M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang diwa ni Elias ay nalipat kay Eliseo.
2 At nangyari, nang isasampa ng Panginoon si Elias sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo, na si Elias ay yumaong kasama ni (A)Eliseo mula sa (B)Gilgal.
2 At sinabi ni Elias kay Eliseo, Isinasamo ko sa iyo na maghintay ka rito: sapagka't sinugo ako ng Panginoon hanggang sa (C)Beth-el. At sinabi ni Eliseo, (D)Buháy ang Panginoon, at buháy ang iyong kaluluwa, hindi kita iiwan. Sa gayo'y bumaba sila sa Beth-el.
3 At nilabas ng mga (E)anak ng mga propeta na nasa Beth-el si Eliseo, at nagsipagsabi sa kaniya, Talastas mo ba na ihihiwalay ng Panginoon ang iyong panginoon sa iyong ulo ngayon? At kaniyang sinabi, Oo, talastas ko; pumayapa kayo.
4 At sinabi ni Elias sa kaniya, Eliseo, isinasamo ko sa iyo na maghintay ka rito; sapagka't sinugo ako ng Panginoon sa (F)Jerico. At kaniyang sinabi, Buháy ang Panginoon, at buháy ang iyong kaluluwa, hindi kita iiwan. Sa gayo'y nagsiparoon sila sa Jerico.
5 At nagsilapit kay Eliseo ang mga anak ng mga propeta na nangasa Jerico, at nagsipagsabi sa kaniya, Talastas mo ba na ihihiwalay ng Panginoon ang iyong panginoon sa iyong ulo ngayon? At siya'y sumagot, Oo, talastas ko; pumayapa kayo.
6 At sinabi ni Elias sa kaniya, Isinasamo ko sa iyo na maghintay ka rito; sapagka't sinugo ako ng Panginoon sa Jordan. At kaniyang sinabi, Buháy ang Panginoon, at buháy ang iyong kaluluwa, hindi kita iiwan. At silang dalawa ay nagsiyaon.
7 At limangpu sa mga anak ng mga propeta ay nagsiyaon, at nagsitayo sa tapat nila sa malayo; at silang dalawa ay nagsitayo sa tabi ng Jordan.
8 At kinuha ni Elias ang (G)kaniyang balabal, at tiniklop, at hinampas ang tubig, at (H)nahawi dito at doon, na ano pa't silang dalawa'y nagsidaan sa tuyong lupa.
9 At nangyari, nang sila'y makatawid, na sinabi ni Elias kay Eliseo, Hingin mo kung ano ang gagawin ko sa iyo, bago ako ihiwalay sa iyo. At sinabi ni Eliseo, Isinasamo ko sa iyo, na ang[a] ibayong bahagi ng iyong diwa ay sumaakin.
10 At sinabi niya, Ikaw ay humingi ng mabigat na bagay: gayon ma'y kung makita mo ako pagka ako'y inihiwalay sa iyo, magiging gayon sa iyo; nguni't kung hindi ay hindi magiging gayon.
11 At nangyari, samantalang sila'y nagpapatuloy, at nagsasalitaan, na narito, napakita ang (I)isang karong apoy, at mga kabayong apoy, na naghiwalay sa kanila kapuwa; at si Elias ay sumampa sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo.
12 At nakita ni Eliseo, at siya'y sumigaw. (J)Ama ko, ama ko, mga karo ng Israel at mga mangangabayo niyaon! At hindi na niya nakita siya: at kaniyang hinawakan ang kaniyang sariling kasuutan, at hinapak ng dalawang hati.
13 Kinuha rin niya ang balabal ni Elias na nahulog sa kaniya, at siya'y bumalik, at tumayo sa tabi ng pangpang ng Jordan.
14 At kaniyang kinuha ang balabal ni Elias na nahulog sa kaniya, at hinampas ang tubig, at sinabi, Saan nandoon ang Panginoon, ang Dios ni Elias? at nang kaniyang mahampas naman ang tubig, ay (K)nahawi dito at doon: at si Eliseo ay tumawid.
Si Elias ay hinanap nguni't hindi nakita.
15 At nang makita siya ng mga anak ng mga propeta (L)na nangasa Jerico sa tapat niya, ay kanilang sinabi, Ang diwa ni Elias ay sumasa kay Eliseo. At sila'y nagsiyaon na sinalubong siya, at sila'y nangagpatirapa sa lupa sa harap niya.
16 At kanilang sinabi sa kaniya, Narito ngayon, sa iyong mga lingkod ay may limangpung malalakas na lalake; isinasamo namin sa iyo na payaunin mo sila, at hanapin ang inyong panginoon, (M)baka sakaling itinaas ng Espiritu ng Panginoon, at inihagis sa isang bundok, o sa isang libis. At kaniyang sinabi, Huwag kayong magsipagsugo.
17 At nang kanilang pilitin siya hanggang sa siya'y mapahiya, at kaniyang sinabi, Magsipagsugo kayo. Sila'y nagsipagsugo nga ng limangpung lalake, at hinanap nilang tatlong araw, nguni't hindi nasumpungan siya.
18 At sila'y nagsibalik sa kaniya, samantalang siya'y naghihintay sa Jerico; at kaniyang sinabi sa kanila, Di ba sinabi ko sa inyo: Huwag kayong magsiyaon?
19 At sinabi ng mga lalake sa bayan kay Eliseo: Tingnan mo, isinasamo namin sa iyo, na ang kalagayan ng bayang ito ay maligaya, gaya ng nakikita ng aking panginoon: nguni't ang tubig ay masama, at ang lupa ay nagpapalagas ng bunga.
20 At kaniyang sinabi, Dalhan ninyo ako ng isang bagong banga, at sidlan ninyo ng asin. At kanilang dinala sa kaniya.
21 At siya'y naparoon sa (N)bukal ng tubig, at hinagisan niya ng asin, at nagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, Aking pinabuti ang tubig na ito; hindi na magkakaroon mula rito ng kamatayan pa o pagkalagas ng bunga.
22 Sa gayo'y bumuti ang tubig hanggang sa araw na ito, ayon sa salita ni Eliseo na kaniyang sinalita.
23 At siya'y umahon sa Beth-el mula roon: at samantalang siya'y umaahon sa daan, may nagsilabas sa bayan na mga bata, at tinuya siya, at sinabi nila sa kaniya, Umahon ka, ikaw na kalbo ang ulo; umahon ka, ikaw na kalbo ang ulo.
24 At siya'y lumingon sa likuran niya, at nangakita niya, at (O)sinumpa niya sila sa pangalan ng Panginoon. At doo'y lumabas ang dalawang osong babae sa gubat, at lumapa ng apat na pu't dalawang bata sa kanila.
25 At siya'y naparoon sa bundok ng Carmelo mula roon, at mula roo'y bumalik siya sa Samaria.
2 Ngayon aming ipinamamanhik sa inyo, mga kapatid, (A)tungkol sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo, (B)at sa ating pagkakatipon sa kaniya:
2 Upang huwag kayong madaling makilos (C)sa inyong pagiisip, at huwag din naman kayong mabagabag maging sa pamamagitan man ng espiritu, o (D)sa pamamagitan ng salita, o sa pamamagitan ng sulat na waring mula sa amin, na wari bagang nalalapit na (E)ang kaarawan ng Panginoon;
3 Huwag kayong padaya kanino man (F)sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, (G)maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas, at (H)mahayag ang taong makasalanan, (I)ang anak ng kapahamakan,
4 Na sumasalangsang at nagmamataas (J)laban sa lahat na tinatawag na Dios o sinasamba; ano pa't siya'y nauupo sa templo ng Dios, na siya'y nagtatanyag sa kaniyang sarili na tulad sa Dios.
5 Hindi baga ninyo naaalaala nang ako'y kasama ninyo pa, ay sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito?
6 At ngayo'y nalalaman ninyo ang nakapipigil, upang siya'y mahayag sa kaniyang talagang kapanahunan.
7 Sapagka't (K)ang hiwaga ng kasamaan ay gumagawa na: lamang ay may pumipigil ngayon, hanggang sa alisin ito.
8 At kung magkagayo'y mahahayag ang tampalasan, (L)na papatayin ng Panginoong Jesus (M)ng hininga ng kaniyang bibig, at (N)sa pamamagitan ng pagkahayag ng kaniyang pagparito ay lilipulin;
9 Siya, na ang kaniyang pagparito ay (O)ayon sa paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at (P)mga tanda at mga kahangahangang kasinungalingan,
10 At may buong daya ng kalikuan sa (Q)nangapapahamak; sapagka't hindi nila tinanggap ang pagibig sa katotohanan, upang sila'y mangaligtas.
11 At dahil dito'y ipinadadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian, (R)upang magsipaniwala sila sa (S)kasinungalingan:
12 Upang mangahatulan silang lahat na (T)hindi nagsisampalataya sa katotohanan, kundi (U)nangalugod sa kalikuan.
13 Nguni't (V)kami ay nararapat magpasalamat sa Dios dahil sa inyo, mga kapatid na minamahal ng Panginoon, sa pagkakahirang sa inyo ng Dios (W)buhat nang pasimula sa ikaliligtas (X)sa pagpapabanal ng Espiritu at pananampalataya sa katotohanan:
14 Sa kalagayang ito'y tinawag niya kayo sa pamamagitan ng aming evangelio, (Y)upang magkamit ng kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesucristo.
15 Kaya nga, mga kapatid, kayo'y mangagpakatibay, at inyong panghawakan (Z)ang mga aral na sa inyo'y itinuro, maging (AA)sa pamamagitan ng salita, o ng aming sulat.
16 Ngayon ang ating Panginoong Jesucristo rin, at ang Dios na ating Ama (AB)na sa amin ay umibig at sa amin ay nagbigay ng walang hanggang kaaliwan at (AC)mabuting pagasa sa pamamagitan ng biyaya,
17 (AD)Aliwin nawa ang inyong puso, (AE)at patibayin kayo sa bawa't mabuting gawa at salita.
Ang pangulo at ang mga satrapa ay humanap ng lalang upang maparusahan si Daniel.
6 Minagaling ni Dario na maglagay sa (A)kaharian ng isang daan at dalawang pung satrapa, na doroon sa buong kaharian;
2 At sa kanila'y (B)tatlong pangulo, na si Daniel ay isa; upang ang mga satrapang ito ay mangagbigay-alam sa kanila, at upang ang hari ay huwag magkaroon ng kapanganiban.
3 Nang magkagayo'y ang Daniel na ito ay natangi sa mga pangulo at sa mga satrapa, (C)sapagka't isang marilag na espiritu ay nasa kaniya; at inisip ng hari (D)na ilagay siya sa buong kaharian.
4 Nang magkagayo'y ang mga pangulo at ang mga satrapa ay nagsihanap ng maisusumbong laban kay Daniel, tungkol sa kaharian; nguni't hindi sila nangakasumpong ng anomang kadahilanan, ni kakulangan man, palibhasa'y tapat siya, walang anomang kamalian ni kakulangang nasumpungan sa kaniya.
5 Nang magkagayo'y sinabi ng mga lalaking ito, Hindi tayo mangakakasumpong ng anomang maisusumbong laban sa Daniel na ito, liban sa tayo'y mangakasumpong laban sa kaniya ng tungkol sa kautusan ng kaniyang Dios.
6 Nang magkagayo'y ang mga pangulo at mga satrapang ito ay nagpisan sa hari, at nagsabi ng ganito sa kaniya, (E)Haring Dario, mabuhay ka magpakailan man.
7 Ang lahat ng pangulo ng kaharian, ang mga kinatawan at mga satrapa, ang mga kasangguni at ang mga (F)gobernador, ay nangagsanggunian upang magtatag ng isang palatuntunang hari sa kaharian, at upang maglagda ng isang pasiyang mahigpit, na sinomang humingi ng isang kahilingan sa kanino mang dios o tao sa loob ng tatlong pung araw, liban sa iyo, Oh hari, ihahagis sa yungib ng mga leon.
8 Ngayon, Oh hari, papagtibayin mo ang pasiya, at lagdaan mo ng iyong pangalan ang kasulatan upang huwag mabago ayon sa (G)kautusan ng mga taga Media at mga taga Persia, na hindi nababago.
9 Kaya't ang kasulatan at ang pasiya ay nilagdaan ng pangalan ng haring Dario.
10 At nang maalaman ni Daniel na ang kasulatan ay nalagdaan ng pangalan siya'y pumasok sa kaniyang bahay (ang kaniya ngang mga dungawan ay bukas sa dakong (H)Jerusalem); at (I)siya'y lumuhod ng kaniyang mga tuhod na makaitlo isang araw, at dumalangin, at nagpasalamat sa harap ng kaniyang Dios, gaya ng kaniyang dating ginagawa.
11 Nang magkagayo'y nagpisan ang mga lalaking ito, at nasumpungan si Daniel na sumasamo at dumadaing sa harap ng kaniyang Dios.
12 Nang magkagayo'y lumapit sila, at nagsalita sa harap ng hari ng tungkol sa pasiya ng hari, Hindi ka baga naglagda ng pasiya, na bawa't tao na humingi sa kanino mang dios o tao sa loob ng tatlong pung araw, liban sa iyo, Oh hari, ihahagis sa yungib ng mga leon? Ang hari ay sumagot, at nagsabi, Ang bagay ay tunay, (J)ayon sa kautusan ng mga taga Media at mga taga Persia, na hindi nababago.
13 Nang magkagayo'y nagsisagot sila, at nangagsabi sa harap ng hari, Ang Daniel na yaon (K)na sa mga anak ng nangabihag sa Juda, hindi ka pinakukundanganan, Oh hari, o ang pasiya man na iyong nilagdaan ng pangalan, kundi dumadalangin na makaitlo isang araw.
14 Nang marinig nga ng hari ang mga salitang ito namanglaw na mainam, at inilagak ang kaniyang puso kay Daniel, upang iligtas siya; at kaniyang pinagsikapan hanggang sa paglubog ng araw na iligtas siya.
15 Nang magkagayo'y nagpisan ang mga lalaking ito sa hari at nagsabi sa hari, Talastasin mo, Oh hari, na isang kautusan ng mga taga Media, at ng mga taga Persia, na walang pasiya o palatuntunan man na pinagtitibay ng hari na mababago.
Si Daniel ay itinapon sa yungib ng mga leon, nguni't lumabas na hindi nasaktan.
16 Nang magkagayo'y nagutos ang hari, at kanilang dinala si Daniel, at inihagis siya sa yungib ng mga leon. Ang hari nga ay nagsalita, at nagsabi kay Daniel, Ang iyong Dios na pinaglilingkuran mong palagi, ay siyang magliligtas sa iyo.
17 At isang bato ay dinala, at (L)inilagay sa bunganga ng yungib; at (M)tinatakan ng hari ng kaniyang singsing na panatak, at ng singsing na panatak ng kaniyang mga mahal na tao; upang walang anomang bagay ay mababago tungkol kay Daniel.
18 Nang magkagayo'y umuwi ang hari sa kaniyang palacio, at nagparaan ng buong gabi na nagaayuno; at wala kahit panugtog ng tugtugin na dinala sa harap niya: at ang kaniyang pagaantok ay nawala.
19 Nang magkagayo'y bumangong maagang maaga ang hari, at naparoon na madali sa yungib ng mga leon.
20 At nang siya'y lumapit sa yungib kay Daniel, siya'y sumigaw ng taghoy na tinig; ang hari ay nagsalita, at nagsabi kay Daniel, Oh Daniel, na lingkod ng buhay na (N)Dios, (O)ang iyo bagang Dios na iyong pinaglilingkurang palagi ay makapagliligtas sa iyo sa mga leon?
21 Sinabi nga ni Daniel sa hari, (P)Oh hari, mabuhay ka magpakailan man.
22 Ang Dios ko'y nagsugo ng kaniyang anghel, (Q)at (R)itinikom ang mga bibig ng mga leon, at hindi nila ako sinaktan; palibhasa'y sa harap niya ay nasumpungan akong walang sala; at gayon din sa harap mo, Oh hari, wala akong ginawang kasamaan.
23 Nang magkagayo'y natuwang mainam ang hari, at ipinagutos na kanilang isampa si Daniel mula sa yungib. Sa gayo'y isinampa si Daniel mula sa yungib, at walang anomang sugat nasumpungan sa kaniya, sapagka't siya'y tumiwala sa kaniyang Dios.
24 At ang hari ay nagutos, at kanilang dinala ang mga lalaking yaon na nagsumbong laban kay Daniel, at sila'y inihagis nila sa yungib ng mga leon, (S)sila ang kanilang mga anak, at ang kanilang mga asawa; at ang leon ay nanaig sa kanila, at pinagwaraywaray ang lahat ng kanilang buto, bago sila dumating sa kalooblooban ng yungib.
25 Nang magkagayo'y sumulat ang haring Dario (T)sa lahat ng mga bayan, bansa, at wika na tumatahan sa buong lupa; Kapayapaa'y managana sa inyo.
26 Ako'y nagpapasiya, na sa lahat ng sakop ng aking kaharian ay magsipanginig at mangatakot ang mga tao sa harap ng Dios ni Daniel; sapagka't (U)siya ang (V)buhay na Dios, at namamalagi magpakailan man, at ang kaniyang kaharian ay hindi magigiba; at ang kaniyang kapangyarihan ay magiging hanggang sa wakas.
27 Siya'y nagliligtas at nagpapalaya, at siya'y gumagawa ng mga tanda at mga kababalaghan sa langit at sa lupa, na siyang nagligtas kay Daniel mula sa kapangyarihan ng mga leon.
28 Gayon guminhawa ang Daniel na ito sa paghahari ni Dario, at sa paghahari ni (W)Ciro na taga Persia.
Ang pananagana niyaong natatakot sa Panginoon.
112 Purihin ninyo ang Panginoon.
Mapalad (A)ang tao na natatakot sa Panginoon,
Na naliligayang mainam sa kaniyang mga utos.
2 (B)Ang kaniyang binhi ay magiging makapangyarihan sa lupa;
Ang lahi ng matuwid ay magiging mapalad.
3 (C)Kaginhawahan at kayamanan ay nasa kaniyang bahay:
At ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.
4 Sa matuwid ay (D)bumabangon ang liwanag sa kadiliman:
(E)Siya'y mapagbiyaya at puspos ng kahabagan, at matuwid.
5 (F)Ang ikabubuti ng taong mapagbiyaya at nagpapahiram,
Kaniyang aalalayan ang kaniyang usap sa kahatulan.
6 Sapagka't siya'y hindi makikilos magpakailan man;
Ang matuwid ay maaalaalang walang hanggan.
7 Siya'y hindi matatakot (G)sa mga masamang balita:
Ang kaniyang (H)puso ay matatag, na tumitiwala sa Panginoon.
8 Ang kaniyang puso ay natatag, siya'y hindi matatakot,
Hanggang sa kaniyang (I)makita ang nasa niya sa kaniyang mga kaaway.
9 Kaniyang pinanabog, kaniyang ibinigay sa mapagkailangan;
Ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man,
Ang kaniyang (J)sungay ay matataas na may karangalan.
10 Makikita ng masama, at mamamanglaw;
Siya'y magngangalit ng kaniyang mga ngipin, at matutunaw:
Ang nasa ng masama ay (K)mapaparam.
Ang Panginoon ay pinuri dahil sa pagpuri sa nagpapakababa.
113 Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo, Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon,
Purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon.
2 (L)Purihin ang pangalan ng Panginoon
Mula sa panahong ito at magpakailan man.
3 (M)Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon
Ang pangalan ng Panginoon ay pupurihin,
4 Ang Panginoon ay (N)mataas na higit sa lahat ng mga bansa,
At ang kaniyang kaluwalhatian ay (O)sa itaas ng mga langit.
5 (P)Sino ang gaya ng Panginoon nating Dios,
Na may kaniyang upuan sa itaas,
6 (Q)Na nagpapakababang tumitingin
Ng mga bagay na nangasa sa langit at sa lupa?
7 (R)Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok,
At itinataas ang mapagkailangan mula sa dumi;
8 Upang maupo siya na kasama ng mga pangulo,
Sa makatuwid baga'y ng mga pangulo ng kaniyang bayan.
9 (S)Kaniyang pinapagiingat ng bahay ang baog na babae,
At maging masayang ina ng mga anak.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978