Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Dalangin ng nagdadalamhati, nang nanglulupaypay, at ibinubugso ang kaniyang daing sa harap ng Panginoon.
102 Dinggin mo ang dalangin ko, Oh Panginoon,
At dumating nawa ang daing ko sa iyo.
2 (A)Huwag mong ikubli ang mukha mo sa akin sa kaarawan ng aking kahirapan:
(B)Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin;
Sa araw na ako'y tumawag, ay sagutin mo akong madali.
3 (C)Sapagka't ang mga kaarawan ko'y nangapapawi na parang usok,
At (D)ang mga buto ko'y nangasusunog na parang panggatong.
4 Ang puso ko'y nasaktan na parang damo, at (E)natuyo;
Sapagka't (F)nalimutan kong kanin ang aking tinapay.
5 Dahil sa tinig ng aking daing
Ang mga buto ko'y nagsisidikit sa aking laman.
6 Ako'y parang pelikano sa ilang;
Ako'y naging parang kuwago sa kaparangan.
7 Ako'y umaabang, at ako'y naging parang maya
Na nagiisa sa bubungan.
8 Dinudusta ako ng aking mga kaaway buong araw;
Silang nangauulol laban sa akin ay nagsisisumpa sa akin.
9 Sapagka't kinain ko ang mga abo na parang tinapay,
At hinaluan ko ang (G)aking inumin ng iyak.
10 Dahil sa iyong galit at iyong poot:
Sapagka't ako'y iyong itinaas, at inihagis.
11 (H)Ang aking mga kaarawan ay parang lilim na kumikiling;
At ako'y natuyo na parang damo.
12 Nguni't (I)ikaw, Oh Panginoon, ay mamamalagi magpakailan man;
At (J)ang alaala sa iyo ay sa lahat ng sali't saling lahi.
13 Ikaw ay babangon at (K)maaawa sa Sion:
Sapagka't kapanahunan ng pagkaawa sa kaniya,
Oo, (L)ang takdang panahon ay dumating.
14 Sapagka't nililigaya ang iyong mga lingkod sa kaniyang mga bato,
At nanghihinayang sa kaniyang alabok.
15 Sa gayo'y katatakutan ng mga bansa ang (M)pangalan ng Panginoon.
At ng lahat ng hari sa lupa ang iyong kaluwalhatian;
16 Sapagka't itinayo ng Panginoon ang Sion,
Siya'y napakita (N)sa kaniyang kaluwalhatian;
17 (O)Kaniyang dininig ang dalangin ng tapon,
At hindi hinamak ang kanilang dalangin.
13 Mapalad ang tao na nakakasumpong ng karunungan,
At ang tao na nagtatamo ng kaunawaan.
14 (A)Sapagka't ang kalakal niya ay maigi kay sa kalakal na pilak,
At ang pakinabang niyaon kay sa dalisay na ginto.
15 Mahalaga nga kay sa mga rubi;
At wala (B)sa mga bagay na mananasa mo sa maihahalintulad sa kaniya,
16 Karamihan ng mga araw ay nasa kanang kamay niya,
Sa kaniyang kaliwang kamay ay (C)mga kayamanan at karangalan.
17 (D)Ang kaniyang mga daan ay mga daan ng kaligayahan,
At lahat niyang mga landas ay kapayapaan.
18 Siya ay (E)punong kahoy ng buhay sa mga nanghahawak sa kaniya:
At mapalad ang bawa't isa na nangamamalagi sa kaniya.
31 Sinabi nga ni Jesus sa mga Judiong yaon na nagsisisampalataya sa kaniya, Kung kayo'y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo'y tunay nga kayong mga alagad ko;
32 At inyong makikilala (A)ang katotohanan, at (B)ang katotohana'y magpapalaya sa inyo.
33 Sa kaniya'y kanilang isinagot, (C)Kami'y binhi ni Abraham, at kailan ma'y hindi pa naging alipin ninomang tao: paanong sinasabi mo, Kayo'y magiging laya?
34 Sinagot sila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, (D)Ang bawa't nagkakasala ay alipin ng kasalanan.
35 At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: (E)ang anak ang nananahan magpakailan man.
36 (F)Kung palayain nga kayo ng Anak, kayo'y magiging tunay na laya.
37 Talastas ko na kayo'y (G)binhi ni Abraham; gayon ma'y pinagsisikapan ninyong ako'y patayin, sapagka't ang salita ko'y hindi magkasiya sa inyo.
38 Sinasalita ko (H)ang mga bagay na aking nakita sa aking Ama: at ginagawa rin ninyo ang mga bagay na inyong narinig sa (I)inyong Ama.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978