Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 8

Ang kaluwalhatian ng Panginoon at ang karangalan ng tao. Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ni David.

Oh Panginoon, aming Panginoon,
(A)Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!
(B)Na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit.
(C)Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan,
Dahil sa iyong mga kaaway,
Upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti.
(D)Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri,
Ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos;
(E)Ano ang tao upang iyong alalahanin siya?
At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya?
Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios,
At pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan.
(F)Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay;
(G)Iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa:
Lahat na tupa at baka,
Oo, at ang mga hayop sa parang;
Ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat,
Anomang nagdaraan sa mga kalaliman ng mga dagat.
(H)Oh Panginoon, aming Panginoon,
Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!

Job 38:12-21

12 (A)Nagutos ka ba sa umaga mula sa iyong mga kaarawan,
At ipinabatid mo ba sa bukang liwayway ang kaniyang dako;
13 Upang humawak sa mga wakas ng lupa,
At ang masasama ay maugoy doon?
14 Nababagong parang putik sa ilalim ng tatak;
At lahat ng mga bagay ay nagiging gaya ng bihisan:
15 At sa masama ay inalis (B)ang kanilang liwanag,
At (C)ang mataas na kamay ay mababali.
16 Pumasok ka ba sa mga bukal ng dagat?
O lumakad ka ba sa mga landas ng kalaliman?
17 Nangahayag ba sa iyo (D)ang mga pintuan ng kamatayan?
O nakita mo ba ang mga pinto ng anino ng kamatayan?
18 Iyo bang nabatid ang kaluwangan ng lupa?
Ipahayag mo, kung iyong nalalamang lahat.
19 Saan nandoon ang daan na patungo sa tahanan ng liwanag,
At tungkol sa kadiliman, saan nandoon ang dako niyaon;
20 Upang iyong madala sa hangganan niyaon,
At upang iyong gunitain ang mga landas hanggang sa bahay niyaon?
21 Marahil nalalaman mo, sapagka't ikaw nga'y ipinanganak noon,
At ang bilang ng iyong mga kaarawan ay marami!

2 Timoteo 1:12-14

12 Dahil dito'y nagtiis (A)din ako ng mga bagay na ito: gayon ma'y (B)hindi ako nahihiya; (C)sapagka't nakikilala ko yaong aking sinampalatayanan, at lubos akong naniniwalang siya'y makapagiingat ng aking ipinagkatiwala sa kaniya (D)hanggang sa araw na yaon.

13 Ingatan mo (E)ang mga ulirang mga salitang (F)magagaling (G)na narinig mo sa akin, (H)sa pananampalataya at pagibig na nasa kay Cristo Jesus.

14 Yaong mabuting bagay na ipinagkatiwala sa iyo ay ingatan mo sa pamamagitan ng Espiritu Santo (I)na nananahan sa atin.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978