Add parallel Print Page Options

29 Si Jeiel ang nagtatag ng bayan ng Gibeon at doon siya nanirahan. Ang asawa niya'y si Maaca. 30 Ang panganay nilang anak ay si Abdon at ang sumunod ay sina Sur, Kish, Baal, Nadab, 31 Gedor, Ahio, Zequer 32 at Miclot, ama ni Simea. Sila'y nanirahang kasama ng kanilang mga kamag-anak sa Jerusalem, katapat ng iba nilang angkan.

Ang Angkan ni Haring Saul

33 Si Ner naman ang ama ni Kish na ama ni Saul. Anak ni Saul sina Jonatan, Melquisua, Abinadab at Esbaal. 34 Ang anak ni Jonatan ay si Merib-baal na ama naman ni Mica. 35 Ang mga anak ni Mica ay sina Piton, Melec, Tarea at Ahaz. 36 Anak ni Ahaz si Joada at mga anak naman nito sina Alemet, Azmavet at Zimri, na ama naman ni Moza. 37 Anak ni Moza si Binea na ama nina Rafa, Elasa at Azel. 38 Anim ang anak ni Azel, sina Azrikam, Bocru, Ismael, Searias, Obadias at Hanan.

Read full chapter