Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
6 Tinanong nga siya nila nang sila'y nangagkakatipon, na nangagsasabi, Panginoon, (A)isasauli mo baga ang kaharian sa Israel sa panahong ito?
7 At sinabi niya sa kanila, (B)Hindi ukol sa inyo ang pagkaalam ng mga panahon o ng mga bahagi ng panahon, na itinakda ng Ama sa kaniyang sariling kapamahalaan.
8 Datapuwa't tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo'y magiging mga (C)saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at (D)Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.
9 At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, nang siya'y tinitingnan nila, (E)ay dinala siya sa itaas; at siya'y tinanggap ng isang alapaap at ikinubli sa kanilang mga paningin.
10 At samantalang tinititigan nila ang langit habang siya'y lumalayo, narito may dalawang (F)lalaking nangakatayo sa tabi nila (G)na may puting damit;
11 Na nangagsabi naman, Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo'y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong (H)gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit.
12 Nang magkagayon ay (I)nangagbalik sila sa Jerusalem buhat sa tinatawag na bundok ng mga Olivo, na malapit sa Jerusalem, (J)na isang araw ng sabbath lakarin.
13 At nang sila'y magsipasok sa bayan, ay nagsiakyat sila (K)sa silid sa itaas, na kinatitirahan nila; ni (L)Pedro at ni Juan at ni Santiago at ni Andres, ni Felipe at ni Tomas, ni Bartolome at ni Mateo, ni Santiago na anak ni Alfeo, at ni Simong Masikap, at ni Judas na anak ni Santiago.
14 Ang lahat ng mga ito'y (M)nagsisipanatiling matibay na (N)nangagkakaisa sa pananalangin (O)na kasama ang mga babae, at si Maria na ina ni Jesus, at pati ng mga kapatid (P)niya.
Sa Pangulong Manunugtog. Salmo ni David, Awit.
68 Bumangon nawa ang (A)Dios, mangalat ang kaniyang mga kaaway;
Sila namang nangagtatanim sa kaniya ay magsitakas sa harap niya.
2 (B)Kung paanong napaparam ang usok ay gayon nangapaparam sila.
(C)Kung paanong natutunaw ang pagkit sa harap ng apoy,
Gayon mamatay ang masama sa harapan ng Dios.
3 Nguni't mangatuwa (D)ang matuwid; mangagalak sila sa harap ng Dios:
Oo, mangagalak sila ng kasayahan.
4 Kayo'y magsiawit sa Dios, kayo'y magsiawit ng kapurihan sa kaniyang pangalan:
(E)Ipaghanda ninyo ng maluwang na lansangan siya na nangangabayo sa mga ilang;
(F)Ang kaniyang pangalan ay JAH; at mangagalak kayo sa harap niya.
5 (G)Ama ng mga ulila, at hukom ng mga babaing bao,
Ang Dios sa kaniyang banal na tahanan.
6 Pinapagmamaganak (H)ng Dios ang mga nagiisa:
(I)Kaniyang inilalabas sa kaginhawahan ang mga bilanggo:
Nguni't (J)ang mga mapanghimagsik ay magsisitahan sa tuyong lupa.
7 Oh Dios, (K)nang ikaw ay lumabas sa harap ng iyong bayan,
Nang ikaw ay lumakad sa ilang; (Selah)
8 (L)Ang lupa ay nayanig,
Ang mga langit naman ay tumulo sa harapan ng Dios:
Ang (M)Sinai na yaon ay nayanig sa harapan ng Dios, ng Dios ng Israel.
9 Ikaw, Oh Dios, naglagpak ng saganang ulan,
Iyong pinatibay ang iyong mana, noong ito'y mahina.
10 Ang iyong kapisanan ay tumahan doon:
Ikaw, Oh Dios, ipinaghanda mo ng iyong kabutihan ang dukha.
32 Magsiawit kayo sa Dios, kayong mga kaharian sa lupa;
Oh magsiawit kayo ng mga pagpuri sa Panginoon.
33 Sa kaniya na (A)sumasakay sa langit ng mga langit, na noon pang una:
Narito, binibigkas niya ang kaniyang tinig, na makapangyarihang tinig,
34 Inyong isa Dios ang kalakasan:
Ang kaniyang karilagan ay nasa Israel,
At ang kaniyang kalakasan ay nasa mga langit.
35 Oh Dios, ikaw ay (B)kakilakilabot mula sa iyong mga dakong banal:
Ang Dios ng Israel, ay nagbibigay ng kalakasan at kapangyarihan sa kaniyang bayan.
Purihin ang Panginoon.
12 Mga minamahal, huwag kayong mangagtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok sa inyo, na dumarating sa inyo upang kayo'y (A)subukin, na waring ang nangyayari sa inyo'y di karaniwang bagay:
13 Kundi kayo'y mangagalak, (B)sapagka't (C)kayo'y mga karamay sa mga hirap ni Cristo; (D)upang sa pagkahayag ng kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na galak.
14 Kung kayo'y mapintasan (E)dahil sa pangalan ni Cristo, ay mapapalad kayo; sapagka't ang Espiritu ng kaluwalhatian at ang Espiritu ng Dios ay nagpapahingalay sa inyo.
6 Kaya't kayo'y mangagpakababa (A)sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Dios, upang kayo'y kaniyang itaas sa kapanahunan;
7 Na inyong ilagak sa kaniya (B)ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagka't kayo'y ipinagmamalasakit niya.
8 Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban (C)na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya:
9 Na siya'y labanan ninyong matatag sa inyong pananampalataya, (D)yamang inyong nalalaman na ang mga gayong hirap ay nagaganap sa inyong mga kapatid na nangasa sanglibutan.
10 At ang Dios ng buong biyaya (E)na sa inyo'y tumawag sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, pagkatapos na kayo'y makapagbatang sangdaling panahon, ay siya rin ang magpapasakdal, magpapatibay, at magpapalakas (F)sa inyo.
11 Sumasakaniya nawa (G)ang paghahari magpakailan man. Siya nawa.
17 Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; (A)at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; (B)luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:
2 Gaya ng ibinigay mo (C)sa kaniya ang kapamahalaan sa lahat ng laman, upang bigyan niya ng buhay na walang hanggan (D)ang lahat ng ibinigay mo sa kaniya.
3 At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang (E)Dios na tunay, (F)at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.
4 Niluwalhati (G)kita sa lupa, (H)pagkaganap ko ng gawa na ipinagawa mo sa akin.
5 At ngayon, Ama, (I)luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang (J)aking tinamo sa iyo (K)bago ang sanglibutan ay naging gayon.
6 Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga tao (L)na ibinigay mo sa akin mula sa sanglibutan: sila'y iyo, at sila'y ibinigay mo sa akin; at (M)tinupad nila ang iyong salita.
7 Ngayon ay (N)nangakilala nila na ang lahat ng mga bagay na sa akin ay ibinigay mo ay mula sa iyo:
8 Sapagka't ang mga salitang sa akin ay ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; at kanilang tinanggap, at nangakilala nilang tunay na nagbuhat ako sa iyo, at nagsipaniwalang ikaw ang nagsugo sa akin.
9 (O)Idinadalangin ko sila: (P)hindi ang sanglibutan ang idinadalangin ko, kundi yaong mga sa akin ay ibinigay mo; (Q)sapagka't sila'y iyo:
10 At ang lahat ng mga bagay ay iyo, at ang mga iyo ay akin: at ako'y lumuluwalhati sa kanila.
11 At wala na ako sa sanglibutan, at ang mga ito ay nasa sanglibutan, at ako'y paririyan sa iyo. Amang Banal, ingatan mo sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin, (R)upang sila'y maging isa, (S)na gaya naman natin.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978