Add parallel Print Page Options

33 Sapagka't kanilang pinabayaan ako, at sinamba si (A)Astaroth na diosa ng mga Sidonio, si (B)Chemos na dios ng Moab, at si Milcom na dios ng mga anak ni Ammon; at sila'y hindi nagsilakad sa aking mga daan upang gawin ang matuwid sa aking paningin, at upang ingatan ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kahatulan, na gaya ng ginawa ni David na kaniyang ama.

Read full chapter

13 At kanilang pinabayaan ang Panginoon, at (A)naglingkod kay Baal at kay Astaroth.

Read full chapter

At nagsalita si Samuel sa buong sangbahayan ng Israel, na nagsasabi, Kung kayo'y babalik sa Panginoon (A)ng buo ninyong puso ay (B)inyo ngang alisin sa inyo ang mga dios na iba, at ang mga (C)Astaroth, at ihanda ninyo ang inyong mga puso sa Panginoon, at sa kaniya lamang kayo (D)maglingkod; at ililigtas niya kayo sa kamay ng mga Filisteo.

Read full chapter

10 At sila'y dumaing sa Panginoon at nagsabi, (A)Kami ay nagkasala, sapagka't pinabayaan namin ang Panginoon at (B)naglingkod kami sa mga Baal at sa mga Astaroth: nguni't ngayo'y palayain mo kami sa kamay ng aming mga kaaway, at kami ay maglilingkod sa iyo.

Read full chapter

10 At kanilang inilagay ang kaniyang sakbat, sa bahay ni (A)Astaroth: at kanilang (B)ibinitin ang bangkay niya sa kuta ng Beth-san.

Read full chapter

13 At ang mga mataas na dako na nangasa harap ng Jerusalem, na nasa kanan ng bundok ng kapahamakan, na itinayo ng haring (A)Salomon kay Asthareth na karumaldumal ng mga Sidonio, at kay Chemos na karumaldumal ng Moab, at sa kay Milcom na karumaldumal ng mga anak ni Ammon, ay nilapastangan ng hari.

Read full chapter