M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang kaniyang mga prinsipe.
4 At ang haring Salomon, ay hari sa buong Israel.
2 At ito ang mga naging prinsipe na napasa kaniya: si Azarias, na anak ng (A)saserdoteng si Sadoc.
3 Si Elioreph at si Ahia, na mga anak ni Sisa, ay mga kalihim; si Josaphat na (B)anak ni Ahilud, ay (C)kasangguni;
4 At si Benaia, na (D)anak ni Joiada ay nangungulo sa hukbo; at si Sadoc at si Abiathar (E)ay mga saserdote;
5 At si Azarias na anak ni Nathan ay nangungulo sa mga pinuno; at si Zabud na anak ni Nathan ay pangulong tagapangasiwa, na (F)kaibigan ng hari;
6 At si Ahisar ay katiwala sa kaniyang bahay; at si Adoniram na (G)anak ni Abda ay nasa (H)mga magpapabuwis.
Ang kapangyarihan at kayamanan ni Salomon.
7 At si Salomon ay may labing dalawang katiwala sa buong Israel, na sila ang nagiimbak ng pagkain ukol sa hari, at sa kaniyang sangbahayan: bawa't isa sa kanila'y nagiimbak ng pagkain na isang buwan sa bawa't taon.
8 At ito ang kanilang mga pangalan: si Ben-hur sa lupaing maburol ng Ephraim:
9 Si Ben-dacer, sa Maccas, at sa Saalbim, at sa Beth-semes, at sa Elonbeth-hanan:
10 Si Ben-hesed, sa Aruboth (sa kaniya'y nauukol ang Socho, at ang buong lupain ng Ephet:)
11 Si Ben-abinadab sa buong kataasan ng Dor (na ang asawa'y si Taphat na anak ni Salomon:)
12 Si Baana na anak ni Ahilud sa Taanach, at sa Megiddo, at sa buong Beth-san na nasa siping ng Zaretan, sa ibaba ng Jezreel, mula sa Bethsan hanggang sa Abel-mehola, na may layong hanggang sa dako roon ng Jocmeam:
13 Si Ben-geber, sa Ramoth-galaad; (sa kaniya nauukol ang mga bayan ni Jair na anak ni Manases, na nasa Galaad; sa makatuwid baga'y sa kaniya nauukol ang lupain ng Argob, na nasa Basan, anim na pung malaking bayan na (I)may mga kuta at mga halang na tanso:)
14 Si Ahinadab, anak ni Iddo sa Mahanaim:
15 Si Ahimaas, sa Nephtali; (Ito rin ang nagasawa kay Basemath na anak na babae ni Salomon.)
16 Si Baana, na anak ni Husai sa Aser at sa Alot.
17 Si Josaphat, na anak ni Pharua sa Issachar:
18 Si Semei, na anak ni Ela sa Benjamin:
19 Si Geber, na anak ni Uri sa lupain ng Galaad, na lupain ni Sehon na hari ng mga Amorrheo, (J)at ni Og na hari sa Basan; at siya lamang ang katiwala sa lupaing yaon.
20 Ang Juda at ang Israel ay marami, na (K)gaya ng buhangin sa tabi ng dagat sa karamihan, na nagkakainan, at nagiinuman, at nagkakatuwa.
21 At si Salomon ay nagpupuno sa lahat ng kaharian na (L)mula sa Ilog hanggang sa lupain ng mga Filisteo, at hanggang sa hangganan ng Egipto: (M)sila'y nagsipagdala ng mga kaloob, at nagsipaglingkod kay Salomon lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay.
22 At ang pagkain ni Salomon sa isang araw ay tatlong pung takal ng mainam na harina, at anim na pung takal na harina,
23 Sangpung matabang baka, at dalawang pung baka na mula sa pastulan, at isang daang tupa, bukod pa ang mga usang lalake at babae, at mga usang masungay, at mga pinatabang hayop na may pakpak.
24 Sapagka't sakop niya ang buong lupain ng dakong ito ng Ilog, mula sa Tiphsa hanggang sa Gaza, sa lahat ng mga hari sa dakong ito ng Ilog: at siya'y may kapayapaan (N)sa lahat ng mga dako sa palibot niya.
25 At ang Juda at ang Israel ay nagsitahang tiwasay, na (O)bawa't tao'y sa ilalim ng kaniyang puno ng ubas at sa ilalim ng kaniyang puno ng igos, (P)mula sa Dan hanggang sa Beer-seba, sa lahat ng kaarawan ni Salomon.
26 At mayroon si Salomong apat na pung libong kabayo sa kaniyang mga silungan para sa kaniyang mga karo, (Q)at labing dalawang libong mangangabayo.
27 At ipinag-imbak ng mga katiwalang (R)yaon ng pagkain ang haring Salomon, at ang lahat na naparoon sa dulang ng haring Salomon, bawa't isa'y sa kaniyang buwan: walang nagkulang na anoman.
28 Sebada naman at dayami sa mga kabayo, at sa mga matuling kabayo ay nagsipagdala sila sa dakong kinaroroonan ng mga pinuno, bawa't isa'y ayon sa kaniyang katungkulan.
Ang karunungan ni Salomon.
29 At binigyan ng Dios si Salomon ng karunungan, at (S)di kawasang katalinuhan at kaluwagan ng puso, gaya ng buhanging nasa tabi ng dagat.
30 At ang karunungan ni Salomon ay mahigit kay sa karunungan ng lahat na anak (T)ng silanganan, at kay sa buong karunungan ng (U)Egipto.
31 Sapagka't lalong pantas kay sa lahat ng mga tao; (V)kay sa kay Ethan na (W)Ezrahita, at kay Eman, at kay Calchol, at kay Darda, na mga anak ni Mahol: at ang kaniyang kabantugan ay lumipana sa lahat ng mga bansa sa palibot.
32 At siya'y nagsalita ng tatlong libong kawikaan; at ang kaniyang mga awit ay isang libo at lima.
33 At siya'y nagsalita ng tungkol sa mga punong kahoy, mula sa sedro na nasa Libano hanggang sa isopo na sumisibol sa pader: siya'y nagsalita rin ng tungkol sa mga hayop, at sa mga ibon, at sa nagsisiusad at sa mga isda.
34 At naparoon ang mga taong mula sa lahat na bayan, upang marinig ang karunungan ni Salomon (X)na mula sa lahat na hari sa lupa, na nakabalita ng kaniyang karunungan.
Ang pakikipagtalastasan sa haring Hiram bagay sa pagpapatayo ng templo.
5 At si Hiram na (Y)hari sa Tiro ay nagsugo ng kaniyang mga lingkod kay Salomon; dahil sa kaniyang nabalitaan na siya'y kanilang pinahiran ng langis na maging hari na kahalili ng kaniyang ama, sapagka't si Hiram ay naging laging maibigin (Z)kay David.
2 (AA)At si Salomon ay nagsugo kay Hiram, na kaniyang sinasabi,
3 Talastas mo na kung paanong si David na aking ama ay hindi nakapagtayo ng bahay sa pangalan ng Panginoon niyang Dios dahil sa mga pagdidigmaan sa palibot niya sa bawa't dako, (AB)hanggang sa inilagay sila ng Panginoon sa ilalim ng mga talampakan ng kaniyang mga paa.
4 Nguni't ngayo'y binigyan ako ng Panginoon kong Dios ng katiwasayan sa bawa't dako; (AC)wala kahit kaaway, o masamang pangyayari man.
5 At, narito, ako'y tumalagang ipagtayo ng bahay ang pangalan ng Panginoon kong Dios, gaya ng sinalita ng Panginoon kay David na aking ama, na nagsasabi, Ang iyong anak na aking iuupo sa iyong luklukan na kahalili mo, siya ang (AD)magtatayo ng bahay para sa aking pangalan.
6 Ngayon nga'y ipagutos mo na iputol nila ako ng mga puno ng sedro sa Libano; (AE)at ang aking mga bataan ay makakasama ng iyong mga bataan: at aking bibigyan ka ng kaupahan sa iyong mga bataan ayon sa lahat na iyong sasabihin: sapagka't iyong talastas na wala sinoman sa amin na makapagdadaras ng mga kahoy ng gaya ng mga Sidonio.
7 At nangyari nang mabalitaan ni Hiram ang mga salita ni Salomon, na siya'y nagalak na mainam, at nagsabi, (AF)Purihin ang Panginoon sa araw na ito, na nagbigay kay David ng isang pantas na anak, sa malaking bayang ito.
8 At si Hiram ay nagsugo kay Salomon, na nagsasabi, Aking narinig ang pasugo na iyong ipinasugo sa akin: aking gagawin ang iyong buong nasa tungkol sa kahoy na sedro, at tungkol sa kahoy na (AG)abeto.
9 Ang aking mga bataan ay magsisipagbaba mula sa Libano hanggang sa dagat: at aking gagawing mga balsa upang dumaan sa dagat hanggang sa dakong iyong pagtuturuan sa akin, at aking ipakakalag doon, at iyong tatanggapin: at iyong tutuparin ang aking nasa, sa pagbibigay ng pagkain (AH)sa aking sangbahayan.
10 Sa gayo'y binigyan ni Hiram si Salomon ng kahoy na sedro, at kahoy na abeto ayon sa kaniyang buong nasa.
11 At binigyan ni Salomon si Hiram ng dalawang pung libong takal na trigo na pinaka pagkain ng kaniyang sangbahayan, at dalawang pung takal na taganas na langis; (AI)ganito binigyan ni Salomon si Hiram sa taon-taon.
12 At binigyan ng Panginoon si Salomon ng karunungan, gaya ng kaniyang ipinangako sa kaniya; (AJ)at may kapayapaan si Hiram at si Salomon; at silang dalawa'y gumawa ng kasunduan.
13 At ang haring Salomon ay humingi ng mga mang-aatag sa buong Israel; at ang mga mang-aatag ay tatlong pung libong lalake.
14 At kaniyang sinusugo sila sa Libano na sangpu-sangpung libo bawa't buwan na halinhinan: isang buwan ay nasa Libano, at dalawang buwan ay sa bahay: at si (AK)Adoniram ay tagapamahala sa mga mang-aatag.
15 At si Salomon ay may pitong pung libong nagsisipagdala ng mga pasan (AL)at walong pung libong mangdadaras sa bundukin:
16 Bukod pa ang mga (AM)kapatas ni Salomon na nasa gawain, na tatlong libo at tatlong daan, na nagpupuno (AN)sa mga taong nagsisigawa ng gawain.
17 At ang hari ay nagutos, at nagsitibag sila ng malalaking bato, ng mga mahahalagang bato, upang ilagay ang tatagang-baon ng bahay (AO)na gumagamit ng mga batong tabas.
18 At tinabas ng mga tagapagtayo ni Salomon, at ng mga tagapagtayo ni Hiram at ng mga (AP)Gebalita, at inihanda ang mga kahoy, at ang mga bato upang itayo ang bahay.
2 At kayo'y binuhay niya, (A)nang kayo'y mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan,
2 Na inyong nilakaran (B)noong una ayon sa (C)lakad ng sanglibutang ito, ayon (D)sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa (E)mga anak ng pagsuway;
3 Sa gitna ng mga yaon, tayo rin naman, ng ibang panahon ay nangabubuhay sa (F)mga kahalayan ng ating laman, na ating ginagawa ang mga pita ng laman at ng pagiisip, at (G)tayo noo'y katutubong mga anak ng kagalitan, gaya naman ng mga iba:—
4 Nguni't ang Dios, palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin,
5 Bagama't (H)tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, (I)tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas),
6 At tayo'y ibinangong kalakip niya, at pinaupong kasama niya (J)sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus:
7 Upang sa mga panahong darating ay maihayag niya ang dakilang kayamanan ng kaniyang biyaya sa kagandahang-loob sa atin kay Cristo Jesus:
8 Sapagka't sa biyaya (K)kayo'y nangaligtas (L)sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, (M)ito'y kaloob ng Dios;
9 Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, (N)upang ang sinoman ay huwag magmapuri.
10 Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, (O)na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.
11 Kaya nga (P)alalahanin ninyo, na kayo noong una, mga Gentil sa laman, tinatawag na Di-pagtutuli niyaong tinatawag na (Q)Pagtutuli sa laman, na ginawa ng mga kamay:
12 Na kayo nang panahong yaon ay mga hiwalay kay Cristo, na mga di kabilang sa bansa ng Israel, at mga taga ibang lupa tungkol sa (R)mga tipan ng pangako, na (S)walang pagasa at walang Dios sa sanglibutan.
13 Datapuwa't ngayon kay Cristo Jesus kayo na noong panahon ay nalalayo (T)ay inilapit sa dugo ni Cristo.
14 Sapagka't siya ang ating kapayapaan, (U)na kaniyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay,
15 Na inalis (V)ang pagkakaalit (W)sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang (X)taong bago, sa ganito'y ginagawa ang kapayapaan;
16 At (Y)upang papagkasunduin silang dalawa sa (Z)isang katawan sa Dios sa pamamagitan ng krus, (AA)na sa kaniya'y pinatay ang pagkakaalit.
17 At siya'y naparito (AB)at ipinangaral ang kapayapaan sa inyong nalalayo, at ang kapayapaan sa nangalalapit:
18 Sapagka't (AC)sa pamamagitan niya (AD)tayo'y may pagpasok sa (AE)isang Espiritu rin sa Ama.
19 Kaya nga hindi na kayo mga (AF)taga ibang lupa at mga manglalakbay, kundi kayo'y mga (AG)kababayan na kasama ng mga banal, at sangbahayan ng Dios,
20 (AH)Na mga itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga (AI)apostol at ng mga (AJ)propeta, na si Cristo Jesus din (AK)ang pangulong bato sa panulok;
21 Na sa kaniya'y ang buong gusali, na nakalapat na mabuti, ay lumalago upang maging (AL)isang templong banal sa Panginoon;
22 Na sa kaniya'y itinayo naman (AM)kayo upang maging tahanan ng Dios sa Espiritu.
Ibinabala ang pangangalat ng Idom.
35 Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
2 Anak ng tao, (A)ititig mo ang iyong mukha sa (B)bundok ng Seir, at (C)manghula ka laban doon,
3 At sabihin mo roon, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban sa iyo, Oh bundok ng Seir, at aking iniunat ang aking kamay laban sa iyo, at gagawin kitang sira at katigilan.
4 Aking ilalagay na giba ang iyong mga bayan, at ikaw ay magiging sira; at iyong malalaman na ako ang Panginoon.
5 (D)Sapagka't ikaw ay nagkaroon ng laging pakikipagkaalit, at ibinigay mo ang mga anak ni Israel sa kapangyarihan ng tabak sa kapanahunan ng kanilang kasakunaan, sa kapanahunan ng parusang pinaka wakas;
6 Kaya't buháy ako, sabi ng Panginoong Dios, aking itatalaga ka sa dugo, at ang dugo ay hahabol sa iyo: yamang hindi mo kinapootan ang dugo, kaya't matatalaga ka sa dugo.
7 Ganito ko gagawin ang bundok ng Seir na isang katigilan at kasiraan; at aking ihihiwalay sa kaniya siya na nagdaraan at siyang nagbabalik.
8 At aking pupunuin ang kaniyang mga bundok ng kaniyang mga nangapatay: sa iyong mga burol at sa iyong mga libis at sa lahat mong mga daan ng tubig ay mangabubuwal sila na nangapatay ng tabak.
9 Ikaw ay gagawin kong pangpalaging kasiraan, at ang iyong mga bayan ay hindi tatahanan; (E)at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
10 Sapagka't iyong sinabi, Ang dalawang bansang ito, at ang dalawang lupaing ito ay magiging akin, at aming aariin; bagaman kinaroroonan ng Panginoon:
11 Kaya't buháy ako, sabi ng Panginoong Dios, aking gagawin ayon sa iyong galit, at ayon sa iyong pananaghili na iyong ipinakilala sa iyong pagtatanim laban sa kanila: at ako'y pakikilala sa gitna nila pagka aking hahatulan ka.
12 At iyong malalaman na akong Panginoon ay nakarinig ng lahat mong panunungayaw na iyong sinalita laban sa mga bundok ng Israel, na sinasabi, Nangalagay na sira ang mga yaon, nangabigay sa atin upang lamunin.
13 At (F)kayo'y nangagmalaki laban sa akin ng inyong bibig, at inyong pinarami ang inyong mga salita laban sa akin: aking narinig yaon.
14 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Pagka ang buong lupa ay nagagalak, akin gagawin kang sira.
15 Kung paanong ikaw ay nagalak sa mana ng sangbahayan ni Israel, dahil sa sira, gayon ang gagawin ko sa iyo: ikaw ay magiging sira, Oh bundok ng Seir, at (G)buong Edom, oo, lahat ng ito; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core.
85 Panginoon, ikaw ay naging lingap sa iyong lupain:
(A)Iyong ibinalik ang nangabihag ng Jacob.
2 (B)Iyong pinatawad ang kasamaan ng iyong bayan,
Iyong tinakpan ang lahat nilang kasalanan, (Selah)
3 Iyong pinawi ang buong poot mo:
(C)Iyong tinalikdan ang kabangisan ng iyong galit.
4 (D)Ibalik mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan,
At papaglikatin mo ang iyong galit sa amin.
5 (E)Magagalit ka ba sa amin magpakailan man?
Iyo bang ipagpapatuloy ang iyong galit sa lahat ng sali't saling lahi?
6 Hindi mo ba kami bubuhayin uli:
Upang ang iyong bayan ay magalak sa iyo?
7 Ipakita mo sa amin ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon,
At ipagkaloob mo sa amin ang iyong pagliligtas.
8 (F)Aking pakikinggan kung ano ang sasalitain ng Dios na Panginoon:
Sapagka't (G)siya'y magsasalita ng kapayapaan sa kaniyang bayan at sa kaniyang mga (H)banal:
Nguni't huwag silang manumbalik uli (I)sa kaululan.
9 Tunay na ang kaniyang pagliligtas ay malapit sa kanila na nangatatakot sa kaniya;
(J)Upang ang kaluwalhatian ay tumahan sa aming lupain.
10 (K)Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong;
(L)Katuwiran at kapayapaan ay naghalikan.
11 Katotohanan ay bumubukal sa lupa;
At ang katuwiran ay tumungo mula sa langit.
12 Oo, ibibigay ng (M)Panginoon ang mabuti;
At ang ating (N)lupain ay maguunlad ng kaniyang bunga.
13 Katuwira'y mangunguna sa kaniya;
At gagawing daan ang kaniyang mga bakas.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978