Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
12 (A)Mapalad ang bansa na ang Dios ay ang Panginoon;
Ang bayan na kaniyang pinili sa ganang kaniyang sariling mana.
13 Ang Panginoon ay tumitingin mula sa langit;
Kaniyang minamasdan ang lahat na anak ng mga tao;
14 Mula sa dakong kaniyang tahanan ay tumitingin siya
Sa lahat na nangananahan sa lupa;
15 Siyang naghuhugis ng mga puso nilang lahat,
Na nagmamasid sa lahat nilang mga gawa.
16 (B)Walang hari na nakaliligtas sa pamamagitan ng karamihan ng hukbo:
Ang makapangyarihang tao ay hindi naliligtas sa pamamagitan ng malaking kalakasan.
17 Ang kabayo ay (C)walang kabuluhang bagay sa pagliligtas:
Ni hindi niya iniligtas ang sinoman sa pamamagitan ng kaniyang malaking kalakasan;
18 (D)Narito, ang mata ng Panginoon ay nasa kanila na nangatatakot sa kaniya,
Sa kanila na nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob;
19 Upang iligtas ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan,
At (E)upang ingatan silang buháy sa kagutom.
20 Hinintay ng aming kaluluwa ang Panginoon:
(F)Siya'y aming saklolo at aming kalasag.
21 Sapagka't ang aming puso ay magagalak (G)sa kaniya,
Sapagka't kami ay nagsitiwala sa kaniyang banal na pangalan.
22 Sumaamin nawa ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon,
Ayon sa aming pagasa sa iyo.
Ibinigay ang sangpung utos.
20 (A)At sinalita ng Dios ang lahat ng salitang ito, na sinasabi,
2 (B)Ako ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin.
3 (C)Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.
4 (D)Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:
5 Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na (E)mapanibughuin, (F)na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;
6 (G)At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.
7 (H)Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan; sapagka't hindi aariin ng Panginoong walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan.
8 (I)Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin.
9 (J)Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain.
10 Nguni't ang ikapitong araw ay sabbath sa Panginoon mong Dios: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae, ni ang iyong aliping lalake ni babae, (K)ni ang iyong baka, ni ang iyong tagaibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan:
11 Sapagka't (L)sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; na ano pa't pinagpala ng Panginoon ang araw ng sabbath, at pinakabanal.
12 (M)Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.
13 (N)Huwag kang papatay.
14 (O)Huwag kang mangangalunya.
15 Huwag kang magnanakaw.
16 (P)Huwag kang magbibintang sa iyong kapuwa.
17 (Q)Huwag mong iimbutin ang bahay ng iyong kapuwa, (R)huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapuwa, ni ang kaniyang aliping lalake o babae, ni ang kaniyang baka, ni ang kaniyang asno, ni anomang bagay ng iyong kapuwa.
Ang mga tao ay natakot.
18 At nakikita ng buong bayan ang mga kulog, at ang mga kidlat, at ang tunog ng pakakak at ang bundok na (S)umuusok: at nang makita ng bayan, ay nanginig sila, at tumayo sa malayo.
19 At sinabi nila kay Moises, (T)Magsalita ka sa amin, at aming didinggin: datapuwa't (U)huwag magsalita ang Dios sa amin, baka kami ay mamatay.
20 At sinabi ni Moises sa bayan, (V)Huwag kayong matakot: sapagka't ang Dios ay naparito (W)upang subukin kayo, (X)at upang ang takot sa kaniya ay sumainyo, upang huwag kayong magkasala.
21 At ang bayan ay tumayo sa malayo, at si Moises ay lumapit (Y)sa salimuot na kadiliman na kinaroroonan ng Dios.
5 At pagkakita sa mga karamihan, ay umahon siya sa (A)bundok: at pagkaupo niya, ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad:
2 At binuka niya ang kaniyang bibig at tinuruan sila, na sinasabi,
3 (B)Mapapalad ang mga (C)mapagpakumbabang-loob: (D)sapagka't kanila ang kaharian ng langit.
4 Mapapalad ang (E)nangahahapis: sapagka't sila'y aaliwin.
5 Mapapalad ang maaamo: sapagka't (F)mamanahin nila ang lupa.
6 Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka't sila'y bubusugin.
7 Mapapalad ang mga mahabagin: sapagka't sila'y kahahabagan.
8 Mapapalad ang mga may (G)malinis na puso: sapagka't makikita nila ang Dios.
9 Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagka't sila'y tatawaging mga anak ng Dios.
10 Mapapalad (H)ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.
11 Mapapalad kayo pagka kayo'y inaalimura, at kayo'y pinaguusig, at kayo'y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin.
12 Mangagalak kayo, at mangagsayang totoo: sapagka't malaki ang ganti sa inyo sa langit: sapagka't gayon din ang (I)kanilang pagkausig sa mga propeta na nangauna sa inyo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978