ng mga gawa na ginawa ng lalake ng Dios sa araw na yaon sa Beth-el: ang mga salita na kaniyang sinalita sa hari, ay siya ring isinaysay nila sa kanilang ama.

12 At sinabi ng kanilang ama sa kanila, Saan siya napatungo? At itinuro sa kaniya ng kaniyang mga anak ang daang pinatunguhan ng lalake ng Dios na nanggaling sa Juda.

13 At sinabi niya sa kaniyang mga anak, Siyahan ninyo sa akin ang asno. Sa gayo'y kanilang siniyahan ang asno sa kaniya: at kaniyang sinakyan.

14 At kaniyang sinundan ang lalake ng Dios, at nasumpungan niyang nakaupo sa ilalim ng isang puno ng encina: at sinabi niya sa kaniya, Ikaw ba ang lalake ng Dios na nanggaling sa Juda? At sinabi niya, Ako nga.

15 Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniya, Umuwi kang kasama ko, at kumain ng tinapay.

16 At sinabi niya, Hindi ako makababalik na kasama mo, o makapapasok na kasama mo: ni makakakain man ng tinapay o makaiinom man ng tubig na kasalo mo sa dakong ito:

17 Sapagka't isinaysay sa akin sa pamamagitan ng salita ng Panginoon. Huwag kang kakain ng tinapay o iinom man ng tubig doon, o babalik man na yumaon sa daan na iyong pinanggalingan.

18 At sinabi niya sa kaniya, Ako man ay propeta na gaya mo; at isang anghel ay nagsalita sa akin sa pamamagitan ng salita ng Panginoon, na nagsasabi, Ibalik mo siya na kasama mo sa iyong bahay, upang siya'y makakain ng tinapay at makainom ng tubig. Nguni't siya'y nagbulaan sa kaniya.

19 Sa gayo'y bumalik na kasama niya, at kumain ng tinapay sa kaniyang bahay at uminom ng tubig.

20 At nangyari, samantalang sila'y nauupo sa dulang, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa propeta na nagpabalik sa kaniya:

21 At siya'y sumigaw sa lalake ng Dios na nanggaling sa Juda, na sinasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon: Sa paraang ikaw ay naging manunuway sa bibig ng Panginoon, at hindi mo iningatan ang utos na iniutos ng Panginoon sa iyo,

22 Kundi ikaw ay bumalik at kumain ng tinapay, at uminom ng tubig sa dakong kaniyang pinagsabihan sa iyo: Huwag kang kumain ng tinapay, at huwag kang uminom ng tubig; ang iyong bangkay ay hindi darating sa libingan ng iyong mga magulang.

23 At nangyari, pagkatapos na makakain ng tinapay, at pagkatapos na makainom, na siniyahan niya ang asno para sa kaniya, sa makatuwid baga'y, para sa propeta na kaniyang pinabalik.

24 At nang siya'y makayaon, isang leon ay (H)nasalubong niya sa daan, at pinatay siya: at ang kaniyang bangkay ay napahagis sa daan, at ang asno ay nakatayo sa siping; ang leon naman ay nakatayo sa siping ng bangkay.

25 At, narito, may mga taong nagsipagdaan, at nakita ang bangkay na nakahagis sa daan, at ang leon ay nakatayo sa siping ng bangkay: at sila'y yumaon at isinaysay nila sa bayan na (I)kinatatahanan ng matandang propeta.

26 At nang marinig ng propeta na nagpabalik sa kaniya sa daan, sinabi niya: Lalake nga ng Dios, na naging masuwayin sa bibig ng Panginoon, kaya't ibinigay siya ng Panginoon sa leon, na lumapa sa kaniya at pumatay sa kaniya ayon sa salita ng Panginoon, na sinalita sa kaniya.

27 At sinalita niya sa kaniyang mga anak na sinasabi, Siyahan ninyo sa akin ang asno. At kanilang siniyahan.

28 At siya'y yumaon, at nasumpungan ang kaniyang bangkay na nakahagis sa daan, at ang leon at ang asno ay nakatayo sa siping ng bangkay: hindi nilamon ng leon ang bangkay, o nilapa man ang asno.

29 At kinuha ng propeta ang bangkay ng lalake ng Dios, at ipinatong sa asno, at ibinalik: at naparoon sa bayan ng matandang propeta, upang tumangis, at ilibing siya.

30 At inilagay niya ang kaniyang bangkay sa kaniyang sariling libingan; at kanilang tinangisan siya, na sinasabi, (J)Ay kapatid ko!

31 At nangyari, pagkatapos na kaniyang mailibing, na siya'y nagsalita sa kaniyang mga anak, na sinasabi, Pagka ako'y namatay, ilibing nga ninyo ako sa libingan na pinaglibingan sa lalake ng Dios: (K)ilagay ninyo ang aking mga buto sa siping ng kaniyang mga buto.

32 Sapagka't ang sabi (L)na kaniyang isinigaw sa pamamagitan ng salita ng Panginoon laban sa dambana sa Beth-el, at laban sa lahat ng mga (M)bahay sa mga mataas na dako na nangasa mga bayan ng (N)Samaria, ay walang pagsalang mangyayari.

Mga saserdote ni Jeroboam.

33 Pagkatapos ng bagay na ito, si Jeroboam ay hindi tumalikod sa kaniyang masamang lakad, kundi gumawa (O)uli mula sa buong bayan ng mga saserdote sa mga mataas na dako: sinomang may ibig, kaniyang (P)itinatalaga upang magkaroon ng mga saserdote sa mga mataas na dako.

34 At ang bagay na ito ay naging kasalanan sa sangbahayan ni Jeroboam, kaya't (Q)inihiwalay at nilipol sa ibabaw ng lupa.

Filipos 4

Kaya nga, mga kapatid kong minamahal at (A)pinananabikan, aking (B)katuwaan at putong, (C)magsitibay nga kayo sa Panginoon, mga minamahal ko.

Ipinamamanhik ko kay Euodias, at (D)ipinamamanhik ko kay Sintique, na mangagkaisa ng pagiisip sa Panginoon.

Oo, ipinamamanhik ko rin naman sa iyo, tapat na kasama sa pagtulong, na iyong tulungan ang mga babaing ito, sapagka't sila'y nangagpagal na kasama ko sa evangelio, at kasama rin naman ni Clemente, at ng ibang aking mga kamanggagawa, na ang kanilang pangalan ay nangasa (E)aklat ng buhay.

Mangagalak kayong lagi sa Panginoon: (F)muli kong sasabihin, Mangagalak kayo.

Makilala nawa (G)ang inyong kahinhinan ng lahat ng mga tao. (H)Ang Panginoon ay malapit na.

Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; (I)kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.

At (J)ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.

Katapustapusan, mga kapatid, anomang bagay na katotohanan, anomang bagay na kagalanggalang, anomang bagay na matuwid, anomang bagay na malinis, anomang bagay na kaibigibig, (K)anomang bagay na mabuting ulat; kung may anomang kagalingan, at kung may anomang kapurihan, ay isipin ninyo ang mga bagay na ito.

Ang mga bagay na inyong natutuhan (L)at tinanggap at narinig at nakita sa akin, ang mga bagay na ito ang gawin ninyo: at (M)ang Dios ng kapayapaan ay sasa inyo.

10 Datapuwa't ako'y totoong nagagalak sa Panginoon, na ngayon sa kahulihulihan ay inyong binuhay ang (N)inyong pagmamalasakit sa akin; na dito'y katotohanang nangagkaroon kayo ng malasakit, nguni't (O)kayo'y nagkulang ng mabuting pagkakataon.

11 Hindi sa sinasabi ko ang tungkol sa kailangan: sapagka't aking natutuhan ang (P)masiyahan sa anomang kalagayang aking kinaroroonan.

12 Marunong akong magpakababa, at marunong naman akong magpakasagana: sa bawa't bagay at sa lahat ng bagay ay natutuhan ko ang lihim maging sa kabusugan, at maging sa kagutuman, at maging sa kasaganaan at maging sa kasalatan.

13 Lahat ng mga bagay ay aking magagawa (Q)doon sa (R)nagpapalakas sa akin.

14 Gayon man ay mabuti ang inyong ginawa na (S)kayo'y nakiramay sa aking kapighatian.

15 At kayo mga taga Filipos, nalalaman naman ninyo, na (T)nang pasimulan ang evangelio, nang ako'y umalis sa (U)Macedonia, (V)alin mang iglesia ay walang nakipagkaisa sa akin sa pagkakaloob at pagtanggap kundi kayo lamang;

16 Sapagka't sa (W)Tesalonica ay nagpadala kayong minsan at muli para sa aking kailangan.

17 (X)Hindi sa ako'y naghahanap ng kaloob; kundi hinahanap ko ang bunga na dumadami sa ganang inyo.

18 Datapuwa't mayroon ako ng lahat ng bagay, at sumasagana: ako'y busog, palibhasa'y tumanggap (Y)kay Epafrodito ng mga bagay na galing sa inyo, (Z)na isang samyo ng masarap na amoy, isang (AA)handog na kaayaaya, na lubhang nakalulugod sa Dios.

19 At (AB)pupunan ng aking Dios ang bawa't kailangan ninyo (AC)ayon sa kaniyang mga kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus.

20 Ngayon nawa'y suma ating (AD)Dios at Ama ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.

21 Batiin ninyo ang bawa't banal kay Cristo Jesus. Binabati kayo (AE)ng mga kapatid na kasama ko.

22 Binabati kayo (AF)ng lahat ng mga banal, (AG)lalong lalo na ng mga kasangbahay ni Cesar.

23 Ang biyaya (AH)ng Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang espiritu.

Ezekiel 43

Ang kaluwalhatian ng Panginoon ang sumasa templo.

43 Pagkatapos ay dinala niya ako sa pintuang-daan, sa makatuwid baga'y sa pintuang-daan (A)na nakaharap sa dakong silanganan.

At, narito, ang (B)kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nanggagaling sa dakong silanganan: at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng (C)maraming tubig; at (D)ang lupa ay nagningning sa kaniyang kaluwalhatian.

At ayon sa anyo ng pangitain na aking nakita, ayon sa pangitain na nakita ko nang ako'y pumaroon upang gibain ang bayan; at ang mga pangitain ay gaya ng pangitain na aking nakita (E)sa tabi ng ilog Chebar: at ako'y nasubasob.

At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay pumasok sa bahay sa daan ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan.

At (F)itinaas ako ng Espiritu, at dinala ako sa lalong loob na looban; at, narito, napuno (G)ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay.

At aking narinig ang isang nagsasalita sa akin mula sa bahay; at (H)isang lalake ay tumayo sa siping ko.

At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, (I)ito ang (J)dako ng aking luklukan, at dako ng mga talampakan ng aking mga paa, na aking tatahanan sa gitna ng mga anak ni Israel magpakailan man. At hindi na lalapastanganin pa ng sangbahayan ni Israel ang aking banal na pangalan, nila man, o ng kanilang mga hari man, ng kanilang pagpapatutot, at ng mga bangkay man ng kanilang mga hari sa kanilang mga mataas na dako;

Sa kanilang paglalagay ng (K)kanilang pasukan sa tabi ng aking pasukan, at ng kanilang haligi ng pintuan sa tabi ng aking haligi ng pintuan, at wala kundi pader sa pagitan ko at nila; at kanilang nilapastangan ang aking banal na pangalan sa pamamagitan ng kanilang mga kasuklamsuklam na kanilang ginawa: kaya't aking pinugnaw sila sa aking galit.

Iwan nga nila ang kanilang pagpapatutot, at ilayo sa akin ang mga bangkay ng kanilang mga hari, at ako'y tatahan sa gitna nila magpakailan man.

10 Ikaw, anak ng tao, (L)ituro mo ang bahay sa sangbahayan ni Israel, upang sila'y mangapahiya sa kanilang mga kasamaan; at sukatin nila ang anyo.

11 At kung sila'y mangapahiya sa lahat nilang ginawa, ipakilala mo sa kanila ang anyo ng bahay, at ang pagka-anyo niyaon, at ang mga labasan niyaon, at ang mga pasukan niyaon, at lahat ng anyo niyaon, at ang lahat ng mga alituntunin niyaon, at lahat ng anyo niyaon, at lahat ng kautusan niyaon; at iyong isulat yaon sa kanilang paningin; upang kanilang maingatan ang buong anyo niyaon, at ang lahat ng mga alituntunin niyaon, at kanilang isagawa.

12 Ito ang kautusan tungkol sa bahay; (M)ang taluktok ng bundok sa buong (N)hangganan niyaon sa palibot ay magiging kabanalbanalan. Narito, ito ang kautusan tungkol sa bahay.

Ang mga sukat ng dambana.

13 At ito ang mga sukat ng (O)dambana ayon sa mga siko (ang siko na pinakasukat ay isang siko at isang lapad ng kamay): ang patungan ay isang siko, at ang luwang ay isang siko, at ang gilid niyaon sa palibot ay isang dangkal; at ito ang magiging patungan ng dambana.

14 At mula sa patungan sa lupa sa lalong mababang (P)grado ay malalagay na dalawang siko, at ang luwang ay isang siko; at mula sa lalong mababang grado hanggang sa lalong mataas na grado ay malalagay na apat na siko, at ang luwang ay isang siko.

15 At ang lalong mataas na dambana ay magiging apat na siko; at mula sa apuyan ng dambana hanggang sa dakong itaas ay magkakaroon ng apat na sungay.

16 At ang apuyan ng dambana ay magkakaroon ng labing dalawang siko ang haba at labing dalawa ang luwang, parisukat sa apat na tagiliran niyaon.

17 At ang patungan niyaon ay magkakaroon ng labing apat na siko ang haba at labing apat na siko ang luwang sa apat na tagiliran niyaon; at ang gilid sa palibot ay magiging kalahating siko; at ang patungan niyaon ay magiging isang siko sa palibot; at ang mga baytang niyaon ay paharap sa dakong silanganan.

Ang pagpapasakdal sa dambana.

18 At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ito ang mga alituntunin tungkol sa dambana sa kaarawan na kanilang gagawin, upang paghandugan sa ibabaw ng mga handog na susunugin, at upang (Q)pagwisikan ng dugo.

19 Iyong ibibigay sa (R)mga saserdote na mga Levita (S)na sa angkan ni Sadoc na malapit sa akin, (T)upang magsipangasiwa sa akin, sabi ng Panginoong Dios, ang isang guyang baka na (U)pinakahandog dahil sa kasalanan.

20 At kukuha ka ng dugo niyaon, at ilalagay mo sa apat na sungay niyaon, at sa apat na sulok ng patungan, at sa laylayan sa palibot: ganito mo lilinisin yaon at tutubusin ito.

21 Iyo rin namang kukunin ang guyang toro na handog dahil sa kasalanan, at (V)susunugin mo sa takdang dako ng bahay, sa labas ng santuario.

22 At sa ikalawang araw ay maghahandog ka ng kambing na lalake na walang kapintasan na pinakahandog dahil sa kasalanan; at kanilang lilinisin ang dambana gaya ng kanilang pagkalilis sa pamamagitan ng guyang toro.

23 Pagka ikaw ay nakatapos ng paglilinis, maghahandog ka ng isang guyang toro na walang kapintasan, at isang lalaking tupa na mula sa kawan na walang kapintasan.

24 At iyong ilalapit ang mga yaon sa harap ng Panginoon, at (W)hahagisan ng asin ang mga yaon ng mga saserdote, at kanilang ihahandog na pinakahandog na susunugin sa Panginoon.

25 Pitong araw na maghahanda ka sa bawa't araw ng (X)isang kambing na pinakahandog dahil sa kasalanan: maghahanda rin sila ng guyang toro, at isang lalaking tupang mula sa kawan, na walang kapintasan.

26 Pitong araw na kanilang tutubusin ang dambana at lilinisin; gayon nila itatalaga.

27 At pagka kanilang naganap ang mga kaarawan, mangyayari na (Y)sa ikawalong araw, at sa haharapin, maghahandog ang mga saserdote ng inyong mga handog na susunugin sa ibabaw ng dambana, at ang inyong mga handog tungkol sa kapayapaan; at aking (Z)tatanggapin kayo, sabi ng Panginoong Dios.

Mga Awit 95-96

Pagpuri sa Panginoon at babala laban sa di pagsampalataya.

95 (A)Oh magsiparito kayo, tayo'y magsiawit sa Panginoon:
(B)Tayo'y magkaingay na may kagalakan (C)sa malaking bato na ating kaligtasan.
Tayo'y magsiharap sa kaniyang harapan na may pagpapasalamat,
Tayo'y magkaingay na may kagalakan sa kaniya na may mga pagaawitan.
Sapagka't ang (D)Panginoon ay dakilang Dios,
At dakilang Hari sa lahat ng mga dios,
Na sa kaniyang kamay ang mga malalim na dako ng lupa,
Ang mga kataasan ng mga bundok ay kaniya rin.
Ang dagat ay kaniya, at kaniyang ginawa:
At ang kaniyang mga kamay ay lumikha ng tuyong lupa.
Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod;
Tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin.
Sapagka't siya'y ating Dios,
At tayo'y (E)bayan ng kaniyang pastulan, at mga tupa ng kaniyang kamay.
Ngayon, kung (F)inyong didinggin ang kaniyang tinig!
Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong puso, gaya sa Meriba,
Gaya sa kaarawan ng Masa (G)sa ilang:
(H)Nang tuksuhin ako ng inyong mga magulang,
Tinikman ako, at nakita ang gawa ko.
10 Apat na pung taong namanglaw ako sa lahing yaon,
At aking sinabi, Bayan na nagkakamali sa kanilang puso.
At hindi naalaman ang aking mga daan:
11 Kaya't ako'y sumumpa sa aking poot,
(I)Na sila'y hindi magsisipasok sa aking (J)kapahingahan.

Ang tawag upang sumamba sa Panginoon, ang matuwid na tagahatol.

96 (K)Oh magsiawit kayo (L)sa Panginoon ng bagong awit:
Magsiawit kayo sa Panginoon, buong lupa.
Magsiawit kayo sa Panginoon, purihin ninyo ang pangalan niya;
Ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw.
Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa mga bansa
Ang kagilagilalas niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan
Sapagka't dakila ang Panginoon, at marapat na purihin:
Siya'y kinatatakutang higit kay sa lahat na dios.
Sapagka't lahat ng mga dios sa mga bayan ay mga diosdiosan.
(M)Nguni't nilikha ng Panginoon ang langit.
Karangalan at kamahalan ay nasa harap niya:
(N)Kalakasan at kagandahan ay nasa kaniyang santuario.
Magbigay kayo sa Panginoon, (O)kayong mga angkan ng mga bayan,
Magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan.
Magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatiang ukol sa kaniyang pangalan;
(P)Kayo'y mangagdala ng handog, at magsipasok kayo sa kaniyang mga (Q)looban.
Oh sambahin ninyo ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan:
Manginig kayo sa harap niya, buong lupa.
10 Sabihin ninyo sa gitna ng mga bansa, Ang Panginoon ay naghahari:
Ang sanglibutan naman ay natatatag na hindi makikilos:
Kaniyang hahatulan ng karapatan ang mga bayan.
11 Matuwa ang langit at magalak ang lupa;
Humugong ang dagat, at ang buong naroon;
12 (R)Sumaya ang bukiran at lahat na nasa kaniya;
Kung magkagayo'y aawit dahil sa kagalakan, ang lahat na punong kahoy sa gubat;
13 Sa harap ng Panginoon; sapagka't siya'y dumarating:
Sapagka't siya'y dumarating upang hatulan ang lupa:
(S)Kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan,
At ng kaniyang katotohanan ang mga bayan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978