Bible in 90 Days
Mga Talaan ng mga Angkang Pinagmulan ng Israel
1 Si Adan ang ama ni Set at si Set ang ama ni Enos. 2 Si Enos ang ama ni Kenan at si Kenan ang ama ni Mahalalel na ama ni Jared. 3 Si Jared ang ama ni Enoc, at anak ni Enoc si Matusalem na ama ni Lamec. 4 Si Lamec ang ama ni Noe at mga anak naman ni Noe sina Shem, Ham at Jafet.
5 Ang mga anak ni Jafet ay sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Meshec at Tiras. 6 Ang mga anak naman ni Gomer ay sina Askenaz, Difat at Togarma. 7 Ang mga anak ni Javan ay sina Elisha, Tarsis, Kitim at Rodanim.
8 Ang mga anak ni Ham ay sina Cus, Egipto, Libya at Canaan. 9 Mga anak ni Cus sina Seba, Havila, Sabta, Raama at Sabteca, at ang kay Raama naman ay sina Sheba at Dedan. 10 Anak din ni Cus si Nimrod, ang unang makapangyarihang mananakop sa daigdig. 11 Si Egipto ang pinagmulan ng mga Ludim, Anamim, Lehabim at Naftuhim. 12 Siya rin ang pinagmulan ng mga Patrusim, Casluhim at Caftorim, na siya namang pinagmulan ng mga Filisteo. 13 Ang mga anak ni Canaan ay si Sidon, na siyang panganay, at si Het. 14 Sila ang mga ninuno ng mga Jebuseo, Amoreo, Gergeseo, 15 Hivita, Arkita, Sinita, 16 Arvadita, Zemareo at Hamateo.
17 Ang mga anak ni Shem ay sina Elam, Asur, Arfaxad, Lud, Aram, Uz, Hul, Geter at Meshec. 18 Si Arfaxad ang ama ni Selah na ama naman ni Eber. 19 Dalawang lalaki ang naging anak ni Eber; Peleg[a] ang pangalan ng isa sapagkat sa panahon niya nahati ang daigdig, at Joctan naman ang pangalan ng kapatid nito. 20 Si Joctan ang ama ng magkakapatid na Almodad, Selef, Hazarmavet, Jerah, 21 Hadoram, Uzal, Dicla, 22 Ebal, Abimael, Sheba, 23 Ofir, Havila at Jobab.
24 Ganito ang pagkakasunud-sunod ng lahi mula kay Shem hanggang kay Abram: Shem, Arfaxad, Selah, 25 Eber, Peleg, Reu, 26 Serug, Nahor, Terah, 27 at Abram, na tinawag ding Abraham.
Ang Lahi ni Ismael(A)
28 Ang dalawang anak ni Abraham ay sina Isaac at Ismael. 29 Ang mga anak ni Ismael ay sina Nebayot, Kedar, Adbeel, Mibsam, 30 Misma, Duma, Massa, Hadad, Tema, 31 Jetur, Nafis at Kedema.
32 Ito ang mga anak ni Abraham sa kanyang asawang-lingkod na si Ketura: sina Zimran, Jocsan, Medan, Midian, Isbak at Sua. Ang mga anak ni Jocsan ay sina Sheba at Dedan. 33 Mga anak ni Midian sina Efa, Efer, Hanoc, Abida at Eldaa.
Ang Lahi ni Esau(B)
34 Ang anak ni Abraham na si Isaac ay may dalawang anak: sina Esau at Jacob. 35 Ang mga anak ni Esau ay sina Elifaz, Reuel, Jeus, Jalam at Korah. 36 Ang mga anak ni Elifaz ay sina Teman, Omar, Zefi, Gatam, Kenaz, Timna at Amalek. 37 Ang kay Reuel naman ay sina Nahat, Zera, Sammah at Miza.
Ang Lahi ni Seir(C)
38 Ang mga anak ni Seir ay sina Lotan, Sobal, Zibeon, Ana, Dison, Eser at Disan. 39 Ang mga anak ni Lotan ay sina Hori at Homam; si Timna ang kapatid na babae ni Lotan. 40 Mga anak ni Sobal sina Alian, Manahat, Ebal, Sefi at Onam. Ang mga anak ni Zibeon ay sina Aias at Ana. 41 Anak ni Ana si Dison. Si Dison naman ang ama ng magkakapatid na Hamram, Esban, Itran at Keran. 42 Mga anak ni Eser sina Bilhan, Zaavan at Jaacan. Ang kay Disan naman ay sina Hus at Aran.
Ang mga Hari at Pinuno ng Edom(D)
43 Ito ang mga naghari sa lupain ng Edom bago nagkaroon ng hari ang mga Israelita: si Bela na anak ni Beor at ang kanyang lunsod ay Dinhaba. 44 Pagkamatay niya, siya'y pinalitan ni Jobab na anak ni Zera na taga-Bosra. 45 Nang mamatay si Jobab, si Husam na isang Temaneo ang pumalit sa kanya. 46 Namatay si Husam at ang pumalit sa kanya ay isang taga-Avit, si Hadad na anak ni Bedad. Siya ang tumalo kay Midian sa lupain ng Moab. 47 Pagkamatay ni Hadad, pumalit sa kanya bilang hari si Samla na taga-Masreca. 48 Namatay din si Samla at pinalitan siya ni Saul na taga-Rehobot sa may Ilog Eufrates. 49 Nang mamatay si Saul, pumalit sa kanya bilang hari si Baal-hanan na anak ni Acbor. 50 Namatay si Baal-hanan at pumalit sa kanya si Hadad na taga-lunsod ng Pai. Si Hadad ang asawa ni Mehetabel na anak ni Matred. Si Matred ay anak na babae ni Mezahab.
51 Pagkamatay ni Hadad, ang mga ito ang naging pinuno ng Edom: Timna, Alian, Jetet, 52 Aholibama, Ela, Pinon, 53 Kenaz, Teman, Mibzar, 54 Magdiel, at Iram.
Ang Lahi ni Juda
2 Ito ang mga anak ni Jacob: Ruben, Simeon, Levi, Juda, Isacar, Zebulun, 2 Dan, Jose, Benjamin, Neftali, Gad, at Asher. 3 Ang mga anak ni Juda kay Bat-sua na isang Canaanita ay sina Er, Onan at Sela. Ang panganay niyang si Er ay naging masama sa paningin ni Yahweh kaya ito'y pinatay. 4 Sina Peres at Zera naman ang naging mga anak niya kay Tamar na kanyang manugang, kaya limang lahat ang anak ni Juda.
5 Ang mga anak ni Peres ay sina Hezron at Hamul. 6 Ang kay Zera naman ay sina Zimri, Etan, Heman, Calcol at Darda. Limang lahat ang naging anak ni Zera. 7 Anak(E) ni Zimri si Carmi. Ang anak naman ni Carmi na si Acan,[b] ang nagdulot ng malaking kapahamakan sa Israel dahil sa paglabag sa utos ng Diyos na may kinalaman sa mga bagay na itinakdang wasakin. 8 Si Azarias naman ay anak ni Etan.
Ang Angkan na Pinagmulan ni David
9 Ang mga anak ni Hezron ay tatlo: sina Jerameel, Ram at Caleb. 10 Anak ni Ram si Aminadab na ama ni Naason, isang pinuno sa lipi ni Juda. 11 Anak ni Naason si Salma na ama naman ni Boaz. 12 Si Boaz ang ama ni Obed na ama naman ni Jesse. 13 Ang panganay na anak ni Jesse ay si Eliab, pangalawa si Abinadab at si Simea ang pangatlo. 14 Ang pang-apat ay si Netanel, panglima si Radai, 15 pang-anim si Ozem at pampito si David. 16 Dalawa ang kapatid nilang babae: sina Zervias at Abigail. Tatlo ang anak ni Zervias: sina Abisai, Joab at Asahel. 17 Ang anak naman ni Abigail ay si Amasa na ang ama ay si Jeter na isang Ismaelita.
Ang Lahi ni Hezron
18 Si Caleb na anak ni Hezron ay nagkaanak ng isang babae kay Azuba na ang pangalan ay Jeriot. Ang mga anak niyang lalaki ay sina Jeser, Sobab at Ardon. 19 Nang mamatay si Azuba, napangasawa ni Caleb si Efrata, at naging anak nila si Hur. 20 Si Hur ang ama ni Uri na siya namang ama ni Bezalel.
21 Nang si Hezron ay animnapung taon na, napangasawa niya ang anak ni Maquir na ama ni Gilead. Naging anak niya si Segub 22 na ama ni Jair, ang may-ari ng dalawampu't tatlong lunsod sa lupain ni Gilead. 23 Ngunit kinuha sa kanila nina Gesur at Aram ang mga Nayon ni Jair at ang Kenat, pati ang mga nayon nito. Lahat-lahat ay animnapung bayan. Ang lahat ng mamamayan dito'y buhat sa angkan ni Maquir na ama ni Gilead. 24 Pagkamatay ni Hezron, kinasama ni Caleb si Efrata na biyuda ng kanyang ama, at naging anak nila si Asur na nagtatag ng bayan ng Tekoa.
Ang Lahi ni Jerameel
25 Ito ang mga anak ni Jerameel, ang panganay ni Hezron: sina Ram, Buna, Orem, Ozem at Ahias. 26 Si Jerameel ay may isa pang asawa na Atara ang pangalan; siya ang ina ni Onam. 27 Ang panganay na anak ni Jerameel ay si Ram, at sina Maaz, Jamin at Equer ang mga anak nito. 28 Mga anak ni Onam sina Samai at Jada. Ang mga anak naman ni Samai ay sina Nadab at Abisur. 29 Asawa ni Abisur si Abihail at dalawa ang anak nila: sina Ahban at Molid. 30 Mga anak ni Nadab sina Seled at Apaim. Namatay si Seled na walang anak. 31 Anak ni Apaim si Isi at ang kay Isi naman ay si Sesan na ama ni Ahlai. 32 Ang mga anak ni Jada na kapatid ni Samai ay sina Jeter at Jonatan. Namatay na walang anak si Jeter. 33 Ang mga anak ni Jonatan ay sina Pelet at Zaza. Ito ang mga anak at salinlahi ni Jerameel. 34 Mga babae lamang ang naging anak ni Sesan, ngunit siya'y may aliping Egipcio na Jarha ang pangalan. 35 Ipinakasal niya ito sa kanyang anak na dalaga at naging anak nila si Atai. 36 Si Atai ang ama ni Natan na ama naman ni Zabad. 37 Si Zabad ang ama ni Eflal na ama ni Obed. 38 Si Obed ang ama ni Jehu na ama naman ni Azarias. 39 Si Azarias ang ama ni Helez na ama ni Eleasa. 40 Si Eleasa ang ama ni Sismai na ama naman ni Sallum. 41 Si Sallum ang ama ni Jecamias na ama ni Elisama.
Ang Lahi ni Caleb
42 Ang anak na panganay ni Caleb na kapatid ni Jerameel ay si Mesa na ama ni Zif. Si Zif ay ama ni Maresa at anak naman ni Maresa si Hebron. 43 Ang mga anak ni Hebron ay sina Korah, Tapua, Requem at Sema. 44 Si Sema ang ama ni Raham na ama ni Jorqueam, at si Requem naman ang ama ni Samai. 45 Ang anak ni Samai ay si Maon na ama naman ni Beth-sur. 46 Naging asawang-lingkod ni Caleb si Efa, at nagkaanak sila ng tatlo: sina Haran, Moza at Gasez. Gasez din ang ngalan ng naging anak ni Haran. 47 Ang mga anak ni Jahdai ay sina Regem, Jotam, Gesam, Pelet, Efa at Saaf. 48 Kay Maaca, isa pang asawang-lingkod ni Caleb, nagkaanak siya ng dalawa: sina Seber at Tirhana. 49 Naging anak niya rito si Saaf na ama ni Madmana at si Seva na ama naman nina Macbena at Gibea. Ang babaing anak ni Caleb ay si Acsa.
50 Ito ang angkan ni Caleb: si Hur ang panganay na anak niya kay Efrata. Naging anak naman ni Hur sina Sobal na nagtatag ng Lunsod ng Jearim, 51 si Salma na nagtatag ng Bethlehem at si Haref na nagtatag ng Beth-gader. 52 Si Sobal ang ama ni Haroe, ang pinagmulan ng kalahati ng Menuho. 53 Kay Sobal din nagmula ang ilang angkang nanirahan sa Lunsod ng Jearim tulad ng mga Itrita, mga Putita, mga Sumatita, mga Misraita, mga Zorita at mga Estaolita. 54 Ang mga angkan naman ni Salma na nagtatag ng Bethlehem ay ang Netofatita, Atrot-bet-joab, at ang kalahati ng mga Manahatita at Zorita. 55 Ang angkan ng mga eskriba na tumira sa Jabes ay ang mga Tiratita, Simatita at Sucatita. Ito ang mga Kenita buhat sa Hamat, ang pinagmulan ng angkan ni Recab.
Ang Angkan ni David
3 Si David ay nagkaroon ng mga anak sa Hebron. Ang una ay si Amnon, anak niya kay Ahinoam na Jezreelita. Ang pangalawa ay si Daniel na anak naman niya kay Abigail na taga-Carmel. 2 Ang pangatlo ay si Absalom, anak niya kay Maaca na anak ni Talmai na hari sa Gesur. Si Adonias ang pang-apat, anak naman kay Haguit. 3 Ang panlima ay si Sefatias, anak kay Abital, at si Itream ang pang-anim na anak naman niya kay Egla. 4 Anim(F) ang naging anak ni David sa Hebron sa loob ng pito at kalahating taon ng paghahari niya roon. Pagkatapos sa Hebron, tatlumpu't tatlong taon naman siyang naghari sa Jerusalem. 5 Doo'y(G) apat ang naging anak niya kay Batsheba[c] na anak ni Amiel. Ito'y sina Simea, Sobab, Natan at Solomon. 6 Siyam pa ang naging anak niya sa Jerusalem. Ito'y sina Ibhar, Elisama, Elifelet, 7 Noga, Nefeg, Jafia, 8 Elisama, Eliada at Elifelet. 9 Ang mga ito ang mga anak ni David bukod pa sa mga anak niya sa kanyang mga asawang-lingkod. Iisa ang anak niyang babae, si Tamar.
Ang Angkan ni Haring Solomon
10 Ito ang angkan ni Solomon: anak ni Solomon si Rehoboam na ama ni Abias, at anak naman ni Abias si Asa na ama ni Jehoshafat. 11 Anak ni Jehoshafat si Joram na ama ni Ahazias. Anak naman ni Ahazias si Joas. 12 Anak ni Joas si Amazias na ama ni Azarias, na ama naman ni Jotam. 13 Anak ni Jotam si Ahaz na ama ni Ezequias na ama naman ni Manases. 14 Anak ni Manases si Ammon na ama ni Josias. 15 Apat ang naging anak ni Josias: sina Johanan, Jehoiakim, Zedekias at Sallum. 16 Ang anak ni Jehoiakim ay si Jeconias na ama ni Zedekias.
Ang Angkan ni Haring Jeconias
17 Naging bihag sa Babilonia si Jeconias. Ang pito niyang anak ay sina Selatiel, 18 Malquiram, Pedaya, Senazar, Jacamias, Hosama at Nedabias. 19 Ang mga anak naman ni Pedaya ay sina Zerubabel at Simei. Tatlo ang unang anak ni Zerubabel, sina Mesulam at Hananias at isang babae, si Selomit. 20 Ang lima pang anak niya ay sina Hasuba, Ohel, Berequias, Hasadias at Jusab-hesed.
21 Mga anak ni Hananias sina Pelatias at Jesaias. Anak ni Jesaias si Refaias, anak ni Refaias si Arnan, anak ni Arnan si Obadias at anak ni Obadias si Secanias. 22 Anim ang naging anak ni Secanias: sina Semaya, Hatus, Igal, Barias, Nearias at Safat. 23 Tatlo ang naging anak ni Nearias: sina Elioenai, Ezequias at Azrikam. 24 Pito naman ang naging anak ni Elioenai: sina Hodavias, Eliasib, Pelaya, Akub, Johanan, Delaias at Anani.
Ang Lipi ni Juda
4 Kabilang ang mga ito sa mga anak ni Juda: sina Peres, Hezron, Carmi, Hur at Sobal. 2 Anak ni Sobal si Reaias na ama ni Jahat. Anak naman ni Jahat sina Ahumai at Lahad. Ito ang angkan ng mga Zorita.
3-4 Si Hur ang panganay ni Efrata na asawa ni Caleb at ang kanyang mga apo ang nagtatag ng lunsod ng Bethlehem. Tatlo ang anak na lalaki ni Hur: sina Etam, Penuel, at Ezer. Ang mga anak na lalaki[d] naman ni Etam ay sina Jezreel, Isma at Idbas. Hazzelelponi ang pangalan ng kapatid nilang babae. Si Penuel ang nagtatag ng lunsod ng Gedor, at si Ezer naman ang nagtatag ng Husa.
5 Si Asur na nagtatag ng bayan ng Tekoa ay may dalawang asawa, sina Hela at Naara. 6 Naging anak ni Asur kay Naara sina Ahuzam, Hefer, Temeni at Haahastari. 7 Naging anak naman niya kay Hela sina Zeret, Izar at Etnan. 8 Si Coz ang ama ni Anub at Zobeba, at ng mga angkan ni Aharhel na anak ni Harum.
9 Si Jabes ay higit na marangal kaysa mga kapatid niya. Jabes[e] ang ipinangalan sa kanya sapagkat sabi ng kanyang ina, “Masyado akong nahirapan nang ipanganak ko siya.” 10 Ngunit nanalangin si Jabes sa Diyos ng Israel at sinabi: “Pagpalain po ninyo ako! Palawakin ninyo ang aking lupain. Samahan po ninyo ako at ingatan sa anumang kasawiang makakasakit sa akin.” At ipinagkaloob ng Diyos ang kanyang kahilingan.
Iba pang Listahan ng mga Angkan
11 Si Caleb na kapatid ni Suha ang ama ni Mehir na ama naman ni Eston. 12 Si Eston ang ama nina Beth-rafa, Pasea at Tehina na siyang nagtatag ng lunsod ng Nahas. Ang mga apo nila ang nanirahan sa Reca.
13 Mga anak ni Kenaz sina Otniel at Seraias, at mga anak naman ni Otniel sina Hatat at Meonotai. 14 Si Meonotai ang ama ni Ofra, at si Seraias naman ang ama ni Joab na nagtatag ng Libis ng mga Panday, sapagkat ang mga nakatira roon ay mga panday. 15 Ang mga anak ni Caleb na anak ni Jefune ay sina Iru, Ela at Naam. Ang anak naman ni Ela ay si Kenaz. 16 Mga anak naman ni Jehalelel sina Zif, Sifa, Tirias at Asarel.
17 Ang mga anak ni Ezra ay sina Jeter, Mered, Efer at Jalon. Ang mga anak ni Mered kay Bitia na anak ng Faraon ay sina Miriam, Samai at Isba na siyang nagtatag ng Estemoa. 18 Sa asawa naman niyang taga-Juda, naging anak ni Mered si Jered na nagtatag ng Gedor, si Heber na nagtatag ng Soco at si Jecutiel na nagtatag ng Zanoa. 19 Ang pinagmulan ng mga Garmita na nanirahan sa Keila at ng mga Maacateo na nanirahan sa Estemoa ay ang mga anak ni Hodias sa asawa na kapatid na babae ni Naham. 20 Ang mga anak ni Simon ay sina Amnon, Rina, Benhanan at Tilon. Mga anak naman ni Isi sina Zohet at Ben-zohet.
Ang Angkan ni Sela
21 Ang mga anak ni Sela na anak ni Juda ay sina Er na nagtatag ng Leca, si Laada na nagtatag ng Maresa, at ang mga angkang humahabi ng telang lino sa Beth-asbea. 22 Siya rin ang ama ni Joquim, at ng mga taga-Cozeba, gayundin nina Joas at Saraf. Ang mga ito ay nagkaasawa sa Moab bago nagbalik at nanirahan sa Bethlehem. (Napakatagal na ang mga pangyayaring ito.) 23 Ang mga ito'y magpapalayok at tumira sa Netaim at Gedera, bilang mga lingkod ng hari.
Ang Lipi ni Simeon
24 Ang mga anak ni Simeon ay sina Nemuel, Jamin, Jarib, Zera at Saul. 25 Anak ni Saul si Sallum, at apo niya si Mibsan. Anak naman ni Mibsan si Misma. 26 Mga anak ni Misma sina Hamuel, Zacur at Simei. 27 Labing-anim ang anak na lalaki ni Simei at anim naman ang babae. Ngunit kaunti lamang ang anak ng kanyang mga kapatid kaya hindi lumaki ang kanilang angkan tulad ng kay Juda.
28 Ito(H) ang mga lunsod na tinirhan nila: Beer-seba, Molada, Hazar-shual, 29 Bilha, Ezem, Tolad, 30 Bethuel, Horma, Ziklag, 31 Beth-marcabot, Hazar-susim, Beth-biri, at Saaraim. Ito ang kanilang mga lunsod hanggang maging hari si David. 32 Kanila rin ang limang lunsod ng Etam, Ain, Rimon, Toquen at Asan, 33 pati ang mga nayon sa paligid nito hanggang sa bayan ng Baalat. Ito ang talaan na kanilang iniingatan tungkol sa kanilang mga angkan at mga lugar na kanilang tinirhan. Habang sila'y narito, mayroon silang sariling talaan ng kanilang angkan.
34-38 Ito ang mga naging pinuno ng kanilang mga angkan: Mesobab, Jamlec at Josa na anak ni Amazias; sina Joel at Jehu na mga anak ni Josibias na anak ni Seraias na anak naman ni Asiel; sina Elioenai, Jaacoba, Jesohaias, Asaias, Adiel, Jesimiel, at Benaias. Kabilang din si Ziza na anak ni Sifi na anak naman ni Allon. Si Allon ay anak ni Jedaias na anak ni Simri na anak naman ni Semaias.
Patuloy sa paglaki ang kanilang mga angkan, 39 kaya't kumalat sila sa dakong silangan, at sa paghahanap ng pastulan ay umabot sila hanggang sa kapatagan ng Gedor. 40 Nakatagpo sila ng magandang pastulan, malawak, tahimik at payapa. Mga Hamita ang dating nakatira sa lugar na iyon. 41 Ang nabanggit na angkang ito ni Simeon ang sumalakay sa mga Hamita nang panahong naghahari si Ezequias sa Juda. Winasak nila ang lugar na iyon, nilipol ang mga Meunim na naroon at sila ang tumira, sapagkat maganda ang pastulan doon. 42 Sa mga sumalakay na ito, limandaan pang tauhan ni Simeon ang patuloy na lumusob sa kaburulan ng Seir sa pangunguna nina Pelatias, Nearias, Refaias at Uziel, mga anak ni Isi. 43 Nilipol nila ang mga natirang Amalekita na tumakas patungo roon. Hanggang ngayo'y sila ang nakatira doon.
Ang Lipi ni Ruben
5 Ito(I) ang mga anak ni Ruben, ang panganay ni Jacob. (Kahit na siya'y panganay, inalisan siya ng karapatan ng pagkapanganay sapagkat dinungisan niya ang dangal ng kanyang ama. Ang karapatang ito'y ibinigay sa mga anak ni Jose, na anak ni Jacob. 2 Bagama't(J) ang lipi ni Juda ang kinilalang pangunahin sa magkakapatid at isang pinuno ang nagmula sa kanya, ang karapatan ng pagkapanganay ay iginawad kay Jose.) 3 Ang mga anak ni Ruben ay sina Hanoc, Pallu, Hezron at Carmi.
4 Anak ni Joel si Semaias na ama ni Gog. Anak ni Gog si Simei na ama ni Mica. 5 Anak ni Mica si Reaias na ama ni Baal. 6 Anak(K) ni Baal si Beera, ang pinuno ng mga Rubenita na dinalang-bihag ni Tiglat-pileser sa Asiria. 7 Ito ang listahan ng mga sambahayan at angkang nagmula sa lipi ni Ruben: ang mga pinunong sina Jeiel, Zacarias, 8 at Bela na anak ni Azaz at apo ni Sema mula sa angkan ni Joel. Ang angkang ito ay tumira sa Aroer, at ang kanilang lupain ay abot sa Nebo at Baal-meon. 9 Dahil marami silang kawan sa lupain ng Gilead, tumira rin sila sa gawing silangan hanggang sa tabi ng ilang na ang dulo ay nasa Ilog Eufrates.
10 Noong panahon ni Haring Saul, sinalakay at tinalo ng mga Rubenita ang mga Hagrita, at tumira sila sa lupain ng mga ito sa silangang panig ng Gilead.
Ang Lipi ni Gad
11 Sa dakong hilaga ni Ruben nanirahan ang mga anak ni Gad, mula sa lupain ng Bashan hanggang Saleca. 12 Sa Bashan, ang pinuno ng unang angkan ay si Joel, at si Safam naman ang sa pangalawang angkan. Sina Janai at Safat ay mga pinuno rin ng iba pang angkan doon. 13 Kabilang pa rin sa lipi ni Gad sina Micael, Mesulam, Sheba, Jorai, Jacan, Zia at Eber. Ang pitong ito 14 ay mga anak ni Abihail na anak ni Huri at apo ni Jaroa. Si Jaroa ay anak ni Gilead at apo ni Micael na anak ni Jesisai. Si Jesisai ay anak ni Jahdo at apo ni Buz. 15 Ang kanilang pinuno ay si Ahi na anak ni Abdiel at apo ni Guni. 16 Nanirahan ang mga ito sa mga bayang sakop ng Bashan at Gilead hanggang sa malawak na pastulan ng Saron. 17 Ang mga talaang ito ay isinaayos nang si Jotam ay hari ng Juda, at si Jeroboam naman ang hari sa Israel.
18 Matatapang ang mga kawal ng mga lipi nina Ruben at Gad, gayundin ng kalahating lipi ni Manases. Sila'y mga sanay na mandirigma; bihasa sa paggamit ng kalasag, tabak, at pana. Binubuo sila ng 44,760 kawal. 19 Nakipagdigma sila laban sa mga Hagrita, Jetur, Nafis at Nodab. 20 Nagtitiwala sila sa Diyos at laging nananalangin sa kanya. Dinirinig naman sila at laging tinutulungan. Dahil dito'y nalupig nila ang kanilang mga kaaway. 21 Ito ang nasamsam nilang hayop: 50,000 kamelyo, 250,000 tupa at 2,000 asno. May 100,000 kawal naman ang kanilang nabihag. 22 Marami silang napatay sa kanilang mga kaaway, sapagkat ang Diyos ang nanguna sa kanila. Patuloy silang nanirahan sa lupaing iyon hanggang sa sila'y dalhing-bihag sa ibang bansa.
Kalahati ng Lipi ni Manases
23 Ang kalahating lipi ni Manases ay napakarami. Kumalat sila sa iba't ibang lupain mula sa Bashan, Baal-hermon, Senir hanggang sa Bundok ng Hermon. 24 Ito ang mga pinuno ng kanilang mga angkan: sina Efer, Isi, Eliel, Azriel, Jeremias, Hodavias at Jahdiel. Sila'y magigiting na mandirigma at mga tanyag na pinuno ng kani-kanilang angkan.
25 Ngunit ang mga liping ito ay hindi nanatiling tapat sa Diyos ng kanilang mga ninuno. Sumamba sila sa mga diyus-diyosan ng mga bansang pinalayas ng Diyos. 26 Kaya't(L) inudyukan ng Diyos ng Israel si haring Pul ng Asiria, na tinatawag ding Tiglat-Pileser, na salakayin ang Israel. Binihag nito ang mga Rubenita, Gadita at ang kalahating lipi ni Manases. Dinala sila sa Hala, Habor, Hara at sa tabi ng Ilog Gozan.
Ang Lipi ng mga Pinakapunong Pari
6 Ang mga anak ni Levi ay sina Gersom, Kohat at Merari. 2 Ang mga anak naman ni Kohat ay sina Amram, Izar, Hebron, at Uziel. 3 Ang mga anak ni Amram ay sina Aaron, Moises at Miriam. Mga anak naman ni Aaron sina Nadab, Abihu, Eleazar, at Itamar. 4 Anak naman ni Eleazar si Finehas na ama ni Abisua. 5 Anak ni Abisua si Buki na ama ni Uzi. 6 Anak naman ni Uzi si Zerahias na ama ni Meraiot. 7 Anak ni Meraiot si Amarias na ama ni Ahitob. 8 Anak ni Ahitob si Zadok na ama ni Ahimaaz. 9 Anak ni Ahimaaz si Azarias na ama ni Johanan. 10 Anak naman ni Johanan si Azarias, ang paring naglingkod sa Templong itinayo ni Solomon sa Jerusalem. 11 Anak naman ni Azarias si Amarias na ama naman ni Ahitob. 12 Anak ni Ahitob si Zadok na ama ni Sallum. 13 Anak ni Sallum si Hilkias na ama naman ni Azarias. 14 Anak ni Azarias si Seraya na ama ni Jehozadak. 15 Si Jehozadak ay nakasama nang ipatapon ni Yahweh ang Juda at Jerusalem sa pamamagitan ni Nebucadnezar.
Iba pang Angkan ni Levi
16 Ang(M) mga anak ni Levi ay sina Gersom, Kohat at Merari. 17 Anak ni Gersom sina Libni at Simei. 18 Mga anak ni Kohat sina Amram, Izar, Hebron, at Uziel. 19 Ang kay Merari naman ay sina Mahli at Musi. Ito ang mga angkan ng mga Levita ayon sa kanilang mga magulang.
20 Anak ni Gershon si Libni na ama ni Jahat na ama ni Zima. 21 Anak ni Zima si Joah na ama naman ni Iddo, na ama ni Zara na ama ni Jeatrai.
22 Anak ni Kohat si Aminadab na ama ni Korah na ama ni Asir. 23 Anak ni Asir si Elkana na ama ni Ebiasaf na ama ni Asir. 24 Anak ni Asir si Tahat na ama ni Uriel, ama ni Uzias na ama ni Shaul.
25 Anak naman ni Elkana sina Amasai at Ahimot. 26 Anak ni Ahimot si Elkana na ama ni Zofar na ama ni Nahat. 27 Anak naman ni Nahat si Eliab na ama ni Jeroham na ama ni Elkana na ama ni Samuel.
28 Dalawa ang anak ni Samuel. Si Joel ang panganay at si Abija ang pangalawa.
29 Anak ni Merari si Mahli na ama ni Libni na ama ni Simei na ama ni Uza. 30 Anak naman ni Uza si Simea na ama ni Hagia na ama ni Asaya.
Ang mga Mang-aawit sa Templo
31 Ito ang mga lalaking pinamahala ni David sa mga awitin sa Templo ni Yahweh mula nang dalhin doon ang Kaban ng Tipan. 32 Ginampanan nila ito ayon sa mga tuntuning itinakda ang kanilang mga tungkulin sa tabernakulo ng Toldang Tipanan, hanggang sa itayo ni Solomon ang Templo sa Jerusalem. 33 Ito ang mga angkan na nagsipaglingkod: sa angkan ni Kohat ay kabilang ang tagapangunang si Heman na anak ni Joel na anak ni Samuel. Si Samuel ay 34 anak ni Elkana na apo ni Jeroham na anak ni Eliel na anak ni Toah. Si Toah ay 35 anak ni Zuf na anak ni Elkana na anak ni Mahat na anak ni Amasai. Si Amasai ay 36 anak ni Elkana na anak ni Joel na anak ni Azarias na anak ni Zefanias. Si Zefanias ay 37 anak ni Tahat na anak ni Asir na anak ni Ebiasaf na anak ni Korah. Si Korah ay 38 anak ni Izar na anak ni Kohat na anak ni Levi na anak ni Israel. 39 Nasa gawing kanan ni Heman ang ikalawang koro, ang pangkat ng kapatid niyang si Asaf na anak ni Berequias na anak ni Simea. 40 Si Simea ay anak ni Micael na anak ni Baaseias na anak ni Malquias. Si Malquias ay 41 anak ni Etni na anak ni Zera na anak ni Adaias. Si Adaias ay 42 anak ni Etan na anak ni Zima na anak ni Simei. Si Simei ay 43 anak ni Jahat na anak ni Gershon na anak ni Levi. 44 Nasa gawing kaliwa naman ni Heman ang angkan ni Merari, sa pangunguna ni Etan na anak ni Quisi na anak ni Abdi na anak ni Malluc. Si Malluc ay 45 anak ni Hashabias na anak ni Amazias na anak ni Hilkias. Si Hilkias ay 46 anak ni Amzi na anak ni Bani na anak ni Semer. Si Semer ay 47 anak ni Mahli na anak ni Musi na anak ni Merari na anak ni Levi. 48 Ang kanilang mga kapatid na Levita naman ang inatasan sa iba pang gawain sa Templo.
Ang Angkan ni Aaron
49 Si Aaron naman at ang kanyang mga anak ang nangangasiwa sa pag-aalay sa altar ng mga handog na susunugin at sa altar ng insenso; sa gawain sa Dakong Kabanal-banalan at sa pagtubos sa kasalanan ng Israel, ayon sa iniutos ni Moises na lingkod ng Diyos. 50 Ito ang mga sumunod pang angkan ni Aaron: Si Eleazar na ama ni Finehas na ama naman ni Abisua; 51 si Buki na ama ni Uzi na ama ni Zerahias; 52 si Meraiot na ama ni Amarias na ama ni Ahitob; 53 at si Zadok na ama ni Ahimaaz.
Ang mga Lunsod ng mga Levita
54-55 Ang mga lugar na inilaan para sa angkan ni Aaron sa angkan ni Kohat ay ang Hebron sa Juda at ang mga pastulan sa paligid nito. Sila ang binigyan ng unang bahagi ng lupaing itinalaga para sa mga Levita. 56 Ang mga bukirin naman ng lunsod at mga nayong sakop nito ay ibinigay kay Caleb na anak ni Jefune. 57 Ibinigay sa mga sumunod na salinlahi ni Aaron ang mga lunsod-kanlungan: ang Lunsod ng Hebron, Libna at ang mga pastulan nito; ang Jatir at Estemoa at ang mga pastulan ng mga ito; 58 ang Hilen at Debir at ang mga pastulan ng mga ito; 59 ang Asan at Beth-semes at ang mga pastulan ng mga ito. 60 Ang ibinigay naman sa lipi ni Benjamin ay ang Geba, Alemet at Anatot, kasama ang mga pastulan sa paligid nito. Labingtatlong lunsod ang nakuha ng kanilang angkan.
61 Sampung lunsod ang nakuha ng iba pang angkan ni Kohat mula sa kalahating lipi ni Manases. 62 Buhat sa lipi nina Isacar, Asher, Neftali at Manases, labingtatlong lunsod lamang sa Bashan ang napunta sa mga anak ni Gershon ayon sa kanilang sambahayan. 63 Sa mga anak ni Merari ayon sa kanilang sambahayan, labindalawa namang lunsod ang nakuha nila buhat sa mga lipi nina Ruben, Gad at Zebulun. 64 Ang mga Levita ay binigyan ng mga Israelita ng mga lunsod at mga pastulan. 65 Ang mga lunsod na ito, na mula sa lipi nina Juda, Simeon at Benjamin, ay napunta sa kanila sa pamamagitan ng palabunutan.
66 May ilan pa sa mga angkan ni Kohat na nagkaroon ng mga lunsod mula sa lupain ni Efraim. 67 Ang nakuha nila ay ang mga lunsod-kanlungan gaya ng Shekem at ang mga pastulan sa kaburulan ng Efraim, Gezer, 68 Jocmeam, Beth-horon, 69 Ayalon, at Gat-rimon. 70 Mula naman sa kalahating lipi ni Manases, napunta sa iba pang sambahayan ni Kohat ang Aner at ang mga pastulan nito, at ang Bileam at ang mga pastulan nito.
71 Mula rin sa kalahating lipi ni Manases, napunta naman sa mga anak ni Gershon ang Golan sa Bashan, at ang Astarot at ang pastulan ng mga ito. 72 Mula sa lipi ni Isacar ay napunta kay Gershon ang Kades, Daberat, 73 Ramot at Anem at ang pastulan ng mga ito. 74 Mula naman sa lipi ni Asher ay ang Masal, Abdon, 75 Hucoc at Rehob at ang mga pastulan ng mga ito. 76 Sa lipi ni Neftali ay napunta ang Kades sa Galilea, ang Hamon, ang Kiryataim at ang mga pastulan ng mga ito. 77 Napunta rin sa iba pang mga angkan ni Merari na mula sa lipi ni Zebulun ang Rimono at Tabor at ang pastulan ng mga ito. 78 Sa gawing silangan ng Jordan, sa tapat ng Jerico, napunta rin sa kanila mula sa lipi ni Ruben ang Bezer, Jaza, 79 Kedemot at Mefaat at ang pastulan ng mga ito. 80 At mula naman sa lipi ni Gad ay ang Ramot sa Gilead, Mahanaim, 81 Hesbon at Hazer at ang mga pastulan ng mga ito.
Ang Lipi ni Isacar
7 Ang mga anak ni Isacar ay sina Tola, Pua, Jasub at Simron. 2 Ang mga anak ni Tola ay sina Uzi, Refaya, Jeriel, Jahmai, Ibsam at Samuel. Sila'y magigiting na mandirigma at mga pinuno ng kanilang sambahayan ayon sa talaan ng lahi ng kanilang ama. Ang mandirigma nila noong panahon ni David ay umabot sa 22,600. 3 Ang anak ni Uzi ay si Izrahias at ang mga anak naman nito ay sina Micael, Obadias, Joel at Isaias. Ang limang ito ay mga pinuno rin. 4 Ang kanilang mga angkan ay may 36,000 mandirigma, sapagkat mas marami silang asawa't mga anak na lalaki. 5 Ang mga mandirigma sa lipi ni Isacar ay umaabot sa 87,000.
Ang mga Lipi nina Benjamin at Dan
6 Ang mga anak ni Benjamin ay sina Bela, Bequer at Jediael. 7 Sina Esbon, Uzi, Uziel, Jeremot at Iri naman ang mga anak ni Bela. Sila'y mga pinuno ng kanilang sambahayan at pawang mga mandirigma. Ang kanilang mandirigma ay umaabot sa 22,034. 8 Ang mga anak naman ni Bequer ay sina Zemira, Joas, Eliezer, Elioenai, Omri, Jeremot, Abias, Anatot at Alamet. 9 Sila'y pawang magigiting na mandirigma at pinuno ng kani-kanilang sambahayan. Ang kanilang mandirigma ay umaabot sa 20,200. 10 Ang anak ni Jediael ay si Bilhan. Ang mga anak naman ni Bilhan ay sina Jehus, Benjamin, Aod, Canaana, Zetan, Tarsis at Ahisahar. 11 Ang magkakapatid na ito'y pawang magigiting na mandirigma at pinuno ng kani-kanilang sambahayan. Ang mandirigma nila'y umaabot sa 17,200. 12 Ang mga Supamita at Hupamita ay buhat sa lahi ni Ir. Ang mga anak ni Dan ay si Husim at ang angkan ni Aher.
Ang Lipi ni Neftali
13 Ang mga anak ni Neftali ay sina Jahzeel, Guni, Jezer at Sallum. Buhat sila sa lahi ni Bilha. 14 Ito naman ang mga anak ni Manases sa asawa niyang Aramea: Azriel at Maquir na ama ni Gilead. 15 Ikinuha ni Maquir ng asawa sina Hupim at Supim. Ang pangalan ng kapatid niyang babae ay Maaca. Ang pangalawang anak ni Maquir ay si Zelofehad. Babae namang lahat ang anak nito. 16 Si Maaca na asawa ni Maquir ay nagkaanak ng lalaki, at ito'y pinangalanan niyang Peres. Ang sumunod ay si Seres. Dalawa naman ang naging anak nito, sina Ulam at Requem. 17 Ang anak ni Ulam ay si Bedan. Ito ang mga angkan ni Gilead na anak ni Maquir at apo ni Manases. 18 Ang kapatid niyang babae ay si Hamolequet na ina nina Ishod, Abiezer at Mahla. 19 Ang mga anak naman ni Semida ay sina Ahian, Shekem, Likhi at Aniam.
Ang Lipi ni Efraim
20 Ito ang mga sumunod na salinlahi ni Efraim: si Sutela na ama ni Bered na ama ni Tahat. Si Tahat ang ama ni Elada na ama ni Tahat. Siya ang 21 ama ni Zabad na ama ni Sutela. Anak din niya sina Ezer at Elad na pinatay ng mga taga-Gat nang tangkain nilang nakawin ang kawan ng mga tagaroon. 22 Matagal itong ipinagluksa ni Efraim kaya't inaliw siya ng kanyang mga kapatid. 23 Ngunit naglihi muli ang kanyang asawa, at lalaki naman ang naging anak. Beria[f] ang ipinangalan niya rito dahil sa kasawiang inabot nila. 24 Nagkaanak pa siya ng isang babae at pinangalanan niyang Seera. Ito ang nagtayo ng lunsod ng Beth-horon Ibaba, ng Beth-horon Itaas at ng Uzenseera. 25 Anak din niya si Refa na anak ni Resef. Anak ni Resef si Tela at anak naman nito si Tahan na ama ni Ladan. 26 Anak ni Ladan si Amihud na ama ni Elisama. 27 Anak ni Elisama si Nun na ama ni Josue. 28 Ang lupaing sakop nila ay ang Bethel, at sa dakong silangan ay ang Naaran. Sa kanluran naman ay ang Gezer, Shekem at Gaza, kasama ang lahat ng mga bayang nasasakop ng mga ito. 29 Subalit ang Beth-sean, Megido, Dor at ang mga bayang nasa paligid ng mga ito ay sakop ng lipi ni Manases. Dito nanirahan ang mga angkan ni Jose na anak ni Jacob.
Ang Lipi ni Asher
30 Ang mga anak ni Asher ay sina Imna, Isva, Isvi, Berias. Si Sera lang ang babae. 31 Ang mga anak naman ni Berias ay sina Heber at Malquiel na ama ni Birzavit. 32 Si Heber ang ama nina Jaflet, Somer, Jotam. Si Sua lang ang kapatid nilang babae. 33 Ang mga anak ni Jaflet ay sina Pasac, Bimhal at Asvat. 34 Ang mga anak naman ni Somer ay sina Ahi, Rohga, Jehuba at Aram. 35 Ang mga anak ng kapatid niyang si Helem ay sina Zofa, Imna, Seles at Amal. 36 Ang mga anak ni Zofa ay sina Suah, Harnefer, Sual, Beri, Imra, 37 Bezer, Hod, Samna, Silsa, Itran at Beera. 38 Ang mga anak ni Jeter ay sina Jefune, Pispa at Ara. 39 Ang mga anak ni Ulla ay sina Ara, Haniel at Rizia. 40 Lahat ng ito'y buhat sa lipi ni Asher na mga pinuno ng kani-kanilang sambahayan at kilalang mga mandirigma. Ang kawal nila'y umaabot sa 26,000.
Ang Lipi ni Benjamin
8 Si Bela ang panganay na anak ni Benjamin, si Asbel ang pangalawa, at si Ahara ang pangatlo. 2 Ang pang-apat ay si Noha, at si Rafa ang panlima. 3 Ang mga anak naman ni Bela ay sina Adar, Gera, Abihud, 4 Abisua, Naaman, Ahoa, 5 Gera, Sefufan at Huram. 6 Ang mga anak naman ni Ehud ang ginawang pinuno ng mga angkang naninirahan sa Geba. Ngunit napilitang lumipat sa Manahat sina 7 Naaman, Ahias at Gera na nanguna sa kanila na siya ring ama nina Uza at Ahihud. 8 Si Saaraim ay nagkaanak sa lupain ng Moab, matapos niyang paalisin ang dalawa niyang asawang sina Husim at Baara. 9 Ito ang mga anak niya kay Hodes: sina Jobab, Sibia, Mesa, Malcam; 10 Jeuz, Sachia at Mirma. Ang mga anak niyang ito ay naging mga pinuno ng kani-kanilang sambahayan. 11 Ang mga anak niya kay Husim ay sina Abitob at Elpaal. 12 Ang mga anak ni Elpaal ay sina Eber, Misam at Semed. Si Semed ang nagtatag ng mga lunsod ng Ono at Lod at mga nayon nito.
Ang Angkan ni Benjamin sa Gat at Ayalon
13 Anak din ni Elpaal sina Berias at Sema na mga pinuno ng sambahayan sa Ayalon. Sila ang nagpalayas sa mga mamamayan ng Gat. 14 Anak ni Beria sina Ahio, Sasac at Jeremot, 15 sina Zebadias, Arad, Adar, 16 Micael, Ispa at Joha.
Ang Angkan ni Benjamin sa Jerusalem at Gibeon
17 Sina Zebadias, Mesulam, Hizki, Heber, 18 Ismerai, Izlia at Jobab ay mga anak naman ni Elpaal. 19 Sina Jaquim, Zicri, Zabdi, 20 Elienai, Zilletai, Eliel, 21 Adaya, Beraya at Simrat ay mga anak naman ni Simei. 22 Mga anak naman ni Sasac sina Ispan, Eber, Eliel, 23 Abdon, Zicri, Hanan, 24 Hananias, Elam, Anatotias, 25 Ifdaya at Penuel. 26 Sina Samserai, Seharia, Atalia, 27 Jaaresias, Elias at Zicri ay mga anak naman ni Jeroham. 28 Lahat sila'y kabilang sa listahan ng mga angkan bilang pinuno ng sambahayan at mga pinunong nakatira sa Jerusalem.
29 Si Jeiel ang nagtatag ng bayan ng Gibeon at doon siya nanirahan. Ang asawa niya'y si Maaca. 30 Ang panganay nilang anak ay si Abdon at ang sumunod ay sina Sur, Kish, Baal, Nadab, 31 Gedor, Ahio, Zequer 32 at Miclot, ama ni Simea. Sila'y nanirahang kasama ng kanilang mga kamag-anak sa Jerusalem, katapat ng iba nilang angkan.
Ang Angkan ni Haring Saul
33 Si Ner naman ang ama ni Kish na ama ni Saul. Anak ni Saul sina Jonatan, Melquisua, Abinadab at Esbaal. 34 Ang anak ni Jonatan ay si Merib-baal na ama naman ni Mica. 35 Ang mga anak ni Mica ay sina Piton, Melec, Tarea at Ahaz. 36 Anak ni Ahaz si Joada at mga anak naman nito sina Alemet, Azmavet at Zimri, na ama naman ni Moza. 37 Anak ni Moza si Binea na ama nina Rafa, Elasa at Azel. 38 Anim ang anak ni Azel, sina Azrikam, Bocru, Ismael, Searias, Obadias at Hanan. 39 Si Esec na kapatid ni Azel ay may mga anak din. Ang panganay niya ay si Ulam at ang mga sumunod ay sina Jeus at Elifelet. 40 Ang mga anak ni Ulam ay magigiting na mandirigma at mahuhusay gumamit ng pana. Ang mga anak at apo niya'y umaabot sa 150. Lahat sila'y buhat sa lipi ni Benjamin.
Mga Bumalik Mula sa Pagkabihag sa Babilonia
9 Ang lahat ng mamamayan ng Israel ay naitala ayon sa kanya-kanyang lipi. Ito'y nakasulat sa Kasaysayan ng mga Hari ng Israel. Ang mga taga-Juda ay ipinatapon sa Babilonia bilang parusa sa kanilang kasamaan. 2 Ang(N) mga unang bumalik sa kanilang mga lunsod at lupain ay ang mga pari, mga Levita, mga tagapaglingkod sa Templo at mga karaniwang mamamayan. 3 May mga angkan sina Juda, Benjamin, Efraim at Manases na tumira sa Jerusalem.
Mga Nanirahan sa Jerusalem
4 Sa angkan naman ni Peres na anak ni Juda ay si Utai na anak ni Amihud at apo ni Omri. Ang iba pang angkan niya ay sina Imri at Bani. 5 Sa angkan ni Sela, si Asaya ang pinakamatanda at ang mga anak niya. 6 Sa angkan ni Zera, si Jeuel at ang kanyang mga angkan, lahat-lahat ay 690 pamilya.
7 Sa lipi naman ni Benjamin: si Sallu, na anak ni Mesulam, na anak ni Hodavias na anak naman ni Asenua. 8 Si Ibnias na anak ni Jeroham; si Ela na anak ni Uzi na anak naman ni Micri, si Mesulam na anak ni Sefatias, na anak ni Reuel na anak ni Ibnia. 9 Ang kabuuan ng kanilang mga angkan ay umaabot sa 956. Lahat sila'y pinuno ng kani-kanilang sambahayan.
Ang mga Pari sa Jerusalem
10 Sa pangkat naman ng mga pari ay kabilang sina Jedaias, Joiarib at Jaquin. 11 Si Azarias na anak ni Hilkias ang pinakapuno sa Templo. Ang mga ninuno niya'y sina Zadok, Meraiot at Ahitob. 12 Kasama rin si Adaya na anak ni Jeroham at apo ni Pashur na anak ni Malquias. Anak ni Malquias si Masai at apo ni Adiel. Ito'y anak ni Jazera na anak ni Mesulam na anak ni Mesilemit na anak ni Imer. 13 Ang mga ito'y pinuno ng kani-kanilang sambahayan, pawang may kakayahan sa paglilingkod sa Templo at ang bilang nila ay umaabot sa 1,760.
Ang mga Levita sa Jerusalem
14 Ito naman ang listahan ng mga Levita: sa angkan ni Merari ay si Semaya na anak ni Hasub at apo ni Azrikam na anak naman ni Hashabias. 15 Kabilang din sina Bacbacar, Heres at Galal. Si Matanias ay anak ni Mica na anak ni Zicri na mula sa angkan ni Asaf.
16 Sa angkan ni Jeduthun ay kabilang si Obadias na anak ni Semaya at apo ni Galal, at si Berequias na anak ni Asa at apo ni Elkana. Sa mga nayon ng Netofa sila naninirahan.
Ang mga Bantay sa Templo na Nanirahan sa Jerusalem
17 Ang mga bantay sa pinto ng Templo ay sina Sallum, Akub, Talmon at Ahiman. Ang pinuno nila ay si Sallum. 18 Sila ang bantay sa pintong-pasukan ng hari sa gawing silangan ng Templo at dating bantay sa kampo ng mga anak ni Levi. 19 Si Sallum ay anak ni Korah at apo ni Ebiasaf na anak ni Korah. Kasama nila ang iba pang mula sa angkan ni Korah. Sila ang nakakaalam sa pagpasok sa Templo, gaya ng kanilang mga ninuno noong sila pa ang namahala sa kampo. 20 Si Finehas na anak ni Eleazar ang tagapamahala nila noon, at pinapatnubayan siya ni Yahweh. 21 Si Zacarias na anak ni Meselemias ang bantay-pinto sa Toldang Tipanan. 22 Ang lahat ng bantay-pinto ay umaabot sa 212. Sila'y kabilang sa listahan ng kani-kanilang nayon. Si David at ang propetang si Samuel ang naglagay sa kanila sa tungkuling ito sapagkat sila'y mapagkakatiwalaan. 23 Sila at ang kanilang mga anak ang naging bantay sa pinto ng Templo. 24 Sa apat na panig nito, sa silangan, sa kanluran, sa hilaga at sa timog ay may mga bantay. 25 Ang mga kamag-anak nila sa mga nayon sa paligid ay dumarating doon tuwing ikapitong araw upang makatulong nila. 26 Kailangan nilang gawin ito sapagkat ang apat na Levitang bantay doon ay namamahala rin sa mga silid at kayamanang nasa Templo. 27 Doon na sila natutulog sa Templo, sapagkat sa kanila ipinagkatiwala ang pangangalaga at pagbabantay niyon. Sila rin ang nagbubukas ng Templo tuwing umaga.
28 Ang iba sa kanila'y tagapangalaga ng mga kagamitan sa paglilingkod, sapagkat kailangang bilangin nila iyon tuwing gagamitin at ibabalik sa lalagyan. 29 Ang iba nama'y nangangalaga ng mga kasangkapan, ang iba naman ay sa mga kagamitan sa paglilingkod, tulad ng pinong harina, alak, langis, insenso at mga pabango. 30 At ang iba pa ang taga-timpla ng mga pabango. 31 Isa sa mga Levita na mula sa angkan ni Korah, si Matitias na panganay ni Sallum ang tagagawa ng manipis na tinapay. 32 May ilan pang mula sa angkan ni Kohat ang tagaayos naman sa mga tinapay na handog tuwing Araw ng Pamamahinga.
33 Ito ang mga pinuno ng mga sambahayang Levita na umaawit at doon na rin tumitira sa mga silid sa Templo. Wala silang ibang gawain, sapagkat kailangang gampanan nila ang kanilang tungkulin araw-gabi. 34 Sila'y mga pinuno ng mga sambahayang Levita ayon sa angkan at sila'y sa Jerusalem naninirahan.
Ang mga Ninuno at Angkan ni Haring Saul(O)
35 Doon din tumitira si Jelhiel, ang nagtatag ng bayan ng Gibeon. Ang asawa niya'y si Maaca. 36 Ang mga anak nila'y sina Abdon, Zur, Kish, Baal, Ner, Nadab, 37 Gedor, Ahio, Zacarias at Miclot. 38 Si Miclot ang ama ni Simeam at ng iba pang kamag-anak nilang nakatira sa tapat ng Jerusalem. 39 Si Ner ang ama ni Kish na ama naman ni Saul. Si Saul ang ama nina Jonatan, Melquisua, Abinadab at Esbaal. 40 Ang anak ni Jonatan ay si Merib-baal na ama naman ni Mica. 41 Ang mga anak ni Mica ay sina Piton, Melec, Tarea at Ahaz. 42 Si Ahaz ang ama ni Jara, at si Jara naman ang ama nina Alemet, Azmavet at Zimri. Si Zimri ang ama ni Moza, 43 at si Moza naman ang ama ni Binea na ama nina Refaya, Elasa at Azel. 44 Ang mga anak ni Azel ay sina Azrikam, Bocru, Ismael, Seraya, Obadias at Hanan.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.