Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 93

Ang karangalan ng Panginoon.

93 Ang Panginoon ay (A)naghahari; (B)siya'y nananamit ng karilagan;
Ang Panginoon ay nananamit ng kalakasan; (C)siya'y nagbigkis niyaon:
Ang sanglibutan naman ay (D)natatag, na hindi mababago.
(E)Ang luklukan mo'y natatag ng una:
Ikaw ay mula sa walang pasimula.
Ang mga baha ay nagtaas, Oh Panginoon,
Ang mga baha ay nagtaas ng kanilang hugong;
Ang mga baha ay nagtaas ng kanilang mga alon.
Ng higit sa mga hugong ng maraming tubig,
Malalakas na hampas ng alon sa dagat,
(F)Ang Panginoon sa itaas ay makapangyarihan.
Ang iyong mga patotoo ay totoong tunay:
Ang kabanalan ay nararapat sa iyong bahay,
Oh Panginoon, magpakailan man.

2 Mga Hari 2:13-15

13 Kinuha rin niya ang balabal ni Elias na nahulog sa kaniya, at siya'y bumalik, at tumayo sa tabi ng pangpang ng Jordan.

14 At kaniyang kinuha ang balabal ni Elias na nahulog sa kaniya, at hinampas ang tubig, at sinabi, Saan nandoon ang Panginoon, ang Dios ni Elias? at nang kaniyang mahampas naman ang tubig, ay (A)nahawi dito at doon: at si Eliseo ay tumawid.

Si Elias ay hinanap nguni't hindi nakita.

15 At nang makita siya ng mga anak ng mga propeta (B)na nangasa Jerico sa tapat niya, ay kanilang sinabi, Ang diwa ni Elias ay sumasa kay Eliseo. At sila'y nagsiyaon na sinalubong siya, at sila'y nangagpatirapa sa lupa sa harap niya.

Juan 8:21-30

21 Muli ngang sinabi niya sa kanila, Yayaon ako, at (A)ako'y inyong hahanapin, at mangamamatay kayo sa inyong kasalanan: sa aking paroroonan, ay hindi kayo mangakaparoroon.

22 Sinabi nga ng mga Judio, Siya kaya'y (B)magpapakamatay, sapagka't kaniyang sinabi, Sa aking paroroonan, ay hindi kayo mangakaparoroon.

23 At sa kanila'y kaniyang sinabi, (C)Kayo'y mga taga ibaba; (D)ako'y taga itaas: kayo'y mga taga sanglibutang ito; (E)ako'y hindi taga sanglibutang ito.

24 Sinabi ko nga sa inyo, na kayo'y mangamamatay sa inyong mga kasalanan: sapagka't malibang kayo'y magsisampalataya na ako nga ang Cristo, ay mangamamatay kayo sa inyong mga kasalanan.

25 Sa kaniya nga'y kanilang sinabi, Sino ka baga? Sinabi sa kanila ni Jesus, Siya rin na sinalita ko sa inyo mula pa nang una.

26 Mayroon akong maraming bagay na sasalitain at hahatulan tungkol sa inyo: gayon pa man (F)ang nagsugo sa akin ay totoo; at ang mga bagay na sa kaniya'y aking narinig, ang mga ito ang sinasalita ko sa sanglibutan.

27 Hindi nila napagunawa na tungkol sa Ama ang kaniyang sinasalita sa kanila.

28 Sinabi nga ni Jesus, (G)Kung maitaas na ninyo ang Anak ng tao, saka ninyo makikilala na ako nga ang Cristo, at (H)wala akong ginagawa sa aking sarili, kundi sinalita ko ang mga bagay na ito, (I)ayon sa itinuro sa akin ng Ama.

29 At ang nagsugo sa akin ay sumasa akin; (J)hindi niya ako binayaang nagiisa; (K)sapagka't ginagawa kong lagi ang mga bagay na sa kaniya'y nakalulugod.

30 Samantalang sinasalita niya ang mga bagay na ito, ay (L)maraming nagsisampalataya sa kaniya.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978