Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Chronological

Read the Bible in the chronological order in which its stories and events occurred.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Eclesiastes 1-6

Ang mangangaral ay nagsasabing ang lahat ng bagay ay walang kabuluhan.

Ang mga salita (A)ng Mangangaral, na anak ni David, (B)hari sa Jerusalem.

(C)Walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, sabi ng Mangangaral; walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, (D)lahat ay (E)walang kabuluhan.

(F)Anong pakinabang mayroon ang tao sa lahat ng kaniyang gawa, na kaniyang ginagawa sa ilalim ng araw?

Isang salin ng lahi ay yumayaon, at ibang salin ng lahi ay dumarating; (G)nguni't ang lupa ay nananatili magpakailan man.

(H)Ang araw naman ay sumisikat, at ang araw ay lumulubog, at nagmamadali sa dakong sinisikatan nito.

(I)Ang hangin ay yumayaon sa dakong timugan, at pumipihit sa hilagaan: at laging pumipihit na patuloy, at ang hangin ay bumabalik uli ayon sa kaniyang pihit.

(J)Lahat ng mga ilog ay humuhugos sa dagat, gayon ma'y hindi napupuno ang dagat; sa dakong hinuhugusan ng mga ilog, doon din nagsisihugos uli ang mga yaon.

Lahat ng mga bagay ay puspos ng pagaalapaap; hindi maisasaysay ng tao: (K)ang mata ay hindi nasisiyahan ng pagtingin, ni ang tainga man ay nasisiyahan sa pakikinig.

(L)Yaong nangyari ay siyang mangyayari; at yaong nagawa ay siyang magagawa: at walang bagong bagay sa ilalim ng araw.

10 May bagay ba na masasabi ang mga tao, Tingnan mo, ito'y bago? nayari nga sa mga panahon na una sa atin.

11 Walang alaala sa mga dating lahi; ni magkakaroon man ng alaala sa mga huling salin ng lahi na darating, sa mga yaon na darating pagkatapos.

12 (M)Akong Mangangaral ay naging hari sa Israel sa Jerusalem.

13 (N)At inihilig ko ang aking puso na hanapin at siyasatin sa pamamagitan ng karunungan ang lahat na nagawa sa silong ng langit: (O)mahirap na pagdaramdam na ito ang ibinigay ng Dios sa mga anak ng mga tao, upang pagsanayan.

14 Aking nakita ang lahat na gawa, na nagawa sa ilalim ng araw; at, narito, lahat ay (P)walang kabuluhan at nauuwi sa wala.

15 (Q)Ang baluktot ay hindi matutuwid: at ang kulang ay hindi mabibilang.

16 Ako'y sumangguni sa aking sariling puso, na sinasabi ko, Narito, (R)nagtamo ako sa akin ng malaking karunungan ng higit kay sa lahat na nauna sa akin sa Jerusalem: oo, ang puso ko'y nagtaglay ng malaking kabihasnan sa karunungan at kaalaman.

17 (S)At inihilig ko ang aking puso na makaalam ng karunungan, at makaalam ng kaululan at ng kamangmangan: aking nahalata na ito man ay nauuwi sa wala.

18 Sapagka't (T)sa maraming karunungan at maraming kapanglawan: at siyang nananagana sa kaalaman ay nananagana sa kapanglawan.

Ang pagkawalang kabuluhan ng tinatangkilik, karunungan, at ng lahat na gawa.

Sinabi (U)ko sa aking puso: Pumarito ka ngayon, Susubukin kitang may kasayahan; kaya't magsawa ka sa kalayawan: at narito, ito rin ay walang kabuluhan.

Aking sinabi tungkol (V)sa tawa, Ito'y ulol: at sa kasayahan, Anong ginagawa nito?

Aking siniyasat sa aking puso na kung paanong masasayahan ang aking katawan sa pamamagitan ng alak, (W)pinapatnubayan pa ng karunungan ang aking puso at kung paanong hahawak sa kamangmangan, hanggang sa aking makita kung ano ang mabuti sa mga anak ng mga tao na marapat nilang gawin sa silong ng langit sa lahat ng mga kaarawan ng kanilang buhay.

Gumawa ako sa ganang akin ng mga malaking gawa; (X)nagtayo ako sa ganang akin ng mga bahay; nagtanim ako sa ganang akin ng mga ubasan;

Gumawa ako sa ganang akin ng mga halamanan at mga liwasan, at aking tinamnan ng mga sarisaring puno ng kahoy na nagkakabunga:

Gumawa ako sa ganang akin ng mga tipunan ng tubig, upang dumilig ng gubat na pagtatamnan ng mga puno ng kahoy:

(Y)Ako'y bumili ng mga aliping lalake at babae, at nagkaroon ako ng mga aliping ipinanganak sa aking bahay; nagkaroon din naman ako ng mga malaking pagaari na mga bakahan at mga kawan, ng higit kay sa lahat na nauna sa akin sa Jerusalem:

(Z)Nagtipon din ako sa ganang akin ng pilak at ginto, at ng tanging kayamanan ng mga hari at ng mga (AA)lalawigan: nagtatangkilik ako sa akin ng mga lalaking mangaawit at mga babaing mangaawit, at ng mga kalayawan ng mga anak ng mga tao, mga sarisaring instrumento ng musiko iya'y totoong marami.

Sa gayo'y naging dakila ako, at lumago ako ng higit kay sa lahat na nauna sa akin sa Jerusalem: ang akin namang karunungan ay (AB)namamalagi sa akin.

10 At anomang ninasa ng aking mga mata ay hindi ko ipinagkait: hindi ko pinigil ang aking puso sa anomang kagalakan, sapagka't nagagalak ang aking puso dahil sa lahat kong gawain; at (AC)ito ang aking bahagi na mula sa lahat kong gawain.

11 Nang magkagayo'y minasdan ko ang lahat ng mga gawa, na ginawa ng aking mga kamay, at ang gawain na aking pinagsikapang gawin; at, narito, (AD)lahat ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala, at (AE)walang pakinabang sa ilalim ng araw.

12 At ako'y pumihit upang masdan ang karunungan, (AF)at ang kaululan at ang kamangmangan; sapagka't ano ang magagawa ng tao na sumusunod sa hari? samakatuwid baga'y ang nagawa na laong panahon ng nakaraan.

13 Nang magkagayo'y aking nakita, na ang karunungan ay humihigit sa kamangmangan, na gaya ng liwanag na humihigit sa dilim.

14 (AG)Ang mga mata ng pantas ay na sa kaniyang ulo, at ang mangmang ay lumalakad sa kadiliman: at gayon ma'y aking namalas na (AH)isang pangyayari ang nangyari sa kanilang lahat.

15 Nang magkagayo'y sinabi ko sa puso ko, Kung ano ang nangyari sa mangmang gayon ang mangyayari sa akin; at bakit pa nga ako naging (AI)lalong pantas? Nang magkagayo'y sinabi ko sa puso ko, na ito man ay walang kabuluhan.

16 Sapagka't kung paano sa pantas ay gayon din sa mangmang, walang alaala magpakailan man; dangang sa mga araw na darating ay malilimutang lahat na. At kung paanong ang pantas ay namamatay ay gayon ang mangmang!

17 Sa gayo'y ipinagtanim ko ang buhay; sapagka't ang gawa na ginawa sa ilalim ng araw ay mapanglaw sa akin: sapagka't lahat ay (AJ)walang kabuluhan at nauuwi sa wala.

18 At ipinagtanim ko ang lahat kong gawa na aking ginawa sa ilalim ng araw: yamang marapat kong iwan sa tao na susunod sa akin.

19 (AK)At sinong nakakaalam kung siya'y magiging isang pantas o isang mangmang? gayon ma'y magpupuno siya sa lahat ng aking gawa, na aking ginawa, at sa aking pinagpakitaan ng karunungan sa ilalim ng araw. Ito man ay walang kabuluhan.

20 Kaya't ako'y bumalik upang aking alisan ng pagasa ang aking puso tungkol sa lahat na gawa na aking ginawa sa ilalim ng araw.

21 Sapagka't may tao, na ang gawa ay sa pamamagitan ng karunungan, at ng kaalaman, at ng kabihasnan; gayon ma'y sa tao na hindi gumawa niyaon ay iiwan niya na pinakabahagi niyaon. Ito man ay walang kabuluhan at malaking kasamaan.

22 (AL)Sapagka't ano ang tinatamo ng tao sa lahat niyang gawa, at sa nais ng kaniyang puso na kaniyang iginawa sa ilalim ng araw?

23 Sapagka't lahat niyang kaarawan ay mga (AM)kapanglawan lamang, at ang kaniyang pagdaramdam ay hapis; oo, pati sa gabi ay hindi nagpapahinga ang kaniyang puso. Ito man ay walang kabuluhan.

24 (AN)Walang maigi sa tao kundi ang kumain at uminom, at pagalaking mabuti ang kaniyang kaluluwa sa kaniyang gawa. Ito man ay aking nakita na mula sa kamay ng Dios.

25 Sapagka't sinong makakakain, o sinong makapagtataglay ng kagalakang higit kay sa akin?

26 Sapagka't ang tao na kinaluluguran niya, binibigyan ng Dios ng karunungan, at kaalaman, at kagalakan: nguni't ang makasalanan ay binibigyan niya ng damdam, na magpisan at magbunton, (AO)upang maibigay sa kaniya na kinaluluguran ng Dios. Ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.

Ang pagkawalang kabuluhan ng tinatangkilik, karunungan, at ng lahat na gawa.

Sa bawa't bagay ay may kapanahunan, at panahon sa (AP)bawa't panukala sa silong ng langit:

Panahon ng kapanganakan, (AQ)at panahon ng kamatayan; panahon ng pagtatanim, at panahon ng pagbunot ng itinanim;

Panahon ng pagpatay, at panahon ng pagpapagaling; panahon ng paggiba, at panahon ng pagtatayo;

Panahon ng pagiyak, at panahon ng pagtawa; panahon ng pagtangis, at panahon ng pagsayaw;

Panahon ng paghahagis ng mga bato, at panahon ng pagpipisan ng mga bato; panahon ng pagyakap, at (AR)panahon ng pagpipigil sa pagyakap;

Panahon ng paghanap, at panahon ng pagkawala: panahon ng pagiingat, at panahon ng pagtatapon;

(AS)Panahon ng pagpunit, at panahon ng pananahi; panahon ng pagtahimik, at (AT)panahon ng pagsasalita;

Panahon ng pagibig, at panahon ng (AU)pagtatanim; panahon ng digma, at panahon ng kapayapaan.

(AV)Anong pakinabang ang tinatamo niya, na gumagawa sa kaniyang pinagpapagalan?

10 (AW)Aking nakita ang sakit na ibinigay ng (AX)Dios sa mga anak ng mga tao upang pagsanayan.

11 Ginawa niya ang bawa't bagay na (AY)maganda sa kapanahunan niyaon: inilagay rin niya ang sanglibutan sa kanilang puso, na anopa't (AZ)hindi matalos ng tao ang gawa na ginawa ng Dios mula sa pasimula hanggang sa wakas.

12 (BA)Nalalaman ko, na walang maigi sa kanila, kay sa magalak, at (BB)gumawa ng mabuti habang sila'y nabubuhay.

13 At ang bawa't tao rin naman ay marapat kumain at uminom, at magalak sa kabutihan sa lahat niyang gawa, (BC)siyang kaloob ng Dios.

14 Nalalaman ko, na anomang ginagawa ng Dios, magiging magpakailan pa man: (BD)walang bagay na maidadagdag, o anomang bagay na maaalis: at ginawa ng Dios, upang ang tao ay matakot sa harap niya.

15 (BE)Ang nangyari sa nagdaan ay nangyari na; at ang mangyayari pa ay nangyari na rin; at hinahanap uli ng Dios ang nakaraan na.

Ang kasamaan ng tao at ang pagkakatulad sa hayop.

16 At bukod dito'y (BF)aking nakita sa ilalim ng araw, sa dako ng kahatulan, na nandoon ang kasamaan; at sa dako ng katuwiran, na nandoon ang kasamaan.

17 Sinabi ko sa puso ko, (BG)Hahatulan ng Dios ang matuwid at ang masama: sapagka't may panahon doon sa (BH)bawa't panukala at sa bawa't gawa.

18 Sinabi ko sa puso ko, Dahil sa mga anak ng mga tao, upang subukin sila ng Dios, at upang kanilang makita na sila'y mga hayop lamang.

19 (BI)Sapagka't ang nangyayari sa mga anak ng mga tao ay nangyayari sa mga hayop: sa makatuwid baga'y isang bagay ang nangyari sa kanila: kung paanong namamatay ang hayop, gayon namamatay ang tao; oo, silang lahat ay may isang hininga; at ang tao ay wala ng karangalang higit sa hayop: sapagka't lahat ay walang kabuluhan.

20 Lahat ay nagsisiyaon sa isang dako; (BJ)lahat ay buhat sa alabok, at lahat ay nangauuwi sa alabok uli.

21 Sinong nakakaalam ng diwa ng tao kung napaiilanglang, at ng diwa ng hayop kung napaiibaba sa lupa?

22 (BK)Kaya't aking nakita, na walang bagay na maigi, kundi ang tao ay magalak sa kaniyang mga gawa; sapagka't siyang kaniyang bahagi: sapagka't sinong magbabalik sa kaniya upang makita (BL)ang mangyayari pagkamatay niya?

Ang kasamaan ng tao at ang pagkakatulad sa hayop.

Nang magkagayo'y pumihit ako, at aking nakita (BM)ang lahat na kapighatian na nagawa sa ilalim ng araw: at, narito, ang mga luha ng mga yaon, na napipighati, at wala silang mangaaliw: at sa siping ng mga mamimighati sa kanila ay may kapangyarihan, nguni't wala silang mangaaliw.

(BN)Kaya't aking pinuri ang patay na namatay na, ng higit kay sa may buhay na nabubuhay pa;

(BO)Oo, maigi kay sa kanila kapuwa ang hindi ipinanganganak, na hindi nakakita ng masamang gawa na nagawa sa ilalim ng araw.

Nang magkagayo'y nakita ko ang lahat na gawa, at bawa't gawang mainam na dahil dito ay pinananaghilian ang tao ng kaniyang kapuwa. (BP)Ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.

(BQ)Inihahalukipkip ng mangmang ang kaniyang mga kamay, at kumakain ng kaniyang sariling laman.

(BR)Maigi ang isang dakot na may katahimikan, kay sa dalawang dakot na may kahirapan at walang kabuluhan.

Nang magkagayo'y bumalik ako at aking nakita ang walang kabuluhan sa ilalim ng araw.

May isa na nagiisa, at siya'y walang pangalawa; oo, siya'y walang anak o kapatid man; gayon ma'y walang wakas sa lahat niyang gawa, ni nasisiyahan man ang kaniyang mga (BS)mata sa mga kayamanan. Dahil kanino nga, (BT)sabi niya, nagpapagal ako, at binabawahan ko ang aking kaluluwa ng mabuti? Ito man ay walang kabuluhan, oo, mahirap na damdam.

Dalawa ay maigi kay sa isa; sapagka't sila'y may mabuting kagantihan sa kanilang gawa.

10 Sapagka't kung sila'y mabuwal, ibabangon ng isa ang kaniyang kasama; nguni't sa aba niya, na nagiisa pagka siya'y nabuwal, at walang iba na magbangon sa kaniya.

11 Muli, kung ang dalawa ay mahigang magkasama, may init nga sila: nguni't paanong makapagpapainit ang isa na nagiisa?

12 At kung ang isang tao ay manaig laban sa kaniya na nagiisa, ang dalawa ay makalalaban sa kaniya; at ang panaling tatlong ikid ay hindi napapatid na madali.

13 Maigi ang dukha at pantas na bata kay sa matanda at mangmang na hari, na hindi nakakaalam ng pagtanggap ng payo pa.

14 Sapagka't mula sa bilangguan ay lumabas siya upang maghari; oo, sa kaniyang kaharian nga ay ipinanganak siyang dukha.

15 Aking nakita ang lahat na may buhay, na nagsisilakad sa ilalim ng araw, na sila'y kasama ng bata, ng ikalawa, na tumatayo na kahalili niya.

16 Walang wakas sa lahat ng bayan, sa makatuwid baga'y sa lahat na pinaghaharian niya: gayon ma'y silang darating pagkatapos ay hindi mangagagalak sa kaniya. Tunay na ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.

Ang kabanalan ay ipinayo. Maling paggamit ng kayamanan.

Ingatan mo ang iyong paa (BU)pagka ikaw ay napasasa bahay ng Dios; (BV)sapagka't ang paglapit upang makinig ay maigi kay sa magbigay ng hain ng mga mangmang: sapagka't hindi nila nalalaman na sila'y nagsisigawa ng kasamaan.

(BW)Huwag kang pakabigla ng iyong bibig, at huwag magmadali ang iyong puso na magsalita ng anomang bagay sa harap ng Dios; sapagka't ang Dios ay nasa langit, at ikaw ay nasa lupa: (BX)kaya't pakauntiin mo ang iyong mga salita.

Sapagka't ang panaginip ay dumarating sa karamihan ng gawain; at ang tinig ng mangmang (BY)sa karamihan ng mga salita.

(BZ)Pagka ikaw ay nananata ng panata sa Dios, (CA)huwag kang magliban ng pagtupad; sapagka't siya'y walang kaligayahan sa mga mangmang: tuparin mo ang iyong ipinanata.

(CB)Maigi nga ang ikaw ay huwag manata, kay sa ikaw ay manata at hindi tumupad.

Huwag bayaan ang iyong bibig, na papagkasalanin ang iyong laman; (CC)at huwag ka mang magsabi sa harap ng anghel, na isang kamalian: bakit nga magagalit ang Dios sa iyong tinig, at sisirain ang gawa ng iyong mga kamay?

Sapagka't sa karamihan ng mga panaginip ay may kawalangkabuluhan, at sa maraming mga salita: nguni't matakot ka sa Dios.

Kung iyong nakikita ang (CD)kapighatian ng dukha, at ang karahasang pagaalis ng kahatulan at kaganapan sa isang lalawigan, huwag mong kamanghaan ang bagay: sapagka't ang lalong (CE)mataas kay sa mataas ay nagmamasid; at may lalong mataas kay sa kanila.

Bukod dito, ay sa lahat ang pakinabang sa lupa: ang hari man ay pinaglilingkuran ng bukid.

10 Siyang umiibig sa pilak ay hindi masisiyahan sa pilak; o siya mang umiibig (CF)sa kasaganaan ng pakinabang: ito man ay walang kabuluhan.

11 Pagka ang mga pagaari ay nagsisidami, ay nagsisidami silang nagsisikain ng mga yaon: at anong pakinabang mayroon ang may-ari niyaon, kundi ang mamasdan ng kaniyang mga mata?

12 Ang tulog ng manggagawang tao ay mahimbing, maging siya'y kumain ng kaunti o marami: nguni't ang kasaganaan ng yaman ay hindi magpapatulog sa kaniya.

13 (CG)May malubhang kasamaan na aking nakita sa ilalim ng araw, ito nga, ang mga yamang iningatan ng may-ari niyaon sa kapahamakan niya.

14 At ang mga yamang yaon ay nawawala ng masamang pangyayari; at kung siya'y magkaanak ng lalake, walang maiiwan sa kaniyang kamay.

15 Kung paanong siya'y (CH)lumabas sa bahay-bata ng kaniyang ina, hubad na yayaon siya uli na gaya ng siya'y dumating, at hindi magdadala ng anoman sa kaniyang nagawa, na kaniyang madadala sa kaniyang kamay.

16 At ito man ay malubhang kasamaan, na kung paano siya dumating ay gayon siya yayaon: (CI)at anong pakinabang mayroon siya, na gumagawa sa hangin?

17 Lahat ng mga araw naman niya ay (CJ)ikinakain niya sa kadiliman, at siya'y totoong nayayamot, at may sakit at pagiinit.

18 Narito, na aking nakita (CK)na mabuti at ukol sa isa ang kumain at uminom, at magalak sa kabutihan sa lahat niyang gawa na kaniyang ginawa sa ilalim ng araw lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay na ibinigay sa kaniya ng Dios: sapagka't ito'y kaniyang bahagi.

19 Bawa't tao rin naman na binigyan ng Dios ng mga kayamanan at mga pagaari, at binigyan ng kapangyarihan na kumain niyaon, at kumuha ng kaniyang bahagi, at magalak sa kaniyang gawa—(CL)ito'y kaloob ng Dios.

20 Sapagka't hindi niya aalalahaning lubha ang mga kaarawan ng kaniyang buhay; sapagka't sinasagot siya ng Dios sa kagalakan ng kaniyang puso.

Ang kawalang kabuluhan ng mabuting bagay na hindi ikasya.

May (CM)kasamaan na nakita ako sa ilalim ng araw, at mabigat sa mga tao:

Ang tao (CN)na binibigyan ng Dios ng mga kayamanan, pagaari, at karangalan, (CO)na anopa't walang kulang sa kaniyang kaluluwa sa lahat niyang ninanasa, (CP)gayon ma'y hindi binibigyan siya ng Dios ng kapangyarihan na kumain niyaon, kundi iba ang kumakain niyaon; ito'y walang kabuluhan, at masamang sakit.

Kung ang isang tao ay magkaanak ng isang daan, at mabuhay na maraming taon, na anopa't ang mga kaarawan ng kaniyang mga taon ay dumami, nguni't ang kaniyang kaluluwa ay hindi mabusog ng mabuti, at (CQ)bukod dito ay wala siyang pangpalibing; aking sinasabing maigi (CR)ang isang naagas kay sa kaniya:

Sapagka't dumarating na walang kabuluhan, at yumayaon sa kadiliman, at ang pangalan niyaon ay natatakpan ng kadiliman;

Bukod dito ay hindi nakita ang araw o nakilala man; ito'y may kapahingahang maigi kay sa isa;

Oo, bagaman siya'y mabuhay na isang libong taon na makalawang masaysay, at hindi man nagalak na mabuti: hindi ba nagsisiyaon ang lahat sa iisang dako?

Lahat ng gawa (CS)ng tao ay para sa kaniyang bibig, at gayon ma'y ang panglasa ay hindi nasisiyahan.

Sapagka't anong pakinabang mayroon ang pantas na higit sa mangmang? o anong pakinabang mayroon ang dukha na maalam lumakad sa harap ng mga buhay?

Maigi ang paningin ng mga mata kay sa pagdidilidili; ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.

10 Anomang nangyari, ang pangalan niyaon ay natawag nang malaon, at kilala na siya'y tao: (CT)ni hindi maaaring makipagtalo siya sa lalong makapangyarihan kay sa kaniya.

11 Yamang maraming bagay na nangagdaragdag ng walang kabuluhan, ano ang lalong ikinaigi ng tao?

12 Sapagka't sinong nakakaalam kung ano ang mabuti sa tao sa kaniyang buhay, lahat ng mga kaarawan ng kaniyang walang kabuluhang buhay na kaniyang (CU)ginugol na gaya ng anino? sapagka't sinong makapagsasaysay sa tao kung ano ang mangyayari pagkamatay niya sa ilalim ng araw?

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978