Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang kaluwalhatian ng Panginoon at ang karangalan ng tao. Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ni David.
8 Oh Panginoon, aming Panginoon,
(A)Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!
(B)Na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit.
2 (C)Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan,
Dahil sa iyong mga kaaway,
Upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti.
3 (D)Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri,
Ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos;
4 (E)Ano ang tao upang iyong alalahanin siya?
At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya?
5 Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios,
At pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan.
6 (F)Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay;
(G)Iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa:
7 Lahat na tupa at baka,
Oo, at ang mga hayop sa parang;
8 Ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat,
Anomang nagdaraan sa mga kalaliman ng mga dagat.
9 (H)Oh Panginoon, aming Panginoon,
Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!
22 Pumasok ka ba sa mga (A)tipunan ng nieve,
O nakita mo ba ang mga tipunan ng granizo,
23 Na (B)aking itinaan laban sa panahon ng kabagabagan,
Laban sa kaarawan ng pagbabaka at pagdidigma?
24 Sa aling daan naghiwalay ang liwanag.
O sa hanging silanganan na lumalaganap sa ibabaw ng lupa?
25 Sinong humukay ng bangbang sa mga bugso ng tubig,
O ng daanan ng kidlat ng kulog;
26 Upang magpaulan sa lupa, na hindi tinatahanan ng tao.
Sa ilang na doon ay walang tao.
27 (C)Upang busugin ang giba at sirang lupa;
At upang pasibulin ang sariwang damo?
28 (D)May ama ba ang ulan?
O sinong nanganak sa mga patak ng hamog?
29 Sa kaninong bahay-bata nagmula ang hielo?
At (E)ang escarcha sa himpapawid, ay ipinanganak nino?
30 Ang mga (F)tubig ay nakukubling gaya ng bato,
At ang ibabaw ng kalaliman ay namumuno.
31 Matatalian mo ba ang pagkakaumpukan ng mga bituin na (G)Pleyade,
O (H)makakalagan ang tali ng mga bituin na Orion?
32 Mailalabas mo ba ang mga bituin na mga tanda ng Zodiaco sa kanilang kapanahunan?
O mapapatnubayan mo ba ang (I)Oso na kasama ng kaniyang mga anak?
33 Nalalaman mo ba (J)ang mga alituntunin ng langit?
Maitatatag mo ba ang kapangyarihan niyaon sa lupa?
34 Mailalakas mo ba ang iyong tinig hanggang sa mga alapaap,
Upang takpan ka ng saganang tubig?
35 Makapagsusugo ka ba ng mga kidlat, upang magsiyaon,
At magsabi sa iyo: Nangarito kami?
36 Sinong naglagay ng karunungan sa (K)mga pinakaloob na bahagi?
O sinong nagbigay ng kaalaman sa pagiisip?
37 Sinong makabibilang ng mga alapaap sa pamamagitan ng karunungan?
O sinong makatutuyo ng mga botelya ng langit,
38 Pagka ang alabok ay napuputik,
At ang mga bugal ay nanganinikit na maigi?
15 Kung ako'y inyong iniibig, (A)ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.
16 At ako'y dadalangin sa Ama, at (B)kayo'y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw, upang siyang suma inyo magpakailan man,
17 Sa makatuwid baga'y ang Espiritu (C)ng katotohanan: (D)na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagka't hindi nito siya nakikita, ni nakikilala man siya: siya'y nakikilala ninyo; sapagka't siya'y tumatahan sa inyo, at sasa inyo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978