Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
1 Mga Hari 3

Si Salomon ay nagasawa.

At si Salomon ay nakipagkamaganak kay Faraon na hari sa Egipto sa pag-aasawa niya sa anak na babae ni Faraon, (A)at dinala niya sa (B)bayan ni David, hanggang sa kaniyang natapos itayo ang kaniyang sariling bahay, (C)at ang bahay ng Panginoon, (D)at ang (E)kuta ng Jerusalem sa palibot.

Ang bayan ay naghahain lamang sa mga mataas na dako, (F)sapagka't walang bahay na itinayo sa pangalan ng Panginoon hanggang sa mga araw na (G)yaon.

At inibig ni Salomon ang Panginoon, (H)na lumalakad sa mga palatuntunan ni David na kaniyang ama: siya'y naghahain lamang at nagsusunog ng kamangyan sa matataas na dako.

At ang hari ay naparoon sa (I)Gabaon upang maghain doon; (J)sapagka't yaon ang (K)pinakamataas na dako; isang libong handog na susunugin ang inihandog ni Salomon sa dambanang yaon.

(L)Sa Gabaon ay napakita ang Panginoon kay Salomon sa panaginip sa gabi: at sinabi ng Dios, Hingin mo kung ano ang ibibigay ko sa iyo.

At sinabi ni Salomon, Ikaw ay nagpakita sa iyong lingkod na aking amang kay David ng malaking kagandahang loob, ayon sa kaniyang inilakad sa harap mo sa katotohanan, at sa katuwiran, at sa katapatan ng puso sa iyo; at iyong iningatan sa kaniya itong dakilang kagandahang loob, na iyong binigyan siya ng isang anak na makauupo sa kaniyang luklukan, gaya sa araw na ito.

At ngayon, Oh Panginoon kong Dios, iyong ginawang hari ang iyong lingkod na kahalili ni David na aking ama; (M)at ako'y isang munting bata lamang; hindi ko nalalaman ang paglulumabas at pumasok.

At ang iyong lingkod ay nasa gitna ng iyong bayan na iyong pinili, isang malaking bayan na hindi mabibilang o matuturingan dahil sa (N)karamihan.

Bigyan mo nga ang iyong lingkod ng isang matalinong (O)puso upang humatol sa iyong bayan, upang aking makilala ang mabuti at ang masama; sapagka't sino ang makahahatol dito sa iyong malaking bayan?

10 At ang pangungusap ay nakalugod sa Panginoon, na hiningi ni Salomon ang bagay na ito.

11 At sinabi ng Dios sa kaniya, Sapagka't iyong hiningi ang bagay na ito, at hindi mo hiningi sa iyo ang mahabang buhay; o hiningi mo man sa iyo ang mga kayamanan, o hiningi mo man ang buhay ng iyong mga kaaway; kundi hiningi mo sa iyo'y katalinuhan upang kumilala ng kahatulan;

12 Narito, aking ginawa ayon sa iyong salita: (P)narito, aking binigyan ka ng isang pantas at matalinong puso; na anopa't (Q)walang naging gaya mo na una sa iyo, o may babangon mang sinoman pagkamatay mo.

13 At akin namang ibinigay sa iyo ang hindi mo hinihingi, ang (R)kayamanan at gayon din ang karangalan, (S)na anopa't walang magiging gaya mo sa mga hari, sa lahat ng iyong mga kaarawan.

14 At kung ikaw ay lalakad sa aking mga daan, upang ingatan ang aking mga palatuntunan, at ang aking mga utos, gaya ng inilakad ng iyong amang si David, ay akin ngang palalaunin ang iyong mga kaarawan.

15 At nagising si Salomon, at narito, yao'y isang panaginip: at siya'y naparoon sa Jerusalem, at tumayo sa harap ng (T)kaban ng tipan ng Panginoon, at naghandog ng mga handog na susunugin, at naghandog ng mga handog tungkol sa kapayapaan, at gumawa ng kasayahan sa lahat ng kaniyang mga lingkod.

Matalinong paghatol ni Salomon.

16 Nang magkagayo'y naparoon sa hari ang dalawang babae na mga patutot, at nagsitayo sa harap niya.

17 At sinabi ng isang babae, Oh panginoon ko, ako at ang babaing ito ay tumatahan sa isang bahay; at ako'y nanganak ng isang batang lalake sa bahay na kasama ko siya.

18 At nangyari, nang ikatlong araw pagkatapos na ako'y makapanganak, na ang babaing ito'y nanganak naman; at kami ay magkasama; walang iba sa amin sa bahay, liban sa kaming dalawa sa bahay.

19 At ang anak ng babaing ito ay namatay sa kinagabihan; sapagka't kaniyang nahigan.

20 At siya'y bumangon sa hating gabi, at kinuha niya ang anak kong lalake sa siping ko, samantalang ang iyong lingkod ay natutulog, at inihiga niya sa kaniyang sinapupunan, at inilagay ang kaniyang patay na anak sa aking sinapupunan.

21 At nang ako'y bumangon sa kinaumagahan upang aking pasusuhin ang aking anak, narito, siya'y patay: nguni't nang aking kilalanin ng kinaumagahan, narito, hindi ang aking anak na aking ipinanganak.

22 At sinabi ng isang babae, Hindi; kundi ang buhay ay aking anak at ang patay ay iyong anak. At sinabi ng isa: Hindi; kundi ang patay ay ang iyong anak, at ang buhay ay siyang aking anak. Ganito sila nangagsalita sa harap ng hari.

23 Nang magkagayo'y sinabi ng hari, Ang isa'y nagsasabi, Ang aking anak ay ang buhay, at ang iyong anak ay ang patay: at ang isa'y nagsasabi, Hindi; kundi ang iyong anak ay ang patay, at ang aking anak ay ang buhay.

24 At sinabi ng hari, Dalhan ninyo ako ng isang tabak. At sila'y nagdala ng isang tabak sa harap ng hari.

25 At sinabi ng hari, Hatiin ng dalawa ang buhay na bata, at ibigay ang kalahati sa isa at ang kalahati ay sa isa.

26 Nang magkagayo'y nagsalita ang babae na ina ng buhay na bata sa hari, sapagka't ang kaniyang pagmamahal ay nagniningas sa kaniyang anak, at sinabi niya, Oh[a] panginoon ko, ibigay mo sa kaniya ang buhay na bata, at sa anomang paraa'y huwag mong patayin. Nguni't ang sabi ng isa, Hindi magiging akin ni iyo man; hatiin siya.

27 Nang magkagayo'y sumagot ang hari at nagsabi, ibigay sa kaniya ang buhay na bata, at sa anomang paraa'y huwag patayin: siya ang ina niya.

28 At nabalitaan ng buong Israel ang kahatulan na inihatol ng hari; at sila'y nangatakot sa hari: sapagka't kanilang nakita na ang (U)karunungan ng Dios ay nasa kaniya, upang gumawa ng kahatulan.

Efeso 1

Si (A)Pablo, na apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, sa mga banal na nangasa Efeso, (B)at sa mga tapat kay Cristo Jesus:

Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo.

(C)Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na siyang nagpala sa atin ng bawa't pagpapalang (D)ukol sa espiritu sa sangkalangitan kay Cristo:

Ayon sa pagkapili niya sa atin (E)sa kaniya bago itinatag ang sanglibutan, upang tayo'y maging mga banal at mga walang dungis (F)sa harapan niya sa pagibig:

Na tayo'y itinalaga niya nang una pa (G)sa pagkukupkop na tulad sa mga anak (H)sa pamamagitan ni Jesucristo sa ganang kaniya, (I)ayon sa minagaling ng kaniyang kalooban,

Sa ikapupuri ng kaluwalhatian ng kaniyang biyaya, na sa atin ay ipinagkaloob na masagana sa (J)Minamahal:

Na sa kaniya'y mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, (K)na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya,

Na pinasagana niya sa atin, sa buong (L)karunungan at katalinuhan,

Na ipinakikilala niya sa atin ang hiwaga (M)ng kaniyang kalooban, ayon sa kaniyang minagaling na ipinasiya niya sa kaniya rin.

10 Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, (N)upang tipunin ang (O)lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa kaniya, sinasabi ko,

11 Tayo rin naman sa kaniya ay (P)ginawang mana, na itinalaga na niya tayo nang una pa (Q)ayon sa pasiya niyaong gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa pasiya ng kaniyang kalooban;

12 (R)Upang tayo'y maging kapurihan ng kaniyang kaluwalhatian, tayong nagsiasa nang una kay Cristo:

13 Na sa kaniya'y kayo rin naman, pagkarinig ng aral ng katotohanan, ng evangelio ng inyong kaligtasan,—na sa kaniya rin naman, mula nang kayo'y magsisampalataya, ay kayo'y tinatakan (S)ng Espiritu Santo, na ipinangako,

14 Na siyang patotoo (T)sa ating mana, hanggang sa ikatutubos (U)ng sariling pagaari ng Dios, (V)sa ikapupuri ng kaniyang kaluwalhatian.

15 Dahil dito ako rin naman, (W)pagkarinig ng pananampalataya sa Panginoong Jesus na nasa inyo, at ng pagibig na inyong ipinakita sa lahat ng mga banal,

16 Ay (X)hindi ako tumitigil ng pagpapasalamat dahil sa inyo, na aking binabanggit kayo sa aking mga panalangin;

17 Upang ipagkaloob sa inyo ng Dios ng ating Panginoong Jesucristo, (Y)ng Ama ng kaluwalhatian, ang espiritu ng karunungan at ng pahayag sa pagkakilala sa kaniya;

18 Yamang naliwanagan ang mga mata ng inyong puso, upang maalaman ninyo kung ano (Z)ang pagasa sa kaniyang pagtawag, kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng kaniyang (AA)pamana sa mga banal,

19 At kung ano ang dakilang kalakhan ng kaniyang kapangyarihan sa ating nagsisisampalataya, (AB)ayon sa gawa ng kapangyarihan ng kaniyang lakas,

20 Na kaniyang ginawa kay Cristo, (AC)nang ito'y kaniyang buhaying maguli sa mga patay, at (AD)pinaupo sa kaniyang kanan (AE)sa sangkalangitan,

21 Sa kaibaibabawan ng (AF)lahat na (AG)pamunuan, at kapamahalaan, at kapangyarihan, at pagkasakop, at sa (AH)bawa't pangalan na ipinangungusap, hindi lamang sa sanglibutang ito, kundi naman sa darating:

22 At ang lahat ng mga bagay ay (AI)pinasuko niya sa ilalim ng kaniyang mga paa, at siyang pinagkaloobang (AJ)maging pangulo ng lahat ng mga bagay sa iglesia,

23 (AK)Na siyang katawan niya, (AL)na kapuspusan niyaong (AM)pumupuspos ng lahat sa lahat.

Ezekiel 34

Ang hindi tapat na mga pastor ng Israel.

34 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

Anak ng tao, (A)manghula ka laban sa mga pastor ng Israel, manghula ka, at iyong sabihin sa kanila, sa mga pastor, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa aba ng mga pastor ng Israel na pinakakain ang kanilang sarili! hindi baga dapat pakanin ng mga pastor ang mga tupa?

Kayo'y nagsisikain ng gatas, at kayo'y nangananamit sa inyo ng lana, inyong pinapatay ang mga pinataba; nguni't hindi ninyo pinakakain ang mga tupa.

Hindi ninyo pinalakas ang payat, o inyo mang pinagaling ang may sakit, o inyo mang tinalian ang may bali, o inyo mang ibinalik ang iniligaw, o inyo mang hinanap ang nawala; kundi (B)inyong pinagpunuang may karahasan at may kahigpitan.

At sila'y nangalat (C)dahil sa walang pastor, at sila'y naging pagkain sa lahat ng hayop sa parang, at sila'y nangalat.

Ang aking mga tupa ay nagsisilaboy sa lahat ng bundok, at sa lahat na mataas na burol: oo, ang aking mga tupa ay nangalat sa buong ibabaw ng lupa; at walang magsiyasat o humanap sa kanila.

Kaya't kayong mga pastor, pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon:

Buháy ako, sabi ng Panginoong Dios, walang pagsala na dahil sa ang aking mga tupa ay naging samsam, at ang aking mga tupa ay naging pagkain sa lahat na hayop sa parang, sapagka't walang pastor, o hinanap man ng aking mga pastor ang aking mga tupa, (D)kundi ang mga pastor ay nagsikain, at hindi pinakain ang aking mga tupa;

Kaya't, Oh kayong mga pastor, pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon:

10 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ako'y laban sa mga pastor; at (E)aking aalisin ang aking mga tupa sa kanilang kamay, at akin silang patitigilin ng pagpapakain ng mga tupa; at hindi na naman pakakanin (F)ng mga pastor ang kanilang sarili; at aking ililigtas ang aking mga tupa sa kanilang bibig, upang huwag maging pagkain sa kanila.

11 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako, sa makatuwid baga'y ako, sisiyasat ng aking mga tupa, at aking hahanapin sila.

12 Kung paanong hinanap ng pastor ang kaniyang kawan sa kaarawan na siya'y nasa gitna ng kaniyang mga tupa na nangangalat, gayon ko hahanapin ang aking mga tupa; at ililigtas ko sila sa lahat ng dako na kanilang pinangalatan sa maulap at madilim na (G)araw.

13 At aking ilalabas sila sa mga bayan, at pipisanin ko sila mula sa mga lupain, at dadalhin ko sila sa kanilang sariling lupain; at pasasabsabin ko sila sa mga bundok ng Israel, sa tabi ng mga daan ng tubig, at sa lahat na tinatahanang dako sa lupain.

14 Aking pakakanin (H)sila sa mabuting pastulan; at sa mga mataas na bundok ng kataasan ng Israel ay malalagay ang kanilang kulungan: (I)doon mangahihiga sila sa mabuting kulungan; at sa matabang pastulan ay manginginain sila sa mga bundok ng Israel.

15 Ako ay magiging kanilang pastor ng aking mga tupa at aking pahihigain sila, sabi ng Panginoong Dios.

16 Aking hahanapin ang nawala, (J)at ibabalik ang iniligaw, at tatalian ang nabalian, at palalakasin ang may sakit: nguni't aking lilipulin ang mataba at malakas; (K)aking pakakanin sila (L)sa katuwiran.

17 At tungkol sa inyo, Oh aking kawan, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y humahatol sa gitna ng (M)hayop at hayop, sa gitna ng mga lalaking tupa at mga kambing na lalake.

18 Inaakala baga ninyong munting bagay sa inyo na kumain sa mabuting pastulan, nguni't inyong marapat yapakan ng inyong mga paa ang nalabi sa inyong pastulan? at uminom sa malinaw na (N)tubig, nguni't (O)inyong marapat lampisawin ng inyong mga paa ang nalabi?

19 At tungkol sa aking mga tupa, kanilang kinakain ang inyong niyapakan ng inyong mga paa, at kanilang iniinom ang nilampisaw ng inyong mga paa.

20 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa kanila: Narito, ako, sa makatuwid baga'y ako, ay hahatol sa matabang tupa at sa payat na tupa.

21 Sapagka't inyong itinulak ng tagiliran at ng balikat, at inyong sinuwag ng inyong mga sungay ang lahat na may sakit, hanggang sa inyong napangalat sila;

22 Kaya't aking ililigtas ang aking kawan, at hindi na sila magiging samsam; at ako'y hahatol sa tupa at tupa.

23 At ako'y maglalagay ng (P)isang pastor sa kanila, at kaniyang papastulin sila sa makatuwid baga'y (Q)ang aking lingkod na si David; kaniyang papastulin sila, at siya'y magiging kanilang pastor,

24 At (R)akong Panginoon ay magiging kanilang Dios, at ang aking lingkod na si David ay (S)prinsipe sa kanila; akong Panginoon ang nagsalita.

Ang tipan ng kapayapaan.

25 At (T)ako'y makikipagtipan sa kanila ng tipan ng kapayapaan, at (U)aking papawiin ang mga masamang hayop sa lupain; at (V)sila'y magsisitahang tiwasay sa ilang, at mangatutulog sa mga gubat.

26 At aking gagawing (W)mapapalad sila at ang mga dakong nangasa palibot ng aking burol; at aking palalagpakin ang ulan sa kapanahunan; magkakaroon ng (X)ulan ng pagpapala.

27 At ang punong kahoy sa parang ay magbubunga, at ang lupa'y magsisibol ng halaman niya, at sila'y matitiwasay sa kanilang lupain; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking binali ang tali ng kanilang pamatok, at aking nailigtas sila sa kamay ng mga pinaglilingkuran nila.

28 At sila'y hindi na magiging pinakahuli sa mga bansa, o lalamunin man sila ng hayop sa lupa; kundi sila'y magsisitahang tiwasay, at walang tatakot sa kanila.

29 At aking pagkakalooban sila ng mga (Y)pananim na ikababantog, at sila'y hindi na mangalilipol pa ng kagutom sa lupain, o magtataglay pa man ng (Z)kahihiyan sa mga bansa.

30 At kanilang malalaman na akong Panginoon nilang Dios ay sumasa kanila, at sila na sangbahayan ni Israel ay aking bayan, sabi ng Panginoong Dios.

31 At kayong mga tupa ko, na mga tupa sa aking pastulan ay mga tao, at ako'y inyong Dios, sabi ng Panginoong Dios.

Mga Awit 83-84

Awit, Salmo ni Asaph.

83 Oh (A)Dios, huwag kang tumahimik:
Huwag kang mapayapa, at tumiwasay, Oh Dios.
Sapagka't (B)narito, ang mga kaaway mo'y nanggugulo:
At silang nangagtatanim sa iyo ay nangagtaas ng ulo.
Sila'y nagsisitanggap ng payong may katusuhan laban sa iyong bayan,
At nangagsanggunian (C)laban sa iyong nangakakubli.
Kanilang sinabi, Kayo'y parito, at atin silang (D)ihiwalay sa pagkabansa;
Upang ang pangalan ng Israel ay huwag nang maalaala pa.
Sapagka't sila'y nangagsangguniang magkakasama na may isang pagkakaayon;
Laban sa iyo ay nangagtitipanan:
(E)Ang mga tolda ng Edom at ng mga (F)Ismaelita;
Ang Moab at ang mga (G)Agareno;
Ang (H)Gebal, at ang Ammon, at ang (I)Amalec;
Ang Filisteo na kasama ng mga taga Tiro:
Pati ng (J)Asiria ay nalalakip sa kanila;
(K)Kanilang tinulungan ang (L)mga anak ni Lot.
Gumawa ka sa kanila ng gaya (M)sa Madianita;
Gaya (N)kay Sisara, gaya kay Jabin, sa (O)ilog ng Cison:
10 Na nangamatay sa Endor; (P)Sila'y naging parang dumi sa lupa.
11 Gawin mo ang kanilang mga maginoo na gaya (Q)ni Oreb at ni Zeeb;
Oo, lahat nilang mga pangulo ay gaya ni (R)Zeba at ni Zalmuna;
12 Na siyang nagsipagsabi, (S)Kunin natin para sa atin na pinakaari
Ang mga tahanan ng Dios.
13 (T)Oh Dios ko, gawin mo silang parang ipoipong alabok;
(U)Parang dayami sa harap ng hangin.
14 Parang apoy na sumusunog ng gubat,
At parang liyab na nanunupok ng mga bundok;
15 Kaya't habulin mo sila ng iyong bagyo,
At pangilabutin mo sila ng iyong unos.
16 (V)Lipusin mo ang kanilang mga mukha ng kahihiyan;
Upang hanapin nila ang iyong pangalan, Oh Panginoon.
17 Mangapahiya sila at manganglupaypay magpakailan man;
Oo, mangahiya sila at mangalipol:
18 (W)Upang kanilang maalaman na ikaw lamang, na (X)ang pangalan ay JEHOVA,
Ay Kataastaasan sa buong lupa.

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ng mga anak ni Core.

84 Kay (Y)iinam ng iyong mga tabernakulo,
Oh Panginoon ng mga hukbo!
(Z)Ang kaluluwa ko'y aasamasam, oo, nanglulupaypay sa mga looban ng Panginoon;
Ang puso ko't laman ay dumadaing sa buháy na Dios.
Oo, (AA)ang maya ay nakasumpong ng bahay,
At ang langaylangayan ay nagpugad para sa kaniya, na mapaglalapagan niya ng kaniyang inakay,
Sa makatuwid baga'y iyong mga dambana, Oh Panginoon ng mga hukbo,
Hari ko, at Dios ko.
(AB)Mapalad silang nagsisitahan sa iyong bahay:
Kanilang pupurihin kang (AC)palagi. (Selah)
Mapalad ang tao na ang kalakasan ay nasa iyo;
Na may mga daan sa kaniyang puso na tungo sa Sion.
Na nagdaraan sa libis ng Iyak na ginagawa nilang dako ng mga bukal;
Oo, tinatakpan ng pagpapala ng maagang ulan.
(AD)Sila'y nagsisiyaon sa kalakasa't kalakasan,
Bawa't isa sa kanila ay (AE)napakikita sa harap ng Dios sa Sion.
Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, dinggin mo ang aking dalangin:
Pakinggan mo, Oh Dios ni Jacob. (Selah)
Masdan mo, (AF)Oh Dios na aming kalasag,
At tingnan mo ang mukha ng (AG)iyong pinahiran ng langis.
10 Sapagka't isang araw sa iyong mga looban ay mabuti kay sa isang libo.
Aking minagaling na maging tagatanod-pinto sa bahay ng aking Dios,
Kay sa tumahan sa mga tolda ng kasamaan.
11 Sapagka't ang Panginoong Dios (AH)ay araw at kalasag:
Ang Panginoo'y magbibigay ng biyaya at kaluwalhatian:
(AI)Hindi siya magkakait ng anomang mabuting bagay sa nagsisilakad ng matuwid.
12 Oh Panginoon ng mga hukbo,
(AJ)Mapalad ang tao na tumitiwala sa iyo.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978