Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang karangalan ng Panginoon.
93 Ang Panginoon ay (A)naghahari; (B)siya'y nananamit ng karilagan;
Ang Panginoon ay nananamit ng kalakasan; (C)siya'y nagbigkis niyaon:
Ang sanglibutan naman ay (D)natatag, na hindi mababago.
2 (E)Ang luklukan mo'y natatag ng una:
Ikaw ay mula sa walang pasimula.
3 Ang mga baha ay nagtaas, Oh Panginoon,
Ang mga baha ay nagtaas ng kanilang hugong;
Ang mga baha ay nagtaas ng kanilang mga alon.
4 Ng higit sa mga hugong ng maraming tubig,
Malalakas na hampas ng alon sa dagat,
(F)Ang Panginoon sa itaas ay makapangyarihan.
5 Ang iyong mga patotoo ay totoong tunay:
Ang kabanalan ay nararapat sa iyong bahay,
Oh Panginoon, magpakailan man.
Katapusang bilin ni Moises.
31 At si Moises ay yumaon at sinalita ang mga salitang ito sa buong Israel.
2 At kaniyang sinabi sa kanila, (A)Ako'y may isang daan at dalawang pung taon sa araw na ito; hindi na ako makapaglalabas at pumasok; at sinabi ng Panginoon sa akin, (B)Huwag kang tatawid sa Jordang ito.
3 Magpapauna (C)ang Panginoon mong Dios at kaniyang lilipulin ang mga bansang ito sa harap mo, at iyong aariin: si Josue ay magpapauna sa iyo, (D)gaya ng sinalita ng Panginoon.
4 At gagawin sa kanila ng Panginoon ang (E)gaya ng ginawa kay Sehon, at kay Og, na mga hari ng mga Amorrheo, at sa kanilang lupain na kaniyang nilipol.
5 (F)At ibibigay sila ng Panginoon sa harap mo, at iyong gagawin sa kanila ang ayon sa buong utos na aking iniutos sa iyo.
6 (G)Kayo'y magpakalakas at magpakatapang, huwag kayong (H)matakot, ni mangilabot sa kanila; sapagka't ang Panginoon mong Dios (I)ay siyang yumayaong kasama mo; (J)hindi ka niya iiwan ni pababayaan ka niya.
7 At tinawag ni Moises si Josue at sinabi sa kaniya sa paningin ng buong Israel, Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang: sapagka't ikaw ay yayaong kasama ng bayang ito sa lupain na isinumpa ng Panginoon sa kanilang mga magulang na ibibigay sa kanila; at iyong ipamamana sa kanila.
8 At ang Panginoon, (K)ay siyang nagpapauna sa iyo; siya'y sasa iyo, hindi ka niya iiwan, ni pababayaan ka: ikaw ay huwag matatakot ni manglulupaypay.
Ang batas ay ibinigay sa mga saserdote; at inilagay sa tabi ng kaban ng tipan.
9 At isinulat ni Moises ang kautusang ito, (L)at ibinigay sa mga saserdote na mga anak ni Levi, (M)na silang nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon, at sa lahat ng matanda sa Israel.
10 At iniutos sa kanila ni Moises, na sinabi, Sa katapusan ng bawa't pitong taon, (N)sa takdang panahon ng taon ng pagtubos, (O)sa kapistahan ng mga balag,
11 Pagdating ng buong Israel upang (P)pakita sa harap ng Panginoon mong Dios sa dakong kaniyang pipiliin ay (Q)iyong babasahin ang kautusang ito sa harap ng buong Israel sa kanilang pakinig.
12 (R)Pisanin mo ang bayan, ang mga lalake at mga babae at mga bata, at ang iyong taga ibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, upang kanilang marinig, at upang kanilang pagaralan, at matakot sa Panginoon mong Dios, at isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito;
13 At upang ang kanilang mga anak, (S)na hindi nakakilala, ay (T)makarinig at magaral na matakot sa Panginoon ninyong Dios, habang kayo'y nabubuhay sa lupain na inyong pinaroroonan, na inyong itinatawid ng Jordan upang ariin.
16 Sangdali na lamang, (A)at ako'y hindi na ninyo makikita; at muling sandali pa, at ako'y inyong makikita.
17 Ang ilan sa kaniyang mga alagad nga ay nangagsangusapan, Ano itong sinasabi niya sa atin, Sangdali na lamang, at ako'y hindi na ninyo makikita; at muling sangdali pa, at ako'y inyong makikita: at, Sapagka't ako'y paroroon sa Ama?
18 Sinabi nga nila, Ano nga itong sinasabi niya, Sangdali na lamang? Hindi namin nalalaman kung ano ang sinasabi niya.
19 Natalastas ni Jesus na sa kaniya'y ibig nilang itanong, at sa kanila'y sinabi niya, Nangagtatanungan kayo tungkol dito sa aking sinabi, Sangdali na lamang, at ako'y hindi na ninyo makikita, at muling sangdali pa, at ako'y inyong makikita?
20 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kayo'y magsisiiyak at magsisipanaghoy, datapuwa't ang sanglibutan ay magagalak: kayo'y mangalulumbay, datapuwa't (B)ang inyong kalumbayan ay magiging kagalakan.
21 Ang babae pagka nanganganak (C)ay nalulumbay, sapagka't dumating ang kaniyang oras: nguni't pagkapanganak niya sa sanggol, ay hindi na niya naalaala ang hirap dahil sa kagalakan sa pagkapanganak sa isang tao sa sanglibutan.
22 At kayo nga sa ngayon ay may kalumbayan: nguni't muli ko kayong makikita, at magagalak ang inyong puso, at walang makapagaalis sa inyo ng inyong kagalakan.
23 (D)At sa araw na yaon ay hindi kayo magtatanong sa akin ng anomang tanong. (E)Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung kayo'y hihingi ng anoman sa Ama, ay ibibigay niya sa inyo sa aking pangalan.
24 Hanggang ngayo'y wala pa kayong hinihinging anoman sa pangalan ko: kayo'y magsihingi, at kayo'y tatanggap, (F)upang malubos ang inyong kagalakan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978